#yaoeWP || fifty-one
• mga alagad ni jojo •
Today ; 8:53 PM
paupau
@everyone
Buhay na ba kayo?
luhna
Offline pa po si Ate
paupau
Ah baka nasa CR pa
Naligo raw sabi ni Teo eh
Wait na lang natin
@jojo ?
Are you there?
jojo
sadly
oo
alive and kicking pa
joke lang hahaha
sino pa ba wala
@Dolly Anne
hoy
di ka exempted
porket bumati ka ng 12 mn
paupau
She's here HAHA
Kanina pang umaga
Ah
Which reminds me
On the way na yung food niyo
Around 45 mins ago pa na-pick up
Binigyan ko rin yung rider
Lalayo niyo eh
luhna
Kuya, may shanghai ba 😋
Inaabangan ng dorm mates ko eh hehe
I told them about your mom
Eh natikman nila yung padala ni Tita last time
jojo
HAHAHAHHAHA
ay di pa ba nasasabi ni pau sayo
inubos ni dolly yung shanghai
paupau
Sorry na nga HAHA
Konti lang din kasi niluto ni Mama
I told her you won't be coming
Because of the lockdown
Gets naman niya yun
Pero ayun HAHAHA
Si Dolly na lang daw palalamunin niya
luhna
Hala
Napakadaya naman, Kuya
Oh, wait
Edi ano po pala yung sa deliver?
paupau
Carbonara
May spag din
Chicken din meron
I gave you cake, too
Pero tig-isa lang kayo ng slice
Ay
May soju rin pala HAHA
jojo
kakarating lang
huhu
may yakult pa
i love you so much mariano paulo
pramis gagandahan ko regalo ko
di na ko maniningil
paupau
Oo na HAHA
i love you, too
Pero saan na ba si Linnie?
It's almost 9
luhna
Ay ayan
Active na
Ate @Jacqueline Nadine
linnie
sorry
nag-away kami ni teo eh
jojo
ay weh
bakit?
linnie
i just got out of the shower
and then look
luhna
Hala di ko nuggets 🫤
jojo
HAHAHAHAHAH
ang dami nang bawas
linnie
sabi pa niya
chineck lang daw niya kung may hipon
ugh
paupau
Okay
So it's just you being in denial
Pwede na ba kong gumawa ng link?
linnie
what?
anong in denial?
i'm not in denial about anything
jojo
oo na
sige na
tama ka na
paupau
HAHAHAHAH
Pasok na lang kayo
https://meet.google.com/ivh-pmyt-iyz
✓ Seen by everyone except Dolly Anne • 9:09 PM
( ❋ )
• Google Meet: April 23, 10:10 PM •
( ❋ )
• Call Duration •
01:01:09
Linnie: [moves closer to the camera] Wait, what? Sorry, 'di ko narinig 'yong last. Anong nangyari sa inyo ni Jess?
Jojo: [umiwas ng tingin] E, ayon nga. Biglang 'di na naman siya ready sa commitment. Parang ewan, 'di ba? Sabi niya, friends na lang daw kami ulit.
Linnie: Ulit? Wasn't that your arrangement in the first place?
Jojo: Isa ka pa.
Linnie: I was just asking? [natawa] Ayon kasi huling balita ko from you.
Jojo: Okay, yes, 'yon nga napag-usapan namin pero kasi naman — [groans in frustration] — may friends bang magka-FaceTime everyday? 'Di lang basta FaceTime, 'ha? A la "Normal People" 'to na hinihintay niya 'kong makatulog, tapos the next day, paggising ko, on call pa rin siya. 'Di niya binababa.
Linnie: But if she did end the call everytime, stop ka na rin bang umasa?
Jojo: Ewan ko sa 'yo, Linnie. Ito ka, o, ito ka. [raises middle finger in front of the camera]
Lana: Kasi naman, Ate. [lumunok] Sinabi na pala niyang friends lang kayo no'ng una pa lang. 'Di ba fault mo nang umasa kang hihigit do'n? She clarified it in the first place.
Jojo: O, isa ka pa. [raises her middle finger again]
Lana: [ngumuso] Sabi ko nga, kakain na lang ako dito.
Jojo: [tumungga ng soju] 'Yong dalawa ba d'yan, anong atin?
Pau: Ha? [siniko si Dolly] Sorry, ha-ha.
Jojo: Ha? [mocking] Request-request ka d'yan ng video call ta's 'di mo naman kami kinakausap. E 'di sana kayo na lang ni Dolly nag-celebrate tapos binalitaan niyo na lang kami.
Linnie: Mm-hmm. She said while sipping the soju that you sent. [chuckles]
Dolly: Sorry na, ha-ha. Ang ganda kasi no'ng crocheted laptop sleeve na regalo ni Jackie so sabi ko, try kong mag-aral. Then sabi naman ni Pau, gusto raw niyang magpagawa ng keychain na teddy bear or something. Pangreregalo daw niya sa students niya 'pag may physical classes na ulit.
Jojo: [naningkit ang mga mata] Ayon lang, tawang-tawa na?
Dolly: [makes a face] Grabe ka pala ma-friendzone, biglang sumusungit?
Pau: [muling siniko si Dolly] Foul, ha-ha.
Dolly: Joke lang, Jo, 'ha? Uy, 'wag kang iiyak. [tumatawa] I didn't mean that.
Jojo: Sabihin mo muna nang 'di tumatawa.
Dolly: [nangingiti] Sorry na, please?
Jojo: 'Ge. [tumungga]
Pau: Ay, Linnie, sino 'yan? Pogi naman niyan. [kumaway]
Linnie: [lumingon sa likod; nakapameywang ang shirtless na si Teo sa harap ng ref] I thought you were going to play with Enzo and Eli?
Teo: [in the background] Lumabas lang po ako saglit para kumuha ng makakain. [smiles meekly] Ay, sina Pau ba 'yan? [lumapit sa camera at kumaway-kaway] Ang sarap no'ng carbonara. Pasabi kay Tita Malou "thank you" kamo.
Linnie: [squints] Can you please put on a shirt? [itinaas ang kamay at ipinangsangga kay Teo]
Teo: Bahay ko pa rin naman 'to, babe. [sticks his tongue out, waves to the camera again] Patawagan na lang ako 'pag nasusuka na, 'ha? Thanks. [moves away from the screen]
Teo finally returned to their bedroom, shutting the door behind him. In the video call, the gang was rendered speechless. Nakasimangot naman si Linnie. Alam na kasi niya kung anong ibig sabihin ng katahimikan at palitan ng tingin ng mga kaibigan.
Pau: [tumikhim] Sino ba magsisimula?
Lana: Birthday mo, Kuya. Baka sa 'yo sumagot si Ate, ha-ha. Baka pagbigyan ka. [sumubo ng kanin]
Linnie: [chugs down her bottle of soju] What are you talking about?
Dolly: Okay, 'yong totoo. [kumagat ng kapirasong lumpiang Shanghai] Nag-break ba talaga kayo?
Linnie: LOL, oo nga, ha-ha.
Jojo: Weh? E, bakit may gano'n? Bakit may pagano'n?
Linnie: Anong pagano'n? [scrunches her nose]
Dolly: [tumikhim] Patawagan na lang ako 'pag nasusuka na, 'ha? [sa mababang boses; ginaya rin ang tono ni Teo]
Pau: [tumatawa] Bagay. Galing, 'ha? Kuhang-kuha pati 'yong lambing no'ng — [pumalakpak] — tono.
Linnie: You do realize that I did everything to be submitted tomorrow, kasi sabi ko, nakakahiya kung saglit lang ako tapos ngayon — [pumalatak] — some friends you are.
Dolly: Girl, ako nagturo sa 'yo niyan, e. [sumimsim mula sa hawak na beer ni Pau] Better luck next time na lang.
Linnie: [nangingiting napailing] Ano ba kasi 'yon? What are you asking me?
Lana: Ang weird lang kasi, Ate. Sabi mo, break na kayo ni Kuya pero nakikita ko IG stories niyo. You're always together.
Linnie: Of course, we're always together. Nasa iisang bahay lang kami, e.
Pau: O, sige. We'll give you that. Tama naman, e, pero 'yong kanina — [tumungga] — ano 'yon?
Jojo: Baka sabihin mo, 'di na naman malinaw. Bakit may concern?
Dolly: True~ Tapos "babe" pa rin?
Linnie: Jojo literally just talked about that. Bawal maging friends kapag mag-ex? Sila nga ni Jess, everyday magkatawagan.
Jojo: E, iba 'yong amin ni Jess. 'Di naman kami magkasama sa iisang bahay?
Lana: Oo nga, Ate, saka kayo ni Kuya, 'di ba, nagdi-date pa rin kayo? Just last week, nag-dinner pa nga kayo together.
Linnie: [rolls her eyes] Dinner lang 'yon. We agreed to always cook food for two. Sayang kasi gas. Same reason kung bakit sinasabay ko laundry niya sa 'kin. Sayang sa kuryente kung hiwalay.
Dolly: Wait nga. Ito kasi dapat tinatanong natin. Let's say you're really broken up. Okay na, na-settle na natin na break na nga kayo. My question is this — [napamaang kay Pau na naniko] — are you regretting your decision?
Biting her lip, Linnie glanced in their room's direction. There wasn't any peep from Teo. She carried two bottles of soju to her own room-turned-home office while Jojo and the others continued their discussion. Napairap siya sa hangin. Para kasing walang balak na tumigil ang mga kaibigan niya sa pang-aasar.
Jojo: [bumulanghit ng tawa] Gago naman kasi no'ng tanong mo, Dolly Anne, ha-ha. Parang prepared ka, 'ha? Tingin nga. Baka may questionnaire ka d'yan, a?
Pau: O, tama na sa tanong, ha-ha. Makakalimang bote si Linnie niyan, e.
Linnie: [opens another bottle of soju] Honestly, why are we even discussing this? Birthday ni Pau, 'di ba? [tumungga] Let's focus on him.
( ❋ )
• babybabe 🖤 •
April 23 ; 11:13 PM
hey, babe?
i saw pau's tweet HAHA
nakalimutan mo pala na birthday niya?
anyway, paalala ko na lang din
just in case you did forget
birthday bukas ni jade hehe
tawag daw tayo around lunch
April 24 ; 12:06 AM
tapos na ba kayo?
oh
lumipat ka pala haha
call me when you feel like puking
kahit missed call lang, yeah?
hmmmm
HAHAHAHA
tipsy ka na ba
hmmm
yeah, you're tipsy HAHA
di naman kasi porket 10 pinadala ni pau
uubusin mo na HAHAHA
hey
babe?
whjay
typo?
okay
lasing ka na
naka-call pa rin kayo?
hmmmm
HAHA
lulubusin niyo talaga ah
Today ; 1:22 AM
ywo
tro
teo
po?
tonauanpmg mola
lingh nsgdosio skp
ha HAHAHAHA
that's it HAHA
i'm cutting you off na
paalam ka na kina pau
may work ka pa bukas, di ba?
aiaw po
that one, i get haha
di pwede, babe
ikaw in charge dun sa bagong romcom
you didn't sleep for 1 week
sayang naman kung di mo aalagaan
yeo
hmm?
tpu ayoll lpbe ne
tohht
HAHAHAHA
babe, wait lang
i'm just saying bye
kina eli
okay, baby
i'm coming to you na po
hang in there HAHAHA
✓ Seen • 1:28 AM
( ❋ )
• Twitter •
l 🔒 @jnlfpriv
ndisjsks just who or what powerful entity did i piss off again para mangyari to haha putangina naman?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro