Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 6

***

Ayaw kona talaga sa earth, hindi ko na kaya, wala to, hindi to tama, bakit ba kase kung kailan komplekado ang pagkakataon eh saka titibok tong puso na'to, sa tuwing nakikita ko na sya lagi na akong natataranta, kinakabahan pati namamawis na din ako.

Buti na lang talaga magaling na ako, at magaling na din akong mangabayo, sure na yun, tinuruan na ako ni Daniel, naging ka close ko na din sya,tapos itong si Cristel nag seselos ata, wala naman akong pake sa Daniel nya no, isaksak nya sa baga nya.

Buti na lang talaga magaling na ako, tumutulong na din ako sa gawain dito sa mansion, andami palang katulong dito, sabagay malaki din naman ang mansion na'to, kaya pagod na pagod akong humiga sa kwarto ko.

"Sabi ko naman sa'yo wag kana mag trabaho eh," si Manang.

"Ano namang gagawin ko dito manang? Tutunganga, eh parang magkakasakit ako kapag di ako kumilos eh, kaya hayaan nyo na ako, sanay naman ako eh,"usal ko.

"Kahit na, baka pagalitan kami nina ma'am grenda kapag bumalik sila,"

"Ako bahala, sige na Manang, gusto kona matulog,"usal ko, lumabas naman sya ng kwarto ko, ako naman ay naligo muna dahil ang baho kona.

Pagkatapos maligo ay lumabas ako at pumunta sa veranda sa kwarto ko.

Tanaw ko mula dito ang garden sa baba, ang ganda tingnan non dahil maraming ilaw, pero yung taong nandon diko gusto, ano ba naman yan, gabing gabi na nanliligaw pa itong so Celine kay Vhon.

"Ang landi naman nila,"bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa kwarto ko."Buti na lang, diko sila nakitang nag hahalikan, jusko diko yun kaya, nakaka diri,"

Nakakadiri o nag seselos ka lang?

Gago ba u? Matulog kana nga lang, lumabas ako ng kwarto ko at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

"Ate your awake pa pala?"napatalon ako sa gulat dahil kay Vher.

"Bakit?"taka kong tanong.

"Wala lang, di kase ako maka tulog, pwedeng don na lang ako sa kwarto mo matulog?"

"Jusko ka Vher ang laki laki mona,"

"Bata pa ako ate,"

"Bata ka diyan,"

"Si Mommy kapag di ako makatulog tinatabi nila ako matulog,"naka nguso nyang saad.

"Di ako ang mommy mo,"mahina kong saad.

"Pero ate kita,"sambit nya,"Okay,"saad nya bago tumalikod sakin, inubos ko naman ang iniinom ko bago ko sya sinundan.

"Sige na, don kana matulog sa kwarto ko, tabi tayo,"lumiwanag naman ang mukha nya dahil sa sinabi ko.

"Talaga?"tuwang-tuwa nyang tanong.

"Ay sige binabawe ko na,"

"Ate,"he pouted.

"Oo nga, tara na,"

At sa huli tabi kami matulog, tuwang-tuwa sya dahil first time nya daw ako naka tabi matulog, first time ko din naman syang maka tabi.

"Vher, ano ni kuya mo Vhon si Celine?"tanong ko habang naka tingin sa kisame ng kwarto ko, nakahiga na kase kami ni Vher.

"I don't know, Ate Celine is in love with kuya Vhon but kuya Vhon is in love with someone else,"sagot naman nya.

"In love with someone else? Sino? Sino yung gusto nya?"taka kong tanong.

"Secret, I don't want to say anything about kuya, it's a secret,"sabi nya."Ate alam mo bang first time ko nakita si kuyang ngumingiti na inlove talaga sya, paniguradong mahal nya yung babae na yun,"

"Ibig sabihin hindi mo alam kung sino yung babaeng gusto nya?"sa pagkakataong ito hinarap kona sya.

"Nope, hindi pa ako sure, pero narinig ko syang binubulong yung pangalan ng babae na yun,"

"Swerte naman ng babae na yun,"mahina kung saad.

"Bakit? Selos ka Ate?"

"Huh? Ako mag seselos? Maganda ba yun kagaya ko? Masipag ba yun kagaya ko? Marunong ba yun mangabayo kagaya ko? Hah hindi, paniguradong anak mayaman din yun kagaya ni Celine,"mabilis kong saad.

"Bakit bigla mo namang kunumpara yung sarili sa babae na yun?"natatawa nyang saad."You're so affected, may gusto kaba kay kuya?"tanong nya, kinabahan naman ako dahil tumaas ang kaliwang kilay nya.

"W-wala ha,"tanggi ko agad.

"Wala nga ba?"

"Oo na, sige na, matulog kana,"sabi ko at nag takip ng kumot, narinig ko pa syang tumawa, pero tumahimik din.

Kinabukasan nagising ako ng may naka yakap sakin, minulat ko ang mata ko at bumungad sakin ang naka ngangang si Vher, katabi ko nga pala itong bata na'to.

Tinanggal ko ang pagka yakap nya sakin bago tumayo at maligo, papaliguan ko pa pala si Stelver, mabilis akong naligo at lumabas ng banyo, pag labas ko naka higa pa rin si Vher.

"Hoy lalaki, gumising kana diyan!"kinuha ko yung kumot na naka balot sa katawan nya."Tumayo kana, tanghali na,"yinugyugyug ko pa sya.

"Maaga pa,"reklamo naman nya.

"Ikaw, por que wala nang pasok tanghali kana gumigising ha,"

Hindi parin talaga bumabangon ang lalaki na'to, napaka kupad talaga, ganito ba talaga sya kapag ginigising sa umaga?

"Hoyy,"

"Ate mamaya na nga, babangon lang ako,"sabi nya.Wala na ako nagawa kaya lumabas ako ng kwarto ko at bumaba para mag almusal.

"Ma'am, good morning po,"masayang bati ni Cristel.

"Morning, kain kana, sabayan moko,"

"Mamaya na po ako, lilinisin ko po muna yung kwarto nyo,",

"Wag na muna, natutulog pa don si Vher,"

"Si Vher don natulog?"gulat nyang tanong.

"Ano ba sabi ko?"

"Ahh s-sige po mamaya ko na lang lilinisin,"

Pinag patuloy kona ang pagkain ko ng pumasok si Vhon sa kusina.

"Morning,"naka ngiti nyang bati.

"Morning too,"balik bati ko din.Kumuha sya ng plato nya at nag simulang kumain,"Si Vher pala natutulog pa, baka mamaya na sya kumain,"tinanguan nya naman ako.

Tahimik lang kaming kumakain ng bigla may sumigaw sa sala.

"Vhon!!!"Si bwesita ata yun,"Where the hell are you Vhonever!!"sigaw nya uli.

"Why?"sigaw din ni Vhon, pumasok naman sa kusina si Celine ng makita nya akong kumakain ay tinaasan nya ako ng kilay bago umirap.

"You promise me na ededate moko,"pabebe nyang saad.

"Oh, I forgot, wait mag bibihis lang ako,"

"By the way kasama ko si Caleb my brother,"Caleb? Familiar, wag nya lang sabihing si-pumasok sa kusina ang isang matipuno at gwapong lalaki.Pero mas gwapo pa din si Vhon, sinasabi ko na nga ba eh.Napatayo ako sa gulat.

"Hi bro,"bati nya kay Vhon,"Long time no see,"

"Hi, naka uwe kana pala?"

"Kahapon lang,"sagot naman ni Caleb.Napa tingin sakin si Caleb at gulat din ang reaction."Stella??"

"Ako nga Calebyo!!"lumapit sya sakin at niyakap ako, ganon din ang ginawa ko sa kanya.

"Oh god, hindi ko alam kung saan ka hahanapin nung umalis ka ng Manila, nandito ka lang pala,"usal nya.

"Sorry,"natatawa kong saad.

"Magka kilala kayo?"takang tanong nung dalawa.

"Oo, sya yung naging kaibigan ko sa Manila, sya din yung tumulong sakin nung muntik na akong madisgrasya,"usal ko.

"Oo ang tanag mo eh,"sambit nya.

"Mas tanga ka noh,"balik ko sa kanya.

"Di ka pa rin talaga ng babago,"sambit nya.

Umakyat naman sa taas yung dalawa dahil may date daw sila, sana all kase may date.


"If you don't mind, can I take you outside, let's have fun,"

"Saang labas?"

"Ahm sa labas ng hacienda na'to, igagala kita sa labas, k-kung payag ka?"

"Ako tinatanong mo? Syempre G ako diyan, sandali mag bibihis lang ako,"agad naman akong nag bihis, pag pasok ko sa kwarto nandon pa rin si Vher, hinayaan ko na sya at nag palit na ng damit sa Cr, binilisan ko talaga dahil makaka gala na ako sa labas nh mansion, okay lang naman yun diba? Si Vhon nga may date eh, dapat ako din.


______________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro