Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21

Unexpected things


"Alden..."

Napabangon na lang ako sa pagkakabigla ko. Nakita kong himbing na himbing pa rin na tulog si Anja at ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang kaliwang dibdib ko na hindi tumitigil sa nararamdaman, ewan ko ba kung ano! Kaba o excitement? Hindi kasi ako makapaniwala na may mag-iiwan ng isang rosas sa harap ng unit ko at ang mas lalong hindi ko inaasahan ay kay Alden pa ito galing.

Kay Alden Henderson nga ba o kapangalan lang?

Bumalik ako sa pagkakahiga ko, ang lakas na nga siguro ng tama ko kay Alden kaya ganito na ang nararamdaman ko sa kanya. Halos nakakabaliw din dahil mukhang nasa paligid ko lang din siya, wala akong alam na matagal na pala niya akong minamanmanan. Kung nasaan ka man Alden, please stop this chasing chuchu mo. Gustong gusto na kita makita... matagal na.

Hindi na rin ako nakabalik sa pakakatulog ko kaya pumunta na lang ako nang kusina at kumuha nang mangangata. Kaso wala pa ring epek kaya nag snapchat na lang ako, mga kabaliwan moments ko nilabas ko na pero wala pa ring dumadalaw na antok sa akin. Kinakabahan din ako sa result ng audition kaya sumasabay pa 'yon. Actually, bukas na ilalabas ang result at ilang gabi na rin ako hindi pinapatulog ni Alden.

Lagi na lang si Alden, Alden, Alden... iba na talaga ang tama sa akin ng lalaking 'to.

Dahil kahit anong gawin kong trip, magpakabaliw sa harap ng camera, hindi pa rin ako makabalik sa tulog ko. Si Anja na pinababalik na sa kanila, ayun, nasarapan na mag-stay dito dahil ang dami niya daw nakikita na artista sa paligid, wala naman akong interes kaya hinayaan ko na lang din siya.

Nang pumunta naman ako sa terrace, nagulat ako nang makita ko do'n si Bae. Its almost more than a week na rin nang magsimula kaming mag-usap and there comes a time na hindi na kami nakakapag-usap dahil busy kami sa mga dapat naming gawin.

Nang mapansin naman niya ako, kinawayan niya ako at kumuha siya ng papel at pentel para pansulat.

'It's already 3am, dapat natutulog ka na ah?'

Nagsulat din naman ako, 'Napaginipan ko na naman kasi si Alden kaya ito, gising na gising.' Hagikgik ko pa. Nakuha ko pang humarot ah?

'Really? I hope he had the guts the face you'

Mabilis niya lang iyon pinakita sa akin hindi ko kaagad nabasa kung ano 'yon. Kaasar!

'Ano 'yon? Di ko nabasa eh'

'Oops! Walang bawian! Hahahaha!'

Natahimik naman kami ng ilang saglit. Actually, ang tahimik talaga ng paligid dahil ni isa sa amin ay walang nagsasalita kaya sinimulan ko ulit magsulat.

'Ikaw Bae? Bakit gising ka pa?'

'May pupuntahan kasi ako, actually mamaya paalis na rin ako'

'Oh? Saan naman?'

'Secret! :P'

Ang daya daya talaga ng lalaking 'to! Pa-showbiz pa.

'Ingat ka na lang sa biyahe mo =)'

'Thank you Maine :*'

Ay pakshet! Anong emoticon 'yong sinulat niya? Hindi ko napansin dahil napatitig lang ako sa maganda kong pangalan.

'Oh, by the way, did you passed the audition?'

'Actually, mamaya pa ilalabas ang result'

'It must be nerve cracking! Hahahaha!'

Ay nakuha niya pang tumawa, kaasar.

'I'm so sure you passed on the audition.'

'Naku! Di na ako umaaasa!'

'Crazy girl, balitaan mo ako ha?'

'Oo naman, Bae!'

Ilang saglit lang ay may parang tumawag sa kanya sa loob ng unit dahil napalingon ito sa loob at humarap naman siya at muling nagsulat.

'I need to go now, Maine. And have a good day.'

'Likewise, Bae.'

Kinawayan niya ako kaya kumaway din ako sa kanya. Shocks! Makakatulog na rin ako sa wakas. Tumuloy naman ako sa kwarto at natulog na din, hindi naman naaalis 'yong ngiti ko. Atleast kahit hindi ko makakausap mamayang umaga, I mean sikat na 'yong araw, pinaganda pa rin naman ni Bae ang simula ng araw ko.

****

"Shocks! Late na ako," aligaga akong bumangon sa pagkakahiga ko, tiningnan ko naman si Anja, wala na siya dito. Dali dali naman akong nagpalit ng damit, sinuklay ko ang buhok ko at kinuha ang mga gamit ko. Papunta na sana ako nang cr para umihi muna bago umalis nang biglang lumabas si Anja.

"Papasok ka na?" taka nitong tanong sa akin. Nakapaikot sa kanya ang towel at meron din sa kanyang buhok.

"Oo, ikaw? Bakit naka-ganyan ka pa rin?"

"Tangeks! Ala cinco pa lang!" at binatukan niya ako. Nang balingan ko naman ang orasan at tama si Anja. "Ano bang nangyari sayo?"

"Akala ko late na ako." Singhal ko pa. "Maliligo na ako." Sabi ko sa kanya.

"Oo mabuti 'yon, kaysa naman pumasok ka nang may amoy." Asar pa niya sa akin. "Sige na, bilisan mo na maligo. Nagluto din ako, pacham."

"Pacham? Masarap ba 'yon?"

Kinibit balikat niya lang ako, "ewan ko, nag-try lang ako ng maluluto eh." She grinned.

"Baliw, sige na, maliligo na ako." Irap ko pa sa kanya.

"Gaga kasi, ano ba kasing ginawa mo? Para kang bangag."

Kung alam mo lang, hihihi!

Naligo naman ako, ang haba pa pala ng oras at nagmadali pa ako! Kaasar! Hindi ko naman kasi alam, alas tres na ako natulog and almost two hours din ang pagitan ah. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ulit 'yong damit ko kanina.

"Bakit ka ba natataranta kanina?" taka pa ni Anja.

"Kala ko kasi iniwan mo na ako! Hindi mo kasi ako ginising, kaasar." Irap ko pa sa kanya.

"Weh? 'Yon lang ba dahilan no'n?"

I sighed in defeat, "okay, nagising ako dahil napaginipan ko si Alden."

"Oooh, sign na 'yan."

"Sign?"

"Oo," tango niya pa, "sign na malapit na kayong magkita."

"Chura mo," pinalo ko siya sa ulo niya. "Tara na nga, baka ma-miss pa natin ang announcement eh."

"Oh gosh, ngayon na nga 'yon!"

"Oo nga kaya tara na."

Hinatak ko na rin siya palabas ng unit. Paglabas din namin ng elevator ay nakita ko si Alexander.

"Good morning, Alexander."

Napalingon naman sa akin si Alexander, "hey, morning Maine." At napalingon naman ito sa kasama kong babae na si Anja na tulala ngayon. "h-hello, lady."

"H-h-hell-ooo." Napataas kilay na lang din ako sa sinabi niya.

"I'm sorry Maine, I need to go, may binalikan lang kasi ako sa unit eh." Aniya.

"Okay, sure! Ingat!" ngiti ko pa sa kanya.

Nang makalabas na rin naman siya nang condo at habang naghihintay kaming dalawa ni Anja nang bus, nakatulala lang siya at nang kausapin ko naman. Halos mangisay siya habang niyuyogyog niya ako.

"Meng! Meng! Close kayo!" nahihilo na ako sa ginagawa niya, promise.

"T-teka, chill okay?" natatawa ko pang sabi sa kanya pero hindi pa rin siya humihinahon. Ano bang nangyari sayo An-an? May Makati ba? Chos. "Ano bang nangyayari sayo?"

"S-si! Si Alexander!"

"Oy, kilala mo rin siya?" gulat kong tanong sa kanya.

Mabilis naman niya akong sinang-ayunan, "oo naman, girl! Meng! Huhuhuhu!" nanginginig pa niyang sabi sa akin.

"Oy, wait! Teka lang, huminahon ka muna please?" natatawa ko pang sabi sa kanya dahil nagiging OA na siya. "Ano ngayon meron kay Alexander? Anong big deal sa kanya?"

"Meng, hindi mo alam?" tanong pa niya sa akin.

Umiling ako dahil hindi ko naman siya ma-gets. "Ano ba kasi 'yon?"

"Mamaya sasabihin ko sayo lahat, ngayon, kailangan muna nating pumasok! Yay! Fangirl feels!" lumalayo ako sa kanya dahil mapagkamalan pang may kasama akong baliw.

Ilang saglit lang din naman nang makarating kami ng university. Dumiretsyo kaagad kami sa first subject namin, sinalubong kaagad ako ng mga tanong ng kaklase ko kung nakapasok daw ba ako sa audition, syempre hindi ko alam. Nakita ko ba? Ako ba ang gumawa ng result. Kaloka!

Tahimik lang ako nang nakikinig sa prof namin pero hindi ko maiwasang hindi pag-isipan ng kung ano si Anja dahil kanina pa sa mukha 'yong ngiti na waging wagi. Napapailing na lang din ako sa kanya dahil parang baliw na ngingiti mag-isa. Kaya one time, natawag siya ng prof namin and she was lucky dahil pinagbasa lang siya sa book.

Ano bang meron kay Alexander? Bakit ba ang daming hindi ko alam sa mga taong nakapaligid sa akin? Anong merong hindi ko alam kay Alexander na alam naman ni Anja? Nakakagulo ng isip.

****

"Kinakabahan na ako," hawak ko sa kaliwang dibdib ko. Halos nakikipagkarerahan sa kabayo ang tibok ng puso ko. Nakipag-unahan pa 'yong mga kaklase ko sa bulletin board para malaman 'yong result pero inunahan ko sila na 'wag ako pangunahan sa magiging result. Kung pasok ba o hindi, okay lang din naman kung hindi, atleast napakita ko 'yong talent ko. Talent ko sa pagda-drums.

Habang tinatahak namin 'yong hallway at sa dulo nakita namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante na tinitignan ang result sa audition. Nang mapansin naman ako nang ibang estudyante, maging kaklase ko.

Para akong naghati ng red sea sa paghawi nila nang dumaan ako sa harap nila at pumagilid sila. Huminga ako nang malalim, nakapikit at dahan dahan na minulat ang mata ko at hinahanap ang category ng drummers.

1. Maine Alvarez

Nanlaki ang mga mata ko nang basahin ko ang pangalan ko. Inulit ulit ko pa pero nandoon nga ako at nangunguna pa ang pangalan ko. Halos hindi na magkamayaw ang mga kaklase ko na i-cheer ako kaya ayun, tuwang tuwa ako sa kinalabasan ng result. Napaiyak pa ako dahil hindi ko inaaasahan 'yong support nila sa akin.

Dahil daw nasa top 3 ako, kailangan ko daw silang i-treat pero sabi ko next time na lang if ever na ako 'yong mapili. Umaaasa naman sila, dahil na rin syempre sa libre.

Lakas ng hatak diba?

Umalis na rin naman kami sa kumpulan ng mga tao at nauwi na rin dahil tapos na ang class namin today. Dumaan naman muna kami sa starbucks para i-kwento sa akin ni Anja ang nalalaman niya tungkol kay Alexander.

"Wala ka talagang alam sa kanya?"

Umiling ako, "wala."

Napasapo naman siya sa ulo niya, "Okay, let me start." She clears her throat. "Isa lang naman si Alexander sa mga sikat na models sa ating generation, he's with Richard kaya nga umaaasa na ako baka one time makita ko rin si Richard dito pero hopeless teh!"

"Wait, anong ibigsabihin mo?"

"May kaibigan kang sikat na model."

"Talaga?" Napakunot noo naman sa sinabi niya, "bakit hindi niya sinabi sa akin?"

"Ewan ko sayo, ang manhid mo talaga! Kung hindi mo siguro siya tinawag kanina, hindi ko pa malalaman na close pala kayo!" aniya.

"Ewan ko sayo, An-an." Napailing na lang ako sa kanya.

Napaisip din naman kaagad ako. Bakit hindi naman niya sinabi sa akin na isa pala siyang model? Nakakuha pa sana ako ng free pass sa backstage noon, chos.

Kaya pala laging pinagtatambal ng waiter dito sa starbucks, model pala 'tong si Alexander. Now I know, makausap nga minsan 'yon. Napaka-sikreto ah!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro