Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#yaoeWP || 66.01

The Night of Pau's Birthday pt. 1

        LINNIE BLINKED. Medyo nangangalumata na siya. Nangangati na rin ang ilalim ng mga mata niya sa nagbabadyang antok. Mahigpit niyang hinawakan ang pang-pito niyang bote ng soju.

        Narinig niya ang pagsitsit ni Paulo sa call nang tumungga siya sa bote. "Uy, pang-ilan mo na ba 'yan?"

        With her mouth full of the slightly warm yet bitter liquid, she raised seven fingers. Ikinatawa iyon ni Jojo na nakayapos na sa gitara.

        "Kaya ko," bulong ni Linnie. She draped the comforter around her shoulders. Nang 'di nakuntento sa ibinibigay niyong init, isinaklob na rin niya iyon sa ulo niya. "I can manage," pagkumbinsi niya sa sarili.

        "Bakit ba alak na alak ka, 'ha?" Dolly asked, slightly leaning on Pau's right shoulder. "Work ba 'yan o si Teo?"

        Linnie grimaced. "Teo na naman," she mumbled. "For once, can you ask me something that's not related to him?"

        "Okay, sure," Dolly quickly agreed. "Kumusta work?"

        Awtomatiko siyang napasimangot. "I'm kidding. You can ask all the Teo-related questions you want. 'Wag niyo lang akong tanungin about work."

        "Is it really that bad?"

        Napapalatak si Jojo tanong ni Dolly. "Para namang 'di mo alam. 'Di ba nga, may monthly mental health checkup sila na wala namang kwenta? Alam ko, nabanggit ni Linnie 'yon, e. 'Yong second year niya do'n tapos—"

        "Tapos tumawag siya sa HR representative nila, then tinanong siya kung sinubukan niya na bang daanin sa dasal," pagtatapos ni Pau sa kinukuwento ni Jo. "Honestly, ayaw naming kuwestiyunin ka kasi career mo 'yan pero Linnie, bakit?"

        Muli siyang tumungga. "Bakit ano?"

        "Bakit ayaw mo ngang mag-resign?" buntonghiningang tanong ni Jojo.

        Napaiwas ng tingin si Linnie. Nang tuluyang maubos ang kanina pang inaalagaan na bote, saka lang niya muling hinarap ang naghihintay na mga kaibigan. "The truth?" Jojo, Dolly, and Paulo nodded in response. "Dahil wala na rin naman dito si Lana, okay, I'll tell you."

        Dolly's brows furrowed. "Related ba 'to sa nabanggit mo sa 'kin?"

        "Yeah, well, uhm—" Linnie pursed her lips. "—actually, Teo already convinced me to resign. The next day after I decided okay, na magre-resign na 'ko, Lana admitted to having second thoughts."

        "Second thoughts sa?" tanong ni Jojo habang ngumunguya ng carbonara. "Course niya? A, balak na naman niya sanang mag-shift?"

        "Yep," maikli niyang sagot.

        "Wait, wait." Pau even waved his hands as if dispersing an imaginary crowd. Ikinangiti iyon nang maliit ni Dolly. "Sabi mo, dati pa 'yon. Ibig sabihin, months ago pa. What about now? Kasi kung tama pagkakaalala ko, sabi ni Lana tatapusin na raw niya 'yong Advertising kasi nga daw, malapit na. Months na lang, graduate na siya, e."

        Tumatawang tinusok ni Dolly ang nangangamatis nang pisngi ni Pau. "Daldal mo na, Pau. Tama na, ha-ha. I know it's your birthday but tama na."

        "Shush." Pau pressed a finger against Dolly's lips. "Tama naman memory ko, 'di ba? E, ngayon? Ba't 'di ka pa nagre-resign, e, wala nang balak mag-shift si Lana?"

        "Because we're in a pandemic?" patanong niyang sagot. "Kailangan ko ng income. Kailangan nila ako. Kaunti na nga lang kami do'n."

        "Akala ko, ayaw mong umalis dahil sa promotion?" paglilinaw ni Jojo. "Sabi ni Dolly, may promotion na hostage si Madam Carla niyo."

        "That, too," Linnie answered with a small smile. Just as she was about to finish her seventh bottle of soju, there was a soft knock on the door. Lumawak ang awang ng kanina pang bukas na pinto.

        Dumungaw si Teo. "Just checking in," nakangiti nitong sabi. "Baka kasi nasusuka ka na. Nakailan ka na ba?"

        "Pang-pito na 'yan!" Dolly answered. Kumaway-kaway pa ito sa screen, makuha lang ang atensyon ni Teo.

        Bahagyang ngumiti si Teo. Humalukipkip din. Lalong lumobo ang muscles nito sa brasong 'di tinatakpan ng manggas. Linnie quickly averted her gaze. "What? Naliliyo ka na ba?"

        Agad niya iyong pinagsisihan. Lumapit kasi si Teo. Umupo ito sa tabi niya. Lumundo ang kama. When she refused to make any eye contact with him, he tilted her chin. "Stop ka na, 'ha? May bukas pa naman, babe."

        "Kaya ko pa nga, babe." Sarkastiko ang pagbanggit niya sa huling salita pero parang walang pakialam doon si Teo. He even smiled. Babe. She haven't said it out loud in a while. "Go on, laro ka na ulit do'n."

        Ngumuso siya sa pintuan.

        "Okay, okay." Teo raised his hands in defeat. "Pero sagot ka sa chat, 'ha? I'm gonna check on you from time to time. Baka sumuka ka d'yan, e. Poproblemahin mo na naman 'yong comforter."

        "I won't, I promise."

        For seconds, he stared at her intently. Mukhang sinusuma kung ilang oras ang aabutin ng mataas niyang alcohol tolerance. "Goodnight, babe," he mumbled before leaving her room.

        Her friends were quick to come up with witty remarks the second Teo shut the door. Ilang beses na inulit ni Jojo ang salitang "babe". Dolly and Pau were laughing, thoroughly entertained at the situation Linnie and Teo put themselves in. To be fair, it really was laughable.

        Kasalukuyan lang naman siyang nakatira sa condo kasama ang ex niya. But to be fair, he wasn't just an ex. Iba si Teo sa iba niyang ex-boyfriends. Halos seven years nga sila, e.

        Seven years sana sa October.

        Their virtual party or e-numan ended around midnight.

        That night, Linnie didn't keep a lot of promises. She vomited twice. Isang beses sa CR noong lumabas siya ng kuwarto para uminom ng tubig. Kumuha rin siya noon ng dalawa pang bote ng soju. The green bottles clinked together as she slowly walked back to her room.

        Linnie just finished her ninth bottle when she puked again. This time, sa comforter na. Sa desperasyong malinis iyon bago siya makatulog, pilit siyang tumayo. Hinila niya ang comforter. Nabuwal siya.

        Nasagi rin niya ang kumpol ng babasaging bote sa ilalim ng kama. The noise must have woken Teo. Sunod-sunod kasi ang naging notifications niya. Frustrated niyang sinubukang tupiin ang comforter. She didn't want Teo to witness her drunken state again. Masama kasi talaga siyang malasing.

        He always put her on a pedestal. While she generally considered that as a negative, she still valued his opinion of her.

        There was a knock on the door again.

        Fuck.

        Bagaman umiikot ang paningin, sinubukan niyang ayusin ang buhok. Sinampal-sampal din niya ang sarili. "Pasok ka lang," mahina niyang sabi. "Why?"

        Linnie wondered whether she just lied to his face. Hindi lang naman kasi iyon ang gusto niyang itanong kay Teo.

        "Hey." Agad itong dumalo sa tabi niya. Hindi pa man siya nakaaapuhap ng salita, hawak na nito ang kaliwang palapulsuhan niya. "Come on. Let's stand up in three, yeah? One, two, three."

        Linnie held onto his right arm. Her head began spinning as she stood up. Sumandal siya sa balikat ni Teo. Bahagyang umalog ang mga balikat nito sa pagtawa.

        "Ba't mo 'ko tinatawanan?" ungot niya.

        "Akala ko, alam mo naman limit mo. Sinagad mo naman porket dito ka lang sa bahay."

        "Pagod ako, e," nakapikit niyang pag-amin. "I've been tired for months. Ngayon ko lang na-realize."

        May ilang segundong katahimikan.

        "Do'n ka muna sa kuwarto natin matulog, 'ha?" malambot na tanong ng lalaki. "Okay, lalabas na tayo."

        "Mm-hmm." Mariing pumikit si Linnie habang nagpapatianod kay Teo. She caught a glimpse of the bathroom. "Wait. Wait lang."

        "Po?"

        "Skincare."

        Teo chuckled again. His shoulders shook again. Napasinghap si Linnie. Parang naalog din kasi ang utak niya. "Bakit ka tumatawa? Don't laugh, mas masakit sa ulo."

        "Okay, sorry po~"

        At her request, he helped her to the bathroom. Dahil hirap makatayo si Linnie ay ito na ang naghilamos ng mukha niya.

        "Cleanser muna, 'di ba?"

        "Mm-hmm."

        "Tapos moisturizer?"

        "Serum muna."

        Despite the cold tiles in the bathroom, Linnie felt warm. Mainit ang tiyan niya dahil sa alcohol. Mainit naman ang mukha niya dahil sa magaang mga kamay ni Teo. When he finished applying the moisturizer, he crouched beside her again.

        Teo removed the few strands of hair blocking her face. "Kargahin na lang kita, 'ha? Kapit ka na lang sa leeg ko, then please close your eyes para 'di ka maliyo."

        "Okay."

        "One, two, three."

        Teo wrapped his left arm around her legs. The other rested on her lower back. True to his word, he carried her to their room. Maingat siya nitong inilapag sa kama, bagaman nahihirapan. Linnie breathed in deeply, catching a whiff of his minty shower gel.

        He gave her a questioning look when she refused to let go. "Bitaw ka muna, babe. Kuha lang kita ng tubig, saka damit. Don't sleep muna, yeah? Balik ako."

        Biting her lip, she did as she was told. Pinakawalan niya si Teo. Hirap niyang pinigilan ang antok. Makaraan ang ilang minuto, bumalik ang lalaki na may dalang damit at isang baso ng tubig. Inalalayan siya nitong bumangon. With his free hand, Teo guided hers to hold the glass of water.

        "You're taking care of me," she mumbled, still holding the glass.

        Bumuga ng hangin si Teo. "Bakit naman 'di kita aalagaan?"

        Nagkibit siya ng balikat bilang sagot.

        "Ubusin mo 'yan, 'ha? Para mahimasmasan ka kahit papa'no."

        Itinaas ni Linnie ang baso. Aksidenteng natapon ang natitirang tubig sa dibdib niya. Sniffling, she looked at Teo. "I didn't mean to. I'm sorry."

        "Why are you apologizing?" It could be the alcohol but he didn't look annoyed in the slightest. "Babe, 'di mo naman sinasadya, 'di ba?"

        Umiling siya.

        "Ayon naman pala, e."

        "Pero nasaktan kita." Humigpit ang hawak niya sa baso. "Shouldn't I apologize for that?"

        "A, ha-ha." Kinuha ni Teo ang baso. Inilapag nito iyon sa nightstand. "Babe, go ahead and apologize if you feel like it, pero para lang alam mo, wala ka namang dapat ika-sorry. Normal naman 'yon, na masaktan mo 'ko."

        Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang pagtulo ng mga luha sa pisngi niya. "Hindi kaya. You never hurt me."

        "But if I never hurt you, bakit umiiyak ang baby ko, hmm?" His expression became softer. Worry lines appeared on his forehead. "'Wag ka nang umiyak, please?"

        Nodding, Linnie removed her shirt. Inabot niya iyon kay Teo. Nang ibinigay nito sa kanya iyong malinis na damit, umiling siya. Binalot niya ang sarili sa comforter.

        Surprisingly, it still smelled the same.

        The whole room still smelled of lavender. Hindi pa rin pala pinalitan ni Teo iyong scent ng air purifier nila kahit ilang buwan na siyang hindi natutulog doon. Back then, they argued at the department store for minutes. He wanted the room to smell like jasmines but she preferred lavenders.

        In the end, they agreed to compromise. Lavender muna sa unang buwan nila sa unit. Jasmine naman sa susunod. Eventually, Teo realized that lavender was far more relaxing. Linnie wasn't sure whether he just let her win.

        Lagi naman siya nitong hinahayaang manalo. Lagi naman daw kasi siyang tama.

        "Babe, bihis ka muna. Baka lamigin ka, e."

        "No, I'm okay sleeping like this."

        Sighing, Teo stood up. "Balik ako, yeah? Kunin ko lang 'yong comforter sa kabila para maibabad ko na."

        "What? No." Still wrapped in the comforter, Linnie reached for his hand. Mahina niya iyong hinila, dahilan upang mapaupo ito sa gilid ng kama. "Dito ka lang."

        "Cute mong malasing pero kunin ko muna 'yong comforter," buntonghininga nitong sabi. "Need 'yon i-pre-soak, babe. Mai-stress ka bukas niyan, sige ka."

        Ngumuso si Linnie. "Ayaw mo na ba 'kong katabi?"

        Half-smiling, he pinched her nose. "Para ngang ayaw mong magpatabi, o. Sakop mo three-fourth ng kama. Sa sala na lang ako, babe. You get our bed tonight."

        "No." Muli niyang hinila si Teo. This time, harder. Nakubabawan tuloy siya nito. "Dito ka lang, please?"

        She heard him inhale sharply — as if holding back. Inilabas niya ang mga braso mula sa comforter. She pulled him closer. The tip of their noses touched. Nahulog at tumusok din ang ilang hibla ng buhok nito sa kaliwang pisgi niya.

        Teo gulped hard. Linnie was certain it was a sign of him giving in. Gayunpaman, sa halip na hintayin pang ito ang tumawid sa wala pang isang pulgadang pagitan ng mga labi nila, siya na ang naunang nagpatianod at sumuko.

        Linnie pressed her lips against his for three seconds.

        One, two. . .

        She counted in her head.

        Sa loob ng tatlong segundong iyon, nanatili lang sila sa ganoong posisyon. Pati sa paghinga ay parang nagkasundo silang huminto muna, makapagbigay-daan lang sa halik na iyon.

        For three seconds, all they could hear and feel was each other's heartbeats.

        . . .Three.

        Linnie inhaled sharply before slightly pushing Teo away. She made a mental note to remember how warm he felt — after months of yearning and pining for things they shouldn't do anymore. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

        Umayos ng upo si Teo. He ran his fingers through his hair before shooting her a confused look. "Babe, what?"

        "I'm sleeping."

        With her head still hazy, Linnie thought she heard Teo mumble something else. She wrapped herself in the comforter like a burrito after that. Mariin din niyang ipinikit ang mga mata. It wasn't because of regret, though.

        Sana lang kasi ay mas pinatagal pa niya.

#

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro