Chapter 13
Chapter 13
Feelings
"Yes, 'Nak, gustong gusto na nga ng lola mo na makasama ka pero kasi syempre kapag nandiyan na ang lola mo, hindi mo rin naman masyadong makakasama dahil busy ka sa school, right?"
"Ano ka ba, Mary, 67 lang ako! Kaya ko pa namang tumayo, kumilos mag-isa, gusto ko lang talaga makasama si Menggay." Rinig kong sabi ni lola sa kabilang linya.
Napapangiti at natatawa na lang din ako sa usapan ni mama at ni lola doon.
"Ah, 'nak, basta kapag maluwag na ang sched mo, pupunta lola mo diyan. Nandito naman mga kapatid mo, kasama niya." Aniya.
"Sige po ma, anytime naman, 'yong free time ko lang din minsan nagkakatalo-talo. Sige po ma, bye! Ingat!"
"Ingat ka din diyan, baby! Bye!" saka niya binaba ang tawag.
Nilapag ko naman ang phone ko sa bedside table. Oo, ang tawag na naman ni mama ang gumising sa akin, sabik na sabik na daw kasi si lola na makita at makasama ako eh. Medyo close kasi ako sa lola ko, no'ng baby pa daw ako, more on si lola lagi nagbubuhat sa akin at lagi daw akong hagikgik pa siya ang nagbubuuhat sa akin kaya ngayon, syempre malungkot at the same time dahil miss ko na rin siya.
Bumangon at inayos ko na ang higaan ko. Tumuloy sa cr pagkatapos ay naghanda nan g makakain ko. Rest day ko ngayon pero parang pagod na pagod ako. Sa dami ba naman kasi ng ginagawa, mabuti na nga lang ay wala pa kaming reports kaya hindi pa hassle sa akin.
Matapos kumain ay dumiretsyo naman ako sa sala. Tinawagan ko rin sila Klass at Des na pumunta dito dahil wala rin naman akong gagawin. Push naman ang dalawa kaya before lunch nandito na silang dalawa. Binuksan ko naman ulit 'yong laptop, pinanood ko ulit 'yong video.
Actually ilang beses ko nang napapanood pero lagi akong nakatuon sa mga sinusulat niya at napapangiti na lang ako. Ang baliw, diba?
"Kaliwete pala siya?" doon ko lang na-realize dahil hindi ko naman iniisip 'yon, but atleast, napansin ko rin 'yon. Maganda ang sulat niya kapag hindi minadali, medyo hindi mo maiintindihan kapag minadali niya.
Paulit-ulit hindi nakakasawa panoorin dahil kitang-kita ko 'yong mismong taong nakakausap ko sa fansign style na 'yon. Nakita ko na siya, hindi lang gabi. No'ng time na nasa pool ako, nakita ko siya noon. Like his usual attire, hood jacket and shades at bigla na lang papasok sa loob ng unit niya.
Matangkad siya, gwapo... ngiti pa lang eh, pamatay na!
Nang maasar naman ako sa huling part, ang bitin kasi! Iniwan ko na lang 'yon laptop at pumunta sa terrace and I'm so shock when I saw a paper message. Binasa ko kaagad 'yon.
'Good morning! Sana ako ang dahilan ng pagngiti mo ngayong araw.'
Ay shet! Oo na, kinumpleto mo na ang araw ko, sana kasi from time to time meron kang sulat para sa akin para kahit anong oras, hindi naaalis 'yong ngiti-kilig sa akin. At meron pang kasunod ang sulat medyo maliit lang kaya kailangan ko pang titigan talaga.
'Kung maaari lang, anong pwede kong itawag sayo?'
Oo na, ito na 'yong stage 2. From strangers ngayon magkakakilala na kaming dalawa. Dali dali naman akong kumuna ng papel at pentel at sinulat ang pangalan ko.
'Maine na lang. Ikaw ano pwede kong itawag sayo?'
Ay hihi! Ang harot ko na, sana hindi na siya sumagot ng secret dahil umaaasa ako na makilala ko siya. Ngayon na nagtanong na siya kung anog pwedeng itawag sa akin, ito na 'yong chance na mai-stalk ko siya sa social media accounts.
Hinintay ko naman ko kung magre-response siya sa akin ngayon pero mukhang hopeless ako. Gaya ng sa video, its 2am in the morning kung magsulat siya at ididikit niya sa railings ng terrace. One time naman muntik ko na siyang matsempuhan. Siguro nga that is not the right time para magharap kaming dalawa, hanggang kailan nga ba?
Pumunta naman ako ng starbucks dahil nami-miss ko na rin uminom ng kape. And I'm so lucky to find Alexader there, hindi niya ako nakita dahil may kausap siya sa phone niya. Siya na naman mag-isa? Nasaan na ba 'yong sinasabi niyang kaibigan niya? Imaginary friend lang ba 'yon? Umorder naman ako ng frappe at saka lumapit sa table na kinauupuan niya.
"Hi, Alexander." Ngiti ko pa sa kanya.
Halatang nagulat naman siya ng makita niya ako sa harapan niya, "Maine!" ngiti pa nito sa akin. At biglang bumaling sa kausap, tumango tango ito at binaba na niya ang tawag.
Nginitian ko naman siya, "kamusta ka na? Hindi na tayo nagkikita these past few days ah." Sabi ko pa sa kanya.
Tumango naman siya, "yeah, trabaho at pahinga na lang din kasi ginagawa ko kaya minsan, I have no time para magliwaliw tapos mamaya may trabaho pa ako, so I need to pack things early."
Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Never pa niya kasi sinabi 'yong trabaho niya, basta daw, basta. "Matanong nga, ano ba talaga work mo? Curious talaga ako eh," pag-amin ko pa.
Natawa naman siya ng mahina, "basta, masaya at nakaka-enjoy ang trabaho ko."
"Spill it na kasi," pagpupumilit ko pa sa kanya.
Pero nginitian niya lang ako. Mukhang wala naman akong makukuhang sagot sa kanya, okay, hindi ko na siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin. Baka mamaya kasi private or baka mamaya terorista sila? Oh my gahd. Kung gano'n, matagal na pala akong nakikipag-usap sa isang masamang loob?
Napailing naman ako sa iniisip ko. Ang pogi pogi ng lalaking nasa harap ko, pag-iisipan kong terorista? Nasaan ang utak Meng? Baka nga isa siya sa mga prinsipe na nagdi-disguise para mahanap ang prinsesa niya. Oh my gahd. Ang lala ko na talaga, kaasar.
"Wala ka bang kasama? 'Yong sinasabi mong kaibigan mo? Kailan ko ba siya makikilala?" tanong ko pa. Ang kulit diba? Baka kasi gwapo rin 'yon, ayaw niya lang ipakilala dahil baka bumaling ang atensyon ko don sa kaibigan niya. Okay lang 'yon, gwapo rin naman siya.
Tinawanan naman niya at inilingan, "meron kasi nahilo daw siya bigla kaya ayun, nagpahinga na lang sa unit niya." Aniya. "And for your question kung kailan?" he shrugged, "hindi ko alam, I told him about it pero dahil busy ang schedule niya, wala pa siyang time."
"Ano ba 'yan, magpapakilala lang eh." Sabi ko pa sa kanya.
Tinawanan niya lang ako, "I know na nakasalubong mo na siya, hindi mo lang alam kung sino sa mga 'yon."
"Oh-okay," sabi ko pa. Magbibigay na lang ng clue 'yong mahirap pa, kaasar.
Mayamaya lang din nang mapabaling ang mga mata ko sa condo, I saw the girls already. Si Klass na hinahatak pa si Des, hindi siya excited. Hindi.
Hinarap ko naman si Alexander, "hey, I need to go na. Nandiyan na kasi 'yong mga kaibigan ko eh, bumili lang talaga ako ng frappe and gladly I saw you."
"Ah, sige, next time na lang ulit!" aniya at kinawayan ako.
Tumango naman ako at kinawayan din siya.
Nagmadali naman akong pumasok ng condo at hinabol silang dalawa at nakita ko naman na papasok na nang elevator ng building b. Tumakbo na naman ako para maabutan sila pero no'ng nandoon na ako, bigla pang sumarado.
They saw me, bubuksan pa sana pero it's too late. Napailing na lang ako.
Hinintay ko na lang na bumaba at bumukas ulit ang elevator at pinindot ang 11th floor. Ilang saglit lang din naman ay dumating na sa designated floor at pagkabukas noon ay nakita ko ang dalawa, nakatakip ang isang kamay sa mukha at umiiling.
"Hindi kami na-orient," sabay pa nilang sabi.
"Gaya gaya talaga kayong dalawa, kaasar." Irap ko pa sa kanilang dalawa.
Tinawanan na lang din naman ako pero pinatahimik ko sila dahil umaalingawngaw 'yong boses nila sa hallway kaya nang dumating kami sa unit ko doon sila nagtatawa. Hindi soundproof ang kwarto ko pero kung makatawa ang mga 'to, kaya nagsipunta sa cr doon binuhos ang mga huling halakhak.
Pagkatapos nila tumawa ay sa pumunta na sila sa sala.
"Guys, tulungan niyo ako magluto, ah?"
At nagtinginan ang dalawa at sinamaan ako ng tingin, "akala ko pa naman kakain na lang ako kaya gora agad kami, 'yon pala luto muna bago kain." Ani Klass.
"Arte mo Klass, basta tulungan lang naman."
"Edi tulungan, gora!" sabi naman ni Des.
Kung saan saan na sila nagkalat sa unit ko. Si Klass na nasa sala at si Des na nasa terrace kaya no'ng ma-realize ko naman kung anong meron doon, tumakbo ako palapit doon.
"Did you see that paper Meng?" turo pa ni Desiree sa unit ng lalaking iyon.
Dahan dahan naman akong tumango sa kanya. 'Wag kang magpahalata, Meng.
Binasa naman iyon ni Klass, "'Good morning! Sana ako ang dahilan ng pagngiti mo ngayong araw.' Sino ba kausap nito?" takang tanong pa ni Des sa akin.
Nagkibit balikat na lang ako sa kanta at nang dugtungan niya ang binasa kanina, "Kung maaari lang, anong pwede kong itawag sayo?' Kaloka ha! Ang landi landi kung sino man 'yon, akalain mo meron palang ganito sa condo na 'to! Instant forever!" aniya kaya nang mapahawak siya sa railings, wala na bistado na.
Hindi ko siya pinigilan na kunin 'yon, baka sabihing defensive pa eh pero huli nanang mabasa na niya iyon. "'Maine na lang. Ikaw ano pwede kong itawag sayo?'" at napatingin siya sa akin, "ano 'to?"
Nagkibit balikat naman ako.
Kinunotan niya ako ng noo at binalikan niya 'yong mga sulat sa kabilang unit.
"Ikaw? Ikaw 'yong kausap niya?" tanong pa niya.
Napabuntong hininga naman ako at tumango na sa kanya, "oo, ano ngayon?"
"Forever na 'to?"
Inilingan ko naman siya kaagad, "baliw! Tingnan mong nagtatanungan kami ng pangalan eh,"
"Doon naman kasi pupunta 'yon," aniya.
"Akin na nga 'yan," kinuha ko sa kamay niya 'yong papel at muling dinikit sa railings. "Mamaya hindi niya pa mabasa eh." Aniko.
"Ano, gwapo ba?" tanong pa niya sa akin.
I shrugged, "oo? Hindi ko pa kasi totally nakikita dahil laging tago ang mukha niya, kaya ayun." Sabi ko na lang sa kanya.
"Meng! Des!" tawag sa amin ni Klass.
Bumalik naman kami sa sala kung nasaan siya. At nang makita kong nasa harap na siya ng laptop ko, may kinakalikot na kung ano.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" at huli na dahil fia-fastword na niya ang 3 hours video na 'yon.
"Meng, anong meron dito?" tanong ni Des sa akin, 'yong mga ngitian niya sa akin, nakakaloko! "Ini-stalk mo siya?"
Umiling ako, "hindi ah!" depensa ko.
"Weh?" ani Klass. "Tingnan niyo oh!" sabi ni Klass dahil 'yong nandoon na siya sa last fifteen minutes.
Oh my gahd. Nakakahiya!
Habang pinapanood nila ng video. Kilig na kilig sila, lalo na si Klass nang mapansing ngumiti ito. Napansin dila nila 'yong pagsulat nito, kaliwete nga. Ako lang ata masyadong natuon noon sa mga sinusulat niya kaya hindi ko napansin na kaliwete pala ito.
Pansin din nila ang handwriting nito, lalo na ang mga sulat sa papel nito.
Kanina pa nila ako binubogbog dahil sa sobrang kilig.
"Sa wakas! May forever na si Menggay!"
"Oh my gahd, 'wag kang sumigaw." Paghinahon ko sa kanya.
Napahagikgik na lang sila. Mga baliw.
At halos magwala rin sila nang hindi man lang nila nakita 'yong sulat no'n nang matapos na ang video. Tapos dinala ni Des si Klass sa terrace at halos hindi na naman niya mapigilan 'yong kakasigaw niya dahil sa sobrang kilig. Sana lang walang maistobro, mag-la-lunch pa naman.
Pagkatapos nilang magwala. Tinawag ko na sila para maghanda ng lunch namin.
Habang naghihiwa naman ako, biglang eksena ni Klass.
"Anong gagawin mo kapag nakilala mo 'yong nasa unit na 'yon?"
"Wala?" sagot kong patanong din.
"Gaga, anong wala? May tanong ako." Sabi ni Klass.
"Go lang, makikinig lang ako sa inyo." Sabi naman ni Des. Natawa naman ako sa kanya at bumaling kay Klass.
"Ano naman 'yon?"
"Menggay, nagmahal ka na ba?"
"Ano bang tanong 'yan?"
"Sagutin mo na lang, nagmahal ka na ba?"
Umiwas ako ng tingin, "hindi ko alam," sabay kibit balikat.
"Adik naman Meng! Ba't di moa lam?! Sige ito na lang, ibahin natin 'yong tanong." Tumango naman ako sa kanya. "Naranasan mo na ba 'yong feeling na parang may kung anong kakaiba diyan sa tiyan mo?"
Tumango naman ako, nag-glow ang mga mukha nila. "Oo,"
"Sino?!"
Tinaasan ko naman sila ng kilay, "anong sino? Gaga, nagugutom na ako! Kumakalam na 'tong tiyan ko, Dalian natin!" usal ko.
Binatukan naman ako ni Klass, "Hindi naman kasi ano 'yong tanong ko diba? Ang adik mo talaga, 'yong feeling na nagkagusto ka na sa isang tao? Sino? Kanino? Dali!"
Napatigil naman ako, "hindi ko alam." Sagot ko na lamang.
"'Yong seryoso naman Meng." Nguso pa ni Klass.
"'Yong seryoso at totoo?" tumango sila sa akin. Napabuntong hininga naman ako at sniagot ang tanong niya, "ewan ko pero feeling ko si Alden iyon."
Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay na tumawa.
"Anong meron sa lalaking 'yon?" tawa pa ni Des.
"Oo nga! Ang babaw mo talaga sa lalaki, Meng! Ang tagal tagal na no'n, hindi ka pa rin maka-move on!" dagdag pa niya.
Pero napailing na lang ako at sinabing, "hindi ko rin talaga alam pero habang dumadaan 'yong araw, habang lumilipas 'yong panahon mas lalo siyang nananatili sa isip ko. Oo, I've done so many efforts, hinanap ko siya, ginawa ko ang lahat para lang magkita kaming dalawa. Hindi ko man alam kung sinubukan niya din akong hanapin pero umaaasa ako na oo, at nasa tamang panahon ang lahat ng ito. Gaya nga sabi ng lola ko, dadaan din sa buhay ang lahat ng ito. Kung masyado nang matagal ang paghihintay, tiwala lang, malapit na kaming magkita. At oo, gustong gusto ko si Alden kahit na meron pa diyang iba, sa kabilang unit, iba 'yong tama ni Alden sa akin eh. Iba siya sa akin."
Nanahimik ang dalawa sa sinabi ko. "Wala akong pakelam sa physical features niya, wala akong pake kung hindi niya ako gusto, basta makita ko lang siya. Masaya na ako."
Bigla na lang din ako niyakap ng dalawa, napangiti na lang din ako.
"Malala ka na talaga, Meng." Ani Klass.
"Oo nga, saka pwedeng pababa no'ng kutsilyo?"
Tawanan naming tatlo.
Ngayon lang ako umamin ng gano'n, umamin na may nararamdaman ako kay Alden. Matagal na, matagal na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro