Chapter 14
Chapter 14
Registration slot
Tulala ako habang naliligo kanina dahil napaganipan ko na naman kasi si Alden eh. 'Yong chubby na Alden, actually hindi siya talagang mataba na halos puputok na 'yong pisngi niya sa ta ba? No, sakto lang. Pero ayun eh, doon din siya inaaasar kasi nga malusog siya. Mangiyak ngiyak nga ako kanina paggising ko eh, nakikita ko pa 'yong mukha ni Alden noong bata pa kami. Iyon lang ang naaalala ko sa kanya.
'Yong mukha niyang iyon lang talaga, kaya wala akong ideya kung anong histura niya ngayon. Baka nga ilang beses ko na siyang nakasalubong, para tulad noon wala lang akong pakelam dahil hindi ko siya kilala.
Parang bumabalik lang tuloy 'yong dati. Past is haunting me now.
Ang drama na naman, mala-late na ako eh!
Nag-ayos na rin ako, kumain lang ng cereals. Bago ako lumabas ng unit ko ay tumungo naman ako sa terrace at oo na, like I usual do, nagtatalon sa kilig. Binasa ko naman iyong sinulat niya.
'Sure, Maine. And you can call me, Bae.'
Napangiti naman ako ng mabasa ko 'yon. Alam na niya ang pangalan ko pero bakit hindi niya pangalan 'yong sinabi niya? Bae? May isa kaagad akong natatandaan sa tawag na 'yon, si Richard Howerdson. Napataas kilay naman ako, siguro trip niya lang na iyon ang tawag ko sa kanya, oo, trip nga lang niya 'yon atleast hindi ko na siya tatawaging mystery guy kundi Bae na.
Tumuloy na rin naman ako palabas ng unit ko.
Nauna akong dumating sa meeting place namin ni Anja. Hinintay ko naman kasi lagi siya namang nauuna na maghintay sa akin. Mayamaya lang ay tumawag na siya sa akin, hindi daw siya makakapasok dahil masakit daw ang ulo niya. Nalungkot naman ako dahil wala akong makakasama buong araw. Paano na 'yong registration sa audition ko? Ang sabi niya, agahan ko na lang daw para magkaroon ako ng slots.
Pumasok na rin naman ako sa university pagkatapos niyang tumawag sa akin. Magte-text dapat daw siya sa akin kagabi kaso hindi na niya kaya, kaya natulog na lang siya at nagpahinga. Siguro dahil kakaisip niya kay Richard, ayan tuloy. Masyado kasing obsessed eh.
Wala tuloy akong mapagku-kwentuhan tungkol kay Bae.
Naging masaya naman ang flow ng araw ko ngayon, mag-isang kumakain sa cafeteria. Walang obsessed fan ni Richard.
"Oh my gahd, 'yong registration." Pumunta kaagad ako sa bulletin board para makita kung kailan pwede na magpa-register. Medyo maraming tao nang makarating ako sa bulletin board pero nakasingit naman kaagad ako at hinahanap ang announcement.
Today ang registration. 3pm. 15 slots lang ang kailangan. Next week na ang start ng audition. Napatingin naman ako sa sariling kong schedule, conflict. 4:30 pa kasi matatapos 'yong last subject ko kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko naman mag-cutting, kung nandiyan naman si Anja, go lang para may makopyahan ako ng notes pero wala siya eh.
Gaya nga ng sabi ni Anja, humabol na lang ako pero paano kung wala na akong maabutan?
Bagsak ang balikat ko nang pumasok ako sa second to the last kong subject. Two hours kasi ang last subject ko, medyo strict pa naman 'yong prof namin, nakakatakot.
Parang maiiyak na ako sa bawat minutong lumilipas dahil mukhang mawawalan na talaga ako ng pag-asa. Pero ano kayang gagawin ni Anja kung kasama ko siya ngayon? Pipilitin niya kaya akong mag cutting para lang makapag-register. Bawal daw kasi na iba 'yong magre-register for you para makilala rin nila kung sino talaga 'yong sasalang for audition and I don't have any lots of friends here, may nakakausap oo pero madalang, si Anja lang talaga 'yong super close ko, as in.
'Sana maaga magpalabas ang prof namin,' pikit mata ko pang sabi sa sarili ko kaya napatingin sa akin 'yong iba kong kaklase, nagtaka lang, okay?
Dumaan na ang 3pm. Mas lalo akong nanlumo dahil mukhang mahaba-habang lecture pa ang tatahakin ng professor ko. Kahit bored na bored na kami sa tinuturo niya, sige pa rin siya dahil binabayaran naman siya kahit hindi makinig mga estudyante niya eh.
"Okay ka lang, Maine?" hinawakan ako sa balikat no'ng katabi kong babae sa kaliwa.
Tumango naman ako sa kanya, at pilit na ngumiti. "Oo, okay lang ako."
Pero nakakunot lang ang noo niya, "sure ka ha?"
Tumango naman ako sa kanya at bumalik siya sa pakikinig. Parang halo halo na 'yong nararamdaman ko, naiiyak na ewan. Gustong gusto ko kasi sumali doon, kung hindi man mabigyan ng chance atleast naipakita ko 'yong talent ko sa kanila. Hindi ako sa nagmamayabang pero baka magulat pa sila sa akin.
I can do everyone can. Yan si Meng eh. 'Yan ako, hindi rin sumusko.
"Bahala na nga," buntong hininga ko nang pumatak na ang alas quarto. Wala na akong aabutang slot for registration dahil anong oras na, baka nga naglilipit na sila ng desks nila doon. Ano pa nga bang aabutan ko? Dapat hindi ko sinasanay ang sarili kong maghintay eh, minsan nakakasawa din pala kasi umaaasa ako sa isang bagay na posible pang mangyari.
Pero si Alden, never kong susukuan na makikita ko pa siya.
"Dismiss," anunsyo ng prof saka tuluyang lumabas ng room.
Wala naman akong gana na tumayo at niligpit ang gamit ko. Uuwi na lang ako, wala na naman akong gagawin eh. May nakahanda na sana akong piece for the audition pero mukhang hindi ako maswerte sa mga ganitong bagay.
Oo dinadown ko na kaagad ang sarili ko sa mga ganyan dahil in the end, ayokong masaktan.
"Uuwi ka na Maine?" tanong nong babaeng katabi ko.
Tumango naman ako.
"Sige, ingat." Aniya at mabilis na lumabas ng room.
Didiretsyo na sana ako palabas ng gate ng university pero naisip kong dumaan muna para makita kung sino 'yong mga mago-audition. Habang papunta ako sa hallway kung saan nandoon ang registration area, 'yong ibang desk nililigpit na nila pero may isang desk pa ang nakatawag ng pansin ko.
"Isang slot pa po," anunsyon ng isang miyembro sa org na 'yon, "Isa pa po!"
Nang tingnan ko naman kung anong category for registration ang kulang na lang. Biglang lumawak ang ngiti ko nang makita ko 'yon. Agad akong lumapit para puntahan ang desk nila at magpalista ng pangalan, hindi pa nga huli ang lahat.
"Ak-" natigil ako sa pagtakbo at pagsalita nang may sumulpot bigla sa harap ko.
"I'll take the last slot po," sabi nang bababeng nasa harapan ko.
"Ito po," binigay naman naga-assist 'yong registration form. "We'll call you po for the date and date of your audition, thank you."
"Thank you," aniya at umalis na.
Napunta naman sa akin ang atensyon ng babae. Nakatitig lang kasi ako sa kanya, pinapanood silang dalawa kanina na mag-usap. Nginitian naman aniya ako.
"Ano po 'yong miss?" tanong nito sa akin.
"Meron pa po bang slot?" iyon agad ang tanong ko sa kanya.
"Ah, sorry to say pero last slot na talaga 'yong babae na kakaalis lang. Actually thirty minutes na kaming naghihintay for the last slot tapos ayun dumating si ate, kumpleto na ang auditionees." Sige ate, ipamukha mo pa sa akin na hindi ako makakasali!
"Hindi po ba pwedeng pang 16 ako?" pagpupumilit ko pa.
Inilingan naman niya ako, "sorry pero 15 slots lang kasi ang binigay sa category na 'to eh. Actually lahat ng categories, puno na. Sorry ate, late ka na eh."
"Ah, sige po, thank you na lang."
"Sige, ingat." Aniya at tinalikuran na ako.
Ang kupad kupad ko kasi ayan naunahan na tuloy ako! Kung binilisan ko lang din sana ang paglalakad ko, sana nakahabol pa ako pero hindi eh, mukhang hindi talaga meant to be sa akin ang bagay na 'to.
Umuwi na lang ako at humiga sa kama ko. Tumawag naman ilang saglit si Anja saka ko binalita ko 'yong nangyari sa registration kanina.
"Ay naku, nakakaasar ka naman, Meng!"
"Wala eh, hindi ata talaga meant to be sa akin iyon." Tugon ko naman sa kanya.
"Anong category ba dapat sasalihan mo?"
"Basta," sagot ko na lang sa kanya. "Ikaw, okay ka na ba?"
"Medyo, okay na naman ako. Makakapasok na naman bukas."
"Buti naman," ani ko pa. "Ang boring kasi kanina at may iku-kwento pa naman sana ako."
"Ano naman 'yon?"
"Tungkol ka Bae." Ngisi ko pa. Shocks, hindi ako sanay na tawagin siyang gano'n ah. Nakakapanibago.
"B-bae?" utal niya sa kabilang linya. "You mean?"
Natawa naman ako, "hindi, baliw! Hindi si Richard Howerdson, okay?" ngisi ko pa. "'Yong nasa kabilang building ng condo, ayun 'yong pakilala niya sa akin, Bae."
"Assuming naman pala 'yan." Asar niyang sagot sa akin.
"Bakit naman?" taka kong tanong.
"Bakit Bae pa ang kailangan itawag sa kanya? Ano kasing gwapo ba ni Richard 'yan para tawagin niya ang sarili niyang Bae?! Umayos kamo siya ha!"
Okay beastmode si Anja.
"Pero seriously, akin lang 'tong Bae ko." hagikgik ko pa.
"Ha-la-la-la, landi! Basta akin lang si Richard ha?" paninigurado pa niya.
I rolled my eyes, "okay, sayo na talaga siya, okay na tayo? Wala nang hard feelings?"
"Wala na, sige na, Meng! I need to rest na para makita nakita bukas!"
"Sus! Miss mo lang ako eh," ngisi ko pa sa kanya. "Sige na, bye!"
Pumunta naman ako sa terrace at nagsulat.
'Pwede ba kitang makausap?'
At dinikit ko sa railings. Ginawa ko na lang din naman 'yong mga assignments ko, nanood ng balita at nakatulog.
Kinabukasan, parang bitbit-bitbit ko pa rin 'yong bigat ng kahapon dahil sa nangyari. Okay na eh, may chance nang makapag-audition ka pero dahil sa kaartehan ko, nawala pa ang lahat.
Mamaya pang before lunch ang pasok ko kaya nagliwaliw muna ako pero naaalal ko 'yong sinulat ko kagabi para kay Bae at nang pumunta naman ako sa terrace, nagulat ako nang response siya sa akin.
'Sige, go lang, naka-video ka rin!'
At nang mabasa ko kaagad 'yon, nakita ko kaagad 'yong slr niya sa railings at nakatapat sa unit ko. Naka-video na kaya 'yon? Agad naman akong bumalik nang terrace nang kumuha ako ng pentel at ilang piraso ng papel at nagsimulang magsulat.
'Hi Bae!'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro