THIRD PAGE
SEZINA'S POINT OF VIEW
Nakatitig lang ako sa sarili ko mula sa salamin, sinusuot ko ang hikaw na regalo sa akin ng aking Ina, noong buhay pa siya. Pinipilit ko ring pasiglahin ang sarili ko.
After my marriage with Giel, my parents died also because of accident, nabangga ang sasakyan nila ng isang truck. Nakakulong na ang driver ng truck kaya kampante ako dahil nabigyang hustisya ang mga magulang ko.
Ngunit hindi ibig-sabihin no'n maayos ako, subrang sakit rin ng nangyari noon, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.
But thankfully sinamahan ako ni Giel, inalalayan niya ako ng mga panahong dapang-dapa ako. Tinulungan niya akong makaahon mula sa sakit, at pinaramdam niyang nasa tabi ko lang siya.
Giel is the best husband I ever had.
But he left so fast, naiwan ako, kami ng anak niya.
Nilingon ko ang mahimbing nang natutulog na si Marcu, pagkatapos kung isuot ang hikaw ay lumapit ako kay Marcu at hinalikan ang noo niya.
Dahan-dahan akong naglakad palabas hanggang sa unti-unti ko nang naririnig ang ingay na nagmumula sa may tabing dagat.
Plano kung pumunta doon, dahil inaya naman ako ni Ezexto, sinabihan rin ako kanina ni Nay Lita na pwedeng-pwede akong dumalo. At mas sasaya raw siya kung nandoon ako.
I felt happy because of how she treated me, bago pa lang ako pero grabi niya na ako kung tratuhin, she's too kind. That's why people around her is full of admiration when they looked at Nay Lita.
Hindi ko sila masisisi dahil subrang bait niya talaga.
Nang saktong marating ko na ang kinaruruunan nila ay mas lumakas ang ingay na naririnig ko. May mga taong nagsasayawan sa gitna ng bonfire at may iilang nag kwe-kwentuhan sa gilid at nag iinoman.
"'Neng! Akala ko'y hindi ka darating," Sinalubong agad ako ni Nay Lita ng may ngiti sa labi.
"Pinatulog ko lang po kasi si Marcu," Hinayaan ko siyang hilain ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang lamesa na punong-puno ng inomin at pagkain. "Umiinom po ba kayo?" May halong pag-aalala kung tanong.
Mabilis siyang tumango. "Oo, hindi naman gaanong nakakalasing inuming 'to 'Neng, mas lumalakas pa nga ang katawan ko nito," Umupo ako sa katabing upuan habang pasimpleng nililibot ang tingin.
"Hindi po ba nakakasama 'yan?" Binalik ko ang atensyon kay 'Nay Lita na ngayon ay umiiling.
"'Wag mo akong alalahanin, nakasanayan ko na ito, kaming lahat ng mga narito," tipid na tango na lang ang sagot ko at kumuha ng isang piraso ng chips na nakalagay sa mesa. "Ikaw ba, ayaw mong uminom?"
"Tinigil ko na po," lasing ako nang mangyari ang trahedya sa buhay ko, kaya kahit kailan hindi ko na kailan man sinubukang uminom. Parang na trauma lang ako dahil sa nangyari.
"O siya, hindi na kita pipilitin, kamusta naman ang pananatili mo dito?"
"Subrang maayos po, maraming salamat dahil subrang bait niyo po sa akin, isa po kayo sa mga dahilan kung bakit mas ginusto ko pang manatili rito," Malawak akong ngumiti.
"'Wag ka mag-alala, kami dito nagtutulungan at nagdadamayan at isa ka na sa amin ngayon, sana mas makilala pa kita 'Neng," Uminom siya ng inomin mula sa basong hawak niya at tinapik ang kamay ko.
Muli kung nilibot ang tingin ko at saktong tumama ito sa lalaking ngayon ay nakatingin rin sa akin.
Si Ezexto.
Pero hindi siya nag-iisa dahil may kasama siyang isang babae at mukhang masaya silang nag kwe-kwentuhan. Umiwas ako ng tingin at inangat ang kamay ko papunta sa dibdib kung ngayon ay kumikirot.
He's not your husband Sezi, you don't have the right to get hurt because of what you saw.
Siguro kaya ko 'to nararamdaman dahil sa tuwing nakikita ko siya ay nakikita ko si Giel, at kaya rin ako nasasaktan dahil pakiramdam ko niloloko niya ako sa tuwing may kausap siyang babae.
Wake up, Sezi. He's not your man, and he will never be.
Nagpaalam ako kay Nay Lita na pupunta muna ako sa gilid ng dagat para mag pahangin. Umupo ako sa may buhangin at hinayaan ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko.
Maya-maya lang ay ramdam ko na ang pamilyar na presensya sa may gilid ko. Hindi ako lumingon at umaktong hindi ko siya napapansin, diretso lang ang pansin ko sa maliwanag na buwan.
I love moon. It makes me calm.
"May problema ba?" Natigilan ako nang magsalita siya, malalim ang boses niya at bakas doon ang pag-aalala.
Bakit siya nag-aalala?
"Wala naman... Bakit mo ako sinundan?" Hindi pa rin ako tumingin sa kanya. Mas mabuti ng hindi ko siya tignan, dahil paulit-ulit ko lang naalala ang asawa ko.
"Inutusan ako ni Nay Lita," simple n'yang sagot. "Hindi ko ata nakikita ang asawa mo?" Napabuntong-hininga ako.
"Wala siya," saad ko sa seryosong boses. "Patay na ang asawa ko, kaya pasensya ka na kung napagkamalan kitang asawa ko. Magkamukha kayong dalawa, kaya noong makita kita hindi ko napigilan ang sarili kung yakapin ka," hinayaan kung dumausdos ang butil ng luha mula sa mata ko.
"Pasensya na kung tinanong pa kita," humina na rin ang boses niya, sapat lang para marinig ko.
"I-Ikaw? May pamilya ka na ba? Girlfriend? Asawa?" Sa pagkakataong 'to ay nakatingin na ako sa kanya. Ngumiti siya pero alam kung peke ang ngiting 'yon.
"Meron," hindi ako nakasagot at nanatili lang nakatingin sa kanya. Ni wala akong alam kung anong pwedeng maging reaksyon ko dahil sa sinabi niya.
"Ezexto! Tara na! Nakahanda na ang inihaw," sigaw ng isang babae dahilan para maputol ang tingin ko at pekeng umubo. Sabay kaming tumayo ni Ezexto pero hindi na muling nagtama ang tingin naming dalawa.
May asawa rin pala siya? Pero nasaan?
*****
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang lumipat kami dito sa probinsya. Wala akong naging problema at maayos ang takbo ng buhay namin ni Marcu.
Ngayon ay hinayaan kung mag laro muna siya sa may gilid ng dagat habang nakabantay naman ako sa kanya.
"'Neng, kunin mo na 'to," Inabot sa akin ni Nay Lita ang isang turon. Maingat ko itong kinuha mula sa kanya at nag pasalamat. "Bakit ka mag-isa dito?"
"Binabantayan ko lang po si Marcu, Nay Lita," aniya ko at kumagat ng turon na binigay niya sa akin.
"Nasaan ang anak mo? Hindi ko pa 'yon nakikita ah," Tinuro ko ang direksyon ni Marcu na ngayon ay masayang naglalaro sa buhangin.
"Ayon po, ngayon ko lang siya pinalabas dahil busy ako noong mga nakaraang araw, hindi ko siya mababantayan," saglit na binaling ni Nay Lita ang tingin kay Marcu at ngumiti sa akin.
"Mahal na mahal mo siguro 'yang anak mo," Tumango ako. Nakwento ko na rin pala kay Nay Lita ang tungkol sa nangyari kay Giel, kaya alam niya rin ang paghihirap na dinanas ko.
Mas lalo akong nalalapit sa kanya.
"Ah, si Ezexto nga po pala? Hindi ko pa po siya nakikita, halos dalawang linggo na," ang huli naming pag-uusap ay nang gabing sinabi niya sa akin na may asawa siya.
Pagkatapos no'n hindi ko na siya nakita, at dahil busy rin ako sa bahay ay wala akong oras para magtanong.
"May side line sa bayan, babalik rin 'yon pag natapos ang trabaho niya," sambit nito. Isa pang gumugulo sa akin ay kung bakit parang gusto pa ni Nay Lita na mag kalapit kami ni Ezexto gayong may asawa naman pala ang lalaki?
"Mommy!" Tumingin ako kay Marcu na ngayon ay kumakaway sa akin.
"Puntahan ko lang po si Marcu," nag lakad ako palapit sa kanya at mahinang pinisil ang pisnge niya.
"Mommy, look!" Tumingin lang ako sa buhangin nang guhitan niya 'yon gamit ang isang stick at ang nakalagay ay 'MOMMY'. Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya.
"Thank you! Napaka-sweet mo talaga, nagugutom ka na ba?"
"Yes po,"
Bumalik kami sa bahay at nagsimula na akong mag handa para sa hapunan. Kagaya ng palagi kung routine, pagpapatulog kay Marcu, pagluluto ng breakfast, lunch at dinner.
Minsan ay nagtuturo ako sa kanya about basic learnings lang, dahil balak ko na talaga siyang i-enroll sa susunod na pasukan. Alam kung mas maiintindihan niya na ako ngayon kung bakit kailangan niyang mag-aral.
Sa mga lumipas na araw ay tahimik lang ang buhay namin. Unti-unti kung nakikilala ang iba ko pang kapit-bahay at lahat sila ay mababait, maliban na lamang sa ibang kababaihan na siguro ay ka-edad ko lang.
Masama kasi sila kung tumingin sa akin na parang may kasalanan akong ginawa sa kanila.
At sa naalala ko sila 'yong mga babaeng madalas kumausap kay Ezexto.
Ang speaking off, nakabalik na si Ezexto. Sa halos tatlong linggo niyang pagkawala ay nakita ko na siya ulit, kaninang umaga, hindi niya lang ako napansin dahil busy ito sa mga bangka niya.
Iwan ko lang para akong nabuhayan nang makita ko siya ulit.
Saktong pagsapit ng gabi ay lumabas ako para mag lakad-lakad sa may gilid ng dagat. Nakagawian ko na ito, gabi-gabi ko nang ginagawa dahil mas madali akong makatulog.
Sinong mag aakala na sa halos apat na linggo naming pananatili dito ay naging maayos ang lahat? Pinili kung manirahan nang tahimik dahil sawang-sawa na akong maging laman ng balita sa Manila.
Anak ako ng isang artista at isang bussiness man, kaya noong mangyari ang trahedya noon, halos laman ako ng news, at kahit tatlong taon na ang nakalipas hindi pa rin ako nakakalimutan ng mga tao.
Paminsan-minsan ay may mga media pa ring lumalapit sa akin. Kaya mas pinili ko talagang mamuhay na malayo sa kanila, at ituon ang atensyon ko kay Marcu.
"Hi," Napahinto ako sa paglalakad dahil sa boses na nanggaling sa likuran ko.
"Ezexto," sambit ko sa pangalan niya. Matagal kaming nakatitig sa isa't-isa hanggang sa ako na ang umiwas. "Nakauwi ka na pala, kamusta ang trabaho mo sa bayan?"
"Maayos naman, matagal-tagal rin akong nawala kaya namiss ko ang lugar," Nagsimula ulit akong humakbang at ramdam ko namang nakasunod siya sa akin. "Kamusta ka, Sezi?"
"Maayos ako, masaya dito at mababait ang mga tao," tumigil ako nang maramdamang tumigil si Ezexto na ngayon ay nasa likuran ko. Nakatingin lang siya sa akin at maya-maya ay nilipat ang tingin sa bangka.
"Gusto mong sumama sa akin?" Napakurap ako at ilang ulit na lumunok, pilit na pino-proseso sa utak ko ang sinabi niya. "May balak akong pumasyal sa karagatan," dagdag niya.
Gabing-gabi na, sigurado ba siyang aalis siya?
"Natatakot ka ba? Huwag ka mag-alala, kasama mo naman ako," mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi niya. Parang bumalik sa akin ang palaging sinasabi noon ni Giel.
'Don't be afraid, I'm always on your side."
Ang mga linyang 'yon na talagang tumatak sa akin.
"Sige kung talagang natatakot ka, ayos lang." Mabilis kung hinila ang braso niya.
"S-Sama ako," parang nagkaroon na lang ng sariling kontrol ang bibig ko pati na rin ang katawan ko dahil sa aksyon ko sa mga oras na 'to.
Inalalayan niya akong sumakay sa bangka habang may hawak-hawak siyang malaking ilaw na nagsisilbing liwanag sa dadaanan namin.
"Hindi ba delikado ang ganito, Ezexto? Paano kung may biglang bagyo?" Bakas sa boses ko ang takot. Mahinang tumawa si Ezexto kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Walang bagyo ngayon, hindi naman kita aayain kung alam kung mapapahamak ka Sezi," dahil sa sinabi niya ay hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko sa kanya.
"Inaaya mo rin ba ang ibang babae na samahan ka sa tuwing namamasyal ka sa karagatan?" Gusto kung takpan ang bibig ko pero huli na dahil napakawalan ko na ang mga salitang hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Ikaw pa lang,"
"Sinungaling," umismid ang labi ko.
"Walang dahilan para magsinungaling ako Sezi, talagang ikaw pa lang ang nakakasama ko," bakas sa boses niya ang pagiging seryoso.
Wala nang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa unti-unti na niyang pagalawin ang bangka at tahimik ko lang dinadampi ang isang kamay ko sa tubig.
Subrang tahimik ng paligid at inaamin kung nawawala na ang kaba sa pakiramdam ko, hanggang sa makita ko ang iilang alitaptap na lumalipad sa may taas ng pwesto namin.
Hindi ko maiwasang mamangha dahil padami sila nang padami, napatingin rin ako kay Ezexto na patayin niya ang ilaw na dala namin. Kaya naman mas kitang-kita ang mga alitaptap na nagliliparan sa may taas.
May isa pang dumampi sa balikat ko.
"Ang ganda!" Maligayang sambit ko habang pinapanood ang mga ito.
"Natatakot ka pa rin ba?" Umiling ako, hindi na rin mawala ang ngiti sa labi ko.
"Thank you, Ezexto! Ang ganda dito!" Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya. "B-Bakit?" Wala akong sagot na nakuha sa kanya, tinanggap ko na lang ang kamay niya at tumayo.
Mas lalong umawang ang labi ko nang makita ang iba pang alitaptap na nagliliparan sa may unahan. Mas marami kaya mas mailaw, at hindi nakakasawang tignan.
"Nagustuhan mo ba?" Ramdam ko ngayon ang hininga niya mula sa may leeg ko. Parang na kuryente ang katawan ko dahil sa ginawa niya, dagdag pa ang kamay niyang ngayon ay nasa may bewang ko.
Kusa akong humarap sa kanya.
"Oo, n-nagustuhan ko," Ngumiti siya at bumaba ang kamay niya sa kamay ko.
Subrang bilis nang pangyayari na halos hindi ko namalayang niyakap niya na pala ako.
"Ezexto..." Malumanay kung tawag sa kanya.
"Damn, I miss you so much," Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko.
"A-Anong sinabi mo?" Diretsang tanong ko nang humiwalay siya sa akin. Pero imbes na sagutin ay nag lakbay ang kamay niya papunta sa pisnge ko.
Nakatitig lang kami sa isa't-isa hanggang sa unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumitig sa kanya, hanggang sa tuloyan na ngang dumampi ang labi niya sa akin.
Ang halik niya... napaka-pamilyar ng halik niya.
"G-Giel..." Banggit ko sa pangalan ng asawa ko sa gitna ng halik namin. Humiwalay ang labi niya sa akin pero nanatiling nakasandal ang noo ko sa noo niya.
"Sezi..." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Kung paano niya sambitin ang pangalan ko sa mga oras na 'to ay kuhang-kuha niya si Giel.
"Giel, i-ikaw ba talaga 'to?" Nagsimula nang manubig ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Sezi, how are you?" Pinunasan niya ang pisnge kong may luha gamit ang kamay niya. "You're right Sezi, it's me. I'm your husband."
*****
End of Third Page.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro