Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

"Alam mo ba, na dahil sa pagpapanggap na iyon ay mas lalong matutuloy ang kasal,"he scowled.

Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko maiikakaila ang lungkot na nadarama. So, matutuloy pa rin ang kasal nila ni Katrina sa kabila ng lahat.

I can see why I'm feeling this way. My heart's breaking and there's no way for it to be whole again.

"Eh bakit ka nagagalit?" nagtatakang tanong ko.

Tumaas ang kilay niya, tila nananantiya kung seryoso ba ako sa tanong ko.

"That night...you're making it seem like nothing!"

If I know, disappointed ka lang at ako lang pala iyon. Kung alam mo lang sana, hindi ako pinatulog 'non gabi-gabi.

"Why did you do it?" Napasapo siya sa kanyang ulo habang nakatukod ang mga kamay sa steering wheel. "...your pretension."

"Para iyon kay Katrina," mabiling na tugon ko.

"Oh! So, it's about a girl again, huh? You love her, don't you?" paratang niya.

Umigting ang kanyang panga. "Now, the love of your life is getting married to someone else."

His words were full of sarcasm. Hindi na ako sumagot at hahayaan ko nalang siya sa kanyang iisipin. Para sa ano pa ang damdamin ko at ikakasal na din siya.

"Silence means yes," aniya at tumango-tango na tila nabigyang konklusyon ang kung ano mang nasa isip niya. "You'd go that far just to prove your love for her."

Sasagot sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa dashboard. Someone sent a request for a video call. The name Frances appeared.

He accepted and I couldn't help but peek on the screen and see how Frances looks like. Nakalugay ang bouncy nitong buhok at nakasuot ito ng off-shoulder na blouse. I can tell the she's pretty although I can only see her from the screen.

"Hey!" bati ng babae.

Marcus sighed. "Frances, this is not a good time to call."

"I miss you na kasi. Please buy me pizza before you come to my unit, please," hagikgik niya.

"Fine," ani Marcus.

"Alright. I love you. Mwa." Ngumuso pa ang babae.

Marcus did not reply.

The call eneded.

Ngumiwi ako sa huling sinabi ng babae. How is he related to Frances at ganoon sila mag-usap? He didn't even think that I'm here with him. Not that I want him to introduce me to whoever it was. Kahit man lang sana lumabas nalang siya.

I forgot, kotse niya pala ito.

I wonder how many girls he has dated already. Malamang girlfriend niya ang Frances na iyon. Baka maging trophy wife lang si Katrina kapag naikasal na sila. It's so inconsistent for him to say that he wanted to get married but he obviously hated the idea. Ano ba talaga?

Why am I so affected?

Pagkatapos ng tawag ay bumaling ulit ang atensyon niya sa'kin. His lips look so soft and inviting.

Kaya naman nilipat ko ang tingin sa gawing bintana sa gilid ko para hindi matuksong tumingin ulit sa mga iyon.

Naglalakbay ang isip ko sa mga pwedeng mangyari sa mga susunod na araw, buwan at taon. Pag-uusapan nila ang kasal at magiging mag-asawa na sila ni Katrina at tiyak na magkakaroon ng mga anak. I should be happy for them both but it's the other way around.

Unshed tears are starting to pool my eyes yet I have to hold it in. I won't easily cry. I'm not crying for goodness sake. Masyadong mababaw. Ayokong pag-aksayahan ng luha.

I've lived for many years without him around. Bakit naging big deal lahat ang mga bagay na tungkol sa kanya? Bakit?

Naramdaman ko ang paglaro ng mga daliri niya sa buhok kong medyo humaba na. Hinayaan ko lamang na gawin niya iyon habang okupado ang isip ko ng mga bagay-bagay. His index finger started tracing the side of my neck that made my eyes shut. Bahagya kong tinagilid ang ulo ko.

"The tension between us is undeniable, don't you think?" he whispered.

Napatuwid ako ng upo sa sinabi niya at tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Clearly, he was trying to seduce me, making me fall to his charms! Para ano? To prove to me that he can satisfy my needs?

"Why are you doing this to me, Marcus?" I yelled, pleading to answer my question truthfully.

"I should be the one asking you that, Azalea Marie! Why do you always make things difficult for me? What do you want me to do to change your mind?" now, he looked so tired and his weary expression made him age a bit but still managed to look so manly in my eyes.

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Pero isa lang ang bagay na tiyak ako at tungkol iyon sa napipinto niyang kasal
.
"Why are you making a fuss over this, ha? Diba nakuha mo naman ang gusto mo? Let's just forget about that night."

"Iyon ba ang akala mo?" malungkot na tanong niya.

"Oo!" matapang na sagot ko.

"I knew it was you all along!" he told.

"What d-do you ..." Napatutop ako sa bibig ko.

My breath hitched. Nanginig ang buong katawan ko. My mind is clouded with so many unhealthy thoughts. He was obviously playing tricks on me too. I thought I was gaining confidence in my victory. The fact is he just acted like he didn't know me.

"Kilalang-kilala ko ang mga mata mo. I know them no matter how many masks you put on," sabi niya.

"You pretended not to know me. How dare you!"

Dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Wala siyang ipinakitang reaksyon sa ginawa ko tila inaabangan lamang niya ang sampal na ginawad ko. Nanatiling blangko ang mukha niya habang tinitigan ako.

"You could have-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ko dahil tumunog ulit ang cellphone niya. It was a call coming from his dad.

"Hello, Dad," bati niya.

He bit his lip lower lip, looking straight ahead. I watched him tapping his fingers on his lap.

"Yes, Dad. Katrina and I talked already. The wedding will be pushed through as planned." he said.

He drifted his eyes on me, looking sad. I looked away and watched the vehicles passing by. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng driver's seat indicating that he'd continue answering the call outside.

Nakatalikod siya habang hawak pa rin ang cellphone niya at ang isang kamay ay nakapameywang. Wala na akong narining pa sa pinag-uusapan nila at parang may kumurot sa puso ko sa ginawa.

How awfully serious is the talk about that he needs to go out? Obviously, he didn't want me to hear whatever decision they planned to carry out the wedding. As if naman na may magagawa ako.

I took the chance to get lost from his sight... and hopefully, from his life.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang lumabas. Tiyempo naman ang pagdaan ng isang taxi at pinara ko.

My heart almost jumped out of my chest when he saw me entering the cab. Wala na sa tainga niya ang cellphone. Nakita ko mula sa side mirror ng sasakyan ang pagkamuhi sa mukha niya. Umamba siyang lalapitan ang sasakyan ngunit maagap kong sinabihan ang driver na umalis na. Sa huling pagkakataon ay napasulyap ako sa kanya at nakita kong napamasahe siya sa kanyang batok habang nakatingala sa kalangitan.

This will be the last, Marcus. Please, be good to Katrina.

***

Nanatili lamang ako sa apartment buong linggo. I visited the café 3 times this week pero walang Katrina na nagpakita sa'kin. Sabi ng mga dating kasamahan kong crew doon ay hindi na rin madalas na nakakapasok si Kat. Sa isip ko ay baka naging abala na ito para sa preparasyon ng kasal. Laging busy ang line nito pag tinatawagan. I just want to extend my congratulation and bid farewell to her.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong umuwi?" tanong sa'kin ni Hero.

Miyerkules. Off niya ngayong araw at inaya niya akong mag- mall dahil treat niya daw. Inaya niya ako mag-bar o mag-club pero umayaw ako. I don't feel like blending in with other people these days. I find warmth in just staying inside the house far from the chaotic city life.

Kahit mainit sa loob ng apartment dahil hindi kaya ng electric fan ay nagagawa ko pa ring manatili doon. Madalas akong tulog kahit na umaga.

"Uuwi nga ako. Maiiwan ka na mag-isa dito kaya mag-behave ka," paalala ko sa kanya.

"Kailan ka uuwi? Sasama nalang kaya ako sayo," sabi niya habang papasok kami ng Greenwich.

Nang tinanong niya ako kung saan ko gustong kumain ay Greenwich agad ang sagot ko. My cravings are getting absurd these days. Madalas kong hinahanap iyong hindi masustansiyang mga pagkain. It's weird.

Mabilis kaming naka-order dahil hindi ganoon karami ang tao sa loob. Mag-aalas dos ng hapon pa lang naman kasi at hindi dagsaan ang tao kapag ganoong oras.

"Ano ka ba?" natatawag sabi ko. "You have a great life ahead of you here. At isa pa, sayang din iyong magiging experience mo sa hotel, 'no?" sabi ko at umupo na.

"Oo nga, eh. Naisip ko din. Hintayin ko nalang siguro na maitayo iyong plano nilang hotel doon daw sa atin."

"Harrington Hotel din?"

"Hindi. Magbabago na daw ng pangalan, eh pagkatapos ng kasal ni Sir Montañez."

Nalaglag ang panga ko. Isang tao lang ang rumehistro sa isip ko. Hindi ko na kailangang itanong pa dahil sa mga sinabi ni Hero ay nakumpirma ko na. The dinner date on helipad, the extravagant room can confirm that he's indeed the president of the hotel. Bakit di niya sinabi?

Do I have the right to know?

Alam na alam na ng mga empleyado nito ang plano niyang magpakasal. Hero might be awfully chatty for a man but with a big and controversial expose like this, kahit ang dagang nanahimik ay magkakaroon ng kaalaman tungkol dito. Good thing, wala naman sigurong daga doon sa hotel.

Tahimik lamang kaming kumain at kahit na panlulumo ang nararamdaman ko ay naubos ko ang inorder para sa akin ni Hero. Inalok pa nga niya ang pizza niya nang makitang parang nakukulungan pa ko sa kinain ko. Buong puso kong tinanggap iyon.

"Ngayong wala ka ng trabaho, doon ka pa naging matakaw sa pagkain, ah," pang-aasar sa akin ni Hero.

"Quits lang tayo, 'no? Tambay ka din naman dati," depensa ko. Sinubo ko ang pizza na nasa kamay ko.

Pumalatak siya at umangat ang isang kilay. "Bakit ba kasi umalis ka doon sa café? Okay naman ang trabaho mo doon ah," tanong ni Hero.

"Umalis na ako kasi uuwi na din naman ako sa atin," I tried to sound convincing.

He narrowed his eyes at me. Halatang hindi ito kumbinsido sa sagot ko.

"Ikaw ha. Andami mo ng sikreto sa akin..." he shook his head and raised his index finger. "I think I saw you on my first day at the hotel too."

"Ha?"

Worry streaked my face. Hero recognized me. He must have seen me somewhere around the hotel during that night or the morning the day after.

He shrugged his shoulders and rested his chin on his hand.

"She looked so girly to me so I started to doubt if it was really you. Siyempre hind ikaw iyon, diba? Imposible 'yon!" Tumawa pa siya na nagpa-irap sa akin.

This man really likes to kid around, huh? Hero will always be the silly Hero.

"Crazy!" sambit ko habang matalim siyang tinitingnan.

Bumaling ang tingin siya sa labas ng glass wall at napatuon doon ang atensiyon. Sinundan ko ang direksiyon ng kanyang mga mata.

"Is that Katrina?" tanong niya habang tinuturo ang direksyon ng babae nakasuot ng cream off shoulder dress.

Tumango ako. "Yes."

She was standing outside the boutique and she looked like waiting for someone. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang lalakeng nakasuot ng black polo. Nakilala ko agad kung sino iyon. Oh, they must be on a date again!

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Parang alerto lagi ito kapag nandiyang lang si Marcus sa paligid.

Why am I startled every time he shows up?

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang napabaling ang kanyang paningin sa kinaroroonan namin. Our last meeting didn't turn out well. It was a disaster! Parang nagkasikatan lamang kami ng damdamin doon. Pareho lang naman kaming may kasalanan. It was me who's at fault but we could have prevented what's not supposed to happen if he shoved the fact that I was only pretending as someone else on my face as soon as he recognized me.

I think we could never have the closure we ever wanted. Or is there really something that needs closure of?

"Uh-uh! Is that his boyfriend you're talking about?" tanong ni Hero, still looking outside. "Parang hindi naman iyon iyong nakita natin sa airport ah."

Hero might not have seen his boss yet dahil hindi nito kilala si Marcus.

"T-Tara na! Uwi na tayo," aya ko kay Hero habang nililigpit ko na ang kalat namin.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya.
"Wait! Teka lang" aniya.

Bigla akong tumayo at nakaramdam ako ng pagkahilo. Tinungo naming ang exit at saktong pagkalabas namin ay nanlabo ang mga mata ko at tila tinakasan ako ng lakas ng katawan.

My knees were jelly and my stomach was in turmoil, something I've never felt before. Tuluyan na akong nawalan ng lakas at naipikit ko na lamang ang mga mata. Hanggang sa naibagsak ko ang katawan at naramdaman ko ang mga bisig na pumulupot sa katawan ko.

"Shit, Zac!"

Sigaw ni Hero ang huling narinig ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro