#yaoeWP || ninety-nine
• keeping up w/ the faustos •
Today ; 8:48 PM
Luzviminda
Gising pa ba magaganda kong anak 😘
Jacqueline Nadine
mag-9 pa lang po dito, ma HAHA
so yes, we're very much awake
Luzviminda
Naghapunan na kayo, nak?
Jacqueline Nadine
kakatapos lang po maghugas, ma
is lana offline?
Luzviminda
@Lana Vanette
Nak
Lana Vanette
Ay sorry po HAHAHA
Kumain lang 😩
Luzviminda started a group video call.
You joined the call.
Lana Vanette joined the call.
[Messenger Video Call]
Luzviminda: [rustling] Gaganda talaga ng mga anak ko, manang-mana sa 'kin!
Linnie: Ma, your camera's off again. [smiles] Pindutin niyo po 'yong mukhang video cam sa baba.
Luzviminda: [rustling] Saan ba? Ito ba? Ayan, 'nak? Nakikita niyo na 'ko? [inikot ang phone] Naghuhugas pinggan Papa niyo, tingnan niyo.
Lana: [laughs] Yes, Ma, nakikita na po namin.
Luzviminda: Ay, hala. Lana, ngayon ka pa lang naligo? [pumalatak] Alam niyo namang delikadong magkasakit ngayon tapos. . . [bumuntonghininga]
Lana: Nag-init naman po ako ng tubig, ha-ha, saka maaga pa po kaya.
Luzviminda: Anak, ang ligo, sa umaga dapat. Hindi sa gabi. [umiling-iling]
Teo appeared at the upper right corner of the frame. He towered over Linnie before finally sitting down. Nang makuha ang gustong posisyon, bahagyang lumapit at kumaway ito sa camera.
Teo: [waves] Hi, Ma!
Linnie: [scrunches her nose, whispers] Mama ka d'yan.
Luzviminda: Ay, kay guwapo! 'Yong Papa mo pala, 'nak, 'di pa rin namin makita sa Facebook. Ano bang pangalan niya do'n? Dali, para maging friends kami.
Teo: Wala po siyang account, e, ha-ha. Nakakasira daw po ng mata.
Luzviminda: Totoo naman, 'nak. Kung 'di lang kailangan para makausap namin sila Jacqueline, 'di rin ako magpi-Facebook. 'Gang ngayon, 'di ko nga alam password ko, ha-ha.
Linnie: [chuckles] Okay, Ma, what is it? I can sense you're building up to something. Lalo akong kinakabahan, so please just talk.
Luzviminda: Hay. [bumuntonghininga] Dahil mukhang ayaw naman sabihin ni Lana, sige. Ako na. 'Di naman sinasadya ng kapatid mo, 'nak. Ayokong nag-aaway kayo kaya sabi k—
Lana: [gasps] Ma, naman, e! My God, 'di ko pa po nasasabi kay Ate, hu-hu.
Linnie: Ang alin? [shuts her eyes, grips Teo's hand] Are you pregnant?
Lana: Ha? [bumulanghit ng tawa]
Linnie: Okay. I'll take that as a "no" so — [huminga nang malalim] — ano nga?
Lana: [sighs] Alam ko namang 'di ka magagalit pero medyo nakaka-guilty kasi. . .
Teo: [chuckles softly] Kung ako sa 'yo, Lana, bibilisan ko na explanation ko. Do you see this? [tinuro at pilit na idiniretso ang nakakunot na noo ni Linnie]
Luzviminda: Sige na, anak.
Lana: Uhm. . . [ngumiti nang maliit] nasabi ko po kina Mama na nag-break kayo, he-he. I also. . . may have. . . accidentally mentioned — [smacks her lips] — that you resigned.
Linnie: Is that why you haven't been online lately? Iniiwasan mo 'ko kasi akala mo, magagalit ako?
Lana: I mean, 'di naman po ako takot sa 'yo pero — [smiles sheepishly] — ang off lang sa feeling na naunahan kita, Ate. I'm sorry, hu-hu.
Linnie: You got us thinking you were pregnant. [sighs exasperatedly] Sinabi mo na sana, una pa lang. Sasabihin ko rin naman kina Mama, so really, it's not a big deal, Lana.
Luzviminda: Sabi ko sa 'yo, 'nak, e. [pumalatak] Bakit pala kayo nag-break, 'nak?
Linnie and Teo exchanged glances.
Linnie: Uh, actually, Ma, ak—
Teo: Minor disagreement lang naman po 'yon, ha-ha. Nauwi lang po sa breakup kasi 'di po kami nakapag-usap agad. Naging busy po kasi sa shop. She got busy, too, but yeah — [smiles at Linnie] — okay na po. Okay na po ngayon.
Linnie: [whispers, smiling] Thanks for that. She would have asked why over and over again.
Luzviminda: [tumango-tango] E, 'yong sa trabaho mo, 'nak? Kumusta pala?
Linnie's father, Danny, sat beside her mom. Malamlam ang mga mata nito, mukhang inaantok. Bahagyang naningkit ang mga mata nito nang mapatingin sa camera. He must have seen Teo.
Linnie: I did resign but I have a job right now. Iba lang pong company. Ibang position din po pero same tasks. [sighs] Lana, don't pout. I'm not mad.
Lana: [pouts] Sorry talaga, Ate. Promise, 'di ko naman intention na ilaglag ka or pangunahan ka.
Linnie: By the way, did you receive the cheesecake from Jo?
Lana: [nods] Naubos nga namin ng dorm mates ko, ha-ha.
Danny: [lumapit sa camera] Teo?
Teo: Po?
Danny: Suot mo ba 'yong regalo ko? [ngumiwi] Sabi ko naman sa 'yo, suot mo. 'Yong gano'n, 'di dapat tinatago. Masasayang lang 'yon.
Linnie: Pa, it's a watch. [sighs] 'Di 'yon nabubulok.
Teo: Nakakahiya lang pong isuot. [umiling-iling] Ang ganda po, e.
Danny: A. . . e 'di sige. Ikaw ang bahala. Kayo bang dalawa, kailan kayo magpapakasal, 'ha? Sasabihan niyo kami agad para makakauwi kami.
Linnie: That came out of nowhere. [scrunches her nose] Really, Pa? From relo to kasal?
Luzviminda: [tumatawa] Pagpasensyahan mo na, 'nak. Alam mo namang bibihira makipag-usap sa tao 'tong Papa mo, e.
Danny: Tinatanong ko lang naman, hon, kasi ang tagal na no'ng kinausap tayo ni Teo pero hanggang ngay—
Teo: [umayos ng upo] Hala, wait lang po! [pinatay ang camera] Medyo humihina po yata internet namin. Hmm, bakit gano'n? We just paid the bill, 'di ba, babe? [turns the camera off again] Kita na po ba kami? [kumaway]
Chuckling softly, Linnie reached for her laptop. Muli niyang pinatay ang camera. She muted the audio, too. After that, she faced Teo. Nakaloloko ang malawak nitong ngiti pero mukha rin itong kabado.
Linnie: You asked for their blessing? [nangingiting umiling at saka, bumuntonghininga] Kailan?
Teo: Last year pa.
Muli silang napalingon sa laptop nang tawagin sila ni Lana.
Lana: Ate, chat ka na lang later, 'ha? Looks like marami kayong need pag-usapan ni Kuya. [natatawang kumaway sa camera] Bye po muna, I'm kicking you out.
[Call in Progress]
Today ; 9:42 PM
The call ended.
Luzviminda
Nak @Jacqueline Nadine
Nagpropose na ba?
Jacqueline Nadine
???
ma, please?
Lana Vanette
Ma HAHAHAHA
Kakasabi ko lang
Na wag mang-pressure eh 😭
✓ Seen by everyone except Danny • 9:45 PM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro