Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata I

Halos isang oras ng nag-ti-tipa sa keyboard si Julia na abala sa report na kaniyang ginagawa, kailangan niya itong matapos para maipasa sa kaniyang guro bago dumating ang deadline. Nang matapos siya ay iniunat niya ang kaniyang dalawang kamay kasabay nang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi.

"Finally! Natapos ko rin" wika niya sa kaniyang sarili. Pinindot niya ang Button at Save Us para ma-i-save niya ang kaniyang ginawa. Nang natapos ay isinara niya ang kaniyang laptop at tumayo.

Tumungo siya sa kanilang kusina para kumuha ng tubig. Binuksan niya ang refrigerator, kinuha niya ang isang babasaging pitsel sabay kumuha ng isang baso at isinalin doon ang tubig.

Tinungga niya ito, napatingin siya sa pinto at bumungad ang kaniyang ina na nakatitig sa kaniya "Ma, ginulat mo naman ako" wika niya na bakas ang gulat sa mukha.

*FLASHBACK*

Lumaki sa hirap sila Julia, katulad ng iba ay isang kahig at isang tuka lamang sila. Elementarya sila ng naranasan nila ang buhay na iyon.

Lumapit si Julia sa kaniyang ina na abala sa paglalaba, ito ang trabaho ng kaniyang ina upang makatawid sa gutom, "Ma, pahingi po ng baon namin ni Jelly" wika ni Julia.

Humarap sa kaniya ang kanilang ina "Anak, pasensya na pero wala pa maibibigay na baon sa inyo si mama" malungkot na wika ng kaniyang ina.

Naawa siya sa kaniyang ina dahil halatang nahihirapan ito sa mga iba't ibang trabaho na ginagawa para makakain sila. Ngumiti ng malapad si Julia para hindi mahalata ng kaniyang ina ang lungkot at awa na bumabalot sa kaniyang puso "Ayos lang po, Ma! Kumain naman kami ng almusal. Sige po, papasok na kami" paalam ni Julia sa ina.

Tumango lang ang kaniyang ina, nang naramdaman niyang nasa tabi na niya ang kaniyang kambal ay nilingon niya ito "Tara na, Jelly! Mahuhuli na tayo sa klase" muli siyang lumingon sa ina bago umalis ng tuluyan.

Naupo siya sa upuan na nasa dulo dahil iyon na lang ang bakanteng upuan... Lumipas ang minuto ay dumating na ang kanilang guro, inilapag nito ang bag sa table at tumingin sa lahat "Good morning class" usal ng kanilang guro.

"Good morning Ma'am" tugon naman pabalik ng mga estudyante niya.

Discuss

Discuss

Discuss

Dismiss

Nang matapos ang klase ay kaagad niyang isinilid sa kaniyang bag ang notebook na ginamit niya kanina, isinabit niya sa kaniyang balikat ang strap ng bag at tuluyan ng lumabas ng classroom. Habang patungo siya sa classroom ng kaniyang kambal na si Jelly ay nakita niyang nagkakagulo sa tapat ng room nito, kumpulan ang mga estudyante. Nakaramdam siya ng kaba kaya kaagad siyang tumakbo patungo sa nagkumpulan, sumiksik siya sa mga nasa harapan niya at rinig niya ang reklamo ng iba.

"Ano ba?! Huwag kayong manulak"

"Bakit kasi may sumisingit? Tsk!"

"Aray! Natapakan ang paa ko"

Hindi niya na lang pinansin ang mga reklamo ng mga estudyanteng kagaya niya dahil patuloy siya sa pagsingit. Nang makarating sa unahan ay bumungad sa kaniya ang mukha ni Jelly na may dugo ang labi, basang basa ang damit at halatang malagkit ang ibinuhos sa kaniya, namumugto ang mga mata dahil iyak ng iyak at nakaupo siya sa sahig na animo'y kawawang bata.

Natatarantang lumapit siya sa kapatid kasabay ng paghawak niya sa magkabilaan nitong pisngi, nakatitig naman ito sa kaniya "Anong nangyari?" tanong ni Julia.

Wala siyang natanggap na sagot mula rito dahil patuloy lang ito sa paghikbi, niyakap niya ito para tumahan at niyakap naman siya nito pabalik.

Habang magkayakap ang magkapatid ay nagsalita ang isang batang lalaki na halatang maangas sa tono pa lang ng pananalita nito "Ano Jelly? Naghanap ka na naman ng kakampi mo" natatawang wika nito "Duwag ka talaga, Jelly" dugtong ng batang lalaki.

Hindi nagsalita ang magkapatid pero bumulong si Julia sa kaniyang kambal "Anong nangyari? Sabihin mo sa akin" tanong njya na pilit pinapakalma ang sarili dahil sa inis na nararamdaman.

Huminga ng malalim si Jelly para makapagsalita ng maayos, nang kumalma siya ay sinimulan niyang magkuwento sa kaniyang kapatid "Palabas na ako ng classroom pero pinatid ako ni Benedick kaya nadapa ako sa sahig" kumalas siya sa pagkakayakap ng kambal at tinitigan niya si Julia "Pero--- imbis na tulungan ako ay pinagtawanan lang nila akong lahat at binuhusan ako ng juice" dugtong niya at yumuko.

Mariin na ipinikit ni Julia ang kaniyang mata, nang iminulat niya ay kaagad siyang tumayo kasabay ng pagsuntok niya kay Benedick. Napaupo ito sa lakas ng suntok niya, tumingin naman ito sa kaniya na nangingilid ang luha. Iniangat ni Julia ang manggas ng kaniyang uniporme na animo'y siga sa kanto "Ano? Iiyak ka? Kalalaki mong tao pero iiyak ka dahil sinuntok ka ng babae" natatawang wika ni Julia.

Tumawa naman ang lahat ng estudyanteng naroon, kumunot ang noo ng batang lalaki at suminyas. Lumingon si Julia sa kaniyang kambal, nakita niya ang isang batang lalaki na may hawak itong arm chair na sira. Akmang hahampasin ng lalaki si Jelly ay mabilis pa sa alas quatro ang paglapit ni Julia sa lalaki kasabay ng paghawak niya sa kamay nito para pigilan.

Gulat naman na tumingin sa kaniya ang lalaki "Subukan mong saktan ang kambal ko, ako ang makakalaban mo" maangas na wika ni Julia.

Sinipa ni Julia ang pagkalalaki ng bata kaya nabitiwan nito ang hawak na arm chair at tumalon talon dahil sa sakit. Muli siyang lumingon sa kaniyang likuran, tumingin siya sa kapatid niya na nakaupo pa rin. Lumapit siya kay Jelly at inalalayan itong tumayo, nang makatayo ito ay isinuot niya paharap ang bag ng kaniyang kapatid.

Naglakad sila palayo sa mga ito, tumabi naman ang mga nakapalibot na estudyante upang bigyan sila ng daan. Nang dalawang dipa na ang layo nila sa mga ito ay huminto siya sa paglalakad at ganoon rin ang kapatid niya, lumingon siya sa likuran nila, nakatitig pa rin sa kanila ang mga ito "Ito na ang huling beses na sasaktan niyo ang kapatid ko" banta niya sa mga estudyanteng kagaya nila.

Mayroong nagulat, natakot at ang iba ay walang pakialam sa sinabi niya. Nakahawak si Julia sa dalawang braso ng kapatid para alalayan at nagpatuloy na sila sa paglalakad.

*END OF FLASHBACK*

Habang kumakain ang mag-ina ay tumayo si Julia "Saan ka pupunta, hija? Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo" turan ng kaniyang ina.

"Bubuksan ko lang ang t.v, Ma" tugon niya. Tumungo siya sa sala para buksan ang telebisyon, dinagdagan niya ang volume nito para marinig nila sa kusina. Inilipat niya ang channel sa balita at kaagad naman siyang bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang pagkain ng pananghalian.

Paubos na ang kinakain nila nang marinig nila ang balita "Isang dalagita ang natagpuang patay malapit sa Magenta University" wika ng reporter. Patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain "Tadtad ng saksak sa dibdib ang biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay ngunit may hiwa rin ito sa kaniyang leeg" dugtong na pahayag nito.

"Grabe ang pagpatay sa bata, nakakaawa naman" turan ng ina. Tumingin siya sa kaniyang ina "Mag-iingat ka palagi, Julia. Every week may binabalita na ganiyan, mas kinakabahan ako dahil doon ka nag-aaral sa Magenta University" dugtong nito.

Ngumiti si Julia "Ma, kaya ko po protektahan ang sarili ko... Nakalimutan mo po yata na black belter ang anak mo" pabirong wika niya.

Ngumiti ang ina "Hindi ko naman nalilimutan iyan, anak. Natural na mag-alala pa rin ako sayo dahil anak kita at mahal kita"

Tumayo si Julia at lumapit sa ina, niyakap niya naman ito "Don't worry, Ma... Mag-iingat po ako palagi"

Nang natapos silang kumain ng tanghalian ay nagpaalam si Julia na pupunta siya ng mall upang makipagkita sa kaibigan niya, pumayag naman ang kaniyang ina.

Nang makarating sa mall ay lumabas siya nang kaniyang kotse, tumungo siya kaagad sa loob ng mall at tinawagan ang kaibigan.

Sinagot naman ito kaagad "[Hello?]"

"Anong hello? Nasaan ka na? Narito na ako sa mall" inis na wika ni Julia.

"[Sandali lang, paalis pa lang ako]" tugon sa kabilang linya.

"ANO?" gulat at may bahid ng inis na tanong ni Julia "Ikaw ang nagdecide ng oras nang pagkikita natin pero---"

"[Hep!]" putol niya sa sinasabi ni Julia "[On the way na ako, huwag ka na magreklamo. Bye!]" dugtong nito at pinatay ang tawag.

Bumuntong hininga na lang si Julia dahil wala naman siyang magagawa, naisipan niyang maglakad lakad sa loob ng mall. Nakasabit sa kaniyang braso ang bag niya, nakasuot siya ng sleeveless dress na above the knees at pinatungan niya ito ng coat na hanggang beywang niya ang haba with black high heels.

Habang naglalakad ay huminto siya sa tapat ng isang tenant na palagi nilang pinupuntahan ni Jelly, pumasok siya doon at tumingin ng mga items na nasa display. Mga silver na alahas ang ibinibenta nila, patuloy lang syia sa pagtingin ng mga ito. Huminto siya sa tapat ng isang bracelet na pumukaw ng kaniyang atensyon, isa itong bracelet na may mga nakasabit na maliit na puso sa paligid nito.

Ngumiti siya dahil sa ganda nito, nang biglang may nagsalita sa kaniyang gilid "Gusto niyo po makita, Ma'am?"

Kaagad siyang tumingin sa nagsalita, isa itong saleslady, tumango naman siya kaya kumilos agad iyong saleslady para kunin ang bracelet. Nang nakuha niya ay iniabot niya ito kay Julia na may ngiti sa labi. Tumingin si Julia sa bracelet sabay tumingin sa saleslady na nakatitig lang sa kaniya "Subukan niyo po isuot, Ma'am" wika nito.

Muling tumingin sa bracelet si Julia, kinuha niya ito at tinanggal sa box na kinalalagyan nito. Iniangat niya ito ng bahagya para matitigan ng malapitan...

Ang ganda niya talaga!
Kumikinang na animo'y isang ginto.

Ibinalik niya ito sa box at iniabot sa saleslady na nagtatakang nakatingin sa kaniya "Bigyan mo pa ako ng isa na katulad ng disenyo niyan. Dalawa ang bibilihin ko" wika ni Julia.

Ngumiti ng malapad ang saleslady "Certainly, Ma'am" wika nito at tumungo sa isang pinto.

Umupo si Julia sa maliit na couch na nakalagay sa isang gilid, habang naghihintay ay kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag na dala niya at sakto naman na tumawag ang kaniyang kaibigan.

"[Julia, nasaan ka? Narito na ako sa mall]"

"Where are you?"

"[Ayy! Ano ito? Tanungan? Kaloka ka! Narito ako sa Greenwich, hihintayin kita dito]"

"Okay!" tugon ni Julia at pinatay na ang tawag.

Nakita niya naman na lumabas na ang saleslady na nag-assist sa kai'ya kanina, tumungo ito sa cashier at tumingin sa kaniya "Ma'am, dito na lang po kayo magbayad" nakangiting wika nito.

Tumayo siya at tumungo sa cashier... Nang natapos ang kahera sa pagpunch ay nagsalita ito "Your total bill Ma'am is 6,500 pesos"

Kumuha siya ng 7k sa wallet niya at iniabot sa kahera, tinanggap naman ito at muling nagsalita "I received 7,000 pesos, Ma'am" tumango lang naman si Julia.

Nang natapos ang kahera ay iniabot niya ang paper bag na may laman ng dalawang bracelet na pinamili ni Julia at barya nito "Here's your change Ma'am, 500 pesos... Thank you and God bless" nakangiting wika ng kahera.

"Keep the change" wika ni Julia at sinimulan na maglakad, bago pa siya makalabas ng tenant na iyon ay narinig niya pa ang sinabi ng mga nagbabantay doon "Thank you Ma'am, God bless" ngumiti na lang siya at tuluyan ng lumabas.

Nang malapit na siya sa Greenwich ay natanaw niya kaagad ang kaniyang kaibigan dahil salamin ang wall ng fastfood na iyon. Pumasok siya sa loob, nang makarating siya sa table ng kaibigan ay umupo siya sa katapat ng upuan nito, inilapag sa katabi niyang upuan ang kaniyang pinamili at ang bag niya.

Tumingin siya sa kaibigan niya na nakakunot ang noo "Kailan ka ba magbabago? Always ka na lang late... Gosh, Lesley!" maarteng wika ni Julia.

Nagpeace sign naman ang kaniyang kaibigan "Sorry na, besh! Si Jerry kasi nagpalambing pa---"

"Okay, okay, okay!" putol ni Julia sa paliwanag ng kaibigan niya "I told you! Ayaw kong marinig ang about sa mga ganiyan, nakakaumay!" dugtong niya.

"By the way! Umorder na ako ng foods natin dahil alam kong ayaw mong pinaghihintay ka" wika ni Lesley sabay ngumiwi.

Matalim siyang tinitigan ni Julia kaya ngumiti siya na animo'y isang aso na takot sa kaniyang amo "Joke lang!"

Tumingin si Julia sa mga pagkain na nakahain sa kanilang harapan, pizza, lasagna, rice, chicken at drinks. Nestea ang drinks ni Lesley at sa kaniya naman ay Pineapple Juice.

Kinuha ni Julia ang kaniyang juice sabay humigop ito sa straw, tumingin siya kay Lesley na abala sa paghiwa ng pizza "Teka---" usal niya.

Nagtatakang tumingin sa kaniya si Lesley "What?" tanong nito.

Tumawag si Julia ng waiter, nang lumapit ito sa kanila ay binuhat niya ang pizza sabay iniabot sa waiter "Paki slice iyan, dapat hinihiwa niyo na ang pizza bago i-serve sa customer" mataray niyang wika.

Napayuko ang waiter "I'm sorry, Ma'am" sabay naglakad patungo sa kusina nila.

Muli siyang humigop ng pineapple juice at napatingin kay Lesley na nakatitig sa kaniya "What?" iritang tanong niya.

"Pati waiter sinusungitan mo, umayos ka nga Julia" saway sa kaniya ng kaibigan. Bumuntong hininga na lang siya at nagsimula na silang kumain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro