Kabanata V
*FLASHBACK*
Nakatingin si Julia sa katapat niyang pulis na abala sa pagtitipa, tumingin siya sa katapat niyang upuan. Nakaupo doon si Lesley na matalim ang titig sa kaniya, napabuntong hininga si Julia at yumuko.
"Miss Ancero" panimula ng pulis.
Iniangat ni Julia ang kaniyang ulo hanggang sa magtama ang kanilang mata "Anong nangyari sa bar?"
"May n-natagpuan kaming patay sa labas ng bar" tugon ni Julia.
Ipinagsalikop ng pulis ang kaniyang dalawang kamay "Ang sinabi nitong si Lesley" turo niya sa kaibigan ni Julia "Ikaw ang salarin sa pagkamatay ng lalaki"
"Hindi po totoo iyan!"
"SINUNGALING" sigaw ni Lesley.
Gulat na tumingin si Julia sa kaniyang kaibigan "Alam mong hindi ako mamamatay tao, Lesley" may diin na wika ni Julia.
Ngumisi naman si Lesley "Really? Hindi ba ang sinabi mo sa akin ay siya ang lalaking nagtangkang gahasain ka sa loob ng comfort room?" sarkastikong tanong niya.
"Oo, but---"
"No! You're a killer" singhal niya.
*END OF FLASHBACK*
Bumalik sa huwisyo si Julia nang magsalita ang kaniyang ina "Anak"
"Po?"
Pinunasan ng kaniyang ina ang luha sa gilid ng mga mata niya "Don't cry, sweety! Everything will be okay"
Niyakap niya ang kaniyang ina "Mom, I'm not a killer" garalgal niyang saad.
Hinagod ng kaniyang ina ang likuran niya upang patahanin "I know"
Humiwalay siya sa pagkakayakap "Aakyat na po ako sa kwarto ko" saad ni Julia.
Hinalikan si Julia sa noo ng kaniyang ina "Good night!"
At tuluyan na siyang naglakad patungo sa kwarto. Nang makarating siya ay pagbagsak siyang humiga sa kama at bumuntong hininga. Nakatitig lamang siya sa kisame na animo'y nag-iisip...
"Paano namatay ang lalaking iyon?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Mayamaya lang ay tumunog ang kaniyang telepono, kinuha niya ito sa side table na katabi ng kaniyang kama at kaagad sa sinagot ang tawag, "Hello" panimula niya.
"[Pwede ba tayong magkita?]" pagsusumamo na tanong niya.
Bumuntong hininga si Julia "Okay! Pumunta ka na lang dito sa bahay" saad niya at kaagad na pinatay ang tawag.
Time has passed! Naramdaman ni Julia na mayroong kamay na humahaplos sa kaniyang buhok kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata hanggang sa maaninag nito ang pigurang nakaupo sa kaniyang tabi at pinagmamasdan siya.
Tinanggal naman ng lalaki ang kaniyang kamay sa mukha ni Julia at umupo ng maayos, "Sorry kung nagising kita" saad niya na animo'y nahihiya.
Umupo naman si Julia sabay sumandal sa headboard ng kama, "Kanina ka pa ba?" tanong nito.
Nakatitig lamang ito sa kaniyang mga mata, "Kararating ko lang rin" tugon niya, "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain, dumaan kasi ako sa drive thru bago ako pumunta dito dahil sigurado---"
"Hindi ka pa kumakain?" putol ni Julia sa sinasabi ng kaniyang kasintahan at tumango naman ito bilang tugon na animo'y inosente kaya gumuhit ang ngiti sa labi ni Julia, "Kumain muna tayo" dugtong nito.
Lumabas naman sila ng kwarto ni Julia at habang naglalakad sila sa hallway pababa sa hagdan ay narinig niyang nagsalita ang kaniyang kasintahan, "Babe?"
"Uhmp?"
"I'm sorry!"
Nilingon naman siya ni Julia, "Napatawad na kita kaya tama na ang sorry"
Akmang maglalakad na si Julia ay kaagad siyang hinawakan ni Ichi sa braso at ikinulong sa kaniyang mga bisig, isinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ng kaniyang kasintahan, "I love you" bulong nito.
Naramdaman naman ni Ichi ang kamay ni Julia sa kaniyang likuran at niyakap rin siya nito, "I love you"
At nang makarating sila sa kusina ay sinimulan nilang kainin ang binili ng kaniyang nobyo, "Babe?" tawag sa kaniyang no Ichi.
Sinulyapan niya lamang ito dahil sumubo siya ng Spaghetti, "Bakit?"
"Out of town tayo"
"Saan naman?"
"Doon na lang kaya sa pinuntahan natin last month"
Kunot noo niyang tinitigan ang kaniyang nobyo, "Saan iyon?"
"Sa Palawan"
"Palawan?"
"Oo, sabi mo sa akin na bumalik tayo doon at tuwang tuwa ka pa nga noong pumunta tayo doon" wika ni Ichi.
"Pumunta? Tayo? Last month?" nagtatakang tanong niya.
Tumango naman ang kaniyang nobyo, "Oo, nakalimutan mo na? Last month lang iyon"
"Hindi tayo nag-outing last month"
"Ha? Nag-outing tayo babe... Malilimutan ka na huh?!" biro nito.
Umiling naman si Julia na bakas pa rin sa mukha ang pagtataka, "Babe, hindi tayo nag-outing last month dahil out of town rin kami ni Mommy that time" paliwanag niya.
Tila naguluhan si Ichi sa sinasabi ng kaniyang nobya, "Babe, are you okay? Malilimutan kana yata! May nararamdaman ka bang kakaiba?" nag-aalalang tanong nito.
"Seryoso ako, Ichi" seryosong saad ni Julia ngunit natahimik ang kaniyang nobyo na tila nag-iisip, "Maliban na lang kung may kasama kang ibang babae" dugtong nito sabay tumaas ang kaniyang isang kilay.
"Ikaw lang ang babae ko, misis Flores"
Tila uminit ang pisngi ni Julia nang tinawag siyang misis ng kaniyang nobyo, "N-Naisip ko lang naman"
"Anong date kayo nag-out of town last month?" seryosong tanong ni Ichi.
"March 3"
Nanlaki naman ang mata ni Ichi na animo'y hindi makapaniwala, "Are you sure?"
"Oo, nasa passport iyon"
"M-March 3 rin tayo pumunta ng Palawan last m-month"
Muling kumunot ang noo ni Julia, "Huwag mo akong binibiro"
"Seryoso ako, babe"
"Pero imposibleng ako iyon dahil---" putol na saad ni Julia na tila may napagtanto sa kanilang pinag-uusapan.
"Babe, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kaniyang nobyo.
Tinitigan niya ang kaniyang nobyo, "H-Hindi ako ang k-kasama mo sa P-Palawan" nauutal niyang saad.
"Ha? Sino?" nagtatakang tanong ni Ichi. Kinuha niya naman sa bulsa ng kaniyang pants ang cellphone sabay nag-scroll ng ilang segundo at nang matapos siya ay kaagad niya itong ipinakita sa kaniyang nobya, "Iyan ang picture natin nang pumunta tayo sa Palawan" dugtong nito ngunit muling nanlaki ang mata ni Julia na animo'y nakakita ng multo kaya kaagad napatayo si Ichi sabay lumapit sa kaniyang nobya, "Hey, are you okay?"
"H-Hindi ako iyan"
"Ha?"
"Hindi ako ang kasama mo sa Palawan"
"Eh sino? May picture nga tayo"
Napalunok naman si Julia, pakiramdam niya ay nanlamig at nanlambot ang kaniyang katawan na tila nanghina, "K-Kambal ko?" patanong niyang tugon.
Kumunot naman ang noo ni Ichi, "Patay na ang kambal mo babe, kaya imposible ang sinasabi mo"
Tumingin naman siya sa mga mata ng kaniyang nobyo, "Totoo ang sinasabi ko"
Niyakap naman siya kaagad ni Ichi, "I know, naniniwala ako sa iyo"
Hinahaplos ni Ichi ang buhok ng kaniyang nobyo nang biglang may narinig silang kalabog sa labas ng bahay, sabay naman silang napatingin sa gawing pinto.
"May tao yata sa labas" saad ni Julia at akmang tatayo na siya ay kaagad siyang hinawakan sa braso ng kaniyang nobyo, kunot noong tumingin sa kaniya si Julia, "Bakit?"
"Huwag tayong lalabas... Delikado dahil gabi na" tugon ni Ichi na nakatanaw lamang sa pintuan at tumango na lamang si Julia bilang tugon.
Nang matapos silang kumain ay tumungo sila kaagad sa kwarto ni Julia, naglakad naman si Julia patungo sa kaniyang salamin upang magsuklay at ang kaniyang nobyo ay sumunod rin sa kaniya sabay niyakap niya si Julia mula sa likuran.
"Nagsusuklay ako, babe"
"Ako na ang magsusuklay sa iyo" suhestyon ng nobyo.
Ibinigay naman ni Julia ang suklay sa kaniyang nobyo at sinimulan nito suklayin ang kaniyang buhok, dahan-dahan nitong sinusuklay ang buhay niya ngunit nakatitig sa kaniya mula sa repeksyon ng salamin.
Natawa naman si Julia, "Bakit ka ba nakatitig sa akin? Matunaw ka niyan" biro niya.
Natawa rin ng mahina si Ichi, "Hindi nakakasawang titigan ang mukha mo"
Humarap naman si Julia sa kaniyang nobyo at tinitigan ito sa mga mata, "Talaga ba?"
Tumango naman si Ichi bilang tugon... Ipinulupot ni Julia ang kaniyang kamay sa batok ng kaniyang nobyo at mas lumapit pa ito kaya gumuhit ang ngiti sa labi ni Ichi sabay hapit sa beywang ng kaniyang nobya.
"Huwag kang ngumiti, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko" biro ni Ichi.
"Bakit mo pa pipigilan?"
Kaagad naman ni Ichi siniil ng halik si Julia, maingat ang paggalaw ng kaniyang labi. Dahan-dahan naman silang naglakad patungo sa kama nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi at nang makarating sila sa kama ay dahan-dahan niyang inihiga si Julia. Bumaba ang halik ni Ichi sa panga ng kaniyang nobya at tumingala naman si Julia upang bigyan ito ng permiso, habang pinagsasaluhan nila ang matatamis nilang halik ay may narinig naman nilang kaluskos sa labas ng kwartong kinaroroonan nila kaya kaagad huminto si Ichi sa kaniyang ginagawa at sabay nilang napalingon sa gawing bintana.
"Sino iyon?" nagtatakang tanong ni Julia.
Tumayo naman si Ichi at naglakad patungo sa bintana ngunit pinigilan siya ng kaniyang nobya, "Huwag kang lalapit sa bintana, baka magnanakaw iyan" saad niya na ramdam ang kaba at takot.
Nagpatuloy si Ichi sa paglalakad at huminto siya sa tapat ng bintana sabay inilock ito upang makasiguro, naglakad naman siya pabalik sa kinaroroonan ni Julia at hinalikan ito sa noo, "Matulog na tayo"
Kinabukasan! Dahan-dahan iminulat ni Julia ang kaniyang mga mata, lumingon siya sa kaniyang kaliwang gilid ngunit wala sa kaniyang tabi ang boyfriend niya. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo na tila nagtataka "Ang aga niya yata gumising" sambit niya sa kaniyang sarili.
Nagdesisyon siyang bumangon sabay tumungo sa banyo at--- nang natapos siya magprepare ay kaagad siyang tumungo sa sala, iginala niya ang kaniyang paningin ngunit walang tao. Tumungo rin siya sa kusina ngunit wala rin tao. Napakamot siya sa kaniyang ulo kasabay sa pagkunot ng kaniyang noo, "Saan sila pumunta?" nagtatakang tanong sa kaniyang sarili.
Nakasuot lamang siya ng short na kulay itim at over sized t-shirt na kulay puti. Naglakad naman siya patungo sa likod ng kanilang bahay, dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at bumungad sa kaniya ang kulay gintong lobo na nakakalat sa damuhan, mga upuan na may balot ng mga telang kulay ginto na ipinares sa kulay ng lobo, maliit na stage at mayroong drums doon katabi ng stand mic. Hanggang sa nahagip ng kaniyang paningin ang pigura ng isang lalaki na abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa long table.
Nilapitan niya ito, "Babe" sambit niya.
Lumingon naman ito sa kaniyang gawi, "Oh? Gising ka na pala"
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Julia.
Ngumiti naman ito sa kaniya, "Naghahanda"
"For what?"
Hinapit ni Ichi sa beywang ang kaniyang nobya sabay dampi ng kaniyang labi sa noo nito, "Happy birthday, babe" bati niya.
Nangilid naman ang luha sa mga mata ni Julia, "Ano ba 'yan?! Hindi mo naman kailangan mag-abala ng ganito. Masaya na ako sa pagbati mo sa akin"
"Pero hindi sapat sa akin ang simpleng bati lang" saad ni Ichi sabay yakap sa nobya, "Once a year lang ang kaarawan at deserve mo naman na handaan ng ganito" dugtong nito.
"Psh! Ang dami mong sinasabi" biro ni Julia.
Natawa naman ang kaniyang nobyo sabay hinawakan siya nito sa balikat at itinulak ng bahagya papasok sa loob ng bahay, "Kumain ka muna ng breakfast, nagluto ako kanina"
Huminto si Julia sa paglalakad at muling nilingon ang kaniyang nobyo na nasa likuran niya lamang ngunit nanatili itong nakahawak sa kaniyang balikat, "Talaga?" manghang tanong niya.
Tumango naman ito sa kaniya bilang tugon, "Kaya kumain ka na dahil lalamig na iyon"
Pinihit ni Ichi ang door knob sabay unang pinapasok sa loob ang kaniyang nobya at sumunod naman siya... Nang makarating sila sa kusina ay pinaupo ni Ichi si Julia sa upuan, kumuha naman ito ng pinggan at inilagay sa tapat ng kaniyang kasintahan.
"Where's Mama?" tanong ni Julia.
"Pumunta sa mall"
"Anong oras daw siya uuwi?"
"Mamaya nandito na iyon, mabibilhin lang daw siya."
Tumango-tango naman si Julia bilang tugon at sinimulan kumain, ninamnam niya ang pagkain na kaniyang kinakain nang biglang nanlaki ang kaniyang mata na tila hindi makapaniwala sabay tingin sa nobyo niya.
"Ang sarp huh?!"
Gumuhit naman ang ngiti sa labi ni Ichi, "Of course" pagmamayabang nito.
Natawa naman si Julia, "Pwede ka na mag-asawa" biro niya.
"Ikaw lang naman ang hinihintay ko"
Napahinto si Julia sa pagsubo ng pagkain dahil sa kaniyang narinig, dahan-dahan siyang tumingala at tumitig sa mga mata ng kaniyang nobyo at napalunok, "H-Ha?"
Umupo naman si Ichi sa katapat na upuan ni Julia sabay sumandok ng pagkain sa plato ng kaniyang nobya at isinubo Ito sa kaniyang sarili, "Hmm, masarap nga" saad ni Ichi na animo'y walang sinabi kanina.
Muling itinuon ni Julia ang sarili sa kinakain, "Sumandok ka ng pagkain mo"
"Bakit? Ayaw mo bang share tayo?"
Sumubo naman si Julia, "Kulang sa akin ito" reklamo niya sabay tingin sa kaniyang nobyo na halatang nagpipigil ng tawa, "Anong nakakatawa?" kunot noong tanong niya.
Umiling naman ito, "I love you"
Naramdaman naman ni Julia na uminit ang kaniyang pisngi kaya napayuko siya at muling sumubo ng pagkain, napansin naman niyang tumayo ang kaniyang nobyo sabay naglakad patungo sa kaniyang pwesto. Nang nakatayo na ito sa kaniyang likuran ay tumingala siya upang magtama ang kanilang paningin at nakatitig naman ito sa kaniya, "I love you" muling sambit ng kaniyang nobyo.
Dahan-dahan bumaba ang mukha ni Ichi hanggang sa maglapat ang kanilang labi... Ramdam ni Julia ang halik ng kaniyang nobyo na puno ng pagmamahal at respeto sa kaniya nang biglang--- may narinig silang nabasag na bagay sa likod ng kanilang sa bahay kung saan sila galing kanina. Awtomatikong naghiwalay ang kanilang labi at tumingin sa gawi ng pinto patungo sa likod ng bahay nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro