Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SECOND PAGE

SEZINA'S POINT OF VIEW

"Mommy? You okay?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Marcu. Kasalukuyan itong nakatayo mula sa likuran ko at sa totoo lang ay hindi ko siya napansin.


"Good morning Anak, gising ka na pala..." Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi ako masyadong nakatulog.


Kahit anong pikit ko ng mata ko ay wala pa ring epekto, sumapit na lang ang umaga ay hindi ako nakatulog. Kaya naman ngayon ramdam na ramdam ko na ang sakit ng katawan ko.


Kanina rin ay kumikirot ang puso ko at paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga nangyari noon. Kung paano ko nakitang sumabog ang sasakyan kung nasaan si Giel.


Sa huli ay umiyak lang ako.


Pero ang mas gumugulo sa akin ay ang nakita ko kagabi, ang lalaking kamukhang-kamukha ng asawa kung si Giel. Kahit anong pilit kung paglimot sa nangyari ay hindi ko magawa, sinasabi ko sa sarili ko na baka namalikmata lang ako.


Madilim doon kaya nag babakasakali akong mali ang nakita ko. Kaya lang kahit anong pilit ko sa sarili kung isip ay hindi ko pa rin siya magawang alisin.


Sino siya? At bakit niya kamukha si Giel?


"Mommy? Mommy?" Nabalik lamang ako sa wesyo nang tapikin ako ni Marcu, parang naiiyak na ito dahil hindi ko napapansin.


"Sorry Marcu. May iniisip lang si Mommy, nakahanda na ang breakfast mo... kumain ka na," Hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo siya sa upuan.


Pagkatapos ko siyang pakainin ay nanatili muna siya sa sala para manood ng mga paborito niyang palabas. Saglit akong lumabas at tinanaw ang pwesto ko kagabi kung saan nakita ko ang lalaking kamukha ng asawa ko.


"Hi, 'Neng..."


"Hello po," bati ko sa matandang babae. Sa pagkaka-alala ko ay siya 'yong tindera doon sa tindahan na binilhan ko kahapon.


"Magandang umaga sa 'yo..." Ngumiti ako at tumabi nang upo sa kanya. "Kamusta ang unang gabi mo rito? Hula ko'y preskong-presko siguro ang tulog mo?" Napalitan ng simangot ang ngiti ko.


Siguro tama siya, presko sana kung nakatulog ako nang maayos. Pero hindi dahil may gumugulo sa isip ko, hindi naman maipagkakait na maganda talaga dito sa probinsya nila, sadyang malas ko lang.


"May problema ka ba, 'Neng?"


"Po? Wala naman po... May gumugulo lang po sa isip ko, pero tama po kayo. Napaka-presko ng lugar na 'to at nakaka-relax din ang alon mula sa dagat," Nilipat nito ang tingin sa may dagat at ngumiti. "Ano po palang, pangalan n'yo?"


"Lita, pwede mo ako tawaging 'Nay Lita' karamihan ganyan ang tinatawag sa 'kin," Tumango ako.


"Sezina po ang pangalan ko, Sezi for short," Ngayon ay pareho na kaming nakatanaw sa may dagat. Saktong tumama ang tingin ko sa pamilyar na lalaki, siya 'yong kagabi! Agad nanlaki ang mata ko.


"Siya si Ezexto, ang pogi niya ano? Lahat ng babaeng nakakakita sa kanya ganyan ang reaksyon, tulad nang reaksyon mo ngayon," hindi ako nakasagot dahil nanatili ang tingin ko sa lalaki.


Ezexto? Hindi... Giel? Hindi ba talaga siya si Giel?


Pero bakit gano'n? Kahit saang anggulo ko siya tignan kitang-kita ko talaga sa kanya si Giel, mula sa mukha niya hanggang sa katawan niya, sa ayos niya, sa boses niya at iba pa!


"Wala ka naman sigurong boyfriend o asawa, 'Neng 'no?" Dahan-dahan akong lumingon kay Nay Lita.


"Po? Mero-"


"Halika, total wala kang nobyo ipapakila kita kay Ezexto," Ilang ulit akong napalunok nang bigla ako nitong hilain papalapit doon sa lalaking Ezexto ang pangalan, at kamukhang-kamukha si Giel.


"'Nay Lita! Magandang umaga 'ho," bati nito sa matanda at nagmano. Tumingin rin siya sa akin, akala ko iiwasan niya ako dahil sa nangyari kagabi pero bigla rin siyang ngumiti sa akin at binalik sa matanda ang tingin.


"Magandang umaga, Ezexto, ito nga pala si Sezina! Bagong lipat dito sa probinsya natin," Napayuko at hinayaan lang si Nay Lita na makipag-usap sa kanya.


"Ah oo nga po 'e. Nakita ko na po siya kagabi," dahil sa sinabi niya ay inangat ko ulit ang tingin ko. "Hi, magandang umaga rin sa 'yo." Inabot niya sa akin ang kamay niya, halos manginig pa ang kamay ko bago tuloyang abutin ang sa kanya.


"H-Hi..." Mabilis ko ring binawi ang kamay ko. Ramdam na ramdam ko ang parang kuryente na dumaloy sa kamay ko, ganoon rin ang nararamdaman ko sa tuwing nahahawakan ko ang kamay ni Giel.


Possible kaya 'yon? Pareho ang pakiramdam ko sa mag kaibang tao?


"Nako iyang si Ezexto, subrang sipag n'yan. Kaming matatanda, siya ang inaasahan dito, bukod sa kagandahan ng itsura maganda rin ang kalooban, kaya naman ang mga dalagita dito sa probinsya nag kakagusto sa kanya," Diretso lang ang tingin ko kay Ezexto na inaayos ang maliit na bangka.


"Nangingisda po siya?" Tanong ko.


"Oo, paminsan-minsan ay may part time siya sa may bayan, pero ang palagi niyang pinagkaka-busyhan ay ang pangingisda,"


"Matagal na po s'yang naninirahan dito?" Napakuyom lang ako ng kamao ko habang naghihintay sa sagot nito.


"Oo naman, dito isinilang ang batang 'yan," ang kaunting pag-asa na kinakapitan ko ay tuloyang nawala.


Hindi siya ang asawa ko. Napaka-imposible dahil hindi naman lumaki si Giel sa probinsya. Tuloyan na talaga akong nawalan ng pag-asa.


"Ganoon po ba,"


"O s'ya, maiwan na muna kita dito, babalik na ako sa tindahan," Paalam niya sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid at tinanaw siyang maglakad paalis. Binalik ko ang tingin kay Ezexto na ngayon ay may kausap na babae.


"Ezexto, kaarawan ko mamaya, baka naman gusto mong pumunta?" Hindi ko naman ginustong marinig ang usapan nila kusa ko lang umaabot ang boses ng babae mula sa pwesto ko.


"Marami akong trabaho ngayong araw, Jona. Pero kung sakaling magkaroon ako ng oras, dadalo ako," matamis itong ngumiti sa kausap niyang babae.


Kusa akong umiwas nang biglang sumikip ang pakiramdam ko. Ano nanaman 'to? Bakit ako nakakaramdam nang ganito?


"Ezexto! Samahan mo naman ako mamaya, may bibilhin ako sa divisoria, natatakot akong umalis mag-isa," Napalingon ulit ako sa pwesto niya.


Sa pagkakataong 'to ay ibang babae naman ang lumapit sa kanya.


Lapitin nga talaga siya ng babae.


"Titignan ko kung masasamahan kita Yel," Sacrastic akong ngumiti dahil sa sinabi niya. Pero unti-unti rin 'yong mawala nang tumingin siya sa pwesto ko.


Nakita niya ba 'yon?


Gusto kung labanan ang tingin niya pero hindi ko magawa. Ilang segundo na ang nakalipas pero ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin, mas lalo akong kinabahan nang maglakad siya papalapit sa akin.


"Kamusta? Maayos ka na ba?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin sa kanya. Nakaharap siya sa akin.


"Maayos naman ako ah..." Mahina kung usal. "Ano bang ibig mong sabihin?"


"Kagabi, tinawag mo akong asawa mo,"


"A-Ah... Akala ko lang, k-kamukha mo siya," Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.


"May asawa ka na pala 'no..." Wala sa akin ang tingin niya pero alam kung ako ang kausap niya dahil wala namang ibang nandito sa pwesto namin.


"Bakit?"


"Wala lang. Mamaya may kasiyahan na gaganapin dito, pwede kang sumali," Napakurap ako. Inaaya niya ba akong sumali sa kanila? "Huwag kang mag-alala, mababait naman ang mga tao dito. Medyo tinotopak lang pag nalalasing, kagaya ni Mang Ernesto,"


Nag umpisa na siyang tumalikod sa akin, hanggang sa tuloyan na siyang sumakay sa bangka.


Nakatingin lang ako habang papalayo ito. Ang kirot sa puso ko ay unti-unting bumalik. Siguro dahil napatunayan kung hindi siya ang asawa kung si Giel?


Kasi si Giel, kahit kailan hindi siya sumasakay sa mga bangka dahil natatakot siya, si Giel ay hindi ngumingiti sa iba maliban na lang pag ako ang kaharap niya.


Patay na si Giel. Bakit ko pa iniisip na buhay siya?


Bakit ko siya kinokumpara sa lalaking nakilala ko lamang dito? Siguro nga ay mag kamukha sila, pero kahit kailan man ay hindi siya ang asawa ko.


Hindi siya si Giel.




*****


End of Second Page.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro