Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Laglag ang balikat kong umupo sa backseat. Sa frontseat si Hope at si Billy ang magda-drive sa amin papuntang venue ng reunion, sa isang beach resort na pagmamay-ari ng classmate namin. Tagumpay na napakiusapan ni Hope si Kio na bukas na namin ise-celebrate ang birthday nito.

Nilingon ako ni Hope. "Kitams? Sabi ko sa'yo papayag ang anak mo, eh. Ikaw lang talaga itong unwilling sa mga ganito. Girl, learn to unwind. Wag ka nga puro trabaho lang. Daig mo pa ang may pinapakaing sampung anak sa sobrang kasipagan."

I rolled my eyeballs at her. "Hello? We're not that close with our classmates. Why do we need to go and endure the boredom?"

"Huwag mo ngang pangunahan," inis na sabi niya. "Baka naman mag-enjoy tayo doon. At isa pa, wala ka bang nami-miss ni isa sa mga classmates natin? Kahit papaano naman ay naging pamilya din tayo noon, diba? It wouldn't hurt to come by and say hi for the first time in a while, right?"

Hindi ako kumibo. Patuloy lamang ako sa pagtanaw sa labas ng bintana at ini-enjoy ang view.

"O baka naman mas gusto mo lang makita iyong umaalialigid na gwapong kuya doon sa shop mo. Ayieeh," tukso pa nito at humagikhik na tila siyang-siya.

"Ugh. Just shut up, Hope," I muttered.

Hindi ko na nga makakasama si Kio sa birthday niya, may gana pa siyang tuksuhin ako kay Brent. Si Brent ang lalaking laging pumupunta sa shop para umorder ng kung anu-ano hanggang sa kalaunan ay napaghahalataan kong may ibang balak sa akin. Gusto daw nitong manligaw sa akin pero hindi ko pinagbigyan. Ngunit sa kabila ng pagtataboy ko rito, pursigido pa rin itong baguhin ang isip ko.

"Tantanan mo na si Zac. Nagmagandang loob na nga na samahan ka tapos tutuksuhin mo pa," saway ni Billy kay Hope.

Bumuntong hininga ako. "Thank you, Billy. Ikaw lang yata itong nakakaintindi sa pinagdadaanan ko habang itong jowa mo at iyong isang kilala natin ay panay ang bugaw sa akin na i-entertain ang lalaking 'yon," sabi ko.

"Kaligayahan mo lang ang iniisip namin ni Lira, girl. Wala namang masama kapag sinubukan mo, diba? Malay mo mag- work naman kayo ni Brent. Oh, diba? Magkaka- daddy na rin si Kio 'cause why not? Daddy material naman si kuya mong maamo ang fes. Sayang ang genes."

"Well, personally, I know Brent. My friend hired him as an architect of his family's house and we were together in some family occasions. I can say that he's a good man," dagdag pa na Billy.

Halatang botong-boto nga ang buong sambayanan kay Brent. Ano ba ang aayawan mo sa kanya? Professional, gwapo, may pera at ayon nga sa nakararami, mabuting tao si Brent. At dahil nga sa huling dahilan ay ayokong subukan. Napakabuti niyang tao para lang sa isang tulad ko.

"See? Kaya nga gora na yan girl. O baka naman naiisip mo pa rin ang daddy ni Kio? At sino ba talaga 'yon ha? Ang tindi mo rin magtago ng sikreto, no?" nahimigan ko ang tampo sa boses ni Hope.

I sighed again. "Idlip lang ako. Gisingin niyo nalang ako kapag malapit na tayo," pag-iiba ko.

"Yan. Ganyan ka. Nakakahanap ka talaga ng lusot kapag napag-uusapan ang tatay ng anak mo," she tsked.

Pinikit ko ang mga mata at umaktong natutulog. I heard her scoff.

"Huh! Malalaman ko rin naman yan balang araw. I'm not losing hope because I am Hope," sabi nito at humalakhak sa sarili nitong punchline.

Umiling-iling ako.

Kung hindi mo lang talaga kilala si Hope ay iisipin mo na baliw talaga siya. Pero ganoon talaga siya, may hirit siya sa mga bagay-bagay. At kahit nagtatampo sila minsan ni Lira sa akin dahil sa pagtatago ko ng sikreto ay nararamdaman kong mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko.

Narating namin ang resort mag-aalas onse. Halos dalawang oras din pala ang biyahe namin kaya pakiramdam ko medyo naalog ang ulo ko. Medyo mabato na kasi ang daan bago marating itong resort. Infairness, tahimik nga ang lugar at makakapag-relax ang sinuman na manatili dito. Kalma ang dagat at ang sarap maglakad sa napakaputing buhangin. Pagkarating namin, we were welcomed by some of our classmates and as revealed in their faces, they looked so glad to see us after many years. May iilan na nakikita ko naman sa mall o nagagawi sa shop kung minsan pero ito ang unang beses na nakita ko na ganito kami karami simula noong nagtapos kami sa Faith Academy.

"Naging classmate ka ba namin?" tanong sa akin ni Rico, iyong mahilig magpatawa sa room namin noon. Banaag ang pagtataka sa mukha nito at pinipigilan ko lamang ang matawa. Lumapit ito sa amin mula sa kabilang side ng cottage para makipagkamustahan. Since it's my first time to show up in this kind of gathering, I'm not surprised by their reactions upon seeing me this way. I dressed up and acted differently when we were still in high school. How are they supposed to get used looking at me changed into a woman whom I promised I'll never become?

"Ay, hind, hindi," sarkastikong sagot ni Hope. "Kaya nga nakasuot ng t-shirt natin, diba? Malamang classmate natin."

Rico laughed. "Loko ka, Hope. Eh, sa hindi ko nga siya na-recognize agad," he defended.

Kumunot ang noo ni Hope. "Bakit ako nakilala mo agad?"

"Kasi boses mo pa lang, alam na alam ko na ikaw iyon," he said, still laughing.

"Hala, Rico," eksaheradong wika ni Hope habang nakatutop ang kamay sa bibig. "Baka naman may tinatago ka palang pagtingin sa akin. Sorry, may jowa na kasi ako."

"Baliw," Rico smilingly said, shaking his head.

"Hi, Rico," I smiled and waved my hand at him.

Rico winked at me. "Ganda mo, Zac. Single ka ba?" manghang sabi niya.

"At si Zac naman ang popormahan mo. Breezy din ng galawan mo Rico. Oo. Single 'yan" sabad ni Hope.

"Yes. I'm single," deklara ko. "Single mom."

Napapormang O ang bibig ni Rico. And I don't see any hint of judgment the way he looks at me. Pero kitang-kita sa mukha ang gulat nito.

"Wow! Really, Zac? Single ka pa? Ako, married na," sabi ni Rico.

"Patay! Malaking problema yan," ani Hope. Tinapik-tapik nito ang balikat ni Rico. "Blocklisted ka na boi."

Tinawanan ko lamang silang dalawa.

"Single din 'yong isang classmate natin," balita ni Rico.

Sino ang tinutukoy niya? Halos lahat naman ay nagsipag-asawa na or kung hindi naman ay may mga karelasyon na. Hindi naman siguro ang kanina pang nasa isip ko ang tinutukoy niya, diba? Imposible. Wala man akong balita tungkol sa kanya pero sigurado akong nagkapamilya na siya.

"Sinong classmate natin yan? Ireto mo naman dito kay Zac."

"Hoy," pigil ko kay Hope. Napapasobra na yata ito sa pagbebenta sa akin.

Rico seriously glanced at his wristwatch and pouted his lips.

"You see, kailangan ko munang umalis. Susunduin ko muna itong classmate natin. Kakalapag lang daw ng eroplano. Ngayon lang nag-text," paalam nito.

I nodded. Malapit lang ang airport mula sa resort kaya hindi aabutin ng isang oras ay makakabalik agad ito kasama ang tinutukoy na kaklase namin. It's not surprising if some of us can't come to this event anymore since we all have our own lives and almost everybody is busy with each work or business. Nakakabilib lang talaga 'yong iba na sinisikap na makapunta kahit galing pa sa malalayong lugar.

There was a short program before the lunch. Hindi mawawala iyong pagbabalik-tanaw ng mga alaala noong high school. Inasar pa kami ni Hope noong kaklase naming host na si Trina dahil ngayon nga lang kami nagpakita lalo na ako na nag-ibang anyo raw. Todo papuri pa si ateng mo. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang buong lugar nang nag-umpisa na magtanghalian. Honestly, I didn't find it boring at all. Hope was right. It's fine to relax at times and to reminisce good old days with these people. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin si Kio. Mabuti na lamang at sinabugan ng kabaitan ni Lord ang anak ko at nakakaintindi ng sitwasyon. Kung ibang bata lang si Kio, marahil ay iiyak ito at magta-tantrums hanggang sa ibigay ang gusto.

I suggested that we'll celebrate his birthday tonight but my Kio insisted I should rest when I come home from here. Pagod na raw ako pagdating sa bahay so okay lang sa kanya na sa susunod na araw nalang.

May ibang kaklase pa kaming nagsidatingan at matapos ang sunud-sunod na kamustahan ay nagsimula na naman ang sunod na pakulo ng mga organizers ng event.

"Now, this reunion wouldn't be complete without games!" anunsiyo ni Trina. "Are you all excited?"

"Yes!" hiyawan ng lahat.

The next moment, everyone vacated the place and set all the tables and chairs aside to give space for the game area.

"So, our first game is Sack Race!" Trina excitedly declared.

"Napaka-modern naman ng laro natin," natatawang komento ni Joy, ang proud masahista ng batch namin.

"This game never gets old. Pero may twist ito, unlike the traditional way of doing it na paharap ang pagtakbo, itong gagawin niyo ay patalikod," aniya. "Paalala lang na walang mag-iinarte. Walang doctor, abogado, teacher, CEO dito. Pag tinawag ang mga pangalan niyo, go na."

Nagtawanan ang lahat. I can't imagine players doing the sack race backward. Naiisip ko pa lang natatawa na ako.

"Oh, ikaw na Joy ang ating first player," sabi Trina.

"Ha? Bakit ako?" tanong ni Joy.

"Kasi nag-comment ka kaya ikaw ang maswerte. Go na," hila sa kanya ni Trina papunta doon sa unang pwesto. Nagpatianod nalang si Joy dahil wala siyang choice. Sa isip siguro nito ay sana hindi nalang siya nagkomento.

Sunod na binanggit ni Trina ang siyam na kasama ni Joy na maglalaro ng Sack Race na game na game naman.

Lihim akong nagpasalamat na hindi ako tinawag. Mas mainam na manood na lamang at makitawa.

Nagsimula na ang laro kasabay ng pagpapatugtog ng music. Iyong iba ay hindi na nakaabot sa dulo at natumba. Meron ding hindi halos mabuhat ang sariling katawan patalikod dahil nga mahirap naman talagang gawin iyon. Sa huli ang nagwagi ay si Hera na isang financial advisor. Binigay sa kanya ng host ang isang sobre. Hindi pinakita ang laman pero sigurado pera ang nasa loob. To the highest level naman magpa-games ang mga 'to at may reward money pa.

"Sa'yo na yan, Madam Hera. Hindi ko na itatanong kung anong gagawin mo diyan. For sure, you'll keep that safe. Balitaan mo nalang kami kapag malaki na ang tubo niyan ha at ambunan mo nalang kami ng kahit magkano na bukal sa puso mo," biro ni Trina.

Kinuha ni Hera ang microphone. "Thank you. Thank you. Kung sino man ang may pakulo nito, maraming salamat kahit pinagmukha niyo kaming tanga sa paglundag lundag patalikod. Pero buti nalang at nandyan ang GU Life Insurance to ensure my future no matter what happens. Kaya ikaw? Insured kana ba?," usal nito na tinawanan ng lahat.

"Smooth ng segue ni ate girl. Dinaig pa ang commercial. Noted po, Madam. Kukuha na po kami ng insurance sa inyo," amused na wika ni Trina.

Ang sunod na laro ay sinalihan ng mga lalake. Dapat nilang kainin ang tinapay na nasa string na nakasabit sa alambre at ang isang dulo na nakatali sa hinlalaki ng kanilang paa. Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil kitang-kita ang struggle sa ginagawa nila.

"Sana matawag na tayong maglaro. Para kasing ang laki ng papremyo dito. Sana pala every year na 'to," bulong sa akin ni Hope.

"Ayoko," tugon ko.

"Ang KJ mo!" she lightly chuckled.

Nagkibit balikat ako. Mas trip ko lang manood kaysa ako ang panoorin.

"Ayun. Ang nanalo ay si Pareng Lucas. May pambili ka na ng gatas at diaper ng baby mo," abot ni Trina ng sobre kay Lucas.

Nagsalita ito sa microphone. "Maraming salamat. Hindi na magagalit si Misis," sabi nito na sinabayan ng halakhak.

"Nananalo talaga dito ang mga may matinding pangangailangan, Pero bakit ikaw ang nanalo, huh? Nahiya naman kami sa resort mo," ani Trina.

Lucas just ran his fingers through his hair. Aliw na aliw pa ito sa napanalunan niya kahit mapera naman.

Tinawag ng host ang susunod na laro. Paper Dance. Tinawag niya ang sampung pares na maglalaro kaso kulang ng isang pares dahil hindi pwede maglaro ng isa dahil maselan ang pagbubuntis at ang isa naman ay may katawagan sa trabaho.

"Kulang tayo ng isang pares pa. Sino kaya dito ang maswerteng matatawag?" iginala ni Trina ang paningin at tumigil iyon sa akin.

Napalunok ako. Alam kong tatawagin niya ang pangalan ko. I sighed. I can't refuse, can I?

"Sige. Ako na," I openly declared and quickly walked towards the vacant spot where the newspaper is placed. I heard cheers and applause from the group. Binigyan ako ni Trina ng pangpiring sa mata na agad ko namang pinangtakip sa mata. Kailangan daw kasi may takip ang mata ng magkapareha dahil twist daw ito ng laro. Haist.

"Hanap pa tayo ng isa. Sino pa ang magvo-volunteer diyan?" tanong ni Trina.

"Si Marcus! He's here!" narinig kong sigaw sa bandang likod ko. Boses ni Rico 'yon. "Ipartner niyo kay Zac."

My heart hammered inside my chest. Oh my God. Paanong nandito siya?

A/N

Attack on Titan yung laman ng utak ko ngayon. Hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro