Chapter 19
Chapter 19
Break a leg, Meng!
'Maine, nakalunok ka ba ng kwitis?'
Kinilig na naman ako dahil bumabanat na naman siya, shet!
'Huh, bakit?' pabebe mode, kaloka.
'Kasi pag ngumingiti ka, may spark.'
Halos hindi ko naman mapigilan 'yong kilig ko. Halos sa araw araw na nangyayari sa amin 'to, sobra na akong na-attack sa kanya na halos excited na akong bumangon makausap lang siya. Lagi rin siyang inaabangan ni Anja pero hindi niya maabutan dahil kapag nandiyan na siya, lagi namang kailangan umalis na ni Bae. Busy na tao si Bae kasi tuwing gabi, hindi na kami nagkakausap, tuwing umaga lang talaga pero atleast nakakausap ko siya.
'Break a leg, Maine!'
'Thank you, Bae!'
'Sana lang nandoon ako para suportahan kita.'
'Okay lang, binigyan mo naman ako ng inspiration eh'
'Oh! Baka ma-late ka pa, see you later?'
'See you later, Bae!'
Saka ko siya kinawayan at pumasok na sa unit. Isang linggo na ang nakakaraan at laging gano'n ang routine namin ni Bae. Nakakatuwa lang dahil hindi rin siya naiinip o nababagot sa tuwing mag-uusap kami, ang unique lang ng usapan namin kahit na hindi namin naririnig ang isa't isa, 'yong pag-uusap pa lang ng mga mata namin, may pinapahiwatig na.
Sinabi ko kasi sa kanya 'yong about sa audition sa university pero hindi ko sinabi kung anong category sasalihan ko, it's a secret. Makabawi lang din sa kanya, patas na kami! Chos! Ayaw pa niya kasing ipaalam 'yong pangalan niya eh, or may reason talaga siya kaya ayaw niyang sabihin 'yong pangalan niya?
"Kilig na kilig ka na naman diyan kay Bae mo?" irap pa sa akin ni Anja. Ang bitter niya talaga kaasar!
Nginitian ko lang siya, "wala eh, hanap ka rin ng sayo."
"Edi sakin na lang si Alden mo." Protesta niya pa sa akin.
Pinandilatan ko naman siya ng mata niya, "No, no, no, no, no, no. Alden is mine, only mine. And Bae of course." Ngisi ko pa sa kanya.
"Ay naku teh! Bawal two time, lagot ka!" iiling iling niya sa akin.
"Pwede bang maging masaya ka na lang sa akin sa araw na 'to? Masira mo pa audition ko eh." Sabi ko naman sa kanya.
"Sabagay," aniya. "Break a leg, Meng."
I pat her shoulder, "thank you, an-an."
She glared at me pero natawa na lang din ako. Tumuloy na rin kami sa room namin. Mabuti 'yong schedule ng audition today is hindi makakaabala sa subjects ko kaya hindi ko na kailangan mag-excuse, actually hindi ako nag-practice. Hindi ako nag-play, basta pinakinggan ko na 'yong kanta na tutugtugin ko dahil mas makukuha ko kaagad don.
I'm hoping and I know God will guide me there.
"Anja, mukhang nilalagnat ako." Kinuha ko 'yong kamay niya at nilapat sa leeg ko, "diba?"
"Echos nito! Sige ka pag lalong hindi 'yan natuloy!" aniya.
Umayos na ako nang pagkakaupo ko at nakinig na lang din sa discussion ng professor ko. Habang nagtuturo ang lalaking prof ko, napansin ko kaagad ang dimples nito sa magkabilaang pisngi. Hindi siya gaanong malalim pero dahil makinis siya, ang gwapo niya tingnan.
And it reminds me of Alden. WerizAlden? Where can I find you? Tama nga rin kasi 'yong sinabi ni Anja na 'yong chance ko na mahanap ka, natutuon naman sa iba 'yong pansin ko, na napupunta kay Bae na dapat sayo. Lagi ko naman siyang natatandaan, laging bumabalik 'yong resemblance ng mukha niya sa akin, 'yong naging peklat niya sa tabi ng mata niya na possible way para makita ko siya.
10 years old lang ako noon, 13 years old ka naman noon. 7 years na ang nakakalipas pero wala pa ring nangyayari, wala pa rin akong ideya kung nasaan ka? Tutuluyan ko na bang kalimutan ka kasi alam kong wala nang pag-asa pa na magkita tayo o maghihintay pa ako ng ilang taon at nang sumapit ang tamang panahon para magkita tayo, handa na tayo magkita ulit. Gano'n ba 'yon Alden?
Gano'n ba ang gusto niya?
Sobrang tagal pero hindi ako napanghihinaan nang loob.
Kahit sabihin nilang nandiyan si Bae, kung nasa isip ko naman lagi si Alden hindi malayong mangyari na mabaon din siya sa puso ko.
Sa tagal ba naman? Hindi pa ba ako mahuhulog? Imposible kung hindi, pero oo eh.
Nahulog na ako, matagal na.
"Miss, Alvarez! Do you have any questions?" napatayo kaagad ako sa tawag nang prof ko.
Napansin ko 'yong iba kong mga kaklase na nagulat sa pagtayo ko, 'yong iba naman natawa na lang. "Ah, wala po." Sagot ko na lang sa kanya.
"Ah, wala, pero bakit parang ang lalim ng iniisip mo? O masyado ka nang nahihirapan sa subject ko?" tawa naman niya. Napangiwi na lang din ako sa kuno joke ng prof ko.
"Kasi sir, may audition mamaya si Maine kaya lutang." Eksena naman ni Anja.
"Wow," sabi naman ng prof ko kaya napalingon ako sa kanya. Kulang na lang batukan ko si Anja dahil pagsabi pa niya no'n, wala namang nakakaalam na kasali ako sa audition eh! Sinali na nga lang ako eh, kasi alam kong deserving ako. Chos! "So, did you practice you piece well?" he asked.
Ano 'to? Biglaang hot seat ba!
Umiling naman ako, "no sir," ngiwi ko pa.
"Oh bakit? If you practice, may chance."
"Wala naman po kasing pagpa-pratisan kaya pinakinggan ko na lang 'yong piece na gagamitin ko." sagot ko naman sa kanya. Kulang na lang itakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko dahil sa sobrang hiya, sa akin ba naman nakatuon ang atensyon ng lahat ng kaklase ko.
"Anong category ba sinalihan mo?" tanong naman no'ng isa kong kaklase.
Sasagot pa sana ako pero inunahan ako ni Anja, "mamaya niyo malalaman kasi mamaya na ang audition para surprise!" ani Anja.
"Manonood kami mamaya ha!" sigaw naman no'ng isa kong kaklase.
Nag-thumbs up naman ako, "orayt." Ngiwi ko pa.
"Thank you Miss Alvarez, you may take your seat, we'll support you later."
"Ay naku sir 'wag na," sabi ko pa.
Nagtawanan naman 'yong iba kong mga kaklase, ay kaasar! Kita nang kinakabahan pa ako eh, 'wag naman kayo ganyan! Mukhang susugod pa sila mamaya sa auditorium at nagbabalak na manood, sorry uyy kung madisappoint ko kayo, as I said, hindi ako nag-practice.
Pagkatapos ng subject na 'to, may kasunod pa at next na ang audition. Ayoko nga sanang ipaalam sa mga kaklase ko 'yong pagsali ko 'don, meron din kasing sumali na sa vocals na kaklase ko, hindi pa kasi ina-announce 'yong mga nakapasa sa audition at kapag napili ka, kailangan mong mag-prepare ulit dahil pipiliin ang top 3 tapos, may matitirang isa.
Hindi na ako umaaasang makapasok pa ako, makapag-perform lang! Swak na sa akin.
"Maine, galingan mo mamaya ah!" sabi no'ng kaklase kong babae matapos ang klase.
"Oo nga! Support ka namin mamaya!" dagdag pa no'ng.
"Ay ano ba kayo! 'Wag kayong umasa," tugon ko naman sa kanila.
"Ay naku guys, be prepared dahil mukhang mag-e-enjoy kayo sa performance ni Maine." Pagmamayabang pa ni Anja. Pinandilatan ko naman siya pero mukhang hindi niya ako na-gets at nginitian lang ako.
Dumaan muna kami ng cafeteria para bumili ng pagkain.
"Ang epal mo talaga an-an."
"Stop calling me an-an." Pagtataray niya pa sa akin.
"Edi stop... basta! 'Wag mo na ipagkalat na kasali ako sa audition, bwisitsss!" irap ko pa sa kanya.
"You know, girl..." aniya, sabay inom sa coffee jelly na binili niya. "I will do my best para masuportahan ka lang ng todo, kaya ayan, may cheering squad na tayo later!"
Napasapo na lang ako sa noo ko, "alam mo namang hindi ako nag-practice, nagdala ka pa ng distraction. Mukha mo pa nga lang, panggulo na." ngisi ko pa sa kanya.
She glared but I don't care.
"Ang hard mo talaga sa akin,"
"Okay lang 'yon, sanay ka na naman diba?"
Humawak siya sa dibdib niya, "oo, immune na nga ako masyado eh. Sobra sobra na."
Ay nagdrama na ang gaga.
"Oy alam mo ba, tumawag sa akin si mama noong nakaraang araw." Panimula niya sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" kunot noo ko pa.
"Ayoko kasing madamay ka sa personal problems ko kaya hinayaan ko na lang ang sarili ko na i-handle 'yon." sabi pa niya sa akin.
I felt so sad for her, alam kong hindi pa rin siya nakakamove-on sa pagsunog sa mga magazine niya, sa mga posters niya at may isa pa nga daw siyang standee doon na tinago at si Richard daw 'yon na topless. Ay sayang, di ko nakita.
"Ano ba sabi sayo?" tanong ko pa sa kanya.
"Uwi na daw ako,"
"Oh! Edi ayun, go ka na!" sabi ko pa, tinaasan niya lang ako ng kilay dahil sa taas ng energy ko. "Para wala na ring magulo sa unit."
Babatukan sana niya ako pero nakaiwas ako, "ang adik mo, mas gusto ko pa sa unit mo dahil may mga artista tayong mga kapitbahay, atleast doon live action." Hagikgik pa niya. "Nakakatuwa kasi, ang yummy talaga nila sa personal."
Napailing na lang ako sa pagpigil ng tawa ko sa kanya, "hindi kita kinakaya, an-an."
"Menggay."
"Bakit An-an?"
"Kadiri 'to," saka siya tumayo. "tara na nga sa next class, sana kabahan ka!"
"Edi wow!" tulak ko pa sa kanya, ayun muntik nang ma-out of balance, sayang madami pa namang tao sa paligid. Sayang!
Pumunta naman kami sa sunod na klase namin, nakakapanlumo dahil 'yong iba naming kaklase ay hindi na pumasok dahil excited at nauna na sa auditorium. Naasar talaga ako kay Anja, kung hindi niya kasi sinabi, hindi dodoble 'yong kaba na nararamdaman ko eh.
Shocks! Sasabog na ata dibdib ko.
"Ano kaya pa ba?" she grinned.
I rolled my eyes, "oo kaya ko pa, humihinga pa naman ako diba?" pagtataray ko naman.
"Ay bwisit Menggay ah, nakuha mo pang magtaray." Tawa pa niya sa akin. "Sige ka mamaya baka makita mo si Alden."
Tinaasan ko naman siya ng kilay, "parang nakita mo na siya ah."
"Siya 'yong may peklat sa tabi ng mata diba?"
Tumango naman ako, "oo."
"20 years old na siya ngayon 'no?"
"Oo?" hindi ko sure.
"May dimples siya sa left cheek ah-wait, parang katulad ng kay Richard." Ay kinilig na naman ang bruha.
"Oo na lang, An-an." Singhal ko pa.
"Mamaya makikita mo siya." Ngiting-ngiti pa niya sa akin.
"Ewan ko sayo," inilingan ko na lang siya.
Kung ano ano pinagsasabi, for sure, hindi niya pa nakikita si Alden. Ako nga! Sa loob ng ilang taon, hindi pa nagpapakita sa akin. Baka tama nga rin 'yong sinabi nila na kapag hinahanap hanap mo 'yong isang bagay, hindi magpapakita sayo pero kapag tumigil ka na sa paghahanap nito kusa naman itong magpapakita.
Gagawin ko rin ba 'yon? Ang tigilan ang paghahanap kay Alden.
Kaso may gut feelings ako na 'wag, 'wag kang susuko.
May tamang panahon naman daw, pero hanggang kailan? Huhuhu. Kakapanlumo.
Natapos naman 'yong last subject namin, halos pagkatapos mismo ng dismissal ng prof namin, chini-cheer na nila ako. Mas nakakakaba 'yong feeling dahil umaaasa silang makakapasok ako at magaling sa inaasahan nila.
Oh gahd, bakit kasi hindi ako nag-rent na lang para makapag-practice.
"Kasalanan mo 'yan kapag nakalimutan mo ang piece mo, hindi ka nag-practice eh." Sabi ni Anja sa akin habang tinatahak namin 'yong hallway papunta sa auditorium.
"Thank you ha!" irap ko pa.
"Mauuna na ako sa loob," aniya at pumasok na sa auditorium.
Huminga naman ako nang malalim bago pumasok sa loob at dumiretsyo sa backstage kung saan sasalang lahat ng auditionees. Dahil siningit lang naman ako sa listahan, ako 'yong pinaka huling performance na aabangan. Sabay kasi 'yong guitars and drums, so pang 31 ako pero nalaman ko na may ibang hindi rin makakasali dahil nag-back out!
Oo nga, pwede pa bang mag back-out? Kaloka. Mukhang handa na handa silang lahat dahil 'yong iba todo porma pa pero ito ako, naka civilian lang na pangpasok.
Hindi nga kasi handa, okay?!
Sa kinauupuan ko sa backstage, rinig na rinig ko 'yong sigawan ng mga manonood sa labas. Kinakabahan ako dahil alam kong ilang percent ng audiences eh mga kaklase ko pa kaya kailangan ko talaga ng-
"Maine Alvarez, sunod ka na po."
"Oh my gahd. Hindi ako na-orient." Takip ko pa sa mukha ko, ang bilis naman?
"Ang dami kasing hindi sumalang eh, umayaw bigla."
Kaasar naman 'yon! Nag-register pa sila kung magba-back out din pala kaya naman nang tumungtong na ako nang stage, I saw the drum set. Kabang kaba ako nang maupo ako sa silya, kinuha ang dalawang drum stick.
"Break a leg, MENG!" at nanlaki ang mata ko nang marinig kong 'meng' pa ang tinawag nila sa akin.
Uupakan ko talaga 'to si Anja eh.
"And now, out last auditionee Maine Alvarez!" then they cheered to me.
Humugot ako nang malalim ng hininga, kaya mo 'to Meng. Godspeed.
"GAME!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro