Chapter 09
"Nakakatawa siguro pinag-uusapan nila, no?" biglang tanong ni Lira sa'kin.
Kanina pa kami dito nakadungaw sa bintana ng classroom namin at dahil nasa ikalawang palapag ito, tanaw namin ang lahat ng nangyayari sa buong field.
Napadako ang tingin ko sa tinutukoy nya. Kina Marcus at Macy. Magkatabi silang nakaupo sa student center at panay ang halakhak ng mga ito.
"Malamang," pansin ko rin na nakakatawa ang pinag-uusapan nila. Binalik ko na ang tingin ko sa kinakain ko.
Naisipan kasi namin nina Lira na dito kumain sa loob ng room. Dito kami pumwesto sa may bandang bintana.
Payag naman kasi 'yong adviser namin na doon kami kakain ng lunch basta't huwag kaming magkalat doon.
Simula kasi nang nanligaw si Marcus kay Macy ay hindi na kami magkasabay kumain sa tanghali. Sa umaga naman, mas nauuna itong umalis.
Sa hapon naman ay nagpapaiwan ito dahil may lakad pa sila ni Macy kaya nauuna akong umuwi.
Magdadalawang buwan na din na ganito. Siguro ay sila na ni Macy kaso hindi lang nila masyadong binu-broadcast.
Nakaramdam ako ng lungkot. Nasanay kasi ako na kami lagi magkasama ni Marcus.
But, everything changed when Macy came into the picture.
"Sila na ba?" tanong ulit sa'kin ni Lira.
Katulad ko rin si Lira pero iba ang rason niya bakit niya gustong kalimutan ang pagiging babae.
Nasawi ito sa unang pag-ibig nya. Kaya ito ang naisip nya para makalimutan ang lalake at maka-move on na. Sa ibang school nag-aaral ang lalake at di rin sila halos nagkikita kaya nakahanap ng iba.
"Ano sa tingin mo? I asked sarcastically. Napaarko ang isang kilay ko.
Kailangan pa bang itanong 'yon? Lagi naman magkasama sina Marcus at Macy so baka sila na nga.
Sumubo nalang ako ng kanin. Pero hindi ko rin malasahan ang pagkain. Parang bumara lang iyon sa lalamunan ko.
I felt annoyed already because she kept asking me questions about them. As if naman may alam ako sa mga nangyayari sa dalawa. Hindi na nga kami nag-uusap nang masinsinan ni Marcus, eh.
We only had these small talks. Hindi naman kasi maiwasan minsan lalo na pag may activities tapos groupmates kami.
Napasulyap ulit ako kina Marcus at Macy. Panay pa rin ang kwentuhan nilang dalawa pero di na nagtatawanan. Bigla kasing nagseryoso ang mga itsura ng mga ito.
Naubos na 'yong oras niya kay Macy.
Pero bakit ang dali pa rin para sa kanya ng mga lessons namin?
"Ang suplada mo naman. Tinatanong ka lang naman, eh. Selos ka?" she spat before she want back to her food.
Pansin ko lang makwento din pala si Marcus sa iba. Hindi kasi ito nakikipag-usap sa mga classmates namin maliban lang kung related iyon sa mga subjects namin.
May mga kaibigan din ito sa room namin pero hindi siya masyadong sumasama sa mga trip ng mga ito. Masyado itong tutok sa pag-aaral.
Kung di ako sinasama nina Lira at Hope sa mga trip nila, kami ni Marcus madalas magkasama.
"Bakit naman ako magseselos? Ikaw siguro, maniniwala pa ako."
"Slight. Crush ko si Marcus, eh," napahalumbaba siya at pinapungay ang mga mata.
Sinasabi ko na nga ba. May meaning talaga 'yong patingin-tingin niya kay Marcus. Kung nakakasagot ng tama ni Marcus sa recitation, siya ang unang pumapalakpak.
Napailing nalang ko. Maharot talaga itong si Lira. Lahat yata ng gwapo ay crush nito. Wala na ding silbi kung gusto nito maging lalake. There's no chance at all. Mabuti pa si Hope matibay ang paninindigan. Palibhasa, lalaking-lalaki talaga ang kilos 'non mula ng pagkabata ayon sa kwento nito.
Speaking of Hope, where is she?
Maya-maya'y napadako ang tingin ni Lira sa labas.
"Ooops, nasaan sila? Kanina pa ba sila umalis?"
I looked at the spot where Marcus and Macy were seated and I confirmed they were no longer there.
I just shrugged. "Baka kumain."
She continued eating her meal while staring out of the window.
Napapangiti din ito sa pagitan ng pagsubo nya. If I'm not mistaken, may nakita naman ito na lalake na kabilang sa listahan ng mga crush nito.
After a moment, nakarinig ako ng mga yabag kaya napalingon ako. Ganoon din si Lira.
So the devil is now here, panting for air.
Nilagay ni Hope ang bag sa upuan at hinila yon palapit sa'min at pinwesto niya ang upuan sa gitna namin saka umupo.
"Saan ka galing, girl?" tanong ni Lira.
I'm confused too. Hapung-hapo ito at tagaktak ang pawis.
Nakakaasiwa pakinggan ang call sign ng dalawang ito. Parang mga bakla.
She extended her hand forward, her palm was facing us. While her other hand was placed in her chest. She was giving us the signal to give her time until her panting subsided.
Hinayaan nalang namin muna sya.
Tinusok- tusok ko ang fried chicken gamit ang tinidor. Mahina lang naman 'yon.
I lost my appetite already. I just want to go home and sleep. Ramdam ko ang matinding pagod kahit wala naman akong ginawa.
"Why are you stabbing the chicken? Kung may galit ka sa kung sinuman, wag mo ibunton sa manok. Kawawa naman yan, Zac. Youre hurting the food," narinig kong sabi ni Hope na nahimasmasan na sa sobrang pagkahingal.
Hindi ko sya pinansin. Patuloy lang ako sa ginagawa ko.
"What does having pity mean when it's dead already? Kaya nga kinakain natin ang manok," pakli ko at nilubayan na ang manok.
"It loses its essence when you don't eat it. Kaya akin na 'to," sabi niya sabay agaw ng food container sa'kin.
Hindi na ako tumutol pa. Wala na din akong gana kumain. Mas mabuti pa nga na ubusin ni Hope yong pagkain kaysa masayang lang.
Nagsimula na ding kumain si Hope.
Si Lira naman ay nakamasid lang sa'kin.
Kanina pa ba niya ito ginagawa?
Nakatuon ang isip ko sa kung anu-ano kaya hindi ko namalayan ang pagsipat niya ng tingin sa akin.
"What?" I asked, growing irritated with her playful look.
Inabot nito ang ilang maiikling hibla ng buhok ko sa unahan. Naka-stacked bob cut ang buhok naming tatlo.
Hanggang doon lang ang kaya namin. Nang-ipa shave kasi ni Hope dati iyong sa bandang gilid na buhok nito, pinayuhan siya ng adviser namin na wag ulit gawin 'yon.
Binawi din nito ang kamay at tumingin ulit sa labas ng bintana. Hindi na rin ito kumakain. Katulad ko, wala din yata siyang gana.
"Alam niyo, girls. I've been thinking about this. Magbalik loob nalang kaya tayo sa pagiging babae," she uttered unexpectedly.
Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napaubo. As in, yung malakas na ubo.
Pansin ko rin ang gulat ni Hope dahil nakita ko na nabulunan sya ng kinakain nya. Tumalsik pa ang ilang butil ng kanin sa akin.
"Ano ba? Ang kalat mo naman," asik ko kay Hope at pinagpag ko ang kanin na napunta sa jogging pants ko.
Hindi pa rin kami nakapagpalit ng uniporme dahil pagkagaling namin sa PE Class ay diretso na kami sa room para kumain.
Hope sneered. "Ang arte! You were as shocked as I was."
Tama siya. We were both surprised by Lira's suggestion.
Why did she blurt it out all of a sudden?
Lira moved her chair sideways so she can face us. Makikita sa ekspresyon nito na talagang seryoso nga ito sa sinabi nya. Palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Hope.
"Ang gaganda kaya natin," si Lira. She shifted her gaze to Hope. "Look. You have such a charming face and a captivating smile."
Then, she looked at me. "Zac, alam mo, inggit na inggit ako sa ganda mo. Ang ganda ng mga mata mo. You look like a doll, honestly. And that skin of yours is what girls are envious about."
Having a fair skin would really a plus factor if I were a girl. My eyes? I've gotten them from my mom.
We were just listening to her. Wala man lang umiimik sa'min ni Hope. Malapit nalang yata at bibigay na itong kasama ko.
"Ano sa inyo?" untag ulit sa amin ni Lira.
"Ayoko," iyon lang ang sagot ko.
Lira rolled her eyes as she turned her gaze to Hope. She arched her brow, urging Hope to respond.
"Okay lang sa'kin," sagot naman ni Hope.
Nakita kong napa- O ang bibig ni Lira at dumilat pa lalo ang mga mata.
Napahilot ako sa noo ko. Wala na akong mapapala sa dalawang ito. Ako nalang yata ang maiiwan sa tribu.
Okay lang naman. Mahigit isang buwan nalang naman kaming magsasama and goodbye high school life na.
"Ikaw, ha. Ang harot mo, girl. Doon ka galing kay Billy, 'no?" tukso ni Lira.
Kinurot pa niya ito sa tagiliran. Ang tinutukoy nito ay si Billy na classmate ni Macy sa 3rd year. I have no idea what happened between the two that led Hope to change her mind. Parang desidido na nga ito na maging babae na tuluyan.
Si Lira? Given na yan.
"Hindi, ah," tanggi ni Hope.
"Why were you panting when you came here? Kung di ako nagkakamali, you were in a hurry 'cause you would not let us find out where you were," gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi ni Lira.
Tumango lang din ako bilang pagsang-ayon sa sinasabi ng huli.
Umiling si Hope. "Hindi nga. Yon pala nakalimutan kong sabihin sa inyo kanina. May chika ako sa inyo."
At parang automatic na nagkalapit ang mga ulo namin nang may ibinulong si Hope.
"Umiyak si Macy."
"WHAT?!" sabay naming bulalas ni Lira.
Just a while ago, they looked like they were having a good time. Nagtatawanan pa nga ang mga ito.
Ang bilis naman ng mga pangyayari.
Kailangan kong makausap si Marcus. He has issues he needs to clear up.
I warned him not to make Macy cry.
__________________
Napansin ko na parang wala sa sarili si Marcus nang sumunod na mga araw. Mali-mali ang sagot nito sa recitation at mababa ang mga scores nito sa quizzes. I haven't confronted him yet about his issue with Macy. At isa pa, panay ang iwas niya sa'kin. Tila may namuong pader sa pagitan naming dalawa.
Ang dami din kasi naming ginagawa since graduating na kami. Kakausapin ko na lang siya pag tapos na lahat ng mga gawain na 'to.
"Iyak daw nang iyak si Macy, girl," I heard Lira speak.
Kinakausap nito si Hope. Vacant time namin. Wala na akong balak sumali sa usapan nila kasi may ginagawa pa akong assignment.
"Kahit sino naman siguro maiiyak pag ginawa sa kanya yon," mariing sagot naman ni Hope.
"Yeah. Same here. You know, I cried a river when my ex told me he fell in love with another girl. I can't just help but cry although I wanted to act strong."
Hindi na nakasagot si Hope. Panay ang pindot nito sa cellphone niya.
Lately, she was paying much attention to her cellphone. Maya't maya din ang pagdating ng text sa kanya.
Lira faced me. "Ikaw, Zac? Wala ka man lang bang ambag diyan sa pinag-uusapan namin?" inis na tanong nya.
Saglit akong napatingala mula sa pagkakayukyok sa arm ng upuan ko.
"I won't cry," iyon lang ang sagot ko at binalik ulit ang tuon ko sa sinusulat.
Napairap sya na tila disappointed sa sagot ko at hinarap ulit si Hope.
Tinotoo ko 'yong deal namin ni Marcus na mag-aaral na akong mabuti. Well, hindi naman talaga ako bobo, 'no. Hindi rin brainy, syempre. Average lang ang talino ko. Mahina lang talaga ako sa Science at Math.
Sadyang matalino lang si Marcus kaya nagmumukha lang akong monggo kung ikukumpara yung academic skill namin. But, I believe, each individual is unique. Why exactly do we compare ourselves with others?
May mga bagay din naman na kaya ko na hindi kaya ni Marcus. Gaya ng ano... Teka, ano nga ba? Parang wala.
"Aren't you wondering who's the other girl?" tanong ulit ni Lira.
Napatanong din ako sa sarili ko. Kahit walang sinabi na may "other girl" si Marcus. Malaki pa rin ang posibilidad na meron nga.
"No. Wala akong pakialam kung sinuman yon. The bottom line here is that he led Macy on and just dumped her all of a sudden," si Hope.
Tama. Hindi gawain iyon ng isang lalake. But, looking at Marcus, he was also affected by what happened.
Bakit ba nila pinapahirapan mga sarili nila?
"Maayos din naman daw ang usapan nila, girl. Pakiusap nga daw ni Macy na wag sisihin si Marcus," pagtatangol pa ni Lira kay Marcus.
Naku, Lira!
"Kahit na," tutol ni Hope.
Nilagay nito ang kanyang cellphone sa bag at niyakap iyon. Si Lira naman ay nilaru-laro ang ballpen nito habang nakatuon ang tingin sa labas ng kwarto.
"But, we failed to see the possibility that Macy might be the reason of the split. Just because she cried doesn't mean she's a victim of love. Boys are good at hiding their emotions."
Hindi na nakasagot si Hope dahil nag-ring ang cellphone nito.
Nag-excuse siya at lumabas para sagutin ang tawag.
Ako naman ay bahagyang napatango sa sinabi ni Lira. But, I'm still not convinced.
Something is really off.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro