CHAPTER 13
***
Shutangina namang date yan, hindi tuloy ako nakapag focus sa afternoon class ko, purp date na lang ang inisiip ko.Kung saan ba kami pupunta? Kung anong gagawin namin yung mga ganon.
First time ko kase, wala namang nag aaya sakin nung high school pa lang ako ng date kase nga walang mangahas na manligaw sakin non, dahil ang dugyot ko.
Nung uwian na, nauna pa akong lumabas ng room sa prof namin.Tinawag pa ako ni Kent pero diko sya pinansin.Nang maka labas na ako ng gate dumeretso na ako sa parking lot at nakita ko don si Vhon na nakasandal sa kotse nya at may kausap sa cellphone, nginitian nya ako ng mapansin nya ako at pinalapit sa kanya.
"Hi."bati nya ng makalapit ako.
"May kasalanan kapa sakin ha."sabi ko.
"Ano yun?"
"Bat moko hinalikan kanina?"namula naman sya pero di nya na ako sinagot at pinag buksan na lang ng pinto, sumakay naman ako don at ganon din sya.
"Let's go?"Tumango naman ako bilang tugon.Pinaandar nya na ang kotse at nag maneho.
"Saan ba tayo pupunta?"basag ko sa katahimikan.
"Sa lugar kung saan ayaw mo ng umuwe."simpleng sagot nya at bahagyang ngumiti.
"H-huh? Ganon ba yun kaganda para dina ako umuwe?"takang tanong ko.
"Yeah, and that's our's."
"Sa inyo lang, hindi sakin."
"Parte kana ng pamilya kaya atin yun."
"Parte ng pamilya, eh bakit moko jinowa?"taas kilay kong tanong.
"Parte ka as my girlfriend, di naman ako papayag na sa iba ka ikakasal noh."sagot nya.
"Tse."yun na lang ang naisagot ko.
"Di naman kita kadugo ah, atsaka mahal natin ang isa't isa."
"Dimo sure."
"Bakit? Di moko mahal?"
"I don't think so."
"Siguradong mamahalin mona ako kapag dinala na kita don."Mahal na kita hindi mo pa ako nadadala don.
Medyo dumidilim na pero nag da-drive pa din sya.Halos kalahating oras na kase syang nag da-drive tapos dipa kami nakakarating sa paroroonan.
"Malayo pa ba?"bored kong tanong.
"Malapit na."sagot nya uli.
"Kelan pa yang malapit na yan?"kanina pa yan nya sinasabi na malapit na, naka ilang tanong na ako.
"Just shut up, malapit na tayo."irita nyang sagot, tahimik na nga ako, baka mamaya itapon nya ako palabas ng kotse nya.
"Vhon."tawag ko sakanya, nginitian nya naman ako.
"Hmm."
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Bakit? Dika ba naniniwala?"
"Hindi naman sa ganon, pero kase-"
"I love you more than you love me, kahit na ayaw mo pa sa relasyon na ito, pipilitin kong mag work ito kahit ito na lang ang magagawa ko para mapasaya ka."
"Ede gawin na natin itong official."
"Official?"
"Pumapayag na akong maging girlfriend mo."nakangiti kong saad.
"I love you."masaya nyang sabi.
Huminto din ang kotse at nauna syang bumaba para pag buksan ako.
"Two days nga pala tayo dito-"
"Ano?!! Two days? Akala ko ba date? Bat two days!!?"sigaw ko.
"Sorry."natatawa nyang sabi.
"Ganon kaba mag date? Two days?"irita kong tanong."Ikaw lang yung lalaking nakita ko na TWO DAYS MAG DATE!"pinagdiinan ko pa yun.
"No, ikaw pa lang naman nade date ko eh."
"Seryuso?"
"Yes, kaya diko alam ang ginagawa kapag nag de-date."nahihiya nyang sabi.
"Pareho lang naman tayo, diko alam kung anong gagawin."pag amin ko.
Napagtanto ko na, nasa isa pala kaming resort.Pumasok kami sa loob pagkatapos nyang kunin yunh dalawang maleta sa likod ng kotse nya.
"Kaninong gamit yan?"taka kong tanong.
"Satin, yung isa sa'yo."
"Huh? Pano mo napasok ang kwarto ko?"
"Secret."yun lang sagot nya at hinila na ako papasok sa loob.Hawak nya pa rin ang kamay ko habang nakikipag usap sya sa cashier.
VIP room ang ibinigay sa kanya na may dalawang kwarto, hindi naman pwedeng sa iisang kama lang kami matulog.
Dahil madilim na ay hindi na ako nag libot, bukas na lang, pumasok ako sa kwarto ko at nag bihis.Umorder na din si Vhon ng dinner namin.
Ni minsan diko naisip na magkakasama kami na kagaya ng ganito, ni hindi ko nga naisip na magiging kami eh.
Tinawag nya ako sa kwarto ko para kumain na.
"Baka may gusto ka pang ipadagdag?"tanong nya pag labas ko.
"Okay na yan, ang dami na nga eh."sagot ko naman.
"Then, let's eat,"umupo na ako sa upuang hinila nya para sakin, nilagyan nya din ng pagkain ang plato ko."Ubusin mo yan."utos nya.
"Ang dami kaya."reklamo ko.
"Kakainin mo o kakainin kita?"
"Kakainin ko."mabilis kong sagot at sumubo.
"Good girl."
Tahimik lang kaming kumakaing dalawa, hanggang sa may maisip ako.
"Bakit dito mo ako dinala?"tanong ko, napahinto naman sya sa pagkain.
"Kase ito agad ang unang pumasok sa isip ko sa salitang date."sagot nya naman at naglatuloy sa pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nag ligpit at sya naman ay pumasok sa kwarto nya.
Lumabas ako ng veranda para magpa hangin dahil hindi pa ako inaantok, dala dala ko ang junk foods na kinuha ko sa ref at yung cellphone ko.
"Dika pa natutulog?"muntik ko ng matapon ang hawak hawak ko dahil sa gulat.
"Shit."usal ko.
"Sorry."
"Ano ba kase yun?"inis kong tanong.
"Wala lang."
"Bat kaba nandito? Hindi kapa natutulog?"
"Di nga ako maka tulog."
Nanatili kaming tahimik habang nakatingin sa dagat na hinahampas ng alon ang buhangin.Maganda ang view dito, at subrang ganda ng service ng mga staff.
"You know what Stella,"tumingin ako sa kanya at hinintay ang sasabihin nya."Nung una ayaw na ayaw ko sa'yo, dahil akala ko pera lang ang habol mo sa pamilya ko, pero napagtanto kong mali pala ako."
"Anong akala mo sakin, mukhang pera? Wala naman akong pakialam sa pera nyo eh, natatakot nga akong gastusin yung mga binibigay ng magulang mo sakin, yung card na binigay nila? Tingnan mo, hanggang ngayon wala pa yung bawas, yung cash naman meron pa ring natitira."mabilis kong paliwanag.
"Alam ko, kaya nga sorry eh, kase mali ako, at isa, ni minsan diko inisip na magkaka gusto ako sa'yo."natatawa nyang sabi.
"Anong nakakatawa?"irita kong tanong.
"Nakakatawa kase, unti-unti na akong nahuhulog sa patibong na ako mismo ang gumawa."Naging seryuso na sya.
"Patibong?"taka kong tanong.
"Yeah."tipid nyang sagot.
"Anong patibong?"
"Malalaman mo sa tamang panahon,"yun lang ang sinabi nya."Good night, matulog kana at wag ka mag puyat."hinalikan nya muna ako sa noo bago sya pumasok sa loob.
Kinabukasan nagising ako sa ingay na nagmumula sa kusina.Bumangon ako at nag hilamos sa Cr bago lumabas.
"Good morning."nakangiting bati ni Vhon.
"Good morning."balik bati ko.
"Gusto mong maligong dagat mamaya?"nakangiti nya pa ring tanong.
"Oo naman, sayang yung pag absent ko ng dalawang araw kung diko susulitin ang pagkakataon na ito."
"Kumain kana muna tapos may pupuntahan tayo."sabi nya.
Inihanda nya yung pagkain na niluto nya, infairness marunong pala sya mag luto.
"Kelan kapa natuto mag luto?"
"Since nung nagkaisip ako, at wala si Mommy at Daddy para ipagluto ako."may halong lungkot ang mga mata nya nung sinabi nya yun.
"Galit kaba sa kanila?"
"Medyo, kase nawawalan na sila ng oras samin, okay lang sakin, pero si Vher, bata pa, kailangan nya pa ng gabay ng magulang."sabi nya.
"Hindi naman galit si Vher sa magulang mo eh."
"Bata pa sya at wala pa syang alam, marerealize nya na kailangan nya ng magulang kapag meron ng nangyari sa kanya."
Tama naman sya, nag bago ang aura ni Vhon ng tinanong ko yun, sana pala diko na lang tinanong.May tumawag sa cellphone nya kaya sinagot nya muna yun.
"How did you get my number?"tanong nya sa kausap nya."Oo kasama ko sya,"nag lakad sya papalapit sakin."Para sa'yo."inabot ko ang cellphone nya at lumayo ng kaunti.
"Hel-"
"Putcha Stella, saan kaba nag sususuot? Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Naka ilang tawag na ako ah?"sermon sakin ni Angel.
"Sorry."
"Sorry mo mukha mo, oh? Asan ka nga?"
"Nasa resort."
"Pa resort resort ka lang ah, baka nakakalimutan mong may pasok tayo."
"Kaya nga, two days daw kami dito."
"TWO DAYS? Anak ng- Stella,"galit nyang saad, medyo nilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw nya."Bakit hindi ka naman nang sama?"
"Hindi ko naman alam na dito pala kami pupunta."
"Ewan sa'yo, jan kana nga, wag mong kalimutan yung pasalubong ko ha."
"Oo."natatawa kong saad.
"Galit ba?"tanong ni Vhon.
"Ata."natatawang sagot ko.
Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin.
"Ito nga pala susuotin mo mamaya."inabot nya sakin yung isang paper bag.Binuksan ko naman yun at nanlaki ang mga mata ko.
"Ito ipapasuot mo sakin?"
"Ayaw mo ba?"malungkot nyang tanong, nakakakunsensya naman.
"A-ah ita-try ko."sagot ko.Hindi naman ako sanay mag suot ng bikini ko, jusko.
Nang matapos kumain ay nang buhis agad ako, nag dadalawang isip ako kung susuotin koba o hindi.
Sa huli sinuot ko na lang pero tinakpan ko ang short at crop top.
Lumabas ako ng kwarto at nag hihintay na pala sakin si Vhon, may nakasabit na camera sa leeg nya, naka polo lang sya at short.
Naka bukas yung tatalong butones ng polo nya kaya nag mukha syang hot.
Shit bat ba ang gwapo nito.
____________________________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro