#yaobWP || twenty-four
• Chua Family 😍 •
Today ; 6:48 PM
Sonia Marie
Dpat humindi ka nak
Holiday di ba
@Karyn Sonia Chua
karson
okay lang, ma HAHA
saglit lang naman po yung program
di ko rin po need tapusin
need ko lang po ng direct quotes sa article
Sonia Marie
Dpat double pay yan
Pahinga ikaw dpat eh
karson
kulit ni mama HAHA
okay nga lang po
saka part po talaga to ng work
syempre itatapat nila ng sabado
para maraming tao sa mall
store opening nga po eh
Sonia Marie
Opening pala yan nak
Di ka nman nagsasabi
Pag may discount ha nak
karson
hala si mama?
eh parang kanina lang
pinagpapahinga mo ko 🤔
Sonia Marie
Hehe
Love you 😘
Si Cola nga pala nak
karson
did something happen???
need ko po bang umuwi dyan?
may bus pa naman po pa-baler eh
Sonia Marie
Oa ka nman nak
Wla pa nga ako sinasabi
karson
😐
bakit nga po???
anong meron???
Sonia Marie
May ka-chat na lalaki nak
Kausapin mo nga
Bka makinig sau
Paalala mo lng mga limitasyon niya
karson
ay HAHAHAH
may pinagmanahan naman pala ako
ma, if they're just talking
baka wala namang dapat ipag-alala?
Sonia Marie
Kausapin mo na lng nak
Baka sayo makinig
karson
???
bakit naman siya makikinig sakin HAHAHA
baka baligtarin pa ko nun
she'll probably tell me off
pagsasabihan pa ko nun na date ako nang date
pero wala akong mapakilalang jowa
as if namang kasalanan ko yun???
Sonia Marie
Hay
Basta kausapin mo nak
karson
how???
never ngang nag-seen yun dito
@Nicola Sonia
Sonia Marie
Sandali nak
Tawagin ko
Busy daw siya nak
May ginagawa sa cellphone
karson
@Nicola Sonia
pag ako napikon ha
call me this week
or else 😠
Nicola Sonia
Or else, what?
karson
babaguhin ko password ng netflix niyo
then ila-log out ko lahat ng devices
Nicola Sonia
Oh nooo 🙀
Pati yung TV?
karson
uh-huh
pati yung TV 😏
Nicola Sonia
Di marunong mag-sign in si Mama
Si Tito Ronnie rin di marunong
So di sila makakapanood 🤷🏻♀️
In short
Sakin mo pa rin sasabihin yung password 😽
karson
ugh
dami mong sinabi
basta tawagan mo ko sa sunday
Nicola Sonia
For whaaat?
Nasabi naman na lahat ni Mama, Ate
Umabot na nga kami ng birth control
Eh chat pa lang naman nagagawa namin ni Harold
karson
hoy ano
anong chat "pa lang"???
does that mean may balak "pa" kayo???
ohmygod???
mama
ma
@Sonia Marie
mama
Nicola Sonia
Di yan sasagot, Ate
Kakaalis lang nila ni Tito
Hay
What I mean to say po kasi
Is never pa kami nag-usap in person
Ibang section kasi siya eh
Acads lang po topic namin
Promise 😸
karson
dyan nagsisimula yan eh
then next thing you know
buntis ka na
Nicola Sonia
Ate namaaaan
Huhu
Okay okay
Sige na
Call po ako sa Sunday
karson
ayan ganyan
you should've said yes immediately
dami mo pang paliwanag eh
@Sonia Marie ma, okay na po ☺️
Nicola Sonia
Umalis nga 🙄
karson
ay
okay okay
✓ Seen by Nicola Sonia • 7:29 PM
( ✦ )
• Twitter •
dump 🔒 @kscpriv
i still think na ang cool ni mama sa pagpapamana ng second name niya samin 😌
↳ Replying to @kscpriv
dump 🔒 @kscpriv
she's even cooler for keeping papa's surname hehe
( ✦ )
• tol jai •
February 10 ; 1:31 PM
Dude
Sure ka talaga ah?
???
i should be the one asking you
Oo nga HAHA
Sure na nga
Besides
It's not as if may magagawa pa ko
Pinakilala na akong boyfriend eh
ay wow HAHAHA
wala pa akong sinasabi niyan ha
at least, aware ka
eh si mon ba, aware???
Aware saan?
aware na gusto mong totohanin
HAHAHA
HAHAHAHAHA
tell me i'm wrong
You're wrong
Okay na ba HAHAHA
Pilit kayo nang pilit
Eh ayaw nga, di ba?
anong ayaw HAHA
you never gave her a chance
never ka pa ngang umamin???
Kakalabas lang ni Monnie ng CR
Let's talk about this next time ☺️
ugh
fine
mananahimik na ako
enjoy kayo dyan sa binondo
ikain niyo na lang ako ng tikoy 😠
HAHAHAHA
Mag-uuwi kami
Alam mo naman yun si Lilith
By the way
You're sure about later???
oo nga
sayang naman pagpapakamartir mo dyan
kung di niyo mapapanood fireworks display
What HAHA
Di naman fireworks pinunta ko dito
yeah yeah 🙄
alam ko na yan
di mo kailangan ng fireworks
kasi para ka na ring may fireworks sa dibdib mo
tuwing kasama mo pinsan ko
that's it, right???
did i nail it???
Tangina mo HAHA
Di makausap nang matino
that's life, jai
masakit talaga katotohanan HAHA
Chat ka mamaya kung papasundo ka
Bye na HAHA
Tita's calling us
Sinabi kasi ni Monnie na nasa Binondo kami
Tinatawag na ako ng mahal na prinsesa
mahal na prinsesa???
she doesn't like her first name HAHA
alam mo naman na yun
Hay
Pucha yan
Akbayan ko raw siya HAHA
HAHAHAHAHAHA
goodluck sa pagpapanggap 😚
sana di ka bumulagta sa gitna ng binondo
✓ Delivered • 1:46 PM
( ✦ )
• housem8s + doc jai •
Today ; 2:09 PM
chuchu
@everyone
naiinis na ako
Lilith Katherine
↳ Lilith Katherine replied to you
@everyone
???
HAHAHAHAHA
Why mention us???
Parang PSA lang HAHA
chuchu
grabe
di mo man lang itatanong kung bakit?
Lilith Katherine
Ay
Do I have to?
Obvious naman, girl HAHA
It's smthng about the photographer
Kayo lang naman magkasama dyan
chuchu
exactly
monmon
ano raw???
chuchu
wala pa rin dito haha
gets na dapat na 10-15 minutes before
dapat nandito na siya
kasi pagdating dito
he still has to set up
titimplahin pa yung settings ng cam
ugh
monmon
what time ba start ng event?
chuchu
yung actual store kasi
kanina pa naka-set up
pero yung mismong program
2:30 pa magsisimula
Lilith Katherine
Ayun naman pala HAHA
It's only 2:17
Karson naman eh
monmon
↳ monmon replied to you
he still has to set up
di ko alam kung matatawa ako 🤔
or maiinis na ina-assume mo agad na lalaki
chuchu
ang unprofessional lang
dapat kasi
never ginawang part ng culture natin
yang fucking filipino time na yan eh
Lilith Katherine
HAHAHAHA
Calm down???
May 8 minutes pa siya
monmon
chuchu?
pinapatanong ni doc jai
if sure kang di ka papasundo mamaya
Lilith Katherine
Oo nga
Traffic yan sobra mamaya
You know that
You should've asked Nowi to drive you
Siya naman nag-offer
Nilunok mo na lang dapat pride mo
chuchu
kaya ko naman
maaga na lang ako aalis
monmon
okay okay
wala pa rin ba yung photog mo?
chuchu
putangina
monmon
why???
chuchu
fuck you and your cards, lith ):
Lilith Katherine
Hala siya
What did I do?
chuchu
tanginang yan dhjssksk
he's here
Lilith Katherine
Sino?
chuchu
si nowi
monmon
i don't get it?
i mean HAHA
nasa mall ka, di ba?
malay mo naman
may bibilhin lang siya?
Lilith Katherine
HAHAHAHA
Assuming siya eh
chuchu
i don't think so
same kami ng suot na lanyard
may bitbit siyang DSLR
monmon
ohmygod
baka siya yung photog na hinihintay mo???
chuchu
really?
ano sa tingin niyo??
Lilith Katherine
Hoy HAHAHAHA
Wag ka sakin magalit
Tarot reader lang ako
Tagabasa lang ako 😚
✓ Seen by everyone except Doc Jai • 2:28 PM
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro