Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Hindi ko man nakitang lumapit si Marcus ngunit nararamdaman ko na nariyan lamang siya malapit sa akin. Naaamoy ko ang men's cologne na gamit niya. Sa lakas ng tibok ng puso ko, wala akong nakuha ni isa sa mga mechanics ng mga laro. Sa tingin ko ay hindi na rin kailangan n'on.

Sa unang round ay malaki pa ang espasyo sa papel kaya naman naiapak ko pa ng buo ang isang paa ngunit napapiksi ako nang may kamay na dumulas sa braso hanggang sa aking siko na tila kumukuha ng suporta. It lasted 10 seconds. Umalis si Marcus sa pagkakakapit sa akin nang sinabi ng host na kailangan nang tupiin sa kalahati ang papel.

"Ang galing! Walang gustong matalo dito, ah. Palaban lahat ng players," Trina lightly chuckled.

Tumugtog ulit ang isang lively music. Naririnig ko ang hiyawan sa paligid ngunit si Marcus na nasa tabi ang tanging pinapakikiramdaman ko.

Nag-umpisa ulit ang sunod na round. Lumiit ng kalahati ang papel sa dati nitong laki. Abala ang utak ko sa kakaisip kung paano ako kakapit sa kanya. My train of thoughts was immediately stirred when the music stopped and Marcus' hands wrapped around my waist. I stepped on his foot fingers so as not to bear so much weight on him slightly tiptoed just to fit on the paper. My body is pressed against his chest. My hands gripped his shoulders. I can feel him breathing roughly. I have no idea how we looked like but it's definitely awkward to watch.

And, what's more awkward? It's the fact that we're not talking while on this game. We just follow our instincts, parang ganoon.

Bakit hindi niya ako kinakausap? Or, ako ba dapat ang mauuna?

Everyone joined the countdown habang panay ang talak ng host na kumapit daw at hindi bumitaw. May mga pares na na-eliminate dahil naitapak ang isang paa sa ground, natumba o nabitawan ang partner. Marcus and I made it through but the paper has to be folded again into half for the next round. That way, we'll be surely not going to fit anymore no matter how he tries to tiptoe for few seconds. Lalo na at hindi naman niya ako kinakausap kung anong dapat gagawin.

Wow. Competent masyado, Azalea Marie? Gusto mong manalo? Diba dapat kanina ka pa talo? Iyon naman talaga ang plano mo, diba?

"Okay lang po maging linta sa ganitong sitwasyon. Kapit mga bes," biro ni Trina.

Nang tumigil ang tugtog, bigla akong pinangko ni Marcus. I clung onto his neck. This is totally absurd. I can feel him struggling to be still while carrying me. Ilang beses niyang sinubukang tumingkayad ngunit nawawalan siya ng balanse. Patapos na ang bilang nang ibinaba ako ni Marcus. Malakas ang hiyawan at palakpakan dahil may nanalo ng pares.

"I'm sorry. We didn't make it," sa wakas ay sabi ni Marcus. He spoke coldly.

I swiftly untied my blindfold. "It's all right."

But, he already turned his back to me and walked away. What the fvck, Marcus?

Napatiim-bagang na lang ako sa ginawa niyang pagtalikod sa akin pagkatapos ng laro. At ang mas nakakainis ay bakit may iniexpect ako na dapat niyang gawin?

I joined the crowd where I stood earlier. Kinurot ako ni Hope sa tagiliran.

"Nakilala ka ba niya?" Hope curiosly asked.

"Huh? Sino?" tanong ko, nagtataka kung sinong tinutukoy.

"Si Marcus. Hindi kasi ako kilala," sabi niya at humalukiphip. "I didn't know he's coming."

"We didn't talk. And he can't see me, too," tipid na sagot ko. Parang gusto ko na mag-ayang umuwi.

"Tinawag din naman ang pangalan mo, ah. But, he didn't look like he knew you. Imposibleng hindi ka niya kilala. Matatanggap ko pa siguro na ako, hindi. Pero, ikaw? Mas matagal kayong nagsama noon. But, anyways, he seemed unfazed holding you," she uttered then pouted. "Bakit ganoon? Matindi ba ang naging transformation natin at hindi tayo nakikilala kaagad?"

Napalingon ang sa unahan naming si Joy. "Hindi rin ako narecognize. I said, hi and he only smiled."

Nakikinig pala ito sa aming usapan.

"Baka snob lang talaga ang beauty natin?" pakli ni Hope. "This is unacceptable!"

I heaved a sigh. Ang bigat-bigat sa kalooban na hindi man lamang niya ako pinukulan ng tingin. I saw him on the other side talking to Rico. He's wearing a cargo short and black t-shirt. His aura is still cold and domineering only that he appears clueless about everything. Panay ang kunot ng noo nito sa tuwing may sinasabi sa kanya si Rico.

Sinalubong niya ang aking paningin. He softly bit his lower lip. Mabilis kong iniwas ang tingin at itinuon na lamang ang atensyon sa kasalukuyang mga naglalaro ng Tug of War.

Sumunod ay kantahan sa karaoke at nag-inuman naman ang iba. Tahimik lamang na nakaupo si Marcus at nagmamasid sa paligid. Bakit parang may mali?

Kahit anong iwas ko na panoorin siya ay hindi ko magawa. Maya't maya ay napapasulyap ako sa kanya. Mas lalong pinipiga ang kalooban ko sa bawat sandali na hindi niya ako magawang lapitan. Ganoon nalang ba kalalim ang galit niya sa ginawa ko noon? Can't we talk for old time's sake?

Naiisip ko si Kio. Why do I need to see his father on his birthday? Pinaglalaruan nga ako ng panahon at pinagtagpo ulit kami. Kung alam ko lang sana na pupunta din siya ay hindi na sana ako tumuloy kahit anong pilit ni Hope.

"I heard Marcus lost his memories," Trina, sitting across from me at the table, shared. We're all having our afternoon snacks.

Everyone was surprised. I feel suffocated. I looked up to catch some air. Bigla nalang akong nagkaroon ng pake. Or dati pa talaga ako may pake hindi ko lang maamin-amin sa sarili ko.

"Don't you know that, Zac? Siguro sa ating lahat ikaw ang may alam dahil malapit kayo sa isa't isa noon pa," mahinang sabi ni Via, ang isang kaklase namin.

Yes, we're glued together then.

Not until he left.

And not until I left.

Umiling ako. "I didn't hear anything from him."

"What could have happened to him? Bakit nagka-amnesia siya?" sunud-sunod na tanong ni Hope.

Trina sipped on her apple juice. "He got into a car accident 2 years ago. He was in comatose for a year. 9 months ago lang din siya nagising at hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik ang mga alaala niya."

Paanong hindi ko man lang nabalitaan ang lahat ng nangyari sa kanya? Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tanging ginawa ko sa mga nakalipas na taon ay ang iwasan siya at ang mga bagay na konektado sa kanya. Ni hindi ko nga masabi kahit kanino na siya ang ama ni Kio maging sa anak ko. Para sa ano pa na malaman ni Marcus gayong tiyak ako na ikinasal sila ni Katrina. Ayokong madamay ang anak ko sa gulo na maaring mangyari kapag nalaman ng lahat ang pagkatao ni Kio.

Nagsulputan ang maraming tanong sa isip ko. Aminado akong tanging si Marcus lamang ang makakasagot.

Alas sais na ng gabi nang sinundo kami ni Billy. Nagpaalam muna kami sa lahat bago lisanin ang resort. Marcus was talking over his phone when we left so I guess our encounter ended earlier as it should.

Sa dalawang oras na biyahe ay walang ibang laman ang isip ko kundi si Marcus. Pinilit kong pagtahi-tahiin ang mga posibleng nangyari sa mga taon mula noong huli kaming nagkita sa Maynila pero wala akong nabuong larawan mula doon dahil nga limitado lang rin ang mga alam ko.

I kissed Kio's forehead before I lay on my side next to him. I want to hear how he spent his day but I don't want to interrupt his peaceful sleep.

"Happy birthday, baby," I whispered as I caressed his cheek. Mahina itong umingos at mas hinigpitan ang pagyakap nito sa paboritong unan.

"I'm sorry Mommy had to go somewhere on your birthday. Mommy feels extremely sad she needed to leave you with Lolo. But, see who I saw today?" I said, my tears streaming down my face. "It's your daddy, baby."

"I really want to tell him about you but Mommy can't. Please understand Mommy, okay? Give Mommy more time. Hmm. Someday, you two will meet," I continued. Kio's innocent face made me feel more guilty than I have been.

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga nangyari sa buong araw at mga katanungan na hindi ko alam kung masasagot pa. We spent the next day at the zoo. That was Kio's request for his birthday. Naghanda ako ng kaunti na sapat lang para sa amin at iilang bisita. Hindi naman kasi nagdi-demand si Kio ng kahit na ano basta't makapunta lang daw ito ng zoo ay okay na sa kanya.

"Mommy, can we go over Tita Lira and Tito Hero's house and see Alina again, please?" pakiusap ni Kio habang pinapakain ang mga alaga niyang isda sa aquarium sa shop. Binigay ito ni Papa kay Kio kaya masayang-masaya ang anak ko nang malaman niyang may pet na siya.

I continued feeding with him. He was standing on top of the chair so he can reach the aquarium.

"Why do you want to see Alina so bad? You've been asking me that for many days already," I asked, turning to him. "I told you we'll go there when she turns 3 month old, didn't I?"

He pouted his lips. "When is she turning 3 month old, Mommy?"

"A week away," I pinched both his cheeks. "So, just be patient, okay?"

"All right, Mommy." Pilit itong ngumiti kahit bakas ang lungkot sa mga mata.

Napabuga ako ng hangin. I drew closer to Kio and messed up his hair. He suddenly wrapped his hands around my waist. It startled me.

"Mommy, when is daddy coming?" malungkot na tanong niya.

I didn't know what to say exactly. I didn't want to give him false hope and saying the truth will hurt Kio.

"Just wait a little, baby. You'll see your daddy soon," I assured him although I wasn't sure about it.

"Really, Mommy?" Kio looked pleased, or to say, relieved.

I nodded hesitantly. Can his wish be granted? I'll do anything if it means his happiness.

Humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin. "Why aren't we together, Mommy? Why Alina has his daddy beside her, and I have no one?"

I shut my eyes closed. Paano ko ba ito maipapaliwanag nang mas malinaw sa anak ko? Sa tuwing nagtatanong ito tungkol sa kanyang ama ay lumalalim din ang pagsisinungaling ko.

"Your daddy is a hardworking man. He is always busy. You know that, right?" I cupped his face. "He can only do his job if he's far away from us."

Lumamlam ang kanyang mga mata. "What is he like, Mommy?"

"Oh. He is so much like you, baby." Well, that is atleast something true.

"I love daddy although I haven't seen him yet. Sana tawagan niya ako, Mommy," sabi nito sabay yakap ulit sa akin. "And, I love you too, Mommy."

I gently tapped his back and planted a kiss on his head. "I love you more, Kio. You want some ice cream?"

He looked up to me. Kumislap ang kanyang mga mata. "Yes!"

I brought the ice cream from the kitchen. Doon kami kumain sa couch dahil wala namang customers na pumapasok.

"I always like chocolate ice cream," natatakam na sabi nito habang matiyagang naghihintay na mapuno ko ang kanyang cup.

"Want to try another flavor next time?" I asked.

Umiling ito. "No, Mommy. Chocolate will always be my favorite flavor."

Natawa ako. Naalala ko ang panahon na pinagbubuntis ko siya. I hated anything chocolate to the core but here's Kio liking it so much.

"What if mommy wants to taste another flavor?" Inabot ko sa kanya ang cup na puno ng kanyang paborito.

Saglit itong nag-isip.

"Then, we'll go to any flavor you like, Mommy. I know they taste just fine so it's okay with me," Kio explained then began scooping.

I tilted my head. "Really?"

He nodded. "Yes, Mommy. But, we can buy two ice cream, right? You can eat your favorite flavor and I can have the chocolate all for myself. Now, our problem is solved," he said confidently.

Tumawa ako. "Fair enough."

Kio has the wit.

A/N

Magkakatuluyan ba talaga sina Eren at Mikasa? Sana nga. I am an EreMika shipper. Skl. Hihi. Now, I'm patiently waiting for chapter 138 of AoT manga. Can't it be March 9 already? Huhu.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro