Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Look who's here," bungad sakin ni Hero nang nakita niya akong palapit sa kanya at sinalubong ako.

Nag-high five kami. "Hey! Kanina ka pa?" masiglang tanong ko.

Pumwesto siya sa bar counter at nagpatuloy sa pag-inom. Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi niya.

"Been drinking here for 2 hours already before you came."

"What?!" Bulalas ko. "Why exactly did you come here so early? Kanina pa pala dito umiinom. Okay pa ba ang atay mo?" nakangising sabi ko.

Mas malayo ang bar na 'to kaysa sa pinuntahan namin last time. Nagulat nalang ako nang itext niya sa'kin ang address na nasa Quezon City pa kaya nahirapan ako mag-commute dahil naabutan ng rush hour. Anyways, every hour is rush hour naman talaga dito.

Pumalatak siya. He suddenly stood up with his outstretched arms.

"Presenting to you my haven for some time now. You just don't know it since you were busy with your little secret."

Pinaalala niya naman sa'kin ang bagay na 'yon. I was having a hard time keeping things together at work. The manager actually scolded me for breaking the utensils when I placed them in the sink. Mali-mali din ang pagkuha ko ng order. I don't feel like doing anything for now. Parang naubos 'yong energy ko sa pagpapanggap. It drained me completely.

"Can we just keep it between us?" I pleaded.

He sat on his stool again and smiled naughtily. "As if there's someone to tell it to."

"Malay ko. Baka ikwento mo sa bagong kakilala mo." I giggled.

Itinuon niya muli ang tingin sa kanyang shot glass. "Kung meron nga, what am I supposed to tell her? I never got know your secret."

I'm not quite sure if Hero got a girlfriend since he came here. Sabi niya kasi sa'kin nakipag-break daw 'yong dating girlfriend niya bago pa siya lumuwas ng Manila. Kailan ba siya magkakaroon ng steady na girlfriend?

I let out an evil chuckle. "HER. Babae pala talaga?" Nakita kong bahagyang nagdilim ang kanyang mukha."Did I hit a nerve?"

Hindi ito sumagot at bigla siyang napabuntong-hininga nang malalim. Maya-maya'y inisang lagok nito ang laman ng baso niya. Kung tama ang hinala ko, may bagong girlfriend nga ito.

"May sikreto ka naman pala, eh. So, we're quits now?" I grinned at him.

"Yeah. It's a girl, alright," he said weakly. "Alangan naman lalaki. Hindi ako bakla katulad mo," makahulugan siyang tumingin sa'kin.

I don't want to conclude something but I can feel that he's throwing shades at me.

I furrowed my eyebrows. "What's that supposed to mean?"

"Did I hit a nerve?" Seryosong sabi niya at binawi ang tingin sa'kin. He licked his lips before signaling the bartender for a refill.

Hindi na ako sumagot at sinubsob nalang ang ulo ko sa bar counter. Hindi pa man ako nakainom pero pakiramdam ko lasing na ako sa pinag-uusapan namin.

Why are we keeping secrets anyway? Hindi naman kami mga bata. Jusko.

"Wanna have some?"

Napaangat ang ulo ko. He passed to me the shot glass and I drank it straight in one gulp.

My stomach feels all quivery inside and the feeling in my tongue and throat was indescribable. Ang pangit ng lasa!

Ngumisi si Hero at humalagpak ng tawa nang makita ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ko.

"That was the first time I tasted that awful drink, what do you expect?" I reasoned out.

"What's more awful is you deprived yourself of alcohol. You see..."he raised his glass."...we need this to forget things for a while." He said weakly. Tila tinamaan na ng espirito ng alak.

"And remember them later," dugtong ko sa sinabi niya.

Biglang pumitik ang sentido ko at sinapo ko ang ulo ko.

I can see that Hero's already drunk at tila may problema din ito. I wonder how Hero was able to get home safe every time he gets drunks like this.

May naghahatid ba sa kanya o talagang kaya niya umuwi nang mag-isa kahit lasing siya? Sana all.

Buti nalang hindi 'to pinapagalitan ng tita niya dahil gabi-gabi na umiinom at inuumaga na sa pag-uwi. Kung gugustuhin lang ni Hero ay hindi na niya kailangan magtrabaho pa. May mga negosyo sila sa Buenvenida na pwede niyang i-manage pero pinili nito na magtrabaho sa Manila. Ang siste ay hindi pa ito naghahanap ng trabaho.

His brother, Raul, is also here in Manila attending conferences. Bumisita iyon minsan kina Tita Marites. Siguro ay sa kapatid na lamang niya ipinagkatiwala ang negosyo nila dahil si Raul naman ang panganay.

Moments later, a woman wearing a tight fitting dress approached Hero and the latter gave me signal that he's going somewhere obviously with the girl. The two looked like they get along well. Tumango ako at naiwan mag-isa sa bar counter.

I glanced around the place and the pain in my head felt worse when the music inside got louder and louder. Looks like the night is just getting started.

"You alone?" tanong ng isang babae.

Nakasuot ito ng black dress na hapit na hapit sa katawan niya. Naalala ko tuloy ang sinuot ko kagabi. Umupo ito sa high stool na nabakante ni Hero.

"Nope. I'm with my friend but he's off somewhere," sabi ko.

Mag-isa lang ang babae at sa tingin ko ay nasa early 30s na ito. Umorder ito ng inumin at sunud-sunod ang pagtungga nito. May gusto din kaya itong kalimutan na problema?

"You know what, all men are jerks," mangiyak-ngiyak na sabi niya.

"Until proven otherwise," seryosong sabi ko at nakita kong sumubsob siya sa bar counter.

"Why can't they all go together and build their own planet? Why do they love breaking women's hearts?" Tuluyan na itong umiyak.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung aaluin ko ba or makikinig nalang.
Kapag ganito na umakto ang babae ay malamang malalim na ang problema nito to at ganoon na lamang sya kung maka-generalize ng mga lalake. Kahit hindi naman ako sang-ayon sa sinabi niya dahil marami pa rin namang mga lalake ang seryoso, tapat at marangal, nakaramdam pa rin ako ng awa sa kanya.

"Hey," sabi ko at tinapik ko ang balikat niya dahil walang humpay ang paghagulhol nito.

Hindi niya ako pinansin kaya tinapik-tapik ko nalang ang balikat niya para kahit paano ay maramdaman niya na may karamay siya at may handang makinig sa problema niya. Sa ganoong paraan ay maibsan ang lungkot nito.

"Get your hand off my wife," anang boses ng paparating na lalake sa gawi namin ng babae.

Napapitlag ako at mabilis kong binawi ang kamay ko at bumaba ng high stool. Mukhang galit ang lalake at anumang oras ay manunugod ito.
Itinaas ng babae ang ulo niya mula sa pagkakayukyok sa counter at tiningala ang lalake.

"Richard, what are you doing here?" galit na tanong ng babae.

"I'm taking you home." Kinuha nito ang kamay ng babae at pinilit na sumunod sa kanya.

"I'm not going with you. Just leave me alone, you asshole! Sumama ka doon sa babae mo!"

Nanlaban ang babae at pilit na nagpumiglas. Maya-maya'y tuluyan na niyang nabawi ang kamay niya mula sa lalakeng nagnganagalang Richard.

"Why?" tanong ng lalake. "Because you got another lover?" Napadako ang matalim na tingin ng lalake sa akin.

"Who I am dating is none of your business," sagot ng babae.

Her tone was insinuating and whoever heard it will assume that the woman and I were on some kind of relationship when we're not.

Mas lalong naningkit tingin ng lalake sa'kin. Umatras ako nang kaunti para hindi madamay sa gulo. Kaya ko namang kalabanin kung sakali pero di hamak na mas malaki ito sa akin. Gusto ko na sanang umalis pero nag-aalala ako sa babae at baka ano pa ang gawin sa kanya.

"This woman, huh?" sarkastikong tanong ng lalake. Pinagtitinginan kami ng iba na naririto din sa loob ng bar.

Di ko na napigilan dahil nang-iinsulto na ito. "So what? Alam mo ba bakit ayaw sumama sa'yo ng asawa mo?" sigaw ko sa kanya. "Because you're indeed a jerk."

Nagulat ang babae at binigyan ako ng makahulugang tingin na tila pinapatigil niya ako sa ano pa mang sasabihin ko. Nakita kong namula ang pisngi ng lalake at kumuyom ang mga palad niya.

Shortly thereafter, he grabbed the collar of my shirt and dragged me up against him. Nagsigawan ang mga tao sa loob ng bar.

"Richard, stop it. Wala siyang kinalaman dito!" sigaw ng babae habang inaawat ang asawa niya.

Doon na ako nakaramdam ng takot dahil hindi pa rin ito tumitigil sa paghigit ng damit ko at akmang sasakalin ako. Tinadyakan ko siya sa tiyan at namilipit siya sa sakit at binitawan ako. Doon na ako nakawala sa kanya.

Naramdaman ko ang panghihina ko. Napayuko ako. Nakita ko ulit ang pigura ng lalake patungo sa'kin at nang makalapit siya ay umamba na naman siyang manununtok kaya pinikit ko nalang mga mata ko. Pero lumipas ang ilang segundo, walang suntok ang tumama sa'kin.

Minulat ko ang mga mata at nakita ko ang kamao ng lalake na nasalag ni..... Marcus? 

Isusuntok niya rin sana ang isang nakahandang kamao pero hindi na ito umabot sa'kin dahil nasuntok na siya ni Marcus. Napatili ang mga tao sa loob. Natamaan ang mukha ng lalake at bumagsak ito sa sahig. Dinaluhan siya ng kanyang asawa at tinulungan na makabangon. Nakita kong dumugo ang gilid ng bibig niya na hawak-hawak niya.

Tumahimik ang paligid at bigla nalang akong kinabig ni Marcus ang katawan ko paharap sa kanya. Nakapulupot ang kanang kamay nito sa baywang ko. Nalanghap ko tuloy ang pabango niya dahil sa sobrang lapit namin.

"You're messing with my woman, Mister," mariing sabi ni Marcus.

Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya. Woman? Ako ba iyon?

Nilinga ko ang lalaki at nakita ko ang pagdilim ng mukha niya. Umigting ang panga niya at ikinuyom ulit ang mga kamao.

"I'll make sure to file a lawsuit against you," sigaw ng lalake.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya or si Marcus.

Mayamaya ay may lumapit na isang lalake sa gawi nina Richard at ng babae. May sinabi ito sa kanila na hindi ko narinig.

"Let's get the heck out of here," galit na sabi ni Marcus.

Hinawakan niya ang kamay ko at inakay palabas ng bar. I feel a sudden jolt when his hand made contact with mine.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nahinuha ko na galit siya dahil napatiim bagang siya nang tuluyan na kaming nakalabas hanggang sa nakarating kami sa parking lot.

"Thank you," I sincerely said.
Binitiwan niya ang kamay ko at nahilamos niya ang mga kamay sa mukha.

He's wearing a blue long-sleeved collared shirt tucked in his black pants. Itim ang ang kulay ng necktie niya. Mukhang galing pa ito sa trabaho at dumiretso lang ng bar.

"What the hell were you thinking, Azalea Marie?" galit na tanong niya.

I'm kind of relieved he was there to help me at a very perfect moment. I can imagine my body full of bruises, my bones popping, if that jerk successfully punched and kicked me all throughout. Ngunit imbes na kamustahin ako ay galit pa ang pasalubong niya sa'kin. It's the first time we met since he left, not to mention our encounter last night in our dinner date. It looked like he was totally unaware of the trickery.

"Huh? That man accused me and his wife having a relationship," bulyaw ko pabalik sa kanya. I cocked an eyebrow.

"Hindi ba totoo 'yon?" pang-aakusa niya. Napatiim- bagang siya habang nakahawak ang mga kamay sa baywang niya.

"I just met his wife, alright. Ito ang lumapit sa'kin at umiiyak kaya inalo ko. Then, he came and started dragging his wife. Kung ikaw ba sa lugar ko, makakalma ka ba?" paliwanag ko.

Why the hell am I explaining?
"I am not buying your story," giit niya at nahihimigan ko ang inis sa tono nito.

I sighed. "I don't even know her name!" 

"So, you really intend to know her because you were even consoling her," sabi pa niya.

Kanina pa ba niya ako nakita?

"Oh. I almost forgot you're still the Marcus I know, high and mighty and too quick to judge," seryosong sabi ko at nakita ko ang pag-angat ng gilid na labi niya.

He smirked before loosening his tie. "And you're still as clueless as ever."

"To tell you frankly, you were not supposed to meddle with my affairs, Marcus. You shouldn't have helped me if you will just accuse me. I can manage by myself," sigaw ko na nagpapitlag sa kanya.

He looked up and bit his lower lip. Parang pinipigilan nito ang sarili na magsalita.

"That man is pathetic and I would be really glad if he gets to taste his own words," I said while pointing my finger towards the bar's direction.

Napasulyap siya sa'kin. "Yeah. Pathetic... but he can hit you with his punches and kicks. You don't know what jealous can do," saad niya.

Hindi na ako sumagot pa. Wala na ring patutunguhan kong igigiit ko pa ang rason ko. Hinusgahan na niya ako kaya hayaan ko nalang na mag-isip siya nang ganoon. I didn't expect seeing him again as soon as now...bilang ako na kababata niya, na kakilala niya.

Last night turned out to be bittersweet moment for me. Nasilayan ko ang mukha niya pero desidido naman ito magpakasal kay Katrina.

"You don't have to participate in other people's drama," makahulugang sabi niya.

I scoffed. "You really think I didn't think it through. In your eyes, I'm still the reckless and ignorant person you had known years ago.

"I didn't mean it that way, Azalea. I'm just telling you that minding other people's business will just stir things up."

I held up my hand in mock surrender.
 
"Fine," I give in.
 
I just turned my back on him and started walking.

Ayoko na makita ang pagmumukha niya. Naiinis ako sa tuwing makikita ang mga mata niya. Ibang-iba ang mga titig niya kagabi kaysa ngayon. Is this his way of greeting me after all these years? 

"Where do you think you're going?" tanong niya habang nakasunod sa likod.

Bigla akong lumingon. "Going home, obviously and you better leave me alone!" I said, growing irritated with his presence.

Hinawakan nito ang kamay ko at hinila papunta sa itim na kotse. "I'm taking you home."

"No! I can go home by myself," sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

He pushed me against his car and pinned me down, looking frustrated. Nag-iinit na naman ang mukha ko dahil sa pagkakalapit ng katawan namin. I feel the shiver ran up my spine as he stared at me intently for I don't know how long.

Hinihintay ko kung may sasabihin siya pero walang salitang namutawi sa bibig niya.

Parang tatalon na naman ang puso ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa'kin kaya umiwas ako ng tingin.

He held up my chin.  We locked eyes once again.

"I've missed you," madamdaming sabi niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro