Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Chapter 16

Anja's interest


"Alden!"

Halos mabali ang leeg ko sa paglingon nang marinig ko ang magic word na 'yon, chos! Nang marinig ko ang pangalan ni Alden, sino ba naman kasing mabibigla? Maririnig mo 'yong pangalan niya out of nowhere.

I search the person who calls out his name pero mukhang kung ano ano lang naririnig ko kaya pati pangalan ni Alden, naririnig ko na. Alden nga ba talaga narinig ko o masyado ko lang na-overheard at inisip na si Alden nga iyon? Oh my gahd, ang lala ko na talaga.

"Ayden!" Napakunot noo naman ako ng may bumanggit ng pangalan na 'yon, tinitigan ko ito hanggang sa magpakita ang taong tinatawag nito. "Where did you go, baby?"

"Ahh..." ang awkward ng ngiti ko, as in. Masyado ko lang ata iniisip si Alden lately kaya ngayon, kapag may katunog ng pangalan ni Alden, napapalingon kaagad ako. Sino ba kasing hindi sabik na makita siya? Na sa loob ng ilang taon na hindi ko na siya nakikita, syempre it's a chance for me to thank him and to say I'm sorry.

Pinanood ko naman ang mag-ina na magakapan. The first time I saw them is sa Starbucks, so nasa iisang condominium lang din pala kami. Tumayo ang mommy nito at hinawakan sa kamay at tumuloy sila sa elevator ng building a. Karamihan talaga ng mga sosyal nasa building a, ano kayang meron sa building a?

Napalingon naman ako sa malapit na front desk, ang receptionist. Napangisi naman ako dahil sa naisip ko noong ideya ko. Lagi ko na lang kasing nakakalimutan pero dahil nandito naman ako, it's a chance lol.

"Excuse me, miss." Sabi ko, abala rin kasi siya sa harap ng computer.

"Yes, ma'am?" nilingon naman niya ako.

"Ahm, gusto ko lang magtanong kung anong unit nakatira si Alexander?" tanong ko pa sa kanya.

"Alexander po ma'am?" she asked.

Tumango naman ako, "sorry po ma'am pero hindi po kami pwede magbigay ng units from random people lalo na pong walang verify mismo sa unit owner." Ang dami naman agad nitong pinaliwanag, tinanong ko lang naman kunga nong unit. Ang daming boka, kaloka!

Nginiwian ko na lang siya, "Ah, may artista bang naka-check in ngayon dito?" pagpalit ko nang tanong. Hagikgik ko pa.

Pero pansin ko rin ang pag-ngiwi niya sa akin, "sorry ma'am pero it's our duty po kasi na hindi magbibigay ng information without the verification po." Aniya.

"Ah," kaasar naman 'tong babaeng 'to. Wala rin pala akong mapapala sa ganito. Paasa! "Last na tanong, miss."

"Ano po 'yon ma'am?"

"Totoo bang may artista dito sa condo? Oo o hindi lang ang sagot." Sabi ko pa sa kanya. Ano ngayon kung mapilit ako, atleast magkakaroon na nang idea sina Klass at Des na meron nga.

She sighed, naaasar na siguro sa akin. Wala akong pake! Nakatira rin ako sa condo na 'to kaya responsibilidad nila kami, oh taray diba! "Yes, ma'am." She smiled bitterly.

"Thank you, miss." Ngisi ko sa kanya at naglakad na lang papuntang elevator ng building b.

****

"Oo, bilisan mo kaya ngayon!" bulyaw sa akin ni Anja sa kabilang linya.

I rolled my eyes, "okay, mamaya paalis na ako." Saka ko binaba ang tawag.

Maaga naman kasi ako nagising, medyo mabagal lang talaga ako kumilos ngayon. Tumuloy naman ako sa terrace at namuo na naman ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko ang response niya sa tanong ko.

'Bakit Maine?'

Syempre, medyo nahiya pa ako nang kaunti nang iyon ang sagot niya sa akin. Ibigsabihin, napanood niya ng buo 'yong video sa akin. Ako lang talaga 'yong minalas at hindi napanood 'yong susunod na ipapabasa niya, kaasar. Kumuha naman ako ng papel at pentel at sinulat ang sagot sa tanong ko.

Corny na pick-up line 'to actually. Inaamin ko na, haha.

'Kasi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan ka na.'

Ay shet ang corny ko na talaga. Dinikit ko naman iyon sa railings ng terrace ko at lumabas na nang unit ko. Pagkalabas ko ng elevator, tuloy tuloy lang ako hanggat sa may tumawag ng pangalan ko. Nanlaki pa ang mata ko dahil ang gwapo niya today. Nakakabighani ang kagwapuhan niya.

"Good morning din, Alexander." Ngiti ko pa sa kanya.

"Papasok ka na?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako, "oo, ikaw? Saan punta mo ngayon? Maaga pa ah." Sabi ko naman.

"Ah, may appointment kasi ako, male-late na nga ako eh, nauna na 'yong kaibigan ko kaya nagmamadali na ako."

"Oh, edi go na, dali!" hagikgik ko pa sa kanya.

Kumaway naman siya sa akin bago nagtatakbo na pumunta sa parking lot area. Yayamanin, may kotse. Naghintay din naman ako ng bus sa bus station, hindi naman nakakainip kapag laging ganito ang routine ko, hindi rin naman boring dahil sa tuwing babangon ako, gigising sa umaga. Lagi akong may inaabangan na sulat from Bae. Masaya naman kasi talaga. Kahit na malayo ako sa family ko, nakakaya ko naman dahil may mga taong kaya akong pangitiin kahit na mag-isa lang ako.

Pinauna na ako ni Anja sa university dahil male-late daw siya ng kaunti kaya nauna na ako doon. Baka mamaya hindi na 'yon pumasok, ayoko pa namang mapag-isa. Naalala ko pala, 'yong parang calling card na binigay sa akin kahapon sa auditorium, still have no idea kung para saan 'yon. If that was a ticket para makapasok sa audition area para makapanood, edi go. Susuportahan ko na lang kung sino man ang makapasok.

Sayang lang talaga 'yong chance na 'yon.

"Hi, Meng!" napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Anja. Pansin ko kaagad ang pagkatamlay ng mga ngiti niya sa akin, sinundan ko siya ng tingin hanggat sa makaupo sa tabing upuan ko.

"Anong meron, Anja?" pag-aalala ko pa.

Umiling naman siya sa akin, "wala, inaantok pa kasi ako."

Napataas naman ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya. Mga dahilan talaga ng babaeng 'to. Pansin ko rin ang mabigat at malalim na pagbuntong hininga niya, para mahimasmasan naman siya ay niyakap ko na lang siya.

"T-thank you, Meng." Iyon na lang ang lumabas sa mga bibig niya.

Takang-taka pa rin ako kung anong problema niya, ngayon ko lang siya nakita na ganito kalungkot.

"May problema ka ba?" tahimik lang siya. Tulala na ewan. "Sige na, sabihin mo na sa akin kung ano man 'yan."

"Pwede bang sa condo mo muna ako matulog?" iyon kaagad sinabi niya kabila sa mga tanong ko. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya kaya tumango na lang din ako.

I pat her shoulder, "oo naman, bakit ano ba kasing nangyari? Para kasing pasan pasan mo ang problema ng buong mundo, eh."

"Sinunog."

"Oh, anong meron sa sinulog festival?" she glared at me at sabay na binatukan. "Okay, I'm just trying to make you laugh, anong meron? Anong sinunog?" tanong ko pa.

"My parents, sinunog nila 'yong mga posters and magazine ko."

Para akong na-ewan sa sinabi niya, natatawa ako na ewan pero hindi ako tumawa dahil mukhang big deal talaga sa kanya 'yon.

"Kailan nangyari?" tanong ko pa.

"Kagabi lang, iyak na ako ng iyak, nagmamakaawa ako na 'wag nilang sunugin 'yong mga 'yon dahil may sentimental value na sa akin ang mga bagay na 'yon pero nagawa pa rin nilang gawin." Hinimas ko naman ang likod, naaawa tuloy ako sa kanya. Kung ako man ang nasa kalagayan niya, siguro maglulumpasay ako sa nangyari. "Hindi ko alam kung may natira sa mga sinunog nila, nagagalit sila dahil parang doon na lang daw natutuon ang mga atensyon ko. I spend so much of my money para sa mga gano'n, hinahayaan din naman kasi nila ako tapos ngayon..." niyakap ko na siya dahil umiiyak na talaga siya.

"Sorry to hear that pero sa condo ko na talaga ikaw matutulog just for that?" tanong ko pa sa kanya.

Humihikbi naman siyang humiwalay sa akin, "alam mo namang kahit mga papel at kahit gano'n lang ang mga 'yon, sumasaya ako eh. Pero they ruin it, sinira nila kung anong meron ako. Naiinis din ako sa kanila kaya sayo muna ako matutulog, Meng." Aniya.

"Kaya ka pala na-late." Ngisi ko pa sa kanya. "Mukhang big deal nga sayo ang nangyari, at dahil kaibigan kita! I will make up something to you."

"Ano naman 'yon?" tanong naman niya.

"Sino ba gusto mong makita in real life sa mga posters and magazines mo?" tanong ko pa sa kanya.

"Si Richard."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya, "parang ang hirap naman niyan." Kunot noo ko pa.

"Oh diba? Hindi mo kaya. Okay na 'yong pagpapatuloy mo sa akin sa condo mo for how many days, nakabawi ka na sa akin." ngiti pa niya sa akin. Pinunasan na rin niya 'yong mga luha niya at umayos na siya ng pagkakaupo niya.

Hindi ko siya maintindihan pero kung iintindihin ko rin naman, nage-gets ko kung bakit siya naging ganyan. She spend most of her time sa mga ganyan, masaya siya kapag nakikita niya 'yong mga 'yon at hindi niya pinapalampas kung ano mang magazine o poster ang lumabas, die hard fan nga kamo pero ang gusto niya talagang makita ay si Richard.

Kung ako man, hindi ko pa nakikita ng personal 'yong model na 'yon. Pahirapan eh. Sikat 'yon kaya medyo mahihirapan kang ma-reach siya, kailangan mo munang dumaan sa mga pagsubok, chos! Syempre, may mga dadaanan ka munang mga tao bago siya mismo ang makausap.

After nang klase namin ay dumiretsyo naman kami sa bahay nila Anja. Mabuti na lang daw ay wala 'yong mga magulang niya, kukuha kasi siya ng mga damit niya para sa unit ko muna siya matuloy. Pinakita niya rin sa akin 'yong part sa bahay nila kung saan pinagsusunog 'yong mga poster at magazine niya.

Naiwan naman ako doon habang siya ay umakyat na siya sa kwarto niya. Madami daming abo rin ang nagkalat sa paligid pero may pumukaw naman ng atensyon ko, hindi pa siya nasusunog ng tuluyan pero may bahid na nang itim na sunog. Kinuha ko naman iyon at pinagpagan.

"Mukha ni Richard 'to, ah?" pagsuri ko sa nakuha ko. Habang tinitigan ko ito, hindi talaga nalalayo ang tingin ko sa dimples niya sa left cheek. Malalim, ang gwapo rin niyang ngumiti. 'Yong mapupungay niyang mga mata, ang sarap titigan. Ang tangos din ng ilong niya. Sayang kasi 'yong chance na makikita ko na siya eh, hindi pa nangyari.

Pumasok naman ako sa loob ng bahay nina Anja at pababa na siya ng hagdan ng makita ko, dala dala niya ang isang malaking maleta.

"Para ka nang lalayaas ah, mukhang dala mo na buong kwarto mo ah." Ngisi ko pa sa kanya.

Itinupi at tinago ko naman sa bulsa ko 'yong napulot kong piraso mula sa poster niya, "ano 'yon?" tanong niya.

"Wala," aniko. "Tara na para maayos mo na rin 'yang mga gamit mo sa unit ko." tugon ko sa kanya.

Nag-taxi na lang kaming dalawa papunta sa condo, ang bigat nang maleta niya pero sabi niya mga damit lang daw 'yon. Hindi na daw niya kasi inayos. Kung ano 'yong mga nakuha niya, pinaglalagay na niya.

"Ang gara pala talaga dito sa condo mo ano," pagsusuri niya pa sa paligid nito.

"Wala eh," tawa ko pang mahina. "Saka alam mo ba na may artista dito na nakatira?"

Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko 'yon. "talaga?" halatang umaaasa na totoo ang sinasabi ko.

Tumango naman ako sa kanya, "pero hindi ko alam kung sino dahil hindi naman sa akin sinabi no'ng nasa receptionist kung sino eh."

"Daya," aniya.

"Tara na nga sa unit ko."

Tumuloy naman kami sa elevator at tumuloy na rin sa unit ko.

"Feel at home," sabi ko sa kanya pero agad siyang dumiretsyo sa terrace at nagtitili-tili. "Oy! Bawal maingay dito!"

"Pero shems, Meng, totoo nga!" Tinuro niya 'yong sulat ni Bae sa akin na 'Bakit Maine?'. Ngayon na nakita na niya at nasaksihan ang lahat.

"Sabi ko sayo eh, si Bae ko 'yan."

"Bae ba talaga? Baka mamaya si Richard pala 'yan, ah!" aniya pa.

Inilingan ko naman siya, "hindi ah, hindi ko rin sure kung sino 'yan dahil laging nakataklob ang mukha." Sagot ko sa kanya.

Napatango na lang din siya sa akin habang sinusuri ang terrace ni Bae, "mukhang ako na ang gagawa ng paraan para mo ang taong nasa likod ni Bae." Ngisi pa niya.

Natawa na lang ako. Sa ngayon, kikilalanin ko muna siya. Wala muna akong pake sa hitsura niya, gusto ko munang kilalanin ang ugali niya kahit sa ganitong paraan ng pag-uusap.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro