Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 02

Matuling lumipas ang mga araw at di ko nalang namamalayang mag-iisang taon na ako sa trabaho dito sa Sweet Escape Cafe. Parang kailan lang noong lumuwas ako ng Maynila para makipagsapalaran. As usual, duty ko na naman dito sa cafe. Tamang abang lang din ng customer na papasok.

"Ayan na ang admirer mo," bulong sa akin ni Kat nang may pumasok na customer. Regular customer ito ng cafe. Ewan ko ba dito kay Kat at lagi niya akong tinutukso sa customer na ito. Nakapaka- friendly kasi ng vibe nito kaya napapagkamalan ng mga kasama ko na type daw ako.

"Shhh. Bunganga mo," asik ko at nakitang kong papalapit ang dalaga dito sa counter.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin ang dalaga sa menu board. 

May mga nakasunod din sa kanya na sa tingin ko mga co-officemates nito. They were talking something about their boss. Tsk. Nagchismisman pa.

"May I take your order, Maam?" tanong ko nang napansin kong nakapili na sya.

"One Espresso," masiglang sagot niya.

"And?" tanong ko habang pinipindot 'yong counter machine. 

"And a sandwich." Tinuro sa akin ang sa menu board sa bandang likod ko. Nilingon ko iyon.

 "Ham and Swiss Cheese, " basa pa niya. Humarap ulit ako.

"Okay." Tumango ako habang nagpipindot pa rin. "Anything else, Maam?" 

Wala akong natanggap na tugon. Sinundan ko 'yong tingin niya at doon ko napagtanto kung ano ang nagpabaling sa ulo ng dalaga.

Nakakita lang ng guwapo. Nakalimutan na ako. 

So, here's this guy.

Tsk. Wait. What? Guwapo? Di ko yata matanggap ang naging komento ng utak ko. Does it mean that I find this man handsome too?

Well. Marunong lang talaga akong mag-appreciate, no. Di porket iniwan ko na ang pagiging babae ay pwede na kong mag-invalidate ng mga bagay sa paligid. Things don't work like that. Kung gwapo, gwapo. Period.

Kung titingnan itong lalake ay may ipagmamalaki din naman sa kagwapuhan. Matangkad ito na aabot sa 6 feet sa tantiya ko. Nakasuot ito ng slacks na itim at long sleeves na asul na nakatupi hanggang siko kaya kita ko rin ang relo nito na halatang mamahalin. Mapapansin din ang bakat na bakat nitong muscles sa braso.

In short, well fit.

Nakaramdama ako ng inis. Biglang naging center of the universe itong lalake at halos lahat ng customers sa kanya nakatingin. Pati yata 'yong mga lalake ay nadale sa karisma nito. OA nga, eh.  Maliban sa akin, syempre.

Abot- tenga ang ngiti ng mga kasama kong babae na crew. Kilig na kilig eh, 'no.

Nakita ko si Kat na pasimpleng lumapit sa lalake para i- assist ito. At ang magaling na babae di mapuknat ang ngiti. 

Sige ka baka ma-dislocate 'yang panga mo.

At dahil na rin lumilipas ang mga sandali, tinawag ko ulit 'yong dalaga.

"Maam?" untag ko. Di pa rin ako napansin.

"Maam?" ulit na tawag ko.

"Oww. Sorry, Miss." Nasabi niya na lamang nang sa wakas ay humarap siya sa akin.

Doon na kumunot 'yong noo ko.

Hindi talaga ako magaling magtago ng emosyon and it clearly shows on my face.

Nakita niya siguro ang biglang pagbago ng ekspresyon sa aking mukha at napatutop sya sa bibig.

"I'm sorry. Ahmm..." Halatang hindi maapuhap ang susunod na salitang sasabihin.

"You don't need to feel sorry, Maam. It's alright," sabi ko na lamang at gumanti ng ngiti pero sa loob-loob ko naiinis talaga ako.

Paano ba ako naging Miss sa paningin nito? Eh ang gwapo ko kaya. Tapos sabi pa ni Kat, admirer ko daw ang dalaga. Pambihira!

Lumipat ito sa kabilang lane matapos kong ma-finalize na 'yong order niya.

"Oh, anong klaseng ngiti yan?" tanong ko kay Kat nang nakalapit na siya sa counter.

Halatang maganda yata ang mood ng babaeng 'to. Nakakita kasi ng gwapo.

"Siya 'yong sinasabi kong crush ko," bulong niya sa akin.

"What?!" Napaawang ang labi ko sa sobrang gulat.

So, ito pala 'yong kinakabaliwan ng babaeng 'to.

"OA ng reaksyon mo, ha." Umiling-iling pa ang bruha.

"So, siya nga?" tanong ko pa ulit. Kumunot ang noo niya.

"Oo nga. Siya yong sinasabi ko na crush."

"Saan mo siya unang nakita?" tanong ko nalang ulit.

Gusto ko masigurado na hindi lang gumagawa ng kwento itong babae na 'to.

"Mahabang kwento basta siya nga 'yong lalaking gusto ko."

Kailangan ko na talagang umabanse.

Author's Note

I don't have a knack for this but I really appreciate your time reading this. I would still write even without a single reader but the fact that you reached this chapter is already a success to my part. Kamsahamnida. Hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro