Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6

December 6, 2021

Maybe this is the start of something new. Something new without you. Maybe. I don't know.

My mother told me that I should start fixing myself. Sinabi niya na wala namang gagawa ng bagay na 'yon para sa akin. Sino ba naman daw ba ang tutulong sa akin ngayon? Yung babaeng wala pang isang linggo ay may iba na agad na kasama? Kailangan ko nang tulungan ang sarili ko. Kailangan na kitang kalimutan pero, hindi ko pa kaya.

I looked at the mirror earlier. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Facial hair wasn't treated. Eyes swollen. Hair looked like a mess. Kapansin-pansin na rin ang pagbaba ng timbang ko. I looked like a total mess. Napabayaan ko na ang sarili ko. Napabayaan ko na lahat mula ng pabayaan mo ako.

You know what? I already removed everything that reminded me of you. All of those things we made together. All the things you gave me. Halos ilang balde rin ng luha ang nailabas ko habang inaayos ang mga alaala nating dalawa. Ang hirap. Ang sakit. Hindi ko kayang isantabi na lang yung mga bagay na pinagsamahan nating dalawa. Ikaw pa rin kahit mahirap. Ikaw pa rin kahit masakit.

Bakit ba kasi umabot tayo sa ganitong punto? Ilang araw pa lang. Ilang araw pa lang simula nang mag hiwalay tayo. Bakit may bago ka agad?

Sinusubukan kong kalimutan ka. Maniwala ka, sinusubukan ko pero, mahirap. Mahirap na kalimutan yung taong nagpasaya sa akin. Mahirap kalimutan yung taong nakasama ko sa mga pangarap ko. Mahirap pero kailangan kong kalimutan yung taong nanakit sa akin.

Alam ko na gusto na kitang kalimutan pero, ito ako, nagsusulat pa rin para sa'yo.

Niccolo Guanzon

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro