CHAPTER 16
***
End na ng first sem namin, kaya ngayon nag hahabol ako ng plates ko, lakad takbo na ang ginawa ko para lang mahabol ang plates ko sa prof namin.
"Sir!!"tawag ko sa prof ko."Sandali lang sir."
"You're late miss Stella Lavega."madiin nyang sabi.
"Sorry sir, promise hindi na sa susunod."
"Siguraduhin mo lang."tinanggap naman nya ang plates ko.
Nagpasalamat ako sakanya bago nya ako tinalikuran. Buti na lang talaga tinanggap nya.
"Yan kase puro landi."si Kent.
"Mukha mo, tigilan moko Kent ha."banta ko dito.
"Hayst kung inasikaso mo na yan agad, ede sana hindi ka na late."usal nya pa.
"Ede sorry nalate ako."sarkastika kong sabi.
"Tss." Yan lang ang sabi nya, nauna akong maglakad sakanya.
"Mamaya pala nag aaya si Angel sa bar, sasama kaba?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, g ako diyan." Usal naman nya. Habang nag lalakad kami papunta sa room ay nakita ko si Vhon kasama ang mga kaibigan nya. Mukhang nag mamadali sila kaya hindi nila kami napansin. Bad mood din ang mukha nya at halatang inis na inis.
Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy na lang kami.
"Ilang months na nga kayo ni Vhon?" Tanong sakin ni Kent.
"Maga kalahating taon." Sagot ko.
"Pano kapag may nalaman kang isang bagay tungkol sa kanya, anong gagawin mo?"
"Isang bagay? Anong klase?" Takang tanong ko.
"Wala wala." Nag kibit balikat na lang ako dahil nakita kona si Angel.
"G ba kayo mamaya?" Tanong nya samin.
"Ako g na g." Sagot ni Kent.
"Subukan kong isama si Vhon."Usal ko.
"Sasama yun, lagi yung nasa bar eh." Si Caleb.
"Pano mo naman nalaman?" Tanong ko.
"Syempre, nandon din ako lagi, minsan nga kasama kopa syang uminom eh, at ito oh." turo nya kay Kent.
"Nagkakasama pala kayong tatlo?"
"Oo, ngayon lang ba nalaman?"tanong ni Kent.
"Yes, sa tingin mo ba mag tatanong kami kung hindi."si Angel.
Nung uwian na ay nag palit ako ng damit sa sasakyan ni Angel, ganon din ang ginawa nya, dahil ayaw kong pumunta ng bar na naka uniform, pag tapos mag bihis ay sumunod na kami don, nauna na kase yung dalawa, si Vhon naman hindi ko alam kung pupunta pa, hindi nya sinasagot ang tawag ko, di din nag rereply sa mga text ko, baka busy lang sya, engineering ang course nya kaya paniguradong busy yun.
"Party party,"lasing na si Angel kaya sumasayaw na sya sa dance floor, si Caleb dipa tinatamaan dahil may ihahatid pa syang lasing, si Kent naman malapit na.
"Alam mo prey...may crush ako eh, kaya lang may boyfriend na sya..."lasing nyang sabi kay Caleb.Kawawa naman sya, may boyfriend na yung crush nya.
"Alam mo, umuwe kana, lasing kana eh."natatawang si Caleb.
"Hindi...hindi ako lashing..."tumayo pa sya pero natumba din kaya mabilis akong tumayo para tulungan sya."Ikaw!"turo nya sakin."Ikaw yung crush ko eh...pero...pero mash...pinili mo si Vhon..."nagulat ako sa sinabi nya kaya nabitawan ko sya.Agad namab syang inalalayan ni Caleb.
"Lasing lang sya Stella, iuuwe kona, isasama ko na din si Kent."si Caleb.
"Ayaw ko...ayaw ko pa umuwe... hindi ako lashing..."si Kent.
"Uwe na kami..."sigaw ni Angel.
Pinag mamasdan ko lang sila habang nag lalakad, napasapo ako sa noo ko at pabagsak na umupo sa upuan, hindi ba darating si Vhon?
Pumunta ako ng comfort room para pagaanin ang loob ko.Nag hilamos din ako, maya maya ay tumunog ang cellphone ko.
"Hello?"
["Ate..."]umiiyak na tawag sakin ni Vher, si Vher pala tumawag.
"B-bakit? Bakit ka umiiyak?"kinakabahan kong tanong.
["Mom and Dad is here in a hospital..."]halos hindi na sya maka hinga, kaya dali dali akong lumabas ng bar at pumara ng taxi, agad akong nagpa hatid sa hospital address na binigay sakin ni Vher, ilang beses kong tinawagan si Vhon pero cannot be reached lagi.
Lakad takbo na ang ginawa ko papasok ng hospital at nag tanong sa nurse doon, hindi naman ako nahirapan sa pag hahanap ng emergency room dahil nakita ko din ai Vher, mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
"Critical daw po ang lagay nila."umiiyak nyang sabi.
Nandon din ang ibang guard namin sa bahay pati driver ko at ni Vher.
"Ayus lang yan ha, gagaling sila, makakaligtas sila."umiiyak kong sabi.
"Asan ba kase si kuya?"galit nyang tanong, "Hindi ko sya matawagan, laging cannot be reached."usal nya.
"Hindi ko din alam, hindi nya rin sinasagot ang mga tawag ko."sambit ko.
Nag hintay lang kami sa labas ng ER, kinakabahan ako, pero pinanatag ko ang loob ko, alam kong gagaling sila, hindi sila mamamatay, kaya nila yan.
Lumabas ang doctor galing sa loob kaya mabilis kaming tumayo.
"Sino ang kamag anak ng mga pasyente?"tanong nya.
"Kami po."sagot namin ni Vher.
"I'm sorry, ginawa na namin ang lahat, pero-"
"Putangina!!"sigaw ni Vher."Doc, please, gawin nyo ang lahat, hindi pwedeng mamatay sila, doc."sigaw ni Vher at hinila hila ang ang doctor.
"Vher..."umiiyak ko syang pinakalma.
"Mommy... Daddy..."mabilis syang pumasok sa loob ng ER, sumunod naman ako.
Naabutan namin na nakabalot na ng puting tela ang katawan ni Tito at Tita, napahagulhol ako sa iyak, yung tinuring ko ng tunay na magulang ng halos kalahating taon, ay iiwan din pala ako, ang sakit isipin na ang bilis nilang mawala sa mundong ito.
Laging tinatawag ni Vher ang mommy't daddy nya, niyakap nya pa sila, maya maya ay bumukas ang pinto at iniluwa non si Vhon, tumuli na din ang luha nya at mabilis na lumapt sa magulang nya, napa mura sya ng ilang beses na napa hagulhol.
Nilapitan ko sya at niyakap pero inilalayo nya ako, tinutulak nya ako palayo sa kanya.
"Don't touch me!"sigaw nya sakin.
Kahit nag tataka ay umatras ako, hindi ko na sya pinakialaman at kay Vher na lang ako lumapit para patahanin sya.
Umuwe kaming tatlong sawi, at naka tulala, himinto si Vher sa pag iyak at naka tulog na, pag dating sa mansion ay saking kwarto ko pinadala si Vher.
Iyak pa rin ako ng iyak habang naliligo, hindi ko na alam ang gagawin ko sa pagkakataong yun, pano ko ba papagaanin ang loob ng dalawa gayong mahal nila sa buhay ang nawala, tatayo na lang ba ako? Panunuorin silang umiyak?
Hindi ko na alam, pinag masdan ko si Vher habang mahimbing na natutulog, may tumulo pang luha mula sa mata nya kaya pinunasan ko yun.
Pina imbalsamo na ang katawan ng mag asawa, inasikaso yun nang kanang kamay ni Tito at Tita, sila ang umasikaso sa burol nila.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka paniwala na wala na sila.
Kinabukasan linggo ng gabi ay naka upo lang ako sa tabi ng kabaong ng mag asawa kasama si Vher, pinag mamasdan ang mga kakila nila na pumapasok para maki ramay sa mag asawa, nakita ko ding pumasok ang mga kaibigan ni Vhon.
Nitong mga nakaraang araw hindi nya ako pinapansin, may nagawa ba ako sa kanya? Sa pag kaka alala ko wala naman, pero bakit nya ako iniiwasan? Feeling ko tuloy galit sya sakin.
Lumabas ako saglit para mag pahangin sa garden, napa hinga ako ng malalim habang inaalala ko kung bakit ako nandito sa kinatatayuan ko, andito ako dahil sa nag asawa, kung wala sila, saan ako pupulutin? Nasan kaya ako ngayon kung wala sila? Paniguradong pariwara ang buhay ko.
Laking pasasalamat ko at dumating sila sa buhay ko, pero ngayon? Ngayong wala na sila, ano ng gagawin ko? Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko.
Aalis na sana ako pero may narinig akong nag uusap sa di kalayuang parte ng garden, nasa madilim akong parte kaya di ako halos kita, diko na sana papansin pero merong tanong ang gusto ko ng kasagutan.
"Kumusta pre? Kumusta yung plano mo kay Stella?"tanong ng isa sa mga tropa nya.
"Wag mo sabihing hanggang ngayon dimo pa rin nagagawa yung utos namin bilang kaparusahan mo?"tanong pa ng isa. Anong plano? Sakin?? Bakit??
"Wag ngayon pwede?"si Vhon.
"Sumunod kaba sa pinag usapan natin na pag lalaruan si Stella? Akala ko ba matapang ka? Bakit dimo kayang paibigin ang isang Stella-"
"Napa ibig kona."sagot ni Vhon, parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko.
Tumakbo ako palayo doon at mabilis na umakyat sa kwarto ko. Ang sakit, ang sakit sakit, akala ko all the time totoo yung pinapakita nya sakin, akala ko mahal nya talaga ako.Pero mali pala ako.
Ako lang yung nag assume na magugustuhan nya din ako, naninikip ang dibdib ko at hindi malaman kong tanong gagawin, bakit ngayon pa? Bakit kung kailan durog ang puso ko sa pagka wala ni Tito at Tita ay isasabay pa ang pagka durog uli dahil kay Vhon?
Ganon ba kagalit sakin ang tadhan? Kaya nya binibigay sakin ang ganito? Ang sakit, diko na kaya.
Puta para akong sinaksak ng ilang beses, ang bigat bigat sa dibdib. Kaya ba hindi nya ako pinapansin dahil don? Pero halos lahat naman ginawa kona para mapasaya sya ah? Bakit ganito ang ganti sakin?
Ang sakit sakit na yung taong mahal mo e pinag lalaruan ka lang pala.
__________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro