Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17

Bae


Rest day namin today kaya wala kaming pasok, syempre. Pagkagising ko nga kanina, bumungad kaagad si Anja sa akin. Ngiting ngiti siya, kasi sinabi ko sa kany na every morning ay merong response or sulat sa akin si Bae kaya siguro maaga siyang nagising pero no'ng pumunta kami ng terrace, wala.

"Gusto mo ba every night, gising ako for you?" nakangiti niyang sabi sa akin.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "para saan naman? Magpupuyat ka for me?" taka kong tanong pa.

She nodded, "para makita ko rin si Bae mo at makilala na natin." Aniya.

Tinawanan ko lang din siya kaya tinaasan niya ako ng kilay. I shook my head before answering her, "mukhang hindi magpapakita sayo 'yon, parang sakin nagpapakita ah? One time lang siguro 'yon, nakita ko siya pero mabilis lang. 'Yong video nga eh, thru cam lang, personal pa kaya?" aniko pa.

"Bahala na," aniya. "Gusto mo ba ng coffee or something?" yaya niya sa akin.

"Kahit ano na lang,"

"Samahan mo 'ko!"

"Eh! Ikaw na, mag-aayos ako dito, ang gulo gulo mo kasi eh!" ngisi ko pa.

"Che, di na kita ililibre."

"Edi ilalabas ko na 'yong mga gamit mo!" bawi ko naman sa kanya.

"'Wag! Huhu!" natawa na lang din ako sa kanya at tumuloy na siya palabas nang pinto.

Inayos ko naman 'yong mga gamit na pakalat kalat, halos sa araw araw na busy ako hindi na ako nakakapagligpit kaya ngayon na nandito si Anja, may mauutusan na ako! Bwahaha! Ilang minuto na ang nagtatagal pero wala pa rin. Hayaan mo na nga lang 'yong babaeng 'yon! Nagliliwaliw pa siguro!

Tumungo naman ako sa terrace para magpahingin. Natatawa na lang ako kapag nakikita ko 'yong babae sa terrace niya, hindi na nga niya ako pinapansin kundi lagi akong iniirapan dahil sa one time na kinausap niya ako, napahiya pa siya. At nang mapansin naman niya ako, tinaasan niya lang ako ng kilay at pumasok na ulit sa loob ng unit niya.

Kaloka si ate!

Nang mabaling naman ang atensyon ko sa terrace sa baba nito, bakit kaya wala siyang sulat sa akin? Wala rin naman kasi akong sulat, ano pa nga bang aasahan diba? Papasok na sana ulit ako sa loob ng unit ko nang mapansin ko ang pagbukas ng glass door ng unit ni Bae. Napabalik ako sa railings at inabangan ang susunod na mangyayari.

At halos matulala na ako na siya ang makita ko. He wears his hood jacket, shades at ngayon at may face mask na siya. Balot na balot na siya ngayon as in, hindi ko makilala kung sino siya. Sino nga ba kasi siya? Sino nga ba kasi si Bae? Habang tinititigan koi to, napalingon ito sa direksyon ko at sabay na kinawayan ako.

Halos mabato naman ako sa pagkaway niya sa akin, First time, first time nangyayari 'to sa akin ngayon.

Kinawayan ko rin naman siya, ang saya sa feeling.

Kung nakikita ko lang sana ang mukha niya ngayon, hindi na ako aalis dito. Hindi ko iaalis ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko ma-imagine na ngayong araw kami magkikita. Hindi ko alam pero may kung anong meron sa tiyan ko.

Butterflies in my stomach? 'Yon na ba ang sinasabi nila? Ang sinasabi ni Klass na sign na nagkakagusto ka sa isang tao?

Siguro nga ba? Hindi ko alam, bakit ganito? Nakakaasar na nakakakilig, shet!

Nag hand gestures siya ng wait daw at pumasok ulit sa loob ng glass door niya. Napakunot noo naman ako dahil saan ba siya pupunta? Kakakita ko pa lang sa kanya, aalis kaagad siya? Parang giraffe na tinatanaw tanaw ko 'yong unit niya kung lalabas pa siya and luckily, lumabas pa nga siya at may hawak na mga papel.

Mayamaya nagsulat na siya at hinarap sa akin ang sinulat niya.

Fansign mode na ata kami ngayon.

'Kamusta ka na, Maine?'

Ako naman ang pumasok saglit sa loob ng unit ko para kumuha ng pentel at mga papel at saglit lang ay bumalik na ako, ewa ko, hindi maalis 'yong ngiti ko! Nandoon pa rin siya, hinihintay ako.

'Okay lang ako, Bae, ikaw?'

'Ito medyo maluwag ang sched.'

Napatango naman ako, 'Bakit balot na balot ka?'

'Baka kasi ma-inlove ka kapag nakita mo mukha ko.'

Ay leche, hindi kayaaa! Nakakainis, bakit gano'n siya, pansin ko rin ang pagtawa niya kahit naka-face mask pa siya. Gumagalaw kasi 'yong balikat niya eh, edi ibigsabihin, tumatawa siya. Oh, diba! Talas ng mata ko!

'Baliw! Pero bakit nga?' pangungulit ko pa. Bakit masama bang magtanong? Now it is my chance na makausap siya ng ganito, hindi 'yong laging maghihintay ako ng umaga at gabi para lang mag-usap kami.

'Malalaman mo rin, soon ;)'

'Ang daya! Pero sige, aabangan ko 'yan!'

Muli naman siyang nagsulat, 'Ang ganda mo ngayon, Maine, ang simple mo.'

Napahagikgik naman ako sa sinulat niya. 'Bakit lagi mo ba akong nakikita kaya mo nasabi 'yan?'

At isang simpleng sago tang sinulat niya, 'Oo...'

Nagtaka naman ako bigla sa sinabi niya. 'Yong kilig ko kanina na umaapaw na, napalitan ng kaba at excitement. Naghalo sila kaya hindi ko malaman kung ano nga ba talagang nararamdaman ko ngayon.

Kinakabahan nga ba? O natatae? Joke lang!

'Talaga? Pero bakit hindi mo ako tinatawag o kinakausap man lang?'

'Complicated kasi.'

Mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi niya. Ibigsabihin, sa bawat na nakakasalamuha ko, isa na pala siya doon? Bakit hindi ko man lang alam? Natural, syempre, hindi ko nga nakikita 'yong mukha niya eh. So ibigsabihin, hindi ko talaga alam kung sino ang lalaking nasa likod ni Bae.

'Bakit Bae pala ang binigay mong pangalan mo sakin?'

'Ayaw mo? Cute naman ah!'

Napangiti na lang ako, 'wala, may model daw kasi na 'yan din ang tawag.'

'Sino naman?'

'Si Richard Howerdson daw.' Sagot ko sa kanya.

'Did you know him?'

'Not really, ikaw?'

'Hindi din!'

At nagtawanan kaming dalawa. Ang saya niya lang kausap, I mean, kasulatan. Kahit na hindi ko naririnig 'yong boses niya, eh naiimagine ko naman sa isip ko kung paano siya magsalita. Kaso mas gusto ko kung sa kanya ko mismo maririnig ang mga salita niya.

'Kailan ba kita makikita?'

'Sa tamang panahon.'

Naging mas seryoso naman ang pagiging pag-uusap namin.

'Bakit naman? Maghihintay pa ba ako para lang makilala kita?'

'You know Maine, there comes a time na darating talaga para magkita tayo.'

'I hope it will come...' putol ko pa at nagsulat muli. 'Ngayon na please?'

Natawa na lang siya, 'Maine'

'Why Bae?'

'I like you.'

"Meng!" narinig kong pagsigaw ni Anja sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya na pumasok na nang pinto at paglingon ko naman sa terrace nila Bae, wala na siya pero bumukas ulit ito at may nilabas siyang papel na may sulat.

'Mamaya ulit, ah?'

Napagiti na lang ako sa kanya. Medyo nagulat lang ako sa sinulat niya, totoo naman kaya 'yon? O baka nga trip niya lang kaya niya ginagawa 'yon pero kasi, argh! Ang bilis ng pag-uusap namin, hindi ko man lang umabot ng isang oras!

"Anong ginagawa mo dito, Meng?" tanong niya at inabot naman sa akin ang frappe na nilibre niya sa akin.

Umiling naman ako sa kanya at nginitian na lang siya. "Ano nga kasing meron?" pangungulit pa niya sa akin.

"Wala nga kasi!" saka ko siya hinila pabalik sa loob ng unit.

Kinukulit niya ako kung anong ginagawa ko dahil kakaiba daw 'yong ngiti ko tapos iba daw 'yong ningning nang mata ko. Buti hindi niya napansin 'yong mga papel na hawak ko kanina. Tinanong niya kung lumabas na daw ba si Bae pero sinabi kong hindi pa. Mamayang gabi daw, hindi siya matutulog at aabangan niya lang buong gabi.

Natatawa na lang ako kay Anja. Nagpakita na siya sa akin, mukhang dumadating na rin 'yong sinasabi ko sa sarili ko no'n na kailan kaya mangyayari 'yong usapan na hindi ako maghihintay ng gabi at magigising ng umaga para lang mabasa 'yong sagot niya sa akin.

Kaya ikinagulat ko nang makita ko siya na lumabas ng terrace niya.

Kakaiba pala talaga 'yong feeling na 'yon.

"Sino ba 'yang iniisip mo, ha? Si Alden o si Bae?" tanong ni Anja.

"Paano nasali si Alden dito, uyyy." Sabi ko sa kanya.

"Kasi mas mukhang pinagtutuunan mo nang pansin si Bae eh." Aniya.

"Ano naman ngayon?" taas kilay ko pa sa kanya.

"Akala ko ba mas mahalaga sayo na makita mo si Alden?"

"Ikaw gustong gusto mo makita si Alden for me pero 'yong dalawa naman, si Klass at Des ayaw kay Alden. Ang gulo niyo."

"Kasi si Alden naman talaga diba?"

"Ay naku, Anja, tama na nga muna 'yan."

Buong araw naglinis lang din kami ni Anja. May nakwento pa siya sa akin na nakita na niya daw 'yong artista na sinasabi kong nakatira dito sa condo, hindi ko na tinanong kung sino, basta daw lalaki 'yon. Isa pa lang daw 'yon at sigurado niyang maraming nakatirang artista dito sa condo at mas gusto niya daw na mag-stay dito, forever!

Sabi niya okay na daw na sinunog ng magulang niya 'yong mga magazines and posters niya dahil dito daw, mas totoo at gumagalaw daw. Ayaw na tuloy niyang umalis dito, kaasar!

Dumating ang kinagabihan, naunang nakatulog sa akin si Anja dahil napagod daw siya sa pinagagawa ko sa kanya kanina kaya ayun, doon sa kama ko natulog. Nagpunta naman ako sa terrace para balikan si Bae pero wala pa siya doon, hindi naman masama maghintay kaya nag-stay pa ako doon at inaantabayanan lang siyang dumating.

Sumapit naman ang 11pm pero wala pa rin siya doon. Napapahikab na rin ako sa antok ko.

"Menggay?" napatingin naman ako sa loob ng unit ko. Nakatayo doon si Anja at nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo diyan? Di ka pa ba matutulog? Maaga pa bukas, ah."

Tumayo na naman ako, "sabi ko nga, matutulog na ako." Bumalik na naman siya sa kwarto at nagsulat naman ako at dinikit ko sa railings.

'Goodnight ;)'

****

Nauna akong nagising kay Anja kaya nang matapos akong maligo ay doon ko na siya ginising. Habang nag-aayos siya, ako naman ay hinihintay ko na lang siya matapos. Tumungo naman ako sa terrace at nagulat ako nang makita ko doon si Bae.

Kinawayan niya ako, gayundin naman ako.

'Uyyy, sorry!'

Napakunot noo naman kaagad ako sa sinulat niya kaya nagsulat din naman ako ng sagot sa kanya.

'Bakit?'

At tinuro naman niya 'yong nakasabit na papel sa railings ko at natawa na lang ako at maalala ko 'yong paghihintay ko sa kanya kagabi.

'Hinintay mo ba ako kagabi?'

'Oo eh,' ngiti ko pa sa kanya.

'How can I make up to you?'

Umiling naman ako, 'Hindi na kailangan, Bae!'

"Meng! Alis na tayo!" napalingon naman ulit ako kay Anja na aligaga na. Kesyo late ko na daw siyang ginising, kaloka. Buti nga ginising ko pa siya eh.

Nagsulat naman kaagad ako at pinakita ko kay.

'Uyyy, sorry! Papasok na ako, mamaya na lang ulit ah! Bye!'

Hindi ko na nakita kung ano mang susunod na isusulat niya dahil nagmamadali na si Anja at nalungkot ako sa pag-iwan kay Bae doon. Nang makababa na ang elevator, hatak hatak ni Anja ang kamay palabas ng condo pero nang mapalinga ang ulo ko sa paligid.

Isang pamilyar na tao ang nakita ko.

"Bae?" usal ko nang makita ko siyang nakatayo lang at biglang kumaway sa akin hanggat sa makalabas na ako ng condo.

Halos hindi maalis 'yong ngiti ko. Hindi ko man makita 'yong mukha niya pero naalala ko 'yong mga ngiti niya at iyon ang pumapasok sa isip ko. Halos hindi na ako makausap ni Anja pagpasok sa university.

Hindi niya rin makuha kung anong dahilan ng mga ngiti ko kasi hindi ko siya pinapansin.

Ang tangkad pala niya, ang gwapo ng tindig niya. Ano kaya height? Paano kaya siya nagkasya sa puso ko? Chos! Pero seryoso, siguro kung magkakalapit kami, nakatingala ako sa kanya.

Bae? Sino ka ba talaga?

"Hello! Meng? Are you here?"

Napailing na lang ako nang harapin ko siya ulit, "bakit?"

"Pupunta tayo mamaya sa auditorium, be prepared."

"Ha? Para saan?!" taka kong tanong.

Oh my gahd. Anong meron?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro