Chapter 2
Chapter 2
Awkward
I'm in my 4th Grade when everything sums up naturally to me. Wala namang pinagbago tulad last school year, normal na batang schooler lang naman ako. Payatot, di kagandahan at kahit papaano ginagamit ang utak 'yon nga lang makasarili at walang pakelam minsan. Iyon ako, doon din ako nakilala ng mga bestfriend ko ngayon na sina Desiree at Klarisse. Well, since we met nagustuhan ko kaagad ang mga ugali nila. Puro kami tawa, biruan at mga katuwaan. Diyan kami laging nagkakasundo.
Habang nasa ilalim kami ng puno, nagpapahinga at nagbabasa ng libro. Sa di kalayuan ay may napansin akong nagkakagulo from higher year sa amin. Dahil busy si Des at Klass sa pagbabasa ay doon naman natuon ang atensyon ko.
Isang matabang lalaki, pinapalibutan siya ng mga mas matatangkad sa kanya. Napataas naman ako ng kilay nang mapansin kong kung anong ginagawa nila doon. They were grade 6, ayon sa color ng id lace nila na blue. Napansin ko rin na humihikbi na ang matabang lalaking iyon. I do not know his name, wala rin naman akong kilala sa mga kanila. But on my thought, they're bullying that kid.
"Oh!" I gasped. Nakita ko kasing tinulak nila ang matabang lalaking iyon at tumakbo na lang palayo mula sa mga bully na 'yon.
Napatingin naman sa akin si Kla at Des. "Anong nangyari, best?" aniya.
Umiling naman ako sa kanila at tinuro ang isang paragraph na librong hawak ko, "nagulat lang kasi ako sa flow of the story."sabi ko pa.
"Ah, kala ko naman, bawal spoiler ah!" ani pa ni Des sa akin.
Napabuntong hininga naman ako at binalikan ang lugar na 'yon pero kinibit balikat ko na lang ang sarili ko at tinuon na ang pagbabasa sa libro. First time ko lang kasi makakita ng gano'ng bullying.
The next day, I saw the same fat guy crying alone. Wala naman akong pakelam siguro dahil OA na lang din siya maka-react. Ang laki laki niya at bakit hindi niya kayang ipaglaban ang sarili niya sa mga bully na 'yon.
On the few days na lumipas, halos gano'n palagi ang nasasaksihan ko sa matabang lalaking iyon. One time, I saw him staring right at me at bigla bigla na lang tatakbo. Kapag masasalubong naman namin siya, minsan umiiyak or binubully. Nagtataka lang ako dahil hindi niya kayang depensahan ang sarili namin.
I don't care. I don't have the feeling para mag care sa ibang tao dahil for me, I have lots of things to do para maging masaya.
Uwian nang magtakbuhan kaming tatlo, lagi naman kaming ganito nag-uunahan magtakbhan palabas ng gate dahil kung sino mahuli sa amin ay manlilibre.
"Ble! Ang babagal niyo!" sigaw ko sa kanila dahil nauuna na akong tumakbo sa kanila. Mayamaya lang ay nakita ko ang papalapit ng bike sa akin. Napahinto ako at pinikit ang mga mata ko pero saglit lamang ay tumilapon ako.
Nakita ko na lamang na nasa lupa na ang bike at pumunta sa lalaking nakadapa. Nang bumangon ito ay nakilala ko kaagad kung sino. Una ko kaagad nakita ang dugo nito sa gilid ng mata.
Lalapit sana ako ng pigilan ako ni Klass, "Maine 'wag na!"
"Saglit lang," ani ko.
Nagkatitigan kaming dalawa at tumakbo na siya palayo pero muli itong nadapa. Pinagtawanan pa siya ng ibang nakakita pero nalungkot ako ng ginawa nila iyon. Lumiko ito sa isang kanto at tuluyan nang nawala sa paningin ko.
"Ayos ka lang Meng?" tanong sa akin ni Des.
Tumango naman ako, "oo, oo, okay lang." ani ko pa.
"Mabuti naman," at niyakap naman nila akong dalawa.
Umalis na rin 'yong may-ari ng bike at hindi ko alam kung saan na nagpunta. Na-trauma kaming tatlo sa nangyari at hindi na naulit.
Nagising ako sa bilis ng kabog ng dibdib ko. Napahawak ako sa noo ko, hindi naman ako nilalagnat. Mabuti naman. Naalala ko bigla 'yong panaginip ko. Tila paulit-ulit siya sa panaginip ko, oo madalas ko na iyong napapaginipan at lagi kong naalala ang mukha niya na may dugo sa gilid ng mata. Parang ang linaw pa rin sa akin ang lahat ng iyon.
Bumangon naman ako sa pagkakahiga ko, niligpat ang pinaghigaan ko. Tumuloy naman ako sa kwarto ko para silipin kung gising na ba ang dalawa at ayun, hindi pa. Hindi ko na naman sila ginising at tumuloy ako sa terrace. Like what I do, tiningnan ko ang unit na kaharap ng kwarto sa baba.
Napakunot noo naman ako ng may dumaan doon sa unit na 'yon at biglang sinara ang bintana at tinakpan ng kurtina. Naka-hood at shades ito kaya hindi ko nakita kung sino man iyon.
"Huy bakla!" napaigtad ako ng gelatin ako ni Klass at Des.
I glared to them, nagising na ang mag bruha.
"Ano bang ginagawa mo diyan?" tanong ni Des sa akin.
Umiling naman ako, "wala, nagpapahangin lang!"
"Oh? Bakit ka defensive masyado?" aniya pa.
Inirapan ko na lang siya at nagpunta ako sa kusina para magluto ng breakfast. Dahil marunong naman ako kahit papaano, eggs and hotdogs ang niluto ko at sinangag for the three of us. Aalis din sila kaagad para umuwi na sa kanila.
"See you next time, Meng!" paalam ni Klass sa akin.
Niyakap ko naman sila at umalis na silang dalawa. Kapag kasama ko talaga sila, hindi nawawalan ng tawa 'yong paligid ko at ngayon na magkakahiwalay na kami ng university na papasukan, wee need to value our time na rin.
Dahil wala naman akong gagawin this day, tumambay na lang ako sa may swimming pool area ng condo na ito. Naupo lang naman ako sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nakalublob. Hindi ako marunong mag-swimming totally, kaya ko lang sumisid pero hindi ang lumangoy.
Napahugot ako ng malalim na hininga habang sinusuri ko ang paligid ng condo na ito. Mamahalin, yayamanin ang lugar na 'to. Hindi ko alam sa parents ko kung bakit ito ang napili nilang condo for me dahil may mas malapit naman sa university na papasukin ko pero instead na pilitin ko sila hinayaan ko na lang ang gusto nila.
Mayamaya ay napatingin ako sa mga batang naglalaro. Napangiti na lang ako nang makita ko ang mga batang naghahabulan. Isang matabang lalaki at isang payatot na babae. Hinahabol ng babae ang lalaki, nawala lang ang ngiti ko dahil nagtatakbuhan sila sa gilid ng pool. I was about to told them na mag-ingat pero it's too late dahil tinulak ni babae ang kaibigan nitong lalaki sa pool.
Nagpanic naman bigla ang batang lalaki dahil sa malalim ito nahulog. Tawa ng tawa ang babae. Wala namang ibang tao sa paligid dahil tangahaling tapat kaya no choice.
"Bahala na!" usal ko at sinisid ko na palangoy ang batang lalaking iyon.
Kahit na hindi ako marunog pinilit ko siyang puntahan hanggat sa makalapit ako sa kanya.
"Don't worry, you're safe now."
Niyakap naman ako ng batang lalaki and it was supposed to save this little boy pero mukhang hindi rin.
"Tulong!" sigaw ko dahil dalawa na kaming nalulunod.
Nakita kong nag-panic na rin 'yong batang babae kaya naghanap na rin ng tulong.
Nakakainom na ako ng tubig. Nakasabit pa sa akin ang batang ito huhu. Di ko na kaya!
Mayamaya lang ay may nakita akong tumalon sa pool pero lumubog na ako ng tuluyan.
****
Nagising ako ng mailabas ko ang mga nainom kong tubig. Una kaagad na bumungad sa akin ay ang mukha ng lalaking tumulong sa akin at sunod ang lalaking nasa terrace ngayon ng unit niya at nakatingin mismo siya dito. Hindi ko siya makilala dahil nakasalamin pa rin ito.
"Hey, are you okay?" napatingin naman ako sa lalaking katabi ko ngayon pero nanlaki ang mata ko at napahawak kaagad sa labi ko.
And the next thing I got is tumawa siya, "no, don't worry, I don't kiss you, I just put some air in your mouth to release the water." Pagpaliwanag naman niya.
Napangiwi naman ako sa kanya at anng suriin ko naman siya ay doon ko siya nakilala, "oh my gosh, ikaw 'yong tumulong sa pagpulot ng gamit ko."
"I guess?" he chuckles.
"T-thank you ulit,"
He smiles, "no problem, basta sa susunod, call for a help."
Tumango naman ako. Saka siya tumayo at kinuha niya 'yong white t-shirt niya at phone at sinuot niya. Nakaboard shorts lang siya. Shet! Ang hot niya! Nakakapangtulo laway!
"Wait-" tatawagin ko sana siya pero may kausap ito sa kanyang cellphone. Napatingin naman ako sa kalangitan at nabaling ang atensyon ko sa lalaking nasa terrace, he's talking to someone at pumasok sa unti niya.
Napataas ako ng kilay. Hindi kaya? Oh well. Nagkataon lang siguro.
"Ate? Okay ka lang?!" nabaling naman ang atensyon ko sa dalawang bata na nasa harap ko.
At doon ko lang nakita ang reaksyon nila na nag-aalala.
Hinawakan ko naman sila sa balikat at tumango, "okay na ako, sa susunod 'wag na 'wag niyo nang gagawin 'yon ha? Hindi magandang biro 'yon." ani ko pa sa kanila.
Napayuko naman ang dalawa. Sorry naman! "Sorry po," sabi ng batang babae.
Natawa na lang din ako sa isip ko dahil natulak pa ng batang babaeng itong ang busog lusog na boy na ito. And it reminds me of someone. Ano ba yan! Lagi na lang siyang pumapasok sa isip ko, whenever I saw chubby cuties lagi ko na lang naiisip si Alden. Lagi na lang si Alden at Alden. Baka nga mataba pa rin siya ngayon eh, and I don't care kung gano'n pa rin siya! Cute pa rin siya anyway.
"Ang gwapo ni kuya ano?" biglang sabi naman ng batang babaeng ito.
Natawa naman ako sa kanya. "Ikaw ah, bata ka pa!"
"Muntik na nga kayong mag-kiss eh!" sabi pa ng batang lalaki na kung makahagikgik eh ang sarap sarap ng kurutin ang pisngi.
"Pero sayang, hindi nagdikit."
Napailing na lang din ako sa kanilang dalawa. "Kilala niyo ba siya?" tanong ko pa.
Tumango naman ang batang babae, "Alexander daw po pangalan niya."
Alexander. Hmm...
"Eh kayo?" tanong ko pa.
"Kobe po," pagpapakilala ni chubby boy.
"Tintin po," pagpapakilala naman ng batang babae.
"Ate Maine nga pala," ngiti ko pa at sabay nila akong niyakap.
Umalis na rin ang dalawa dahil mukhang hinahanap na rin sila ng family nila kaya naman bumalik na rin ako sa unit ko. Basang sisiw na ako! Kaasar! Pero shems! 'Yong sinabi ni Tintin, muntik na daw kaming magkiss and look at that guy, Alexander. Ang gwapo! Parang model ang datingan niya dahil sa built ng katawan at gwapo, gwapo at gwapo. Landi to da max!
Nang makapagbanlaw naman ako ay nagpahinga na rin ako dahil baka magkasakit pa ako. Malapit na rin kasi ang pasukan namin kaya kailangan ko na talagang magprepare para sa college life, oh my gahd. Hindi ko alam kung pressure o ano ba!
Pinilit kong manood sa tv kahit hindi ko gusto, pinilit ko ring matulog pero hindi naman nawawala 'yong malay ko pero nang tumambay ako sa terrace, gumaan ang pakiramdam ko at mukhang makakatulog pa ako.
****
Kinagabihan, nagising ako sa terrace. Bigla akong napatayo dahil nakatulog nga ako sa terrace. Saktong napahikab ako nang mahagip ko na naman siya sa bintana na 'yon. Lalabas sana siya ng terrace ng mapunta sa akin ang mga mata niya at bigla na naman siyang nagtago.
Wala akong nagawa kundi pumasok na lang ulit sa room ko at naghanda na lang ng pang-dinner ko.
Mayamaya lang ay may tumawag sa telephone ng condo kaya sinagot ko naman ito.
"Hello ma'am Alvarez, may package po kayo from Alvarez family."
"Ooh, sige sige, thank you! Bababa na ako!" sabi ko pa.
Mabilis naman akong bumaba ng unit ko at pumunta sa reception area kung saan nandoon ang package ko.
Agad ko naman iyong nakuha.
Ano naman kaya itong mga pinadala nila mom at dad? Kaloka!
Papunta na sana ako ng elevator sa building b, kung nasaan ang unit ko ay may nahagip na naman ang mata ko.
"Alexander..." banggit ko sa pangalan nito.
Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla koi tong sinundan papunta sa elevator pero tae nga naman oh! Nagkatitigan pa kaming dalawa.
"Taas ka?" tanong nito sa akin.
Wala namang ibang tao sa gilid kaya tumango na lang ako sa kanya at pumasok sa loob ng elevator.
Awkward.
"Kamusta ka na?"
Ito kinikilig! Chos!
Ngumiti ako, "okay lang, ikaw?"
"I'm great, as well as you."
Nang mapunta na kami sa floor ng unit niya ay nagba-bye ito sa akin.
"Ma'am anong floor po ba kayo?" tanong pa sa akin ng elevator guy.
"Ah eh, 1st floor po manong, building b pala ako. Hehe!"
First time 'to, first time kong sundan ang isang lalaki! OMG!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro