Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

***

"Ganon ba talaga dito?"takang tanong ko kay Angel.

"Ang alin?"balik tanong nya sakin.

"Pinag-uusapan si Vhon?"

"Oo, gwapo eh, andaming nababaliw diyan,"sabi nya habang kumakain,"Matalino kase tapos mayaman pa."dagdag nya.

Dumating si Caleb at sabay kaming tatlong kumain.Bakit si Caleb hindi famous? Gwapi din naman aya ah, matalino din, si Angel naman, mayaman, maganda, mabait, hayst mga tao nga naman.

Mga pilipino talaga mapanghusga.Kaya ayaw kong pumasok sa mga showbiz industry nayan eh, yung sisikat ka, tapos marami kang fans, alam ko panandalian lang yun eh, mawawala din, madami akong nababasa sa mga aklat na andami nilang problema, lalo na yang mga artista, pag pinapanood natin sila ang saya-saya nila na akala mo walang problema, pero ang totoo andaming problema non at mas malaki pa dahil sa mga taong nasa paligid nila.

Kunting pagkakamali mo makikita nila dahil nga sikat ka, kaya ayaw na ayaw ko diyan.

"STELLA!!"

"Anak ng-"napabalikwas ako sa sigaw ni Caleb at Angel,"Bat ba kayo sumisigaw?"

"Kanina kapa namin tinatawag, hello, parang wala kang naririnig, tulala kapa."natatawang sabi ni Angel.

"Oh?"tangi kong tanong.

"Anlalim naman kase ng iniisip mo, mamaya nyan malunod kana niyan."tawang tawang si Caleb.

"Hayst alis na ako may klase pa ako."agad akong tumayo at kinuha ang bag ko, handa ng umalis.

"Tandaan mo Stella, hindi mo makukuha si Vhon."nanatili akpng naka tayo at natulala dahil sa sinabi no Angel.Masama ko syang tiningnan at tuluyan ng lumabas.

Nakakainis, ano bang pake ko ha? Hindi ko naman talaga sya kukuhain eh, wala naman akong planong ganon, ang plano ko is iwasan sya yan ang plano ko, wala sa bukabularyo ko ang kunin sya.

Hinanap ko na lang ang sunod kong klase, paikot ikot na ako hindi ko pa din nakikita.

"Are you lose?"rinig kong tanong ng nasa likod ko."Oh ikaw pala, diba PolScie ka?"

"PolScie?"

"Political Science."

"Ah oo,"sagot ko,"hindi ko kase makita yung room ng subject ko eh."

"Ahm tingin ko magkapareho tayo ng sub ngayong hapon, so sabay na tayo."yaya nya.

"Pano mo naman nasabi na magkapareho tayo?"taas kilay kong tanonh.

"Ahm... nakita ko kase yung sched mo kaninang umaga."nahihiya nyang saad.

"Magkaklase ba tayo?"taka kong tanong, diko naman kase sya nakita kanina wala naman akong pake sa iba kong kaklase eh.

"Oo, hindi mo ba ako nakita?"tanong nya, umiling naman ako bilang tugon.Natawa lang sya at sabay na kaming pumunta sa sunod na sched namin."Ako nga pala si Kent."pakilala nya.

"Stella."sagot ko at tinanggap ang kamay nya para makipag kamay.


Pag pasok namin ng room ay magkatabi kami ng upuan, malawak ang room na ito at parang tatlong section kasya dito eh, kung saan saan lang tuloy naka upo yung mga istudyante dahil sa laki.

Nang matapos ang klase sa hapon dumeretso na ako pauwe, hindi kona naabutan si Caleb at Angel paglabas ko dahil mukhang may date sila.

"Stella mauna na ako ha."paalam ni Kent.

"Yeah bye...Ingat."ngumiti sya sakin bago sumakay sa kotse na naghihintay sa kanya.

"Ano pang hinihintay mo diyan?"mataray na tanong ni Vhon ng lingunin ko sya ay nakasandal sya sa kotse nya.

"Pasko."pambabara ko at mabilis na sumakay sa backseat ng kotse nya, may binulong pa sya pero diko marinig.

"Hi Stella."dahan dahan kong nilingon ang tabi ni Vhon ng may nag salita don, nagsalubong ang tingin namin ng isang babae, diko masabing maganda kase mas maganda ako sa kanya duh.

"Who are you?"mataray kong tanong.

"Oh!"tumingin sya kay Vhon."I thought you know me na, you don't pa pala."maarte nyang saad.

"Yeah I don't know you, and I don't want to know you, so why are you here?"mataray kong tanong with taas ang kilay at cross arm.Akala nya magpapatalo ako sa kanya ha, ang arte arte pwes labanan nya ang maldita.

"Ahm ihahatid ako ni Vhon."nakangiti nyang saad.

"Ahh ihahatid ka nya?"natatawa kong tanong at nakangiti naman syang tumango.Mabilis kong kinuha ang gamit ko at lumabas ng kotse ni Vhon.

"What do you think your doing?"inis na tanong ni Vhon.

"Nothing."sarkastika akong ngumiti.

"Sakay!"utos nya.

"No."

"Okay, your choice."pinaandar nya ang kotse nya at mabilis na nagoatakbo.

"Ahhhhh!"this is so frustrated.Agad kong kinuha ang cellphone ko para sana tawagan ang driver namin, pero diko mahanap yun at hinalighog kona buong bag ko diko pa rin makita.

"Ahhhh!!"sigaw kong muli.Minamalas ka nga naman oh, dito pa talaga, impokretang babae na yun, akala mo naman kagandahan, eh mas maganda pa naman ako sa kanya duh.

Halata namang peke yung mga pinapakita nya kay Vhon, nakakainis, papatunayan ko na peke ang babae na yun.

"Oh Stella, hindi kapa nakakauwe?"takang tanong ni Kent.Wait si Kent? Diba umuwe na sya?

"Eh ikaw? Diba umalis kana?"taka kong tanong.

"Ah may naiwan kase ako sa library kanina kaya kinuha ko lang, eh ikaw bakit hindi kapa umuuwe?"

"Eh kase nawawala yunh cellphone ko, hindi ko tuloy matawagan ang driver namin."pagsasabi ko ng totoo.

"Sorry hindi kita mahahatid, may importante pa akong pupuntahan eh."

"Ayus lang, ano kaba."

"Hahanapan na lang kita ng taxi."Nagpaalam na sya at ilang sandali lang ay may humintong taxi sa harapan ko.

"Ikaw po ba si Ms.Stella?"tanong ng driver.

"Ako nga po."sagot ko, pagkasakay ko agad kong sinabi ang address kung saan ako nakatira.

Sa gate lang ng village ako nagpababa, naglakad ako papunta sa Mansion nila, meron akong nadadaanang bahay, ang sabi ng isa sa mga katulong don sa Mansion kayla Vhon daw itong buong Village yung ibang bahay ay walang nakatira, meron din daw ditong park at mini mart, mapuntahan nga minsan.

Pagpasok ko ng mansion ay sumalubong sakin si Vher na may dala-dalang papel at ballpen.

"Ate can you teach me on my assignment?"bungad nya.

"Sure, but later because my phone was lost and I can't find it."sabi ko.

"Wait I call it,"sinimulan nya ng ideal ang number ko, nag ring naman yun at maya-maya pa ay may sumagot na.

"Hey, can you bring my Ate's phone-"

"Later."sagot ng nasa kabilang linya.Agad kong inagaw ang cellphone kay Vher ng mabusisan ko ang nasa kabila.

"What the hell? How did you get my phone?"mataray kong tanong.

"You left it in my car."mahinahon nyang sagot, nilayo ko ang tenga ko sa phone dahil subrang ingay sa kabila.

"Asan kaba ha?"

"I'm in a bar."

"Bar? Anong ginagawa mo diyan?"

"Nothing."

"Bring my phone back!!"sigaw ko.

"Tss."yun lang ang sinabi nya at pinatay ang tawag.

"Bastos."sigaw ko.

The next morning I woke up early, nakita ko ang cellphone ko sa study table ko.Hindi kona kase naabutan si Vhon kagabi, malamang na gabing gabi na sya umuwe.Pagkatapos mag asikaso ay nagpahatid na ako sa driver papuntang school, ayaw kona kaseng sumabay kay Vhon, si Vher naman ay may sariling driver.

Pagbaba ko ng gate agad sumalubong sakin si Angel at niyakap akp.Nakangiti pa sya at mukhang masaya.

"Anong problema mo?"tanong ko.

"Nothing, wala tayong klase ngayon dahil may meeting ang mga professor, so pwede tayong mag liwaliw now."masaya nyang sabi.

"Hay naku, saan naman tayo pupunta?"

"Sa Mall mag shopping tayo."

"Gastos lang yun."

"Tse, kuripot."

"Di yun kuripot, ang tawag don matipid."

"Bahala ka nga kung ayaw mong sumama."inis na sabi nya.

Hinintay ko na lang mag hapos, don lang ako sa library dahil mamayang hapon daw ay may klase na, para daw kase sa gaganaping welcome party sa mga istudyante yung meeting nila.

Pagkahapon ay pumasok na ako sa room, naabutan ko si Kent na naka upo na doon kaya lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"Hi Stella."nginitian ko lang sya bilang tugon.


Laging ganon ang sitwasyon ko tuwing may pasok, pag wala naman ay minsan nasa mansion ako at tinututruan si Vher, minsan lumalabas kaming tatlo nila Angel at Caleb, nagiging third wheel na nga ako eh, minsan nga isasama ko si Kent.

Kagaya ngayon, nag aya si Caleb, mamasyal, at mag sho-shoppping daw si Angel.Syempre sinama kona si Kent noh, buti na lang pumayag sya agad.

Habang nag lalakad kami sa Mall ay nahagip ng mata ko si Vhon na kasama yung babaeng nasa kotse nakaraan.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, wala naman na akong magagawa don dahil hindi naman pala ako ang gusto nya, ang sakit lang isipin na yung taong gusto mo ay iba ang gusto.


_____________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro