LAST PAGE
SEZINA'S POINT OF VIEW
3 years ago.
"Happy anniversary," I greeted my husband. I'm so much grateful to have him, he never give up on me. Nanatili siya kahit palagi ko siyang tinataboy noon.
"Happy anniversary, hon," we have a toast. Nilipat ko ang atensyon sa anak namin na ngayon ay hawak ni Giel. "He looks like me," pagmamayabang niya sa akin.
My brow furrowed. "Hindi kaya! Mas kamukha ko siya," alam ko naman na silang dalawa talaga ang magkamukha, kahit saang anggulo tignan ay parehong-pareho. Siguro mata lang ni Marcu ang nagmana sa akin.
"I don't think so, hon. Mas kamukha ko siya," he's here again teasing me! Sinamaan ko lang siya ng tingin at mahinang pinalo ang braso niya.
"It's already raining Giel, uwi na tayo? Baka mas lalong lumakas ang ulan," I looked outside.
"You're right, let's go..." Inalalayan niya akong tumayo dahil bigla akong nakaramdam ng hilo. Naparami ata ang inom ko ng wine kaya umepekto agad ito sa akin. "Hey, you're drunk already. Wait here, iuuna ko muna si Marcu, I'll be back." Tumango lang ako.
After a minute ay bumalik na siya na may dalang payong, sabay kaming naglakad palabas habang maingat niya akong pinasakay sa kotse.
Tahimik lang ang byahe namin habang palakas nang palakas ang ulan. Tinignan ko lang sa maliit na salamin sa harapan si Marcu na ngayon ay nakatulog na sa mula sa likod.
Hindi ko maiwasang ngumiti lalo na't subrang saya ko dahil nabuhay siya sa mundong 'to. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos na maisip na binigyan ako ng diyos ng isang anghel na kagaya ni Marcu.
Nang saktong nasa may tulay na kami ay biglang bumilis ang takbo ng kotse namin, nag-aalala akong tumingin kay Giel na ngayon ay balisa.
"What's happening?" Hindi siya nakasagot at parang pinipilit na pinapahinto ang kotseng sinasakyan namin. "Giel? May problema ba?"
"Hindi gumagana ang break..." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay unti-unting gumewang ang sasakyan namin hanggang sa tuloyan itong mahulog.
Nang magising ako ay hapdi at kirot ang naramdaman ko sa buong katawan. Nahihirapan akong gumalaw at pilit na iniisip kung ano ang nangyari.
Na aksidente kami.
Pinilit kung lumabas hanggang sa mag tagumpay ako.
"Giel? Giel?" Pagtawag ko sa kanya. "Marcu? Anak ko..." Mabilis kung hinawakan ang kamay ni Marcu at hinila ito papalabas. Malakas pa rin ang ulan at basang-basa na ako.
Nakatitig lang ako kay Marcu at mahinang tinatapik ang mukha niya.
"Marcu? Wake up... Wake up..." Hinawakan ko ang kamay niya pero wala akong maramdaman na kahit anong pulso. "No... Marcu..." Saglit ko siyang hiniga sa damuhan at binalik ang tingin sa loob ng sasakyan. "Giel! Giel! Honey... Please hold on..."
Nangako akong babalikan ko si Giel, iniwan ko siya para huminge nang tulong pero nang bumalik ako ay sumabog ang sasakyan namin.
But they declared that Giel is safe. And that is Marcu is the one who died.
Natamimi ako at hindi magawang makapagsalita. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga nangyari at hindi ko ito kayang tanggapin.
No, my son is not dead. It was Giel, he's the one who died inside of the car.
*****
'Yon ang pinaniwalaan ko. Para akong natauhan habang hawak-hawak ko pa rin ang ulo ko. Kaya pala... Kaya pala pinagtatawanan ako ng mga tao sa tuwing lumalabas ako, dahil nakikita nila akong may kausap kahit wala naman talaga.
Kaya pala nag si-alisan ang mga dati naming katulong ay dahil natakot sila sa akin at maging sila ay tinuturing akong baliw. Kaya pala palagi akong sinasabihan ni Cicila, na sana maging maayos na ako.
Dahil saksi siya sa mga nangyari sa akin at nandoon siya ng mga panahong 'yon.
"Marcu... Marcu..." Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at hinanap si Marcu. Alam kung nasa sala siya kanina, pero nang tignan ko doon ay hindi ko na siya makita.
"Sezi!" Pag tawag sa akin ni Ezexto o Giel, hindi ko na alam! Ang gusto ko lang ay makita si Marcu.
"Marcu!? Anak!?" Pumunta ako sa kwarto at halos halughugin ko na ito pero wala akong nakikitang Marcu. "Hindi... Nandito siya, buhay siya... Nakakausap ko siya araw-araw! Kasama ko siya Giel, andito siya..." Ilang ulit akong umiling.
"Please stop this already Sezi, nagmamakaawa ako sa 'yo, tama na ang tatlong taon na paniniwala mong buhay siya... Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ganyan," Umiwas ako ng tingin at muling lumabas.
Bumungad sa akin si Nay Lita kasama pa ang ibang kapitbahay namin. "Nay Lita! Sabihin niyo sa akin... Totoo si Marcu 'di ba? Nakita mo siya!" Mapait itong ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
"Sezi, sa totoo lang kahit kailan wala akong nakitang Marcu. Hindi kita nakitang may kasamang bata, pero nakikita kitang nagsasalita ng mag-isa at ngumingiti na parang may kausap ka," Natinag ako sa kinatatayuan ko. "Noong araw na sinabi ko sa 'yo kung nasaan ang anak mo at may tinuro ka sa akin direksyon, sa totoo lang wala akong nakita... Wala akong batang nakita," Napatakip ulit ako sa bibig ko.
"Alam kung nahihirapan ka nang tumira sa mataong lugar Sezi, sinasabi lahat sa akin ni Cicila ang mga nangyayari sa 'yo habang paminsan-minsan ay nanatili ako dito, I'm the one who sale this house to you," Lumingon ako kay Giel.
Lumalabo na ang paningin ko dahil sa luhang nagbadya sa mata ko.
"I didn't failed because you bought the house, kinausap ko ang lahat ng tao dito na umakto sila ng normal at pakitunguhan ka nang maayos kahit alam nilang may kakaiba sa 'yo..."
"I... I need Marcu... I need him, sumasakit na ang ulo ko sa inyo..." Kinagat ko pang-ibabang labi ko. Marcu did exist, nakakausap ko siya, nakakasabay ko siyang kumain, nagkakakulitan kaming dalawa, umiiyak siya, tumatawa siya, at iba pa. Lahat 'yon nakikita ko.
Pero bakit sinasabi nilang patay na siya?
"I'm begging you... Stop this, stop all of this Sezi," Naramdaman ko na lang na niyakap na ako ni Giel. "I know it's hard, but believe me. He's dead, our son already died, lahat ay bahagi lamang nang imahinasyon mo, wala na si Marcu. Matagal na siyang wala, tulongan mo ang sarili mo Sezi, tanggapin mo ang totoong nangyari..."
"Giel... Giel, hindi ko na alam... nakausap ko pa siya kanina, bakit hindi ko na siya makita ngayon?" Humagulhol lang ako habang mahigpit na nakahawak sa braso niya. "H-Hindi ba talaga totoo ang lahat? W-Walang Marcu? S-Sa halos tatlong taon kasinungalingan lang ang nakikita ko? B-Baliw ako?"
Nahihirapan na akong huminga sabayan pa nang paninikip ng dibdib ko. Nanghihina ang katawan ko at unti-unti akong nawawalan nang lakas.
"You're not crazy... you're just in pain... trust me, maniwala ka sa akin Sezi, tutulongan kita, tutulongan ka namin," Hinawakan niya ang magkabilaan kung pisnge.
"Giel... A-Anong gagawin ko? Wala na si Marcu... Hindi siya totoo..."
"Let us help you Sezi... You suffered enough," Napalingon ako nang biglang dumating ang iilang ambulansiya at huminto sa may pwesto namin. "Kailangan mo sila Sezi... Kailangan mo nang tutulong sa 'yo,"
Napahawak lang ako sa ulo ko. Ang lahat ng pinaniniwalaan ko ay hindi totoo, gawa-gawa lamang sila ng isip ko at pinilit kung paniwalaan ang lahat ng iyon.
Sa pangalawang beses ay bumagsak ako sa lupa. Ngunit sa pagkakataong 'to ay nakita ko ang pigura ni Marcu, malayo siya sa akin pero klarong-klaro ko ang mukha niyang nakangiti.
"Marcu... Marcu..." Sambit ko sa pangalan niya.
"Mommy! Bye bye! I love you!" Parang nabiyak ang puso ko, wala akong pakialam kung gawa-gawa rin lang ba ng isip ko ang boses na narinig ko ngayon.
"Marcu..." Unti-unti siyang nilalamon ng puting usok at bigla na lang naglaho. Wala na siya sa pwesto niya. "He left... He already left..." Pag-iyak ko.
"Sezi, I'm here. You can cry all you want, nandito lang ako..."
"T-Tulongan mo ako Giel... M-Magiging maayos paba ako?" Humarap ako sa kanya.
"Of course... Gagaling ka, magtiwala ka lang sa sarili mo, magiging proud sa 'yo si Marcu dahil alam niyang nasa mabuting kalagayan ka na Sezi..." Dahan-dahan akong tumango.
"K-Kung sakaling gagaling ba ako... Maghihintay ka ba sa akin?" Hindi siya sumagot at hinalikan ako. Mabilis lamang iyon ngunit ramdam na ramdam ko.
"I will wait for you Sezi, I'm always waiting. Please remember that, no matter what happened I'm always on your side. You're my wife and I love you so much, sasamahan kita sa laban mo hanggang sa tuloyan mong malampasan ang lahat. You have me until you reached your finish line."
"Thank you... Sasama ako sa kanila, magpapagaling ako Giel." Binaling ko ang tingin sa iilang nurse na ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin. "Wait for me please... I'm willing to do my best, I love you Giel."
Sinakay nila ako sa ambulansya habang ang tingin ko ay diretso lamang kay Giel. Hanggang sa unti-unti nang sumara ang pinto at hindi ko na siya makita pa.
Ang lahat ng mga nangyari ay gawa lamang pala ng imahinasyon ko. My son is already dead, and all this time I'm only talking to a person who doesn't exist.
*****
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro