CHAPTER 7
***
Nandito ako ngayon sa labas ng kotse ni Caleb, mukhang mamahalin din toh kagaya ng mga nakikita ko sa Manila noon.
"Kuya, aalis din kayo?"tanong ni Celine ng maabotan nya kami na pasakay sa kotse ng kapatid nya.
"Oo, ilalabas ko lang si Stella, pumayag naman sya,"sagot ng kapatid nya, napatingin naman sakin si Vhon, naka porma sya ngayon at handang handa talaga sa date nila ni Celine bwesita.
"Hindi pa kase ako nakakalabas ng hacienda simula ng dumating ako dito eh, kaya sumama ako sa kanya,"paliwanag ko.
"Pwede pala tayong double date eh,"si Bwesita.
"Excuse me, hindi kami nag dedate,"usal ko.
"Parang ganon na din yun, lalabas kayong dalawa,"
"Mamamasyal lang kami,"usal ko ulit.
Tumango naman si Vhon pero mukha syang galit, hindi na din ako nakipag away kay bwesita, diko na yun pinansin at sumakay na lang sa kotse ni Caleb.
"San mo gusto pumunta?"tanong ni Caleb.
"Kahit saan,"sambit ko.
Nag drive na sya palabas ng mansion, nag paalam na din naman ako kay Manang Fina at Cristel baka kase magka gulo sila mamaya kapag di ako nakita sa mansion.Puro puno ang madadaanan namin dito hindi kagaya sa manila na pag labas mo pa lang ng bahay malalaking building na agad ang bubungad sa'yo.
Sariwa ang hangin at masarap langhapin, di nakakasawang tingnan ang paligid dahil sa ganda.
"Don muna tayo sa market na pag mamay-ari ninyo,"sabi ni Caleb.
"Ninyo?"
"Oo, diba nga magulang mona sila Ma'am Grenda? Don't alam ko na yun matagal na, at hindi ko inaasahan na ikaw pala yung aampunin nila,"sambit nya.
"Hindi din nama alam na aampunin ako eh, ang akala ko trabaho ang pinunta ko dito,"usal ko.
"Tara na, andito na tayo,"pag baba namin ang daming tao, nag kaka gulo pero di nag aaway kundi namimili, ang mga paninda puro sariwa, palengke, ganyan kapag nasa palengke talaga.
Pagkatapos naming libutin ang palengke dinala nya ako sa isang park, kung saan maraming mga tao ang nandon, pero mas marami sa Manila.
Maganda din yung mga design na nandito at masasaya ang mga tao, umupo ako sa isang swing na nandon at tinabihan naman ako ni Caleb.
"Kumusta pala yung girlfriend mo don sa Manila?"tanong ko.
"Kami pa rin naman, mag babakasyon lang ako dito then uuwe na ako don, ikaw ba? Kelan ka babalik ng Manila?"
"Sabi ni Tita, mag babakasyon lang din kami dito at babalik din sa Manila, pero pag balik ko don, sa kanila na ako tititra at sila na din ang mag papatuloy ng pag aaral ko,"
"Ede maganda, makakapag tapos kana, gaya ng pangarap mo,"
"Kaya nga eh, gusto ko na ngang bumilis ang oras para maka uwe na ako don at maka pag aral,"
"Oo sabay tayo, sana lang pareho tayo ng papasukan,"
"Oo tapos aawayin na naman ako ng jowa mo,"
"Hayaan mo nga sya, hindi nya hawak ang buhay ko,"usal nya.
"Gago kaba? Jowa mo yun tapos hahayaan mo lang, kung ako yun baka inupakan na kita, hindi mo pa naman kaya kapag wala sya,"
"Wag mo na ikwento nasisira kagwapuhan ko eh,"
"Ah talaga ba Caleb? Sino nga yung nag sumbong sakin kase nakipag break si Angel sa kanya?"natatawa kong tanong.
"Hindi nakaka tawa,"
"Tapos lasing na lasing kasw ayaw na daw maki pag balikan ni Angel? Sabi mo pa, 'putcha prii diko kayang mawala yun, mahal na mahal ko yun'!"
"Stella,"
"Buti na lang nadadaan sa pakiusap si Angel kung hindi baka dina yun nakipag balikan sa'yo,"
"Kung mahal nyo talaga ang isa't isa kahit na mag hiwalay pa kayo babalikan at babalikan nyo ang isa't isa,"seryuso nyang sabi."Alam mo marami akong natutunan simula nung minahal ko si Angel, natuto akong makuntinto sa isa at pinagmamalaki ko na jowa ko sya,"
"Ganon naman dapat, makuntinto tayo kung anong meron satin, at wag na nating pakawalan yung taong nag mamahal satin ng lubos dahil sa huli hahanapin natin ang taong yun kahit na gaano pa sya kakulit,"
"Yeah, dati naiirita ako sa kanya kase diko naman sya type tapos biglang boom hinahanap ko na yung pangungulit nya kaya niligawan kona sya,"
"Saksi ako diyan,"natatawa kong saad.
Simula kase nung maging sila no Angel nandon ako, pag nag aaway sila ako ang kanilang takbuhan, kapag may masasayang nangyayari sa buhay nila kasama ako, tinuturing nila akong tunay na kaibigan, parang kapag wala ako sa buhay nila kulang sila.
"Kaya nga nung umalis ka ng walang paalam alang alala kaming dalawa kung saan ka hahanapin, pero sabi ng tatay mo wag na daw namin ikaw hanapin kase nasa malayo kana at di kana babalik,"
"Ganon talaga, biglaan kase,"
"Pero wag na tayo diyan, tara mamasyal na lang tayo,"
"Dapat sinama mo si Angel dito eh,"
"Gusto mo ba?"
"Oo naman,"masaya kong saad.
"Sige sandali tatawagan ko,"
"Ano?? Inisturbuhin mo pa?"
"Ako bahala,"sagot nya at tumayo.Nilabas nya ang cellphone nya at nag dial don, lumayo sya sakin ng kunti, nanatili akong naka upo sa swing, nahagip ng mata ko si Vhon at Celine na nag lalakad, kapit na kapit ang kamay ni Celine sa braso ni Vhon, ang bwesita talaga na'to, kala mo naman aagawin si Vhon sa kanya, hindi naman sya gusto ni Vhon, ang kapal ng mukha.
Bat ganyan ba yang babae na yan, pwede namang mag lakad lang ng normal, ngiti ngiti pa, sarap punitin ng labi amputik, nakaka gigil sya ha.
"On the way na daw sya, mag iimpake lang,"umupo uli si Caleb sa tabi ko.
"Pupunta talaga sya?"gulat kong tanong.Pero na kaya Vhon at bwesita pa rin ang tingin ko.
"Oo, tuwang-tuwa nga eh,"
"Sabay tayong susundo sa kanya ha,"pauna ko.
"Oo, matutuwa yun subra,"sagot naman nya, nanatili kaming tahimik, ngayon naman ay naka upo na din silang dalawa sa swing sa di kalayuan samin.
Bakit ba ako ganito, sabi ko pipigilan ko na itong nararamdaman ko, bakit ganito na naman, nang gigigil talaga ako kay Celine nakakainis na ha.
Kung pwede ko lang hilain paalis si bwesita kay Vhon ginawa ko na, kaso mag mumukha ako nung desperada.
Napa buntong hininga na lang ako ng malalim, wala naman akong magagawa, natatakot akong umamin kay Vhon na gusto ko sya, kaya hahayaan ko na lang, andyan nga sya, malapit lang, pero diko magawang hawakan at sabihing mahal ko sya.
Natatakot ako na baka sumbatan nya ako kahit alam ko naman na may feelings din sya sakin, pero anong malay ko, malay mo nawala na yung feelings nya, diba nga sabi nya, sana wag ng umabot sa Love, feeling ko din kase masasaktan lang kapag nandon na, pero ito na ako eh, marealize kona na mahal ko sya.
Kahit ilang linggo pa lang kami magkasama, sa mga pinapakita nya sakin, sa pag aalaga nya sakin nung napilayan ako, lahat ng yun nilalagyan ko ng meaning kahit wala naman talaga.
"Mahal mona sya noh?"biglang sabi ni Caleb.
"Siguro,"tangi kong sagot at tumayo bago nag lakad papunta sa kotse nya.
_______________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro