Kabanata VII (Ang Pagtatapos)
Pinihit ni Julia ang door knob at nang mabuksan niya ang pinto ay sumalubong sa kaniya ang sumabog na compete sa ere kasabay nang pagbati sa kaniya ng mga taong naroon sa loob, "Happy birthday Julia" tuwang tuwa na bati ng lahat sa kaniya.
Kaagad na gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi kasabay nang pangingilid ng luha sa kaniyang mata dahil sa nararamdaman niyang saya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang ina na hawak ang isang pabilog na cake, nang makalapit siya ay tinitigan niya sa mga mata ang kaniyang ina, "Thank you, Ma" nakangiting pasasalamat ni Julia kasabay sa pagpatak ng kaniyang luha.
"Oh? Huwag kang umiyak anak, birthday mo ngayon kaya ang dapat ay mag-enjoy ka" saad ng ina, "Blow your candle, sweetie" dugtong nito.
Tumingin siya sa cake na hawak ng kaniyang ina sabay pumikit na tila humihiling at nang matapos siya ay iminulat niya ang kaniyang mata sabay inihipan ang kandila na mayroong sindi. Tumingin siya sa mga taong nakatayo sa likod ng kaniyang ina at naroon ang lahat ng kaklase niya kabilang doon si Lesley ang kaniyang matalik na kaibigan. Lumingon naman siya sa kaniyang likuran at nakita niya si Ichi na nakatitig sa kaniyang mga mata at may hawak itong boquet.
Iniabot ni Ichi sa kaniyang nobya ang kumpol na bulaklak, "Happy birthday, babe" nakangiting bati niya.
Tinanggap naman ni Julia iyon sabay kaagad na niyakap ang kaniyang nobyo, "Salamat" sambit niya.
Nang humiwalay silang dalawa sa pagkakayakap ay tumingin si Julia sa kaniyang ina, kinuha niya ang cake na hawak nito at nagsalita, "Let's eat, Ma" suhestyon niya.
Time has passed! Tila may kani-kaniyang mundo ang mga taong imbitado sa kaarawan ni Julia. Mayroong abala magkwentuhan, sumasayaw sa gitna with sweet music, ang iba ay kumakain at si Julia naman ay nakaupo sa table kasama ang kaniyang ina, Ichi at Lesley.
"Anong plano mo bes after graduation natin?" tanong ni Lesley.
Sumubo ng cake si Julia bago nagsalita, "I don't know! Maybe, pahinga muna ako ng 1 year bago ako maghanap ng work."
Tumango-tango naman si Lesley bilang sang-ayon, "Ayaw mo pa magpakasal?"
Tila namula ang pisngi ni Julia sa tanong ng kaniyang kaibigan, "K-Kasal? Paano kami magpapakasal kung hindi pa siya nagpopropose?!" patanong na wika niya at lumingon siya sa kaniyang gilid.
Nakatitig kay Julia si Ichi, "Ikaw lang naman ang hinihintay ko" saad ni Ichi.
Nanlaki ang mata ng magkasintahan nang marinig nila ang isang matinis na tili kaya awtomatiko silang lumingon sa gawi ni Lesley, "Oh my gosh! Magpropose ka na Ichi" tuwang tuwa na wika nito na animo'y kinikilig.
Natawa naman silang dalawa at ang ina ni Julia, "Ikaw talagang bata ka, bakit? Wala ka pa rin bang plano magpakasal?" tanong ng ina ni Julia kay Lesley.
Nilingon naman ni Lesley ang kaniyang katabi, "Haynaku tita, gusto ko po pero mukhang ayaw pa ng jowa ko" saad nito na may lungkot sa boses.
"Naghahanda lang iyon but I'm sure magpopropose iyon" wika ni Julia.
Muling nilingon ni Lesley ang kaniyang kaibigan, "I hope so"
"Oo naman, trust him"
Naputol ang kanilang pag-uusap nang magsalita ang kaniyang nobyo, "Babe samahan mo ako"
"Saan?" nagtatakang tanong ni Julia.
"Sa kwarto mo, magpapalit lang ako ng damit."
Tumango naman si Julia bilang sang-ayon sabay tumingin sa kaniyang ina, "Ma, samahan ko lang po si Ichi sa kwarto" saad niya at tumango naman ang kaniyang ina bilang tugon.
Tumayo naman silang dalawa sabay naglakad patungo sa kaniyang kwarto at nang makarating sila ay binuksan ni Ichi ang pinto sabay unang pinapasok ang kaniyang nobya. Bumungad naman kay Julia ang isang human size teddy bear na nakalagay sa tabi ng kaniyang kama at mga chocolates na nakakalat sa ibabaw ng kama niya. Nanlaki ang mga mata ni Julia na tila hindi makapaniwala sa kaniyang nakita, ramdam niya ang galak sa kaniyang puso dahil hindi niya inaasahan iyon.
Naglakad siya patungo sa tedy bear, hinawakan niya ito at tinitigan na animo'y ini-inspeksyon at nang matapos siya ay lumapit naman siya sa mga chocolates sa ibabaw ng kaniyang kama. Iba't ibang klaseng chocolates ang nakakalat ngunit isang bagay lang ang pumukaw ng kaniyang atensyon, isa itong maliit na kahon. Kinuha niya ito na bakas sa mukha ang pagtataka, nang makuha niya ay tinitigan niya itong mabuti.
Lumingon naman siya sa kaniyang nobyo na nakatayo lamang sa kaniyang tabi, "What is this?" nagtatakang tanong niya.
Kinuha iyon ni Ichi sa kaniyang kamay at tinitigan sa mga mata si Julia, "Babe" panimula niya ngunit bakas pa rin sa mukha ni Julia ang pagtataka kaya hinayaan niyang magsalita ang kaniyang nobyo, "Limang taon na rin nang makilala kita. Unang beses kitang nakita sa mall, abala ka pumili ng mga damit kasama ang mama mo at nang lumabas na kayo ng mall ay palihim ko kayong sinundan hanggang sa huminto kayo sa isang resto." kwento ni Ichi.
Hindi alam ni Julia kung bakit sinasabi iyon sa kaniya ng kaniyang nobyo pero nagpatuloy siya sa pakikinig, "Papasok kayo ng resto nang makita mo ang isang pulubi, ang sabi ko sa aking sarili 'hindi niya bibigyan ng pagkain ang pulubi' pero nagulat ako nang isinama niyo sa loob ng resto ang pulubi at pinakain niyo ng marami" wika ni Ichi, "Ang sabi ko sa aking sarili 'I think she's the one' kaya nag-aral ako sa school kung saan ka nag-aaral hanggang sa ligawan kita at naging tayo"
"Nakita mo lang akong tumulong ay the one mo na ako kaagad?" pabirong tanong ni Julia.
Natawa naman ng bahagya si Ichi, "Sa dami ng mga babaeng nakikita ko sa mga lugar na pinupuntahan ko ay ikaw lang ang nakita kong tumutulong sa mga taong hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw."
"Of course, kailangan natin tumulong sa mga nangangailangan"
"Exactly! Dahil sa ugali mo na iyan ay nahuli mo kaagad ang kiliti sa puso ko"
Natawa si Julia, "Ang corney, babe"
Tumawa naman ng bahagya si Ichi, "But it's true" saad niya, "Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay" dahan-dahan siyang lumuhod at tumingala upang titigan sa mata si Julia sabay binuksan ang maliit na kahon at ipinakita sa kaniyang nobya, "Julia Ancero, will you marry me?"
Nanlaki ang mata ni Julia kasabay nang pangingilid ng kaniyang luha at kaagad siyang tumango-tango, "Yes" sambit niya.
Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Ichi kaya kaagad siyang tumayo sabay isinuot ang singsing sa daliri ng kaniyang nobya, nang maisuot ang singsing ay kaagad na niyakap ni Ichi si Julia. Nanlaki naman ang mata ni Julia nang marinig niya ang mga hiyawan sa gawing pinto ng kaniyang kwarto kaya napahiwalay siya sa pagkakayakap at tumingin doon. Nakita niya ang kaniyang ina, si Lesley at ang mga taong imbitado sa kaarawan niya, nakatayo ang mga ito sa pinto na bakas sa kanilang mukha ang saya dahil sa ganap na napanood nila.
Patakbong lumapit si Julia sa kaniyang ina sabay niyakap ito, "Ma, enggage na ako"
Humiwalay sa pagkakayakap ang kaniyang ina at tinitigan siya sa mga mata, "Congratulations sweetie, I'm so happy for you"
Nang bumalik sila sa likod ng bahay nila kung saan ginaganap ang kasiyahan ay ipinagpatuloy nila ang pagdiriwang, may hawak na wine glass ang lahat sabay umakyat si Lesley sa mini stage na naroon.
"Happy birthday to my besty" masayang bati ni Lesley at tumango naman si Julia, "Of course, hindi lang ang kaarawan niya ang ating ipinagdiriwang dahil enggage na sila kaya double celebration" dugtong niya, "Bago ang lahat mayroong tumawag sa akin na tao, gusto daw niyang i-surprise si Julia kaya pumayag akong pumunta siya ngayon... Okay, let's welcome her"
Umakyat sa stage ang isang babaeng nakasuot ng leather jacket with cup, nang makaakyat ito ay bumaba naman sa stage si Lesley sabay muling umupo sa pwesto niya.
Tumingin si Julia kay Lesley, "Bes, sino ang taong iyan?"
Nilingon siya ni Lesley at nagkibit-balikat, "I don't know, she said kilala mo siya kaya pumayag akong dumalo siya ngayon"
Tila nakaramdam ng kaba si Julia ngunit binalewala niya iyon, muli siyang tumingin sa entablado at nagsalita naman ang babaeng nakatayo doon, "Happy birthday, Julia" bati niya, "I know you didn't recognize me but I miss you, that's why I came here" dugtong niya.
Kumunot naman ang noo ni Julia sabay tumayo, "Who are you?" nagtatakang tanong niya.
Tinanggal ng babae ang suot niyang sumbrero at bumungad sa lahat ang kaniyang mala-anghel na mukha, nanlaki ang mata nilang lahat na tila hindi makapaniwala sa kanilang nakikita ngunit nakangiti ng matamis sa kanila ang babae, "We meet again, sister" sambit niya.
Kaagad na bumagsak ang luha ni Julia sa kaniyang pisngi, "J-Jelly?" hindi makapaniwala niyang tanong.
"Jelly?" natatawang tanong ng babae, "Kinalimutan niyo na nga talaga ako... Kaarawan ko rin ngayon kaya bakit hindi niyo ako inimbitahan?" tumingin siya sa ina ni Julia, "Ma, kinalimutan mo na rin ba ako?" tanong niya na nangingilid ang luha sa mga mata, "Naalala mo ba noong ipinanganak mo kami, ipinaampon mo ako dahil ang sabi mo ay hindi mo kami kayang buhayin pero si Julia at Jelly ay inaalagaan mo"
Kumunot naman ang noo ni Julia na tila naguguluhan, "W-What do you mean?"
"Ang unfair mo, Ma... Magkakamukha lang naman kaming tatlo pero bakit ipinaampon mo ako? Dahil ba mayroon akong problema sa pag-iisip?" tanong ng babae, "SUMAGOT KA" galit niyang sigaw.
Nagulat ang lahat sa kaniyang pagsigaw kaya kaagad na lumapit si Julia sa kaniyang ina na umiiyak, "I'm sorry" garalgal nitong saad.
Tumingin si Julia sa kaniyang ina, "Ma, anong ibig niyang sabihin? Hindi ba siya si Jelly?" tanong ni Julia na ngingilid ang luha.
Nilingon naman siya ng kaniyang ina at tinitigan sa mga mata, "Hindi kayo kambal anak dahil... T-Triplets kayo"
Napaatras si Julia at nanlaki ang mata dahil sa gulat na tila hindi makapaniwala, muli siyang tumingin sa kaniyang kapatid na nakatayo pa rin sa entablado ngunit nakangisi na ito, "Oras na upang maningil" sambit nito na animo'y isang demonyo.
Kaagad hinawakan ni Julia ang pulsuhan ng kaniyang ina sabay hinila patakbo sa pinto ngunit nang makarating sila doon ay hindi nila mabuksan ang pintuan. Habang pilit na binubuksan ni Julia ang pinto ay narinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril kaya napayuko sila dahil sa lakas ng tunog nito. Nang tumigil ang putok ng baril ay lumingon si Julia sa kaniyang likuran at bumungad sa kaniya si Ichi na nakaharang sa kaniyang likod at nakatitig sa kaniyang mga mata.
"Babe, are you okay?" tanong ni Julia nang biglang sumuka ng dugo ang kaniyang nobyo at nang matutumba na ito ay kaagad niya itong niyakap. Bakas sa mukha ni Julia ang gulat at pag-aalala na tila hindi malaman ang gagawin, "B-Babe" saad niya ngunit hindi tumugon ang kaniyang nobyo.
Mayroon siyang nahawakang malagkit na likido sa likod ng kaniyang nobyo kaya iniangat niya ang kaniyang kamay at nakita niya ang kamay niyang mayroong dugo. Kaagad na tumulo ang luha niya sabay tinitigan sa mukha ang nobyo, "Babe" sambit niya na patuloy sa pagpatak ang luha. Hinawakan niya ito sa pisngi upang gisingin ngunit hindi na ito nagsasalita at nanatiling nakapikit kaya tila nanlambot ang kaniyang mga tuhod at braso sabay niyakap ang kaniyang nobyo at humagulhol ng iyak.
Habang umiiyak si Julia ay lumingon siya sa kaniyang tabi at nakita niya ang kaniyang ina na nakahandusay na sa sahig, kaagad niyang inihiga ng maayos ang kaniyang nobyo sabay lumapit sa ina. Nanginginig ang mga kamay niyang humawak sa pisngi ng kaniyang ina, "M-Ma" nauutal niya saad. Tinapik-tapik niya ito sa pisngi upang gisingin ngunit hindi tumutugon sa kaniya at nakapikit ang mga mata. Ramdam niya ang paninikip ng dibdib at panghihina ng kaniyang katawan dahil sa nangyari, niyakap niya ang kaniyang ina at muling gumagulhol. Walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha, habang yakap ang kaniyang ina ay napatingin siya sa paligid at nakita niyang nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo ang mga taong dumalo sa kaniyang kaarawan.
Tumingin siya sa babaeng nakatayo pa rin sa entablado at pinapanood siyang umiiyak, kumunot ang noo ni Julia, "Ito ba ang gusto mong selebrasyon ng kaarawan natin? Dumanak ang dugo?" galit na tanong ni Julia.
"Masaya nga eh?! Kakaibang selebrasyon ang naganap, hindi ba kapanapanabik?" masayang tanong ng babae na animo'y walang nangyari.
"Julie ang pangalan mo, tama ba?" tanong ni Julia, "Kung ganoon ay tama ang narinig ko tungkol sa kapatid kong ipinaampon ni Mama" pang-aasar niyang wika.
Kumunot ang noo ni Julie, "Tumahimik ka"
"Ipinaampon ka ni Mama dahil wala kang idudulot na kabutihan sa pamilya natin"
"TUMAHIMIK KA"
Inihiga ni Julia ng maayos ang kaniyang ina sabay tumayo at sumandal sa pinto habang ang kamay ay nasa likuran niya, "Paano ka namin mamahalin kung ikaw mismo ang papatay sa sariling pamilya mo?" tanong ni Julia at pasimple niyang iniikot ang door knob.
Salubong ang kilay ni Julie na nakatitig sa kaniyang kapatid, "Huwag mo akong gagalitin dahil baka isunod kita sa kanila"
"Mauuna kang mamatay sa akin" saad ni Julia sabay kaagad na binuksan ang pinto at tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Sinubukan niyang buksan ang pinto palabas ng bahay nila pero naka-lock ito, nilingon niya ang pintong pinanggalingan niya at nakita niyang papasok na si Julie sa kanilang bahay kaya tumakbo siya patungo sa pangalawang palapag ng bahay nila at dumiretso sa kaniyang kwarto. Ini-lock niya ang pinto ng kaniyang kwarto, tila nag-uunahan sa pagpintig ang kaniyang puso dahil sa kaba na nararamdaman niya. Ngunit mayamaya lang ay narinig niya ang malakas na paghampas sa pinto na mula sa labas. Napaatras siya sa gulat at nagpalinga-linga upang maghanap ng matataguan, muli siyang tumingin sa pinto at nanlaki ang kaniyang mata ng umikot ang door knob.
Tumakbo naman siya patungo sa kaniyang malaking aparador at pumasok siya doon upang magtago hanggang sa nakita niya si Julie na nakapasok na sa kwartong kinaroroonan niya. Mayroon itong hawak na kutsilyo, nakikita ni Julia ang kaniyang kapatid dahil nakasilip siya mula sa loob ng aparador.
"Julia, lumabas ka na. Hindi mo ba ako namiss?" tanong ni Julie na patuloy sa paggala ang mata sa loob ng kwarto, "Sumama ka na sa akin, mamumuhay tayo ng tahimik at kalilimutan ang nangyari ngayon" dugtong niya ngunit lumipas ang sampung segundo ay tila nagbago ang awra ng kaniyang kapatid dahil matalim na ang mga titig nito, "Lumabas ka na Julia, alam ko kung nasaan ka" wika nito sabay tumingin sa gawi niya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Julia at tinakpan ang kaniyang bibig upang hindi gumawa ng ingay, nakita niyang dahan-dahan na naglakad si Julie patungo sa kaniyang kinaroroonan, matalim ang mga titig nito at tila nakikita siya mula sa loob. Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang katawan at mabilis na pintig ng kaniyang puso, "You can't skip me, Julia... You are I" sambit nito, "I am you" huminto naman ito sa tapat ng aparador, "We are one" huling salitang sinabi ni Julie at kasabay nito ang pagbukas ng aparador na pinagtataguan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Julia nang bumungad sa kaniyang harapan si Julie at--- itinarak sa kaniyang dibdib sa bandang puso ang kutsilyong hawak nito. Ramdam ni Julia ang kirot sa kaniyang dibdib at pakiramdam niya ay nasusuka siya kaya kaagad niyang isinuka iyon ngunit dugo ang lumabas mula sa kaniyang bibig. Tumingin siya sa mga mata ni Julie na nakatitig sa kaniya at nakangiti ito ng malapad na animo'y hindi isang krimen ang kaniyang ginawa, "I told you Julia... You are I" saad ni Julie na animo'y isang demonyo at biglang hinugot ang kutsilyong nakatarak sa kaniyang dibdib kaya muling sumuka ng dugo si Julia sabay dahan-dahan na pumikit ang mga mata nito hanggang sa bawian siya ng buhay.
Naglakad si Julie palapit sa mini table sabay mayroong kinuha sa bulsa ng pantalon na suot niya at inilabas ito, litrato iyon ng tatlong sanggol na babaeng magkamukha. Kinuha niya ang frame sa mini table sabay inilagay doon ang litrato, nang matapos siya ay ibinalik niya ang frame sa ibabaw ng lamesa.
"Magkasama na kayo ni Julia, hindi ba siya ang gusto mong makasama kaysa sa akin? Kaya nga nag-away tayo at humantong sa kamatayan mo" saad ni Julie sabay ngumisi, "Kung sumama ka sa akin ay hindi ka mamamatay ng maaga" dugtong niya sabay nilingon niya ang aparador at naroon ang bangkay ni Julia, "Happy birthday sa ating tatlong, Julia. Nawa'y nagustuhan mo ang regalo ko sa iyo"
Patuloy na siyang lumabas ng kwartong iyon, habang naglalakad siya pababa ng hagdan ay tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa ng pantalon niya at kaagad na sinagot ang tawag...
"Alexus"
"[Where are you?]"
"Sa bahay nila Mama"
"[Kanina pa kita hinihintay dito sa condo]" inis na saad nito sa kabilang linya.
"I'm on my way! I love you"
"[I love you]" tugon nito at pinatay ang tawag.
Nang makalabas siya ng bahay nila Julia ay kaagad siyang sumakay sa kotse, nilingon niya muna ang bahay na pinanggalingan niya at sinimulan na magmaneho. Dalawang bahay na ang dinaanan niya nang ilabas niya ang maliit na bagay na mayroong isang button na pula, pinindot niya ito at rinig niya ang malakas na pagsabog mula sa bahay nila Julia. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Julie habang patuloy sa pagmamaneho.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro