❋ author's note ❋
Ang ironic lang na ang title nito is "You and other Endings" pero parang ayoko pang matapos HAHA.
Besides the fact na may work ako kaya sobrang limited na 'yung oras ko para magsulat, I think consciously kong pinatagal 'yung ending nito? I finished the last narration nung November 20 pa. Yung last part with the Instagram posts? November 27 ko pa natapos.
And now, itong first and last A/N naman ay ngayong December 3.
I've been meaning to do this (kasi nga busy ako HAHA) but for some reason. . . pinapatagal ko talaga eh. And I know it's just me. This time around kasi, mismong sina Linnie at Teo, gusto nang mamahinga haha.
No, really. . . as much as I want na dugtungan pa at gamitin lahat ng scenes na nilista ko para sa kanila, ayaw na nila. Gusto na yata talaga nilang mamahinga sa isa't isa? Maybe they're just impatient to begin with the lifetime they've been yearning for?
I don't know hehe. Wala akong alam sa plano nila at the moment.
Right now, what I'm sure of is that whatever they're planning. . . gusto nilang gawin sa background. No pressure from their families. No pressure from friends. Sa kanila lang muna. I think they already mentioned this sa 130?
A friend even asked kung bakit ganun ka-realistic, na-engage na raw ba ako?
HAHAHA oh, well.
Linnie and Teo have always been realistic. Ang daming comments sa buong #yaoeWP na. . . hmm,"to love and be loved like this". I know we're all aware na fictional lang 'to but I love how I write (or wrote kasi tapos na huhu) all the characters of #yaoeWP.
Realistic silang lahat, pati mga problema nila. Pati achievements nila.
Because they feel real, they comfort us. They feel like real people na nag-eexist somewhere. Baka iba lang pangalan. Baka nasa ibang region or city lang.
Writing this story has ups and downs. The story itself has ups and downs. And I'm happy with the result, 'yung overall feel. Pandemic kasi ang setting ng #yaoeWP. Besides the romance, gusto ko rin sanang ma-capture 'yung pagka-realistic ng mga problema during (and after the) pandemic.
I know everyone had a hard time during the pandemic. May repercussions 'yun na until now, nararanasan natin. I wanted to write Linnie and Teo's story within those repercussions. I didn't want to avoid them, kasi kung ginawa ko 'yun, hindi na realistic.
And worse, ang dating nun sa 'kin is tinapalan ko ng romance 'yung struggles na naranasan natin (and families natin) during the pandemic.
Umpisa pa lang, malinaw na sakin na ganun ang gusto kong gawin.
Dahil dun, I was shit scared na walang magmamahal kina Linnie, Teo, Dolly, Jo, Pau, Lana, Enzo, and Eli kasi nga di ba. . . we read fiction to escape our reality. [sighs] Ayun. I was shit scared kasi ang sinundan nito is #yaocWP which was fluff. I know na may mga nag-expect (tapos na-disappoint) na fluff din tong #yaoeWP.
I don't want to apologize sa mga na-disappoint, though, kasi masaya ako sa nangyari. Nagawa ko 'yung gusto kong mangyari. It's better than I expected of me. I'm happy with this. I'm happy with everyone's endings.
Actually, ang fitting lang talaga ng title.
You and other Endings.
Hindi ko pa kasi nasisimulan ang #yaoeWP, engaged na sila sa utak ko. 'Yung comment ng lahat na parang kasal na sina Linnie at Teo (marriage license at ceremony na lang kulang), hindi lang basta comment.
Ganun talaga sila HAHA.
Sabi nga ni Linnie: "I knew I'd end up with you even before we began."
Anyway. . .
As always, thank you kay Alex(andra) na laging nandyan. Sa mga first time readers ko, si Alex po ay close friend ko in real life. Pinapadaan ko muna sa kanya lahat -- as in lahat -- bago ko i-publish online. I value her input so much. I value her time, kasi tulad ko, may work na rin siya but she makes time for me huhu.
Tulad ng #yaocWP, more than half po nitong #yaoeWP ay sinulat ko offline.
Lahat ng 'yun, dumaan muna kay Alex. Without her feedback, baka hindi ganito itong #yaoeWP ngayon HAHA. Besides feedback, grabe rin siyang magbigay ng insight huhu. May moments na napapa-"oo nga" na lang ako kasi may hindi ako napansing joke or parallel while writing. Ang dami laging happy accidents sa stories ko na siya ang nakakakita/ nakaka-realize HAHA.
For that, I'm really grateful.
Thank you so much kina dyenaliiii, Lodovicus, Hyours8, Ayieemazinggg_, spicybcyi, and MiyazuHimeee : I love that usually, kapag may bagong update, naka-vote kayo agad huhu. Dahil silent readers 'yung iba, sobrang thank you na sa simpleng pag-vote. It really means a lot na pinapaalam niyo sakin na inaabangan niyo ang #yaoeWP.
To sunlighthues: you commented before na silent reader ka pero napa-comment ka HAHA. Thank you sa honesty? I really feel honored and grateful na ganun ang epekto sayo ng #yaoeWP huhu. Thank you so much.
To natchive, jkthedreamer, and MargarineStories : thank you so much sa comments? I know I said this before pero kahit simpleng tawa lang 'yan, emoji, or keyboard smash, sobrang thank you. Sa paulit-ulit na pagbabasa ko kasi habang nagsusulat, may parts na hindi ko na masyadong napapansin. 'Di ko nabibigyan ng appropriate at instinctive na reaction eh HAHA.
Thank you so much for feeling with and for Linnie and Teo.
Finally, to restlessanna : last, last week, you posted a message on my message board. No worries. 'Di naman ako naging uncomfortable HAHA. Hindi lang ako nakapag-reply because I was caught off-guard. To be honest, I was having a bad day that day. Pagod ako nun, and then I received a notification from you. I apologize if I wasn't able to reply immediately but thank you so much. Ang serendipitous lang kasi na pagod ako (at jirits sa buhay) tapos biglang may ganun kang message HAHA.
Hay. It just felt like the universe got my back again. Thank you for that feeling.
Ahem.
Thank you sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa lang. Thank you so much sa pagpapautang ng oras at puwang sa isip at puso niyo kina Linnie, Teo, Eli, Enzo, Dolly, Pau, Jojo, Lana, Eula, Charlie, Gabbie, Fifi, Kuya Dons, and Kuya Mich.
I love that by me writing them and you reading them, may assurance akong mabubuhay sila kahit tapos na itong #yaoeWP.
Kung meron palang nagbabalak bumili ng merch this coming 12/12, no worries kasi may 7 pang epoxy keychains each ang LinTeo and NioDee hehe. And 'di po 'yun pre-order, okay? On-hand po sila HAHA.
Nilista ko lang as pre-order para mas may control ako sa oras ng packing and pickup HAHAHA. Pickup by courier is every Sunday so ayuuun~ if bet niyo, habol kayo. Check niyo lang full details sa next part hehe.
Hmm.
Last reminder na lang: pwede niyo akong i-follow sa @floeful sa Twitter hehe. Kung may tweet man kayo, pwede niyong gamitin ang #yaoeWP para madali kong makita. (Ako ay nag-iscreenshot at nagre-reply huhu nde aq snobber.) Last naaaa: pwede rin kayong sumali sa Telegram channel ko for more writer updates. I-scan niyo lang 'yung QR code below:
– floe
[PS: Kung may tanong kayo about #yaoeWP, comment lang kayo here and I will try to answer them as best as I could <33]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro