Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

You...Love Me Right?!

ZETT'S POV:


"Nak...kakain na ng hapunan..."sabi ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Nakakulong ako ngayon sa kwarto. I mean,nagkulong ako dito sa kwarto ko.


"Bababa na lang po ako mamaya..."sabi ko. Narinig ko namang nagbuntong-hininga si Mama bago bumaba ng hagdanan.


Ngayon ko lang naranasan na ikulong ang sarili ko sa sarili kong kwarto. Ngayon ko lang din naisipang isarili na lang ang kalungkutan na nararamdaman ko. Kadalasan kasi,pag nalulungkot ako,kinukwento ko sa mga magulang ko pero ngayon,isasarili ko na lang. Ayaw kong makita nilang umiiyak ako. Lalaki ako kaya dapat hindi ako umiiyak,pero bakit ganito? Hindi naman niya ako sinaktan physically,pero eto? Etong puso ko naman ang sinaktan niya. Sinaktan niya 'ko emotionally,hindi physically. Alam mo yung feeling na nagpakatanga ka sa kanya tas bigla na lang ganto ang mangyayari? Diba ang saklap?


FLASHBACK


Nasa labas ako ng room ngayon ni Rochi,kumakatok. Excited na excited ako ngayon kase monthsary namin ngayon ni Rochi. Sosorpresahin ko sana siya sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng jar na punong-puno ng paper hearts sa loob. Pinagpuyatan ko siya para kay Rochi,sa taong pinakamamahal ko.


"Yes...oh,Mr. Lara. What brings you here? Diba uwian niyo ng mga Sympathy?" sabi ni Mr. Chuchu sa 'kin nang makita niya 'ko sa harap ng room.


"Uhm...pwede ko po bang ma-excuse sandali si Rochi?"masigla kong sabi kay Mr. Chuchu. Para naman payagan ako na i-excuse si Rochi. Kung pwede ko lang sabihin na monthsary namin ngayon eh,kaso bawal naman dito sa school ang magkaroon ng boyfriend-girlfriend kaya patago lang ang relasyon namin ngayon ni Rochi. Nag-pramis naman ako kay Rochi na hindi malalaman ng kahit sino man dito sa school na kami eh kaya wala siyang dapat alalahanin.


"Oh...you're excusing Ms. Evangelista? Why? Mind to tell me?"Ay,ano ba yan. Hindi ba pwedeng i-excuse na lang si Rochi,hindi yung may Q&A portion pa?! Dali,Zett! Mag-isip ka ng pwedeng dahilan! Yung mapapaniwala mo si Mr. Chuchu.


"Pinapa-excuse po kasi si Rochi po para sa Math project po eh. Ngayon na raw po kase kailangan na kailangan na raw po kasi talaga ni Mr. Barrameda ang grades ni Rochi eh."Naks naman yun,Zett. Sa wakas,gumamit ka na rin sa wakas ng utak.


"Oh..." at saka humarap si Mr. Chuchu para tawagin si Rochi at palabasin. Buti na lang pinayagan si Boo (yan tawagan namin ngayon) na lumabas.


The moment na tumapak si Boo sa labas ng room,agad ko siyang niyakap. Damn,kahit kelan talaga,hindi ako magsasawang yakapin ang taong nasa harap ko ngayon. I can tell na siya na ang forever ko. Humarap ako sa kanya pero bakit parang wala siya sa mood makipag-usap sa 'kin?


"Bakit na naman ba ha?!"Ay,bakit ang cold na niya sa 'kin ngayon? Parang kahapon lang,ang sweet-sweet niya sa 'kin sa FB tas ngayon,ang lamig-lamig na niya ngayon sa 'kin.


"Boo,Happy Monthsary sa 'ten!"sabi ko at hinalikan siya sa may noo niya pero emotionless pa rin siya. Walang bahid ng saya,lungkot,galit o kahit ano sa mukha niya. Emotionless lang talaga.


"Boo,may problema ba,ha? Tell me please."sabi ko habang hinahawakan siya sa balikat pero umiiwas siya ng tingin sa 'kin.


"No,Baby Boo,look at me. Look at my eyes."sabi ko at saka dun na siya nagsimulang lumuha. Alam kong may problema. Hindi naman siguro siya iiyak nang dahil sa monthsary namin,'di ba?


"Boo,tell me. May problema ba?"


"Pa'no kung nagkaroon ako ng kasalanan...malaking kasalanan. Papatawarin mo pa ba 'ko?"


"Oo naman. Kahit anong kasalanan pa yan,iintidihin kita,Boo. Bakit,may kasalanan ka ba sa 'kin?"sabi ko.


"Paano kung bigla na lang akong mawala sa 'yo...at hindi mo alam kung babalik ako. Hihintayin mo pa ba ako kahit ilang taon?"


Niyakap ko siya. Bakit ganito? Monthsary namin pero ang drama-drama namin ngayon. Bakit hindi na lang kami maging masaya sa love story namin? Lagi na lang may problema.


"Boo naman eh..."sabi ko habang yakap-yakap siya. "Sabihin mo sa 'kin ang kasalanan mo at iintindihin kita. Promise. Cross my heart,mamatay man ako sa harapan mo ngayon."


She chuckled a bit.


"Happy Monthsary sa 'tin,Boo."nakangiti niyang sabi pero alam kong pilit lang ang mga ngiti niyang yun.

"Boo...break na tayo."This 4 words cut my heart like a knife.


"Boo...break na tayo."


"Boo...break na tayo."


"Boo...break na tayo."


Akala ko ba,siya na ang forever ko? Hindi ko pa rin ba nahahanap ang forever ko?


Pa'no nagsama ang salitang 'boo' 'break' 'na' at 'tayo' sa isang pangungusap na halos patayin na 'ko?


"Pe-pero b-bakit....?"Shit,naluluha ako.


Tumalikod na siya sa 'kin.


"Kalimutan mo nang magkakilala tayo. Kalimutan mo nang may nage-exist na Rochi Evangelista sa buhay mo at kakalimutan ko na ring may nage-exist na Mike Zett Lara sa buhay ko. Eto..."inabot niya sa 'kin ang four-leaf clover necklace na binigay ko sa kanya nung sinagot niya na 'ko sa panliligaw ko at isinuot sa leeg ko.


"...sa'yo na yan. Hindi yan para sa 'kin. Ibigay mo yan sa taong nararapat sa'yo,Zett. Sorry,pero I'm not the one for you."sabi niya. Bago pa niya buksan ang pinto ng classroom nila,kinuha ko ang kamay niya at ibinigay ang jar of hearts na pinagpuyatan ko para sa kanya.


"Yang Jar of Hearts...sa'yo yan. Pinagpuyatan ko yan para sa 'yo. Kung namimiss mo na akong kausap...nakasulat sa mga hearts na yan ang messages ko para sa 'yo."sabi ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Shit just got real,wala ngang forever.


"Hindi na. Sa'yo na lang yan. Hindi na ako tatanggap ng mga bagay na magpapaalala sa 'kin na may nag-eexist na Mike Zett Lara sa mundo ko."sabi niya at saka binigay sa 'kin ang Jar of Hearts at pumasok na sa classroom. Naiwanan naman ako sa harap ng classroom nila na tulala at iyak ng iyak. Wala na 'kong pakialam kung pagalitan man ako ni Mr. Chuchu. Iintayin kong bumalik sa 'kin si Rochi,ang boo ko.


END OF FLASHBACK


Sa normal na araw,nagco-computer ako hanggang 12 para lang maka-chat si Boo sa Facebook o sa COC man lang,pero ngayon wala na 'kong gana mag-Facebook o COC. Wala na rin namang saysay ang pagco-computer ko kung hindi ako mag-co-computer. Hanggang ngayon,naiyak pa rin ako. Bumabalik sa isip ko yung mga araw na ang saya-saya namin. Yung mga araw na walang problema sa relasyon namin.


Matutulog na lang muna ako saglit...


After 5 hours...


Tiningnan ko ang orasan na nasa tabi ko. 11:11 PM na pala. Limang oras pala ako nakatulog. Tumingin ako sa bintana at nag-wish. Sana maayos ulit namin ni Boo ang relasyon namin.


Lumabas na 'ko ng kwarto ko at bumaba ng hagdanan. Hindi na rin naman gising sina Mama,Papa at Kuya Freeze kaya kakain na 'ko ng hapunan.


Habang kumakain ako,nakatunganga lang ako sa refrigerator namin. Pinagmamasdan ko yung 1st picture namin ni Rochi bilang couple. May nakasulat din dun: I Love You,Baby Boo. :) -Rochii


Asan na yung I Love You mo,Rochi? Iniwan ko na lang ang pinag-kainan ko sa lamesa. Wala ako sa ganang magligpit ng sarili kong pinggan. Kumuha ako ng maraming biscuit sa ref at nagsulat sa sticky note.


Ma,Pa. Hindi ako papasok ngayon at bukas. Wag niyo na pong tanungin kung bakit. Magiging ok po ako sa kwarto. Wag niyo na rin po akong hatiran ng almusal,tanghalian,at hapunan. May pagkain na po ako sa kwarto.

-Mike Zett Lara


Dumiretso na 'ko sa kwarto,bitbit ang mga biscuit na kinuha ko mula sa ref. Inilock ko agad ang kwarto ko.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Sino namang tatawag sa 'kin sa mga oras na 'to? Malabo namang si Rochi dahil break na nga kami,'di ba?


Rochi,ma Boo calling...


Pinindot ko ang 'reject' button. Wala na akong gana makipag-usap sa kanya Ilang beses rin siyang tumawag pero nire-reject ko lang. Matapos niya 'kong saktan dito sa puso ko,tatawag-tawag siya? Wag ganun.


Hay,matutulog na nga lang ako para naman mapakalma ko ang sarili ko.


After 8 hours...


7 na ng umaga. Dati,araw-araw,good ang morning sa 'kin. Diba nga dapat nagpapasalamat ako kay God ngayon na nagising ako ngayon at di pa niya ako kinukuha? Pero ngayong araw,hinihiling ko na sana kinuha na lang Niya ako. Ano pang purpose ng pamumuhay ko dito kung ang dahilan nga kung bakit pa ako nabubuhay ngayon ay wala na?


Naisipan kong mag-computer,out of curiosity. Agad kong in-enter ang password at agad naglog-in sa Facebook. Pagbukas ng Facebook ko,50 ang notifications ko at 15 messages. Yung notifications ko,puro request lang naman ng buhay sa Candy Crush Saga. Pero yung messages ko...lahat,mula kay Rochi. Binuksan ko ang message sa 'kin ni Rochi. Inihanda ko na rin ang sarili ko para sa magiging reaksyon ko.


Zett!!!!!


Ano ba! Mag-online ka na,please?! Mahal pa rin naman kita eh.


Boo!


Sagutin mo naman ang tawag ko sa yo,oh.


Please. Wag mo namang i-reject.


Zett,wag kang umabsent bukas please. Ayokong bumaba ang grades mo nang dahil sa 'kin. Ayokong maisip ng magulang mo at ni Kuya Freeze na bad influence ako sa'yo.


Zett,online ka ba? Please,sagutin mo naman ang mga messages ko.


Sorry kung nakipag-break ako sa'yo kanina,Zett. It's just...ugh.


Zett naman eh!


Zett,I know na nasaktan kita kaya nagso-sorry na 'ko sa 'yo.


Zett,magpapakamatay ka ba? Please,wag! Baka multuhin mo 'ko.


Baby Boo!


Sorry,Boo. May kasalanan ako sa'yo.


Mas pinili ko ang makamit ang pangarap ko kaysa sa makasama ka.


Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang message.


7 ang flight ko bukas. Pupunta akong Korea para mag-aral dun. Zett,I Love You. You know that. Baka di mo na ko maabutan,pero ok lang. Kasalanan ko naman eh.


Nang mabasa ko yun,agad kong shinut-down ang computer ko at dali-daling lumabas ng bahay. Buti na lang,wala pang gising. Agad ako sumakay sa taxi. Please,sana maabutan ko si Boo.


"Manong...pwedeng pakibilisan?"pagmamamakaawa ko kay Manong Driver. Tumango naman si Manong kaya dumaan siya sa ibang daan. Siguro shortcut yun. 30 minutes bago ako nakarating sa airport. Inabot ko agad kay Kuya ang bayad at saka tumakbo papuntang airport.


Maaabutan ko pa si Boo. Mapipigilan ko pa siyang umalis ng bansa.


Hingal na hingal akong pumasok sa airport. Hinanap ng mga mata ko si Boo,pero wala akong makitang Rochi Evangelista sa paligid. Maski anino niya,wala.


"FLIGHT CHUVA CHOO CHOO KOREA PLEASE PROCEED NOW TO EKLABOOM POTCHI. I REPEAT,CHUVANENES CHORVA EKLABOOM. THANK YOU!" Ang epal naman ng announcer na yan. Pero Korea daw eh,so...wala na. Hindi ko na siya naabutan. Wala na 'kong ginawa kundi lumuhod at umiyak. Wala na rin naman akong magagawa kundi umiyak na lang. Hindi naman siya babalik kung iiyak ako dito.


"Iho..."naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Tumayo ako.


"Ah...eh...Tito,kayo pala ho."sabi ko habang pinupunas ang luha ko. Tatay ni Rochi ang humawak sa balikat ko. Walang sinabi si Tito. Imbes,binigay niya sa 'kin ang isang yellow pad paper. Binasa ko iyon.


Dear Zett,

Hinabol mo kaya ako dito sa airport? Hindi ko alam. Pero sigurado akong nababasa mo 'to ngayon.

Zett,naaalala mo ba nung M.U pa lang tayo? Diba madalas tayong mag-away dahil sa forever? Sabi mo,walang forever pero sabi ko naman,may forever. Madalas rin tayong magkaselosan. M.U palang tayo nun ah. Noong mga panahon na M.U pa lang tayo,napaisip ako. 'Handa ko na bang ilevel-up ang relationship namin ni Zett?' Yung tipong mga ganun. Ang galing nga eh,kase kahit na magkaiba tayo ng section,ako star section tas ikaw,pangalawa sa star,nananatili pa rin ang feelings natin sa isa't isa. Naalala mo ba nung birthday ng kaklase nating si Rance? Nag-away kayong dalawa ni Yiho noon nang dahil sa 'kin. Nag-away kayo nang dahil si Yiho ang naghatid-sundo sa 'kin pauwi at hindi ikaw,ang ka-M.U ko. Mas lumala pa ang away dahil may nararamdaman rin pala sa'kin si Yiho pero sinabi ko namang ikaw lang ang sa 'kin diba? Pero di mo pinalagpas ang problema niyo ni Yiho. Nang dahil sa 'kin,sinira mo ang friendship niyo ni Yiho. At dahil din dun,isinisisi ni Rance sa sarili niya na kasalanan niya ang lahat ng ito. Kahit na hindi naman tayo,feeling natin naging tayo kaya minessage kita noon sa FB na ayoko na. Itigil na natin 'to. Cool off muna tayo. Hanggang friends na lang tayo. Pero,ano? Binigyan pa rin kita ng second chance. Kahit ano naman kasing gawin ko para lumayo sa'yo,ikaw at ikaw pa rin ang hanap-hanap ng mata at puso ko. At sa wakas,naging tayo. Hindi ako nagsisi na ikaw ang ginawa kong first boyfriend ko. Pero hindi ko akalain na hahantong ang relasyon natin sa ganito. Nang dahil sa desisyon ko,mawawasak ang relasyon natin. Sasabihin ko na sa'yo,Zett. Mananatili ako sa Korea ng limang taon para mag-aral dun at maging singer. Magte-training din ako sa SM Entertainment,kung saan ang EXO at Girls Generation. Kaya mo namang maghintay ng limang taon diba? Kung babalik ako sa Pilipinas after ng limang taon at meron ka nang ipnagpalit sa 'kin...well,wala akong magagawa kundi maging masaya para sa 'yo.


PS: Wag ka nang umiyak. Hindi ka na pogi pag ganyan ka,hmmp.

Rochi


That broke me down to tears. Sinubukan na akong icomfort ni Tito pero hindi,hindi pa rin ako makakalma. Iniwanan na niya 'ko dito. 5 years,Boo? Makakahintay kaya ako sa 'yo?










AFTER 5 Years...


"What the fuck?! Ilang circle pa ba ang ido-drawing ko sa calendar ko?! Hay."sabi ko. Nakakailang drawing na kasi ako ng bilog sa calendar ko pero hindi pa rin siya dumadating! Shit ka,Rochi. 5 years and 5 months na pero wala ka pa rin!


*tok* *tok* *tok*


"Anak?"sabi ni Mama mula sa labas ng kwarto. Pinapasok ko si Mama.


"Pumunta ka sa kabilang bahay. May bagong lipat. Ibigay mo 'tong jar of cookies na iniluto ko."sabi ni Mama at saka ibinigay sa 'kin ang isang jar ng cookies.


Wala na 'kong nagawa kundi pumunta na lang sa kabilang bahay at pumasok.


"Ano ba yan?! Sino ba ang lilipat dito sa bahay na 'to,eh ang dumi-dumi."reklamo ko sa utak ko. Puro kasi alikabok ang bahay eh. Lilipat na nga lang,hindi pa nag-aayos. Dumiretso ako sa kusina at may nakita akong isang cake.


Happy Birthday,Neighbor. :) From: Your New Neighbor. :)


Hala,paano nalaman ng new neighbor namin ang birthday ko? Pero bahala na nga. Kakainin ko na lang 'to. Inilapag ko muna ang jar of cookies at saka umupo. Kinamay ko lang yung cake. Eh ng sarap eh. Chocolate kasi.


Aray,putspa! Nabulunan ako kaya kumuha agad ako ng tumblr dun sa ref. Kaso pagtingin ko,may picture nung Baekla ba yun sa EXO? Ay,Baekhyun. Naaalala ko tuloy si Rochi.


May tumapik sa balikat ko.


"Sino nagsabing pwede kang uminom dyan?" Ah,so babae pala ang kapitbahay namin. Pero walaakong pake kase busy ako sa pag-inom.


"Hey,I'm talking to you,bitch! Face me,you coward!"Aba,ang lakas makatawag ng bitch at coward 'tong babaeng 'to ah?!


Hinarap ko siya.


"Hey,you motherf---"napatigil ako sa pagsalita nang makita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.


"Hello,Zett. Namiss mo ba 'ko?" H-hindi pwede. B-bumalik na siya sa Pilipinas.


"R-rochi? I-ikaw ba yan?!"Sabi ko. Duda pa rin kasi akong si Rochi ang kausap ko ngayon eh. Pa'no kung doppelganger pala ni Rochi 'to? Wag naman sana. Baka nagmamalik-mata lang ako. Damn you,Rochi. You'e invaded my world.


"Kamutin mo mata mo and you will find out."sabi niya. Uto-uto naman ako kaya kinamot ko nga ang mata ko. Nagulat ako nang ilapat niya ang labi niya sa labi ko. This kiss...eto ang nagpatunay sa 'kin na bumalik na nga sa Pilipinas si Rochi. Ang dahilan ng pagpanget ng kalendaryo ko. Ang dahilan ng pagkabaliw ko...in a positive way.


Kumawala na 'ko sa halik niya.


"I told you I will be back."sabi niya.


Y-yeah,pero damn! Ang tagal mo bago bumalik.


"I can't believe na makakapaghintay ka sa 'kin ng limang taon. Considering na dinagdagan ko pa ng limang buwan ang paghihintay mo."pagpatuloy niya.


Niyakap ko siya.


"Nesfuta ka,Rochi! Bakit mo naman ako pinaghintay ng ganun katagal?! Alam mo bang tuwing 11:11,nagwi-wish ako na sana makabalik ka na agad? Damn!"sabi ko. Matitiis niyo ba 'ko? Hindi biro ang paghihintay ng limang taon at limang buwan!


"I know. Kaya nga bumalik na 'ko,di ba? Are'nt you happy?"


"Nope. I'm overwhelmed and ecstatic at the same time."


"So...tayo na ulit?"


"Nope! Ligawan mo muna ako. Bleeh"


"Hoy,ang kapal ng mukha mo ah! Babae,manliligaw sa lalaki? Diba dapat baliktad?"


"Eh,gusto ko unique couple tayo."


"Sige na nga! Oo na,liligawan na kita! Ano gusto mo? Kantahan kita o sasayawan kita ng sexy?"


"Neither of the two."


"Eh,ano gusto mo? Pa-hard to get ka pa!"


"All I want is just you...and my child."


Pinalo niya 'ko sa dibdib.


"Pakshet ka! Child ka diyan! Hindi pa nga tayo kasal eh. At kumorni ka ah!"


"The more na corny ang sinabi ko sa 'yo,the more chance na kikiligin ka. Am I right?"


"Pakshet ka. Oo na!"


"So,ano gusto mo? Kasal muna o baby muna?"


Nag-blush naman siya sa sinabi ko.


"Siyempre,kasal muna! Hind ko akalain na pervert ka na pala katulad ng mga nasa kanto diyan!"


"Well...gusto ko baby muna eh. So ready ka ba mamaya?"sabi ko at tiningnan siya ng nakakakaloko.


"Well...let's see kung kakayanin ko." and we just laughed at those ideas.


Hindi ko sasabihing THE END na ang story na ito at lalo na sa story namin kasi...


This will be the first chapter of our story.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro