Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 01

Inikot ko ang aking paningin at tiningala ang orasan na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Alas 4:00 na pala ng umaga at madilim pa sa labas. Mabilis akong bumangon at inihanda ang aking pambihis. Ginalugad ko ang aking gamit sa cabinet. Ang sabi ng may-ari, naiwan daw ng dating umuukopa ang cabinet kaya okay lang naman daw na gamitin ko.

Laking tipid din kasi kakauumpisa ko pa lang sa pagtatrabaho sa isang cafe bilang crew at di ko pa talaga iniisip na bumili ng kagamitan. Isa pa, hindi naman iikot ang buhay ko dito sa loob ng unit na 'to. Trabaho ang pinunta ko dito sa Manila kaya madalas din akong nasa labas.

Medyo kumportable na ang pakiramdam ko dito sa inuupahan kong apartment. Balisa at hindi ako makatulog noong unang buwan ko. Ibang-iba ito sa nakasanayan kong buhay sa probinsya. Ito pala 'yong sinasabi nilang Manila. Mainit, masikip, ma-trapik. Bata pa ako nang huli akong pumunta dito kaya wala akong masyadong maalala nang huling pumunta kaming mag-anak dito para magbaksyon.

Now, I understand people who prefer to stay here despite the setbacks. Once, you start living here, you'll get used to these things people living a simple and placid life away from the city wouldn't appreciate.

Mabilis nga talaga makahanap ng pera dito.

Tiningnan ko ang picture frame sa tabi ng aking higaan. Picture namin iyon ni Papa nang nag-graduate ako ng high school. Nakangiti si Papa nang malapad habang nakaakbay sa balikat ko. Ako naman ay naka- peace sign. Pitong taon na din ang nakalipas magmula ng nakatapos ako ng high school sa Buenvenida. Miss ko na si Papa. Mag-dadalawang buwan na din pala noong huli kaming nagkita at iyon ay nang ihatid niya ako sa airport.

"Anak, mag-ingat ka doon sa Manila. Bakit ba kasi doon mo talaga gustong magtrabaho, Zac? Ang dami naman pwedeng apply-an dito sa lugar natin," pag-aalaburuto ni Papa habang hila-hila yung maliit na maleta ko.

Hindi ko na dinamihan ng ang gamit na dadalhin. Pinagkasya ko lang lahat ng damit ko sa maleta. Ang mga mahahalagang papeles ay nasa knapsack ko naman.

"Naku, Pa. Ang dami nga ng pwedeng apply-an pero ang dami ko ding ka-kompetensiya, Pa. Kahit nga iyong mga classmates ko dati na may Latin Honors hirap din daw makakuha ng trabaho dito sa atin Pa kaya wise din naman na desisyon 'to na sa Manila ako magtrabaho."

Hindi naman sa minamiliit ko iyong kakayahan ko sa paghahanap ng trabaho since qualified din naman ako pero isang mapait na katotohanan talaga na hindi madali ang paghahanap ng trabaho sa aming lugar since maliit na probinsya lamang ito.

May mga establishments din naman na pwedeng pagtrabahuan kung maswerte ka nga lang. I tried submitting resume to companies that I know would find it attractive. Some were recommended by my friends and classmates pero lagi nalang nauuwi sa wala lahat ng mga attempts ko. I finished BS in HRM in one of the state universities in Buenvenida.

Sa ilang taon na pagiging tambay ay tinuon ko na lamang ang panahon na tulungan si Papa sa aming maliit na tindahan.

Nalugi kasi 'yong negosyo namin na bakery shops simula nang nakapagtapos ako ng high school at nagkabaon-baon kami sa utang. Hanggang ngayon binabayaran pa rin namin 'yon. Marami na din kasi nagsitayuang mga bakery shops at cafe sa siyudad kaya di na din nakakapagtakang natigil ang negosyo namin.

Susubukan kong makabawi.

Dahil realistic lang talaga ang pananaw ko sa buhay, naisipan kong mag-apply ng trabaho sa Manila. Buti nalang talaga naimbitahan ako sa isang interview kaya ibibigay ko na ang lahat. Kung hindi man ako matanggap kung sakali, marami pa naman dyan na pwedeng apply-an.

'Yan kasi ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Hero. Kaklase ko noong college at naging kaibigan ko din nang kalaunan. Actually, siya iyong nag-alok sa akin ng apartment na pag-aari daw ng Tita Marites niya. Nagkataon din naman kasi na sa Pasig din iyon. Same location lang din sa pagtatrabahuan ko kung sakali man na matanggap.

"Kita mo isang beses lang ako nag- send ng resume sa isang company through online, nag-send agad ng schedule for interview," sabi ko habang naglalakad patungong boarding area.

Masyado yata akong napa-praning sa trip kong 'to since it's my first time flying in a plane alone. Back then, kasama ko si Mama at Papa pag-nag-travel. But, they wouldn't be with me this time.

Na-eexcite ako na kinakabahan.

"Ewan ko ba, anak. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Baka mapaano ka doon at walang tutulong sayo. Wala tayong kamag-anak doon."

"Diba, Pa, napag-usapan na natin 'to? Walang mangyayari sa'king masama dun. Ako pa ba? Strong kaya 'tong unico hijo mo."

"Oo na. Basta mag-iingat ka doon, Zac. Ingatan mo ang sarili mo and don't forget to call. Balitaan mo ako sa lahat ng kilos mo doon. Okay?"

"Pa, naman. You want me to keep you updated all the time, huh? I'm not young anymore," I hissed.

He just stood there, staring at me with that sad look in his eyes. This will be the first time that we'll be apart for I don't know how long.

"Yeah. I know, Zac. Just take care always."

He tapped my shoulder like he used to do when he wanted to encourage me to achieve something.

"Pa, thank you for everything. This son of yours will make you proud, Pa. I'll come back here, victorious."

I wrapped my hands around him. He hugged me back.

Matapos magpaalam ay dumiretso na ako sa check-in at bag drop at pumasok sa bording gate.

Maya-maya ay tinawag na ang flight number ko, hudyat na maghanda na sa isang paglalakbay.

Manila, here I come.

Natapos na akong maligo at nagsimula nang magbihis. Tiningnan ko ang aking sarili sa full length mirror.

Walang bakas ng isang Azalea Marie. Sa maraming taon na sinanay ko ang aking sarili maging lalake, halos di ko rin naman namalayan na unti-unti na rin naman palang nababago ang pagkatao ko.

Napatingin ako sa buhok ko. Nagpa-boyish cut ulit ako noong huling punta ko sa barber shop.

Ito yung pinakaiingatang bagay ko noong bata pa ako. Ang bilin kasi ng mama ko lagi ko daw suklayin para maging healthy iyong buhok. Tuwing gabi sinusuklay niya ang buhok ko mahigit sa 100 beses habang kinikwentuhan ako ng mga bedtime stories.

Ang dating mahaba at straight na buhok ko ay di ko na pinahaba ulit. Ang totoo, simula nang umalis si Mama.

Ayaw na ayaw ng tatay ko na humaba kahit ni isang pulgada ang buhok ko sa nakanasayang gupit. Ang bilis pa namang humaba ng buhok ko kaya lagi akong laman ng barber shop.

***

"Pa, nasaan si mama?" tanong ko kay papa na nakaupo sa sofa.

Nasapo niya ang kanyang ulo nang marinig ang tanong ko. Kagagaling ko lang sa eskwela at iniexpect ko na magkasama silang uuwi ng bahay ngayon.

"She left, Azalea Marie," Papa said in a serious tone and I swear it is the first time in a while na binanggit ni papa ang buong pangalan ko.

Nangyayari lang naman iyon kapag may nagawa akong mali. This time I didn't do anything wrong.

"Mama?"

'Yon lang ang salitang namutawi sa bibig ko and I am not even sure if I was asking a question or calling her name.

God knows how much I love Mama that I couldn't believe she would leave us. I feel nervous. I can feel my body shaking. I don't understand this feeling na parang maiiyak na magagalit.

I need to know more.

"Bakit po? Anong nangyari, Pa?"

"Umalis na siya. Hindi na siya babalik. Sumama na siya sa ibang lalake." Narinig ko ang garalgal na boses ni Papa.

"Po?"

Di ko namalayan 'yong luha kong tumutulo na pala. Ang sakit. Pilit kong iniintindi ang mga pangyayari. Si Mama sumama sa ibang lalake? Paano nangyari 'yon? At bakit niya kami iiwan when she was happy living here with us? I've never heard Mama ever complained about our life here in Buenvenida although sometimes I can hear her talking about the mansion in Sta. Catalina where she once lived. Pagmamay-ari daw ng pamilya niya. Ng lolo at lola ko daw.

We may not be living in rich and lavish manner but we're always contented on what we have. Maayos 'yong bahay na tinitirahan namin kahit di kalakihan.

Di ko na napigilang humagulhol.
Tumakbo ako sa kwarto at ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang makita ko na wala na nga ang mga gamit ni Mama. Napaupo ako sa kama at umiyak nang umiyak.

Walang patid ang aking luha at nawala sa ayos ang nakalugay kong buhok na inipitan pa ni Mama kanina bago ako pumuntang school.

Paano na kami ngayong wala na si Mama? Paano na ako makakatulog sa gabi na hindi na maririnig yung mga bedtime stories na kinikwento niya? Paano na ang Linggong kasama namin siya sa pagsimba? Paano na kami? Paano na ako?

I saw Papa walking towards the cabinet. May kinuha siya doon sa may drawer at dahil nakatalikod sya, ang ingay lamang ng nagkakalansingang mga gamit ang narinig ko.

What is he doing?

Bakit nagmamadali ang mga kilos ni Papa?

After a while, hawak na niya ang bagay na hanap-hanap niya kanina pa.

"Papa, anong gagawin mo sa gunting?" tanong ko. Bakas ang takot sa mukha ko.

"Simula ngayon you'll live as man. Mamumuhay ka bilang lalake. There is no room for a woman in our lives."
Lumapit siya sa akin at hinila ang buhok at akmang gugupitan.

"Pa!" sigaw ko. "Ayoko!"

Nilapag nito ang gunting sa side table malapit sa akin.

"No. Listen, Azalea. Being a woman won't do you any good. You need to live as a man and forget everything about being once a woman. Nakita mo ang ginawa ng Mama mo? She left like she didn't care for us both. When time comes Azalea, you'll understand this. For now, I have to do this."

I don't understand him.

Umalis si Mama na walang paalam. Are we going to live our lives asking what went wrong when she was still with us?

Kinuha niya ang gunting at inumpisahang gupitin ang buhok ko. Hindi na ako nagpumiglas. Umiyak ako nang umiyak. I know there is no way I could stop Papa from doing what he thinks is best for me. If dealing with the pain means cutting my hair, its alright to me.

Nararamdaman ko nalang na unti-unti nang umiikli yung buhok na dati'y lampas balikat ko.

At ano iyong sabi niya, you need to live as man? Is Papa joking? My Papa pulls joke sometimes but surely at this moment he won't do that.

"Don't ask me questions about your mom ever again!"

He fisted a handful of my hair that's blocking my view and cut it without second thought. Umiiyak pa rin ako. Gusto ko man pigilan ang pag-iyak ko pero hindi na yata maubus-ubos ang luha ko.

"And don't ever cry again. Stop shedding those tears. They will make you look weak."

Ganoon pala 'yon. Pag umiiyak ka, mahina ka. Mahina pala 'yong mga classmates ko na isang kalabit lang ng katabi ay naiiyak agad.

Mahina pala 'yong classmate ko na si Jack kasi umiyak nang nadapa habang naglalaro kami sa school. Pati na rin ang teacher namin na umiyak noong nakatanggap ng sulat.

Mahina pala ang kapitbahay kong si Charisse dahil hindi pinagbigyan ng Papa niya sa kangyang hiling na laruan.

Now, I know, crying makes you weak. So, hindi na ako iiyak kahit kailan.

Pinilig ko ang masakit kong ulo. Bakit ko pa kasi kailangang maalala 'yon? It happened so long ago and now I'm 23.

Kinuha ko na ang tela na ginagawang kong pang-ipit ng dibdib ko. Ritual ko na ito sa araw-araw.

White t-shirt na maluwag at itim na jogger pants ang sinunod ko, rubber naman sa paa.

Naging bahagi nalang ito ng buhay ko. Lagi kasi pinapaalala sa'kin ni Papa na lalake ako.

There is no chance for me to become a woman again. I hated the idea. Every time I think about it, I remember my mother who left us.

There is no way I will become my mom and Papa made it sure I will never be like her. He trained me and taught me to become a man.

Look at me now. I am not the little girl people used to know.

Malayung-malayo.

Agad akong sumakay ng jeep matapos ang 15 minutes na pag-aabang. Isang sakay lang naman patungo sa workplace ko.

Nang makarating na ako sa cafe, nagmamadali akong pumasok sa loob para magbihis ng uniporme.

Marami-rami na din ang mga customers palibhasa napapalibutan kasi ito ng mga hotel at condominium kaya di nawawalan ng customer. 6:00 am to 3:00 pm 'yong pasok ko kaya libre ako sa gabi.

"Hi, Zac!" bati sa akin ni Kat.

Zac kasi 'yong tinawag sa'kin ni Papa kaya sinunod ko at Zac na din ang tawag sa'kin ng mga kakilala ko.

"Ang aga mo ngayon ah!" dugtong niya.

Ang lapad ng ngiti niya at litaw na litaw ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Ang sarap tingnan ang mapupungay niyang mata. Kahit naka-bun at sinuputan ng hairnet ang buhok since required 'yon sa lahat ng crew, maganda pa rin si Kat.

Kahit magsuot yata ng basahan ang babaeng ito, maganda pa rin.

Mahihiya ang mga supermodels kapag si Kat nagsuot ng bonggang damit.

"Ang sabihin mo late ka lang talaga!" sabi ko sabay tawa ng malakas.
Paano kasi itong si Kat laging late kahit ang lapit-lapit lang naman ng tirahan niya.

Malakas yata to sa itaas kaya di nasisisante sa trabaho. Sa pagkakaalam ko sa condo siya nakatira.

"Medyo napahaba kasi 'yong tulog ko. Napanaginipan ko pa naman yung crush ko," she said as she dreamily sighed.

"Aba! Aba! Crush pala ha. Ang sabihin mo ako 'yong napanaginipan mo. Crush mo ko eh," pangangantiyaw ko.

"Tse! Asa ka pa!" asik niya habang nag-uumpisa na ding mag-ayos sa pwesto niya.

"Wow! Ang sakit 'non, ha," sabi ko pero di naman seryoso.

Kumportable lang talaga kami sa mga ganitong kantiyawan.

"Eh, sino ba yang crush mo na yan, ha, at nang mabusisi ko naman?!"

"Sasabihin ko sayo pag okay na. I'm still enjoying this feeling na ako lang nakakaalam."

"Wow! Ikaw na talaga, Kat. Ang lakas ng tama mo sa crush mo. Hinay-hinay lang sa feelings na yan. Ikaw din masasaktan pag malaman mo na your feeling and his are not mutual," kantiyaw ko pa at nakitang umiba yung expression ng mukha niya. Nagalit yata.

"Hoy! Humanda ka pag ikaw naman sa sitwasyon ko. And you'll see how painful it is to see the one you love loving someone else," sabi niya habang nakatuon ang atensyon niya sa mga inaayos na kubyertos. May diin ang bawat salitang binibitawan niya.

Damn! Nasapul ako.

A/N

The beginning is always the hardest. It is. It's really hard to establish a story and as much as I want to avoid writing flashback on the first part,nangyari pa rin. Haha. Eh bakit ba? Istorya kuris-kuris man lang ni ah. Lol.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro