Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Future

Namulat ako sa isang kristiyanong bansa. Nagising sa isang pamilyang pinahahalagahan ang buhay. Kung gaano ito kahalaga at kung gaano ito nararapat ingatan.

"Mommy, paano po ako nabuo?"

Natawa ako nang marinig ko ang tanong ng aking anak. Ganoon siya kainosente upang alamin kung paano nga ba siya nagkaroon ng buhay. Ng hiningang ngayon ay kanyang tinatamasa. Na aking itinuturing na isang regalo.

I remember that day, I heard her cries, her screams... I thought every loud cries were irritating, disturbing, bothering. But that same scream coming from my first child was the most beautiful music I have ever heard. Napangiti ako sa pagod. Isa na akong ina. Hindi ko inasahang may isang buhay na manggagaling sa mismong katawan ko. Kung gaano kagaling na ang tao ay kayang magparami, magpalago at magkaroon ng panibagong buhay.

Sa isang distrito sa Ireland, nagpupunyagi ang mga kababaihan. Masayang iwinawagayway ang isang bandera. Bandera ng pagkapanalo. Sa isang pakikibakang matagal na nilang ipinaglalaban...

Ang pumatay ng hindi pa isinisilang na sanggol.

Ang mga babaeng nakatawa, humahalakhak at nagpupugay sa harap ng madla, ipinagmamalaki ang pagkapanalo sa isang paniniwalang sa tingin nila ay matuwid. Sila rin ang mga kababaihang magiging ina sa susunod na panahon. Sila ang tatawagin mong nanay, inay, mommy, mom, mama. Sila ang magiging lola ng iyong magiging anak. Ang magiging katuwang mo sa pag-aalaga, pagpapalaki ng mga susunod mong magiging mga anak.

"Unborn children do not have a voice, but they are young members of the human family. It is time to look at the unborn child, and recognize that it is really a young human, who can feel pain and should be treated with care." ~Sam Brownback

"Mommy, bakit mo ako pinatay?"

Kung makakapagtanong lamang ang isang wala nang buhay na sanggol. Kung may boses lamang siya upang magreklamo at sabihin sayong...

"Mama, nasasaktan din ako. Gusto ko rin sanang mabuhay. Masilayan kung gaano kaganda ang mundo. Maramdaman kung paano kargahin ng mga magulang ko. Makapaglakad sa lupa at makatakbo kasabay ng hangin at matutunang abutin ang mga bituin na nagniningning sa langit."

"A baby will make love stronger, days shorter, nights longer, bankroll smaller, home happier, clothes shabbier, the past forgotten and the future worth living for." ~ Author Unknown

Takot kasi tayong masaktan. Takot tayo sa commitment, sa responsibilidad at higit sa lahat, takot tayo sa kinabukasan. Hindi man natin aminin, makasarili kasi tayo. Iniisip lamang natin ang makakabuti para sa ating sarili. Kasi hindi ko siya kayang alagaan. Kasi makikita ko lamang ang pagkakamali ko sa kanya. Kasi hindi siya tanggap ng kanyang ama. Kasi masasaktan lang siya sa paglaki niya. Kasi, kasi, kasi.

Bakit hindi na lang nating sabihing, kasi duwag ako. Kasi maramot ako.

"The moment a child is born, the mother is also born. She never existed before. The woman existed, but the mother, never. A mother is something absolutely new. And so in you the child your mother lives on and through your family continues to live... so at this time look after yourself and your family as you would your mother for through you all she will truly never die."
~Osho

Ang sanggol ay isang bagong creation. Isang pagpapatunay na ang buhay ay hindi natatapos dito lamang. Ipagpapatuloy niya ang iyong nasimulan. Aabutin niya ang mga hindi mo pa naabot at naranasan.

"Sometimes when you pick up your child you can feel the map of your own bones beneath your hands, or smell the scent of your skin in the nape of his neck. This is the most extraordinary thing about motherhood – finding a piece of yourself separate and apart that all the same you could not live without."
~Jodi Picoult

Ang future ay hindi tayo lamang. Nakasalalay din ito sa susunod na henerasyon. Paano pa natin matatagpuan ang bukas kung sa kasalukuyan ay pinapatay na ang ngayon? Paano na ang paglalang kung sa simula pa lang ay hindi na siya matanggap ng tao?

"Ma, mahal mo ba ako?"

May nangilid na luha sa aking mga mata.

"Mahal kita, anak. Nabuhay ka mula sa aking laman. Ang aking dugo ay nananalaytay sa iyong katawan. Mawala man ako, mananatili akong buhay, dahil ako ay nasasaiyo. Hindi kita kailanman maiiwan dahil nalikha ka upang maranasan din kung paano tumawa."

Niyakap ako ng aking anak. Mahigpit na parang muling nagdurugtong ang aming mga katawan.

"Salamat 'ma. Binuhay mo ako mula sa iyong sinapupunan."

"I never have regrets when I have you. You deserve to be happy. You deserve to live."

~Mar_Mojica

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro