Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

"Kailan ka pa natutong magkilay, ha?" tanong sa'kin ni Hero mula sa ilalim nang nakita niya akong palabas ng apartment.

Hindi ko alam kung paano niya nakita iyon gayong hindi naman kami magkalapit. I leaned over the railing to see where he was and my eyes caught sight of him standing near the palm tree.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong mag-ayos ng kilay. I am still in my usual attire, maluwang na t-shirt at pants.

Bitbit ko na ang bag kong ginagamit tuwing papasok ng trabaho. Laman niyon ang mga bagay na ginamit ko nang unang gabing pagkikita namin ni Marcus. Dadalhin ko ang mga iyon sa condo unit ni Katrina dahil hindi ko nasauli sa kanya kahapon since hindi ko naman alam na agad din siyang uuwi galing sa bakasyon nila ni Aries. She already sent notice to the manager that I will not be coming for work today.

Inismaran ko siya. "Just get the hell out of here and look for a job, Hero."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang bahagya siyang tumawa. Simpleng white t-shirt at jersey short lang ang suot niya kaya sa tingin ko ay wala na siyang gagawin sa buong araw kundi ang maglaro ng mobile games at paghandaan ang lakad niya mamayag gabi. Kung saan-saan naman ito makakarating mamaya kung hindi ako nagkakamali.

Pababa na ako ng hagdan nang humakbang siya palapit sa kabilang dulo. "You can't throw me out of here, Zac, and besides I'm not unemployed anymore."

"Really?" now, I'm surprised by the news.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para salubungin siya ng marangya pero I don't know how to do it.

Humagalpak siya ng tawa dahil sa reaksyon ko.

"Easy, Zac. You might stumble," ani Hero.

Nang magkaharap na kami ay niyugyog ko ang balikat niya. "Totoo nga? May trabaho kana?"

He removed my hands from his shoulders and just wrapped them in his.

"Yes, Zac. Unang araw ko ngayon. Kaya nga kita inaya nang nakaraang gabi na ma-bar para mag-celebrate," he said coldly and let go of my hands. "But, you, you..."

He pointed his index finger towards me, parang nagpipigil ng iba pa niyang sasabihin. He sighed.

Nakuha ko ang ibig niyang sabihin at dahil iyon sa nangyari sa bar kagabi. Ginatungan ko pa ang tampo niya sa'kin dahil umuwi ako na hindi siya kasama. Nakasama ko lang si Marcus, nakalimutan ko na agad na may kasama pala ako.

"Look, Hero, I'm sorry for ruining the celebration..." I said guiltily.

It was supposed to be a celebration for him getting a job here although I didn't know it was. I still feel bad for leaving him the other night and for not checking on him. Nakakaligtaan ko na kamustahin siya palagi gayong siya lang naman ang pinakamalapit na kakilala ko dito sa Manila.

He gently patted my head and smiled a little. "Okay, I understand."

He took my bag and carried it over his shoulder.

"I can carry it," I protested, trying to get my bag back.

Hindi ito natinag sa ginagawa ko at tinapunan lamang ako ng matalim na tingin. Nauna na siyang lumakad at nakasunod lamang ako sa likuran niya.

"Sa susunod Zac, wag kang basta-bastang papatol sa away. You're still a wo-..."

"Woman." I ended his sentence.

Nilingon niya ako at seryoso akong tiningnan. Napataas ang kilay ko.

"So what? Wala namang masama kung ilalaban mo kung anong tama, diba?" I defended.

Napansin ko ang pagbabago sa trato sa akin ni Hero. Hindi naman ganoon ang tingin niya sa akin dati. He would always go along with my decision regarding the life I desired to embrace. He has been consistent with it for as long as I can remember. Did the tables just turn now?

Napakahina ko yatang nilalang sa paningin niya. Or am I just overreacting?

"Hey, I think I know where you're coming from. I'm just telling you to be careful next time," now, he spoke like he was trying to console me.

Hindi na ako sumagot pa at patuloy lamang sa paglalakad. Unti-unti na ding sumisilay ang sinag ng araw at marami na rin ang taong nakakasabay namin sa paglalakad. Malapit lang naman ang paradahan ng jeep kaya narating din namin iyon agad.

"Anong trabaho ang in-aapplyan mo? At anong oras ang pasok mo?" tanong ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang mga sasakyang dumadaan.

So far, wala pa ring dumadaan na jeep na dumadaan malapit sa cafe. Doon ko nalang napagpasyahang bumaba dahil pagdududahan ako ni Hero pag nalaman niyang ibang jeep ang sasakyan ko.

"Crew sa Harrington Hotel. Night shift ako."

Natahimik ako. Natulos ako sa pagkakatayo dahil lamang sa narinig ko ang pangalan ng hotel. Hindi naman siguro kami magkikita ulit ni Marcus doon, right?

Yumuko ako dahil pakiramdam ko ay malalaman ni Hero ang sikreto ko kapag tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagkapa ni Hero sa bag ko at huli na para mabawi ko iyon sa kanya dahil nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

"Ano 'yon?" nagtatakong tanong niya nang nahablot ko na nang tuluyan ang bag ko.

I didn't know what he was referring to. 'Yong dress ba? Purse? Make-up set?

Napatuwid ako ng tayo at inirapan siya.

"Ang ano?" maang kong tanong.

Kitang-kita ko ang pag-ismid ni Hero at tinagilid niya ang kanyang ulo na tila kuryoso sa nakapa niyang laman ng bag ko.

"Parang may nakapa akong malambot. Something cottony," saad niya na lalong nagpakaba sa akin.

Hindi ko alam ang tinutukoy niya. It must be the dress or the wig.

"Huh? Ehh-..." I trailed off as I pressed my bag against my chest.

"Napkin ba iyon?" he began laughing.
Hinampas ko siya ng bag ko at nakailag siya. Iyon lang pala ang akala niya, hinintakutan pa ako. Puro kalokohan talaga itong si Hero.

"Good luck on your first day!" I said, waving my hand at him para magpaalam nang may dumaan na jeep.

Nakita kong tumango siya at kinaway din ang kamay.

Hindi naman ganoon katagal ang biyahe kaya nakarating din ako agad. Bumaba ako malapit sa cafe at nilakad nalang papunta sa condo ni Kat. Sinalubong niya ako sa baba at bumili muna kami ng pwede naming kainin mamaya.

"Have you eaten your breakfast already?" tanong ni Kat nang lulan na kami ng elevator.

She was wearing a red tshirt at maong na short. Her eye bags are showing like she cried all night.

Umiling ako. I looked at her sideways.
"Hindi pa," I honestly answered.

Tumungo siya at tila nag-iisip. Tiningnan ko na lamang ang pag-iba ng numero sa itaas ng elevator.
Kung iisipin ay napakahangal itong gagawin ko.

Why would I put myself into another ridiculous show that I started myself? Surely, I'll become a laughingstock when the world knows about it.

In the meantime, ayoko munang isipin iyon. Pasasaan at matatapos din ito kapag naayos na ni Katrina ang gusot sa pagitan nila ni Aries. Funny it may seem, but I'm silently hoping that they could find ways to resolve the issues concerning arranged marriages they are about to have with different persons and get back together.

But, what if hindi ito mangyari? Perhaps, Kat and Aries will meet tonight to finally say goodbye to each other and go separate ways.

Ganoon na nga ang ginawa namin nang nakarating na kami sa unit niya. Nag-almusal muna kami. Kanin, itlog at longganisa ang kinain namin.

Uminom din ako ng kape pero lalo lamang nadagdagan ang kaba na naramdaman ko.

Pagkatapos ay isa-isa kong sinukat iyong mga dress na binigay sa'kin ni Kat na binili namin noong nakaraan.

"You look so elegant in this red dress, Zac," hindi niya naitago ang pagkamangha. Kitang-kita ko iyon sa kanyang mga mata.

Sinipat ko ang sarili sa salamin. I looked so feminine in this dress. It has spaghetti straps that leave a lot of bare skin and hugs every curve of my body. I wore the black stilettos she handed me.

Mas lalo akong namangha sa sarili ko at gusto kong sulitin ang mga sandaling suot-suot ko ang damit na ito. This will be the last time that I'm wearing this, I might as well enjoy the moment while I am in this.

How the hell can I do that?

"Saan ba magkikita?" I asked curiously, hoping it's not the same hotel as the last time.

"Harrington Hotel," she announced.

"Oh my god. Hero might see me there!" I started walking back and forth, wrapping my hands around my neck.

Pinaglalaruan siguro ako ng tadhana at doon ulit ako mapapadpad mamaya. Seeing Hero around will make it difficult for me to pull off my act.

"Zac, calm down. He might see you tonight but, no doubt, he could never recognize you. Remember, you are Katrina Guerrero tonight."

"Still-" I trailed off when she put her index finger over my mouth.

"Whatever is on your mind right now is not gonna happen. Believe me, Zac," she assured me.

Pinaupo niya ako sa couch at siya ay lumuhod sa paanan ko. Inayos niya ang strap ng damit ko na nahulog mula sa balikat ko.

"If he's on the night shift, that would be around 11 pm to 7 am. Don't worry. Be sure to get home before 11 pm."
I breathe a sigh of relief with the idea Katrina is feeding me. I need to take my mind off these useless thoughts.
They're not my priorities now.

Kailangan kong mag-focus sa gagawin ko. This is Marcus I'm meeting again and this will be a hard game to play.

Is this really worth it?

She didn't ask me about the guy I met last time. When I probed the conversation concerning him, she'll instantly change the subject. I guess she wanted to get rid of the guy and start a clean slate with Aries again if that's even possible.

She has so much food on her plate already. The last thing I want to happen is to put additional baggage when it's completely useless.

Haharapin ko si Marcus nang mag-isa.
Matapos akong ayusan ni Kat ay siya na din ang naghatid sa akin sa Harrington Hotel. Nakaayos na din siya para sa pagkikita nila ni Aries. She's wearing a royal blue dress and her hair is wrapped in a bun.

Habang sa daan ay pinaalalahanan niya ako ng mga dapat isasagot ko sa bawat tanong na ibabato ng lalake. I took note of them in my mind as I imagined the scenario we'll be having later on. Nang makarating sa hotel ay agad din akong bumaba at tinanaw ko nalang ang papalayong sasakyan ni Kat.

Madilim na ang paligid ngunit nagsusumabog sa liwanag ang buong Harrington Hotel dahil na rin sa nagkikislapang mga ilaw sa labas. I can say that it exudes elegance and warmth. The staffs are highly trained and very accommodating. I experienced it myself the first time I came here.

I went straight to the front desk and the girl whose name is Amy immediately recognized me. Siya rin iyong nag-accommodate sa akin noong unang punta ko. May tinatawagan ito habang nakangiting nakaharap sa akin.

"Mr. Montañez is already coming here, Maam," said Amy.

Tumango lamang ako at ginantihan niya ako ng ngiti. Paparating pa lamang siya. I must have arrived earlier than the specified time.

Palinga-linga ako sa paligid sa pagbabasakaling makita si Hero pero hindi ko siya nakita. Masyado akong na-conscious dahil sa inaalala kong pwedeng mangyari. Isinantabi ko muna iyon dahil may mas mahalaga akong pakay dito.

Mayamaya ay bumukas ang elevator door galing sa taas at niluwa niyon ang iilang guests at ibang empleyado ng hotel kasama na din doon si Marcus.

He looked dazzling in his charcoal gray suit and burgundy tie. He is sinfully attractive with his thick black hair brushed up and his high cheekbones, square jawline and full sumptuous lips were intoxicating. I could drown in those expressive brown eyes.

Damn it. Am I praising him?

Alright, I found him handsome when we were kids but hell, he's more handsome now than ever.
Papalapit siya sa akin. His face became serious when locked eyes but not before I caught a glimpse of his face brightened as he saw me.

Nakaramdam ako ng lungkot nang makita ang ekspresyon niya. Why can't he give me that smile when I wasnt Katrina?

Naalala ko ang huling gabi na nagkita kami bilang Katrina. Nasampal ko siya noon at padabog na lumabas ng hotel. Paano ko ba siya haharapin ngayon?

"I'm sorry to keep you waiting, Katrina," salubong niya sa akin. Tiningnan niya ang kabuoan ko at na-conscious tuloy ako sa ginagawa niya.

"No problem," mabilis na tugon ko.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang kakaibang sulyap sa kanya ng mga kababaihan na nariyan sa aming paligid.

"You look breathtakingly beautiful."

Nalula ako pagpuri niya but it feels good hearing it directly from him.
He held out his hand and waited for me to put my right hand on it.

Nagdalawang-isip pa ako pero nang kalaunan ay ipinatong din ang kamay doon. He was just being gentleman and it will be disrespectful to reject his politeness.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko nang dumampi ang mainit niyang kamay sa palad ko. He grinned as he guided me to the elevator. He pushed the button up. I guess this time we'll not be eating in the in- house- restaurant.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin dahil nakangisi pa rin siya.

"What?"

"Nothing," sambit niya iginiya niya ako sa loob ng elevator.

Dalawa lamang kaming sakay sa loob. Hindi na ako nag-atubili pa na tingnan ang floor na pinindot niya dahil nakatuon ang pansin ko sa nakasalikop pa rin naming mga kamay.

He turned to me. "You see, I'm sorry for the last time. You were completely taken aback when I kissed you," sambit nito.

Nag-init ang pisngi ko nang maalala ko iyon. Napaangat ang tingin ko sa kanya at kinilatis kung sincere nga ba siya sa paghingi ng sorry.

"Well, not really sorry. I enjoyed the kiss. You're just irrestible," dugtong pa niya.

Umarko ang kilay ko at hindi mapuknat ang mga matatalim na tingin na binabato ko sa kanya. Tila hindi pa rin siya natinag.

"I've missed you," he seriously said.

Ang dami naman niyang nami-miss!

The hell, I wanna throw him out of the elevator in an instant.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro