Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Chapter 20

From who?


It was such a great feeling nang matapos ko ang piece ko. Napaluha pa ako dahil nag-standing ovation sila, kahit na 'yong mga judges. Syempre dahil tapos na ang auditions, sa akin talaga nila binuhos ang energy nila.

Halos na-overcome ko rin 'yong kaba ko kanina dahil na-enjoy ko lang 'yong pagpalo ko sa drums, damang dama ko rin 'yong energy nila kaya bawing bawi ako eh. At kahit walang practice, palong palo naman dahil ni isa wala akong nakalimutan. Nahiligan ko lang naman ito since I graduated elementary at bago pumasok ng high school, parang naging hobby ko na siya kaya nga sa bahay namin sa province. Nagpabili pa ako ng drum set para may mapaglibangan lang.

Nang bumaba naman ako ng stage ay sinalubong ako ni Anja.

"'Cause you're everywhere to me, and when I close my eyes it's you I see. You're everything I know that make me believe, you're not alone..." kinanta pa ng gaga ang piece na ginamit, at nakakatuwa, nalss na rin siya sa kantang 'yon. niyakap naman niya ako nang makalapit siya sa akin, "naks! Ang galing mo, di ko inakala na parang gamay na gamay mo na talaga 'yong drums! Kulang na lang nakapiring ka!" palo pa niya sa balikat ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, "ikaw lang 'yong maingay na kumakanta eh! 'Yong iba parang wala lang!"

"Baliw! Nagulat sayo, di nila akalain na drums pala sasalihan mo kaya ayun, nang maka-get over sila sa pagkakagulat! Nakipag-sabayan na rin." Aniya. Bigla naman niya akong siniko, "para kanino pala 'yong kantang 'yong?"

"Anong parang kanino?" kunot noo ko pang tanong sa kanya.

"Para kay Alden!"

Agad ko naman siyang binatukan dahil sa sinabi niya, "anong para sa kanya?"

"Wala lang, bagay lang sa piece na ginamit. Feeling ko kasi nandiyan lang siya, minamatyagan ka."

Napakunot noo naman ako sinabi niya at nagpalinga-linga kung totoo nga ba talaga 'yong sinasabi niya nab aka mamaya nandito talaga si Alden, hindi ko lang makilala pero pagtingin ko sa kanya, tinawanan niya lang ako.

"Ano? Hinanap talaga?" tinaasan ko siya ng kilay. "Ang uto uto mo naman Meng! Syempre joke lang 'yon! Ano kilala ko si Alden by face, syempre 'no! Pinapaasa lang kita." Ngisi pa niya.

Napailing na lang ako sa kanya. Binati naman ako ng iba kong mga kaklase ko dahil ang galing ko daw tumugtog ng drums. Akala nila magiging epic fail pa ang mangyayari dahil alam nga nila na hindi ako nag-practice pero napanganga ko daw sila dahil ginawa ko. Nakakaproud lang dahil na-appreciate nila kung anong pinakita ko atleast hindi nasayang 'yong effort ko.

Teka? Nag-effort nga ba ako? Ni hindi nga ako nag-practice eh.

Inannnounce na din ang tungkol sa mga mangyayaring top 3 sa mapipili na auditions at ipo-post na lang daw iyon sa bulletin board for a few days at sasalang daw ulit ang mga nakapasok para isali sa isang Friday night ng university.

"Sana makapasok ka, Meng!" sabi pa ni Anja sa akin.

"Ay naku, 'wag ka nang umasa na makakapasa ako."

Ilang saglit lang din naman, bago kami maguwian ay nagpicture-an muna kaming lahat. Pati 'yong prof ko kanina na nagsilawat para malaman ang audition ko, nakisama na rin. Supportive sila sa akin pero ano kayang mangyayari if hindi ako nakapasok sa top 3? They'll continue their support or lalaitin ako? Ewan ko, bahala na lang.

Dahil biglang isang supportive friend ni Anja sa akin ay kailangan ko daw siya ilibre ng cheesecake sa starbucks. Kaya nang makarating kami sa condo, bago pumasok sa building doon muna kami tumungo.

"Ikaw na um-order, hintayin na lang kita dito." Sabi ko naman sa kanya.

"Wala ka bang papabili?"

"Mocha frappe na lang ulit," sabi ko.

"Okay! Wait ka lang," aniya. Pumasok naman sa loob si Anja at naiwan lang ako sa labas at naupo sa bench.

Mayamaya lang ay may tumawag ng pangalan ko, "M-maine?"

"Oy Alexander!" tawag ko sa pangalan niya. Parang nagulat pa siya nang makita niya ako, "bakit tulala ka diyan?"

Umiling naman kaagad siya sa akin, "ah, nothing, I'm sorry Maine, I really really have to go." Pagmamadali naman niya.

"No, it's okay! Bye!" sabi ko at kinawayan ko siya palayo.

Tumawid siya ng kalsada, nagmamadaling pumasok sa loob ng condo. Ngayon lang siya nagmadali ng ganito. Ilang saglit lang din naman ay biglang lumabas si Anja dala na 'yong mga binili niya.

"Oh my gosh, did you see him?" nanginginig na sabi niya, niyugyog niya pa ako.

"Stop, Anja! Anong nangyari sayo?!" taka kong tanong sa kanya, natatawa ako na ewan dahil pinipigilan niya lang 'yong kilig niya.

"Nakita ko na naman siya, ang yummy niya talaga."

Napakunot noo naman ako sa kanya, "'wag mo nang sabihin sa akin kung sino 'yan, di ako interesado." Ngisi ko pa. "Okay na ba 'yang binili mo? Tara na sa unit!"

"Gora Dora!"

Natawa na lang ako sa kanya at pumanik na sa unit.

Nauna siyang maglakas papunta sa pinto nang unit nang magsalita siya, "oh! Meng! Tingnan mo may delivery ka!" aniya at pinulot niya 'yong isang piraso ng rose. "Infairness mukhang fresh pa, oh may message pa from Alden!" aniya at napatigil naman kaming dalawa sa pagbanggit niya nang pangalan ni Alden, kaya binalikan niya ito ng tingin. "Meng? It's handwritten and I think it came from Alden, the name says it all." Aniya.

Lumapit naman ako at inagaw sa kanya 'yong rosas, binasa ko 'yong letter at nang makita ko ang pangalan niyang Alden Henderson. Napalinga linga ako sa paligid ko, baka nasa paligid lang siya at minamanmanan ako.

"Meng? Nagdila anghel ba ako kanina?" takang tanong ni Anja.

Hindi ko siya sinagot kundi sinuri ko ang bulaklak na nasa harap mismo ng unit ko.

"Kung kay Alden nga galing 'to, ibigsabihin... matagal na niya akong nakita?"

"Ikaw lang pala walang alam, Meng." Dugtong naman ni Anja.

"Hindi! Hindi! Baka ikaw ang nan-trip nito ah! Kanina ka pa!" bulyaw ko naman sa kanya. "Gawa gawa mo lang 'to panigurado."

"Echos nito! Magugulat pa ba ako kung sa akin galing 'yan haler? And to think of it, sino sino ba ang nakakakilala kay Alden pa dito? Ikaw lang naman diba?"

Wala akong sagot sa kanya.

Napatitig na lang ako sa rosas na hawak ko, may message sa letter na 'yon.

"Kung sayo nga galing 'to Alden, nasa tamang panahon na ba ako?"


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro