Kabanata II
Itinigil ni Julia ang kaniyang sasakyan sa parking area ng eskuwelahan, pinatay niya ang makina nito at lumabas ng kotse. Naglakad siya papasok sa loob at dumiretso siya sa kaniyang classroom. Nang makarating ay umupo siya sa kaniyang upuan na katabi ng bintana dahil hilig niya ang magandang tanawin.
Mayamaya lang ay dumating ang kanilang Professor at nagsimula ang klase...
Discuss
Discuss
Discuss
Dismiss
Lunch time! Naglalakad si Julia patungo sa cafeteria, malapit na siya doon nang biglang may babaeng humarang sa kaniyang harapan. Nakasimangot ito na animo'y bata, tinanggal ni Julia ang kaniyang wireless earphone na nakasuot sa kaniyang tainga "What?" iritang tanong niya.
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako nililingon" wika ni Lesley.
Itinaas ng bahagya ni Julia ang hawak niyang earphone "Now you know?"
Tumango-tango si Lesley na animo'y kumbinsido "Yeah! I see" nagpatuloy sila sa paglalakad.
Nang makarating sa cafeteria ay umorder sila kaagad at umupo sa vacant table na nasa bandang bintana, magkatapat ang dalawa. Lumipas ang 15 minutes ay dumating na ang kanilang order na inilapag sa table nila...
"Julia?" usal ni Lesley.
"Uhmp?"
"Nabalitaan mo na ba?"
Tumingin si Julia sa kaibigan niya "Ang alin?"
Biglang bumukas ang flat screen t.v. sa cafeteria, nakalagay ito sa may kataasan na pader at bumungad ang isang balita. Sumubo naman ng pagkain si Julia pero ang kaniyang kaibigan na si Lesley ay nakatitig sa balita na pinapanood niya.
"Isang magkasintahan ang natagpuang patay sa isang tulay na malapit sa Magenta University" wika ng reporter. Patuloy lang naman sa pagsubo si Julia pero nakikinig siya sa balita "Tadtad ng saksak sa dibdib ang biktima at may hiwa sa leeg" dugtong nito.
"Nakaraang balita ay ganiyan rin ang klase ng pagpatay" wika ni Lesley. Tumingin siya kay Julia na animo'y walang pakialam sa naririnig "Besh" usal nito.
Dahan-dahan na tumingin si Julia sa kaniyang kaibigan at tinitigan niya ito sa mga mata "Why?" inosenteng tanong niya.
"Nakikinig ka ba?" iritang tanong ni Lesley.
"Yeah!" tugon niya.
"Nakakatakot na ang school natin, besh!" wika ni Lesley na bakas sa mukha ang takot.
"Hindi ka nila pupuntiryahin dahil sa ingay mong iyan ay siguradong mahuhuli sila ng police" natatawang wika ni Julia.
Sumimangot si Lesley "Ang bad mo"
Tuluyan ng tumawa si Julia "I'm just kidding... Kumain na tayo"
Sumulyap si Julia sa bintana at tumingin sa kalsada, may nakita siyang dalawang batang babae na naglalakad, nakasuot ito uniporme at masayang nag-uusap. Napangiti si Julia...
*FLASHBACK*
Naglalakad si Julia at Jelly patungo sa labas ng eskuwelahan para bumili ng street foods, nang makarating sila ay ngumiti ng malapad si Jelly "Bal, kumuha ka na ng gusto mo" wika niya.
Tumingin sa kaniya si Julia "Kailan ka pa natutong kumain ng ganitong pagkain?" tanong niya.
"Matagal na! Kaklase ko rin ang nagturo sa akin na kumain ng street foods at nang natikman ko... Binalik-balikan ko na" nakangiting tugon nito.
Tumingin si Jelly sa mga pagkain na nasa kanilang harapan, kumuha siya nang isang stick ng bilog na pagkain at kulay orange ito, isinawsaw niya sa matamis na sauce sabay iniabot sa kaniyang kambal "Tikman mo"
Nakangiwi na tinitigan ni Julia ang hawak ng kaniyang kapatid "Sige na, tikman mo... Masarap iyan!" muling wika ni Jelly.
Dahan-dahan siyang tumingin kay Jelly "Are you sure?" tanong ni Julia at tumango naman ito sa kaniya.
Dahan-dahan niyang tinanggap ito, nang nahawakan niya ay kumagat siya ng kaunti. Habang ninanamnam niya ang bawat pagnguya ay tumingin siya sa kaniyang kambal na nakataas ang kilay na animo'y nagustuhan ang kaniyang kinakain, "Ang sarap nga!" masayang wika ni Julia.
Ngumiti si Jelly "I told you!" Kumuha siya ng isaw at isinawsaw sa hot soy sauce sabay sinimulan na kumain, tumingin siya sa kaniyang katabi "Tikman mo lahat" alok niya.
Tumango-tango lang naman si Julia dahil ngumunguya ito.
*END OF FLASHBACK*
Bumalik sa huwisyo si Julia dahil sa sigaw ng kaniyang kaharap "JULIA"
Kunot noo niyang tiningnan ito "What? Huwag ka nga sumigaw" inis nitong wika.
"Tsk! Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka naman... Ano ba ang problema mo?" iritang tanong ni Lesley.
"Sorry! May naalala lang ako" tugon ni Julia at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain.
Nang matapos silang kumain ay naglakad sila patungo sa classroom, abala siya sa pagtitipa sa kaniyang cellphone at katabi niya si Lesley na palinga-linga sa paligid nang biglang--- Tumilapon ang juice sa kaniyang uniporme at napaatras siya sa gulat "What the---" inis niyang wika.
"Naku! Pasensya na" natatarantang wika ng isang boses babae.
Tumingin siya sa babae pero abala ito sa pagpunas ng damit niya gamit ang tissue, kaagad niyang hinawakan ang kamay nito "Enough" usal niya.
Napatingin ito sa kaniya "I'm s-sorry!" nauutal niyang saad.
Tinanggal ni Julia ang pagkakahawak niya sa kamay ng babae "Tumingin ka sa dinadaanan mo, Miss" wika niya sa kalmadong tono.
"P-Pasensya na po talaga" muling wika nito.
Naglakad na siya palayo pero tatlong hakbang pa lang ang nagagawa niya ay tinawag siya ni Lesley "Julia, hindi mo man lang ba siya pagbabayarin sa ginawa niya?" inis niyang tanong.
Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating siya sa tapat ng classroom ay dumiretso siya kaagad sa loob at umupo sa kaniyang upuan, kumuha siya ng wipes sa kaniyang bag para punasan ang uniporme niyang medyo nabasa ng juice "Tsk! Mabuti na lang hindi nabuhos lahat sa damit ko." wika niya sa kaniyang sarili.
Napansin niyang may umupo sa kaniyang tabi "Umuwi ka na lang kaya para makapagpalit ka ng damit" suhestyon nito.
"No need... Hindi naman masiyadong nabasa kaya ayos lang!" wika ni Julia.
Mayamaya lang ay dumating na ang kanilang Prof. pero may kasama siyang estudyante... Lahat sila ay nakatingin sa dalawang tao na nakatayo sa kanilang harapan, inilapag ng Prof. ang kaniyang gamit sa table niya at tumingin sa lahat "Good afternoon, Class" panimula niya.
"Good afternoon, Professor" bati ng estudyante maliban kay Julia.
"May bago kayong kaklase" wika niya at tumingin siya sa kaniyang katabi "Introduce yourself" dugtong niya.
Tumango naman ang lalaki kay Prof. sabay tumingin sa lahat "Hi, I'm Alexus Javier from France" pakilala niya.
"Pwede ka na umupo" wika ng Prof.
Inilibot naman niya ang kaniyang paningin para maghanap ng upuan nang biglang--- nagsalita ang katabi ni Julia.
"Dito ka sa likod namin umupo, may vacant" wika ni Lesley.
Ngumiti siya ng malapad at naglakad patungo sa gawi nila Julia. Umupo siya sa likuran ng upuan nitong dalawa, nilingon siya ni Lesley "Hi, I'm Lesley! You can call me Ley" pakilala ng katabi niya.
Nanatili lang naman na nakikinig sa Prof. si Julia dahil nagsisimula na itong magklase "Alexus nga pala" pakilala ng nakaupo sa likuran nila.
"Julia"
Nilingon niya ang kaibigan "What?" tanong ni Julia.
"Wala ka bang plano na magpakilala kay Alexus?" tanong ni Lesley.
Bumuntong hininga si Julia at nilingon ang lalaki sabay inilahad ang kaniyang kamay "Julia" pakilala niya.
Ngumiti ng malapad ang binata at tinanggap ang kamay ng dalaga "Alexus"
Ngumiti na lang sa kaniya ng bahagya si Julia, muli niyang ibinaling ang kaniyang atensyon sa pagtuturo ng kanilang Prof.
Time has passed! Katatapos lang ng klase nila, iniligpit niya ang kaniyang gamit. Isinukbit niya ito sa kaniyang balikat at naglakad palabas...
"Julia, hintayin mo naman ako" pasigaw na wika ni Lesley.
Hindi niya nilingon ang kaniyang kaibigan, patuloy lang siya sa paglalakad... Naramdaman na lang ni Julia na nasa tabi niya na pala si Lesley "Ang hilig mo talagang iwan ako" reklamo nito.
"Ang bagal mo eh?!"
"Aba! Sinisi mo pa ako"
"Bakit ba nagmamadali ka? May pupuntahan ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Lesley.
Tumango naman si Julia bilang tugon "Saan? Sasama ako" wika ni Lesley.
"Hindi pwede"
"Why?" inis na tanong ng kaniyang kaibigan.
"Huwag na maraming tanong" inis na wika rin ni Julia.
Huminto siya sa tapat ng kaniyang kotse, binuksan niya ang pinto ng passenger seat para ilagay ang kaniyang gamit. Papasok na sana siya sa kaniyang kotse nang napansin niya si Lesley na nakatayo pa rin sa tapat ng kaniyang sasakyan, ipinatong ni Julia ang kaniyang dalawang kamay sa pinto ng kotse pero nanatiling nakatitig sa kaibigan "Ano na naman ba ang drama mo?" pabirong tanong ni Julia.
"Saan ka ba kasi pupunta?" muling tanong ni Lesley.
"Sa cemetery"
"Anong gagawin mo doon?"
"Maghuhukay"
"Ha?" nagtatakang tanong ni Lesley "Maghuhukay?" dugtong niya.
"Oo"
"Para saan?"
"Para ilibing ka"
Kumunot ang noo ni Lesley at matalim na tinitigan ang kaibigan pero tinawanan lang siya nito "Sumakay ka na kung gusto mo sumama" wika ni Julia at tuluyan na sumakay sa kotse.
Nagmadali naman sumakay si Lesley sa passenger seat, inilipat niya sa backseat ang gamit ng kaibigan kaya kunot noong tumingin ito sa kaniya. Nginitian lang ni Lesley ang kaibigan at nagsimula na itong magmaneho...
Habang nagmamaneho si Julia ay binuksan ni Lesley ang radyo para makinig ng musika... Malapit na sila sa cemetery nang biglang--- kaagad na tinapakan ni Julia ang preno kaya muntik na sumubsob si Lesley.
Kunot noo siyang tumingin kay Julia "Ano ba Julia?! Dahan-dahan naman sa pagmamaneho" reklamo nito.
Nanlaki ang mata ni Julia kaya nakatingin pa rin siya sa harapan...
"Julia" tawag ni Lesley "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Nilingon siya ni Julia "Lesley"
"What?"
"Nakita mo ba iyon?"
"Ang alin?"
"Iyong dumaan na babae" wika ni Julia kasabay ng paturo niya sa kanilang harapan.
Tumingin naman sa labas si Lesley at hinagilap ang babaeng sinasabi ng kaniyang kaibigan "Ha? Wala naman eh?!"
Muling tumingin si Julia sa labas "Meron... Bigla siyang tumawid kaya nga tinapakan ko kaagad ang preno" paliwanag ni Julia.
"Nakita mo ba kung saan siya tumakbo?" tanong ni Lesley.
"Hindi" tumingin siya kay Lesley "B-Bigla siyang n-nawala"
Kunot noong tumingin sa kaniya ang kaibigan niya "Ha? Anong pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ni Lesley.
"Ang sinasabi ko... May babaeng tumawid kaya nagpreno ako dahil baka masagasaan ko pero bigla siyang nawala na---- na parang bula" mahabang paliwanag ni Julia.
"Kalimutan mo na iyon!" wika ni Lesley para pakalmahin ang kaibigan "Pumasok na tayo sa loob" dugtong niya.
Muli siyang nagmaneho papasok sa loob ng cemetery at iginarahe niya ito sa gilid ng highway sa loob ng cemetery. Lumabas sila sa kotse, binuksan ni Julia ang compartment ng kotse niya para kunin ang bulaklak at kandila... Naglakad na sila hanggang sa kalagitnaan at huminto sila sa tapat ng isang puntod na lapida lang ang nakikita sa ibabaw ng bermuda grass. Inilapag ni Julia ang bulaklak sa ibabaw ng lapida, umupo siya sa grass ng Indian sit at sinidihan ang kandila. Umupo naman si Lesley na nakatukod ang isang tuhod sa lupa at ang isang paa ay ginawa niyang tukod.
Hinimas ni Julia ang lapida "Hi Bal" usal niya "Sorry kung ngayon lang ako pumunta" dugtong niya.
"Ang tagal na rin noong huling pumunta ka sa kambal mo" wika ni Lesley.
"Oo nga eh?! Masiyado na akong busy sa pag-aaral" wika niya.
"Naiintindihan niya naman iyon! Teka---"
Tumingin sa kaniya si Julia na nagtataka pero nakatitig lang sa lapida si Lesley "Malapit na pala ang birthday niyo" wika nito.
Muling tumingin si Julia sa lapida "1 week na lang ay birthday na namin" may kinuha siya sa kaniyang bag at inilapag sa ibabaw ng lapida.
"Favorite niya ang tobleron?" tanong ni Lesley.
Tumango si Julia nang hindi niya tinitingnan ang kaniyang kaibigan....
2 hours na ang lumipas pero narito pa rin sila sa cemetery, nakahiga si Julia sa bermuda at nakaupo lang si Lesley sa kaniyang tabi "Julia, nagugutom na ako" reklamo ni Lesley.
Tumayo si Julia kaagad sabay tumingin sa kaibigan niya "Tara, nagugutom na rin ako" wika niya.
Tumayo na rin si Julia sa kaniyang pagkakaupo, sinulyapan ni Julia ang puntod ng kambal niya "Uuwi na kami, Bal... Babalik na lang ako next week" wika niya at tuluyan na silang sumakay sa kotse.
Sinimulan magmaneho ni Julia palabas ng cemetery, paglabas ay tinahak nila ang daan patungo sa mall... Habang nagmamaneho ay naisipan magtanong ni Julia "Saan ba tayo kakain?"
Sinulyapan ni Julia si Lesley at nakatitig pala ito sa kaniya "Sa Chowking?"
"Ayaw ko"
"Jollibee?"
"Ayaw"
"McDo?"
Umiling si Julia "Saan mo ba gustong kumain?" iritang tanong niya.
"Greenwich" tugon ni Julia.
"Again?"
"Why?"
"Hindi ka ba nagsasawa sa Greenwich?"
"No"
"Sa ibang resto na lang tayo kumain"
"Saan naman?"
"Kuya J" suhestyon ni Lesley.
"Ayaw"
"Alam mo umorder ka lang ng take out sa Greenwich at o-order rin ako ng take out sa Kuya J" wika ni Lesley.
"Then?"
"Maghanap na lang tayo ng park na pwedeng tambayan at doon natin kainin ang binili natin"
"Sige---" naputol ang sinasabi ni Julia dahil biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Kinuha niya ito na nakalagay sa harapan ng manibela at sinagot ang tawag, sinulyapan niya muna si Lesley na nakatingin na sa labas bago siya nagsalita "Hello"
"[Julia, where are you?]" tanong ng nasa kabilang linya.
"Why?"
"[We need to talk about---]"
"I know" putol niya sa sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya "I'll call you later" dugtong niya at pinatay na ang tawag.
"Sinong tumawag sa iyo?" tanong ni Lesley.
"Cousin ko" tugon ni Julia.
Napansin niyang tumango-tango ang kaniyang kaibigan na animo'y kumbinsido...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro