Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

֎ author's note ֎

        Initially, I didn't know kung paano tatapusin 'tong #yaocWP kasi well. . . parang ayoko pang tapusin?

        I liked how I felt whenever I write a part or whenever I try to write a part. Ayun. I guess I wanted to prolong that feeling? Mahilig kasi akong magsulat ng angst haha. And so far, dito sa #yaocWP ko pa lang sobrang na-enjoy 'yung fluff. Dito pa lang ako kinilig as a reader haha.

        From a writer's perspective naman, nakakatuwa na gumagalaw pa rin 'yung characters according sa plot pero walang resistance at all. May harmony kami, kumbaga. Sobrang inexplicable talaga pero sa tingin ko naman, ramdam 'yung feeling na 'yun ng mga nagbabasa. I truly hope na oo nga, ramdam niyong nag-e(e)njoy ako sa bawat scroll o swipe niyo ng screen.

        Anyway, pagdating sa ending nitong #yaocWP. . . wala talaga akong plano haha. Ang alam ko lang, gusto kong hindi ending ang pakiramdam niya. Parang bagong simula lang, kumbaga. parang may assurance o pangako na matapos man 'yung story; matapos man 'yung pagsusulat ko kina Nio, Heids, Annie, Troy, Xyla, Bastien, Marv, Yulo, Ma'am Val, Pauie, Julian, Mona, Alexis, Damdam, Jaime, and Raquel (ang dami palang tao huhu), hindi sila mamamatay.

        They won't cease to exist just because the story is finished.

        Alam niyo kung bakit? Because the second you read their stories, you let them in your lives. Pinahiram niyo sila ng oras; ng emosyon. Sa gano'ng paraan, sigurado akong magpapatuloy 'yung kuwento nila sa subconscious niyo o sa mundo nila (fictional world). And for that, I say thank you.

        Thank you kay Alex(andra) na laging nandyan. Literal na lagi siyang nandyan kasi kung matagal na kayong nagbabasa ng mga gawa ko, kasama siya lagi sa dedication page o acknowledgements. Itong #yaocWP kasi ang unang story na binuo ko muna offline bago ko siya niluwal haha. Dahil do'n, sobrang umangkla ako sa comments ni Alex.

        Bukod sa encouragement and live reactions, sobrang laki ng tulong niya sa improvement ko not only as a writer, but also as a person hehe. Baka wala tayo ngayon sa author's note/ acknowledgement/ dedication page kung 'di dahil kay Alex. In other words, baka hindi ko natapos 'tong #yaocWP at habangbuhay ko siyang tinago sa baul HAHA.

        Sobrang thank you rin kina @jkthedreamer,  @priamara, @hoshooktin, @shaepetal, MargarineStories,   @edenhice, @strawunderlyi, @natchive, @auvior, @aseeza, @forheeseung, @darbyseigs, ar_verayo, @haiovelnorez @dnnkero, @siat28, @notspicya, @abigailaba, MiyazuHimeee, @_yyyzzzzaaa, feintSlash, and You4hia for reading, commenting, and/or voting kahit simpleng tawa, keyboard smash, or emoji lang 'yung kin-omment niyo, I assure you. Sobrang naa-appreciate ko 'yan haha. 'yung iba pa nga, ini-screenshot ko, sakaling kailanganin ko ng future encouragement. As for the silent readers, thank you so much din huhu. Thank you for letting #yaocWP bleed into your life.

        As always, sobrang thank you na naisipan, napag-interesan, o kahit dinapuan niyo man lang ng tingin 'tong #yaocWP. Hindi kasi kasali sa intensyon ko sa pagsusulat nito 'yung makalikom siya ng higit 1,000 reads. I was simply having fun so. . . [shrugs] I can only hope na ayun nga, tumagos sa mga screen niyo 'yung tuwa at excitement ko habang sinusulat at binabaybay 'tong #yaocWP.

        I won't say that Heids, Nio, and the rest of the characters are signing off. instead, I would like to say that I hope they linger in your minds and/or hearts.

        Kahit pansamantala lang. (:

        Huling paalala lang pwede niyo akong i-follow sa @floeful sa Twitter hehe. Kung may tweet man kayo, pwede niyong gamitin ang #yaocWP para madali kong makita. (Ako ay nag-iscreenshot at nagre-reply huhu nde aq snobber.) Last naaaa: pwede rin kayong sumali sa Telegram channel ko for more writer updates. I-scan niyo lang 'yung QR code below:

floe

[PS: kung may tanong kayo about #yaocWP, comment lang kayo here and i will try to answer them as best as i could <33]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro