Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#yaobWP || 127.01

        LAUGHING LIKE little kids, Karson watched as Nowi tiptoed his way back to his room. Gawa kasi sa kahoy ang sahig ng 2nd floor ng bahay. With every step, the floor croaked and threatened to expose them.

        Karson and Nowi would, then, check whether they woke someone up. Thankfully, he managed to return to his bedroom successfully.

        "Bakit?" Karson whispered when he desperately tried to get her attention.

        Nanatili kasing nakatayo si Nowi sa pintuan ng sariling kuwarto. Nang mapagtantong nakatingin na si Karson, itinaas nito ang mga braso para gumawa ng arm heart.

        Chuckling to herself, Karson clasped her hands together. Kunwari niyang iniunan ang mga kamay. "Tutulog na ako. Real na."

        Nakangusong kumaway si Nowi. "Okay, goodnight," he mumbled as he blew her a kiss.

        Slowly, Karson shut her door. Mahina siyang natawa. Hinintay pa kasi muna siyang makapasok ni Nowi kahit pa ilang hakbang lang ang layo nila sa isa't isa. Matapos isaksak ang charger ng phone, nagtalukbong na siya ng kumot. Nangingiti siyang nagpatangay sa antok.

        Karson woke up to the smell of pancakes. With her eyes still shut, she looked for her phone to check the time. Balak kasi niyang tumulong sa pagluluto ng almusal. Even if first impressions aren't everything, they still matter.

        Karson's eyes widened. Biglang nawala ang antok niya. "Fuck," bulong niya.

        It was already five in the morning. Pasikat pa lang ang araw pero paniguradong almusal na iyong naaamoy niya. Bumalikwas siya ng bangon. That caused a head rush. She slowly massaged her temples.

        Sunod-sunod ang mahihinang katok sa pinto. Karson cleared her throat. "Bakit po?"

        "Sorry." It was Tito Japs. Habang hawak pa rin ang doorknob, nilibot nito ng tingin ang kuwartong tinulugan niya. "I just wanted to see if you're already awake. Kakain na kasi tayo maya-maya."

        Napalabi si Karson nang huminto ang mga mata nito sa nightstand.

        Tito Japs stared at the used bowls and utensils from last night. He glanced at her afterward. Napalabi si Karson. Nawala na rin kasi sa isip niyang iligpit ang mga iyon, gawa ng inantok na sila ni Nowi.

        In just a few seconds, Karson arrived at the best decision: telling the truth. Wala naman kasi talaga silang ginawa ni Nowi. They just talked while eating cake and strawberries. Hindi rin naman nagtagal ang boyfriend sa kuwarto niya.

        Karson mustered her courage to look Tito Japs in the eye. "Uhm, wala naman pong nangyaring ano. . . I mean, uh, yes po. Nowi was here last night, pero kumain lang po kami saka nagkuwentuhan."

        "I was afraid this would happen," umiiling nitong sabi.

        Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang tuluyan itong pumasok sa kuwarto. Ni-lock nito ang doorknob at saka, seryosong tumingin sa kanya. "Bakit po?"

        "Karson." Tinabihan siya ni Tito Japs sa kama. Nalukot din ang noo nito. He looked disappointed. "Tell me the truth. Do you find me intimidating?"

        Her brows knitted at the sudden question. "Po? Sa anong context po?"

        "In a general context. You do, don't you?"

        "Uh. . . ano po kasi, sir."

        "Sir?" One of Tito Japs' eyebrows was raised. Dumoble ang kaba ni Karson dahil doon.

        She asked Nowi countless times about his parents' preferred pronouns. Of course, she didn't want to misgender anyone, especially not her boyfriend's parents. Gender, however, is both a complicated and simple concept. Nowi's parents might have changed their pronouns without telling him.

        Napabuntonghininga si Karson. "I'm really sorry po if I'm wrong about your pronoun. Si Nowi po kasi 'yong tinanong ko. Sa inyo na po ako dapat dumiretso kung 'di ako sure."

        "Hija naman," natatawang sabi ni Tito Japs. "I appreciate the sentiment but that wasn't what I meant. Just call me Tito instead of 'sir'."

        "A. . . okay po." Mariin siyang napapikit. She smiled meekly when Tito Japs broke into a smile. "Sure po, Tito. Grabe, kinabahan po ako do'n."

        "Looks like Chris is right again," buntonghininga nitong sabi. "Alam mo, we had a long talk the other night. He gave me a crash course on meeting new people like I haven't been attending all our business meetings. Sabi niya kasi, nakaka-intimidate ako."

        "About po ba d'yan 'yong tinanong niyo sa 'kin kanina?" Napangiti siya nang tumango si Tito Japs. "Hmm, totoo pong nakaka-intimidate kayo pero 'di naman po kayo 'yong parang nakakatakot lapitan. Kumbaga, sa unang tingin lang po."

        "You're not just saying that because you're Nowi's girlfriend, right? Kasi Karson, 'di mo kailangang magsinungaling para sa approval ko. We already like you."

        Karson's brain might have short-circuited after hearing that. Ilang beses siyang tumikhim. "Hindi naman po ako nagsisinungaling saka maganda nga po 'yon. Same din po kasi ako na intimidating lagi 'yong first impression."

        "So you were intimidated, right?" Natatawang tumango si Karson. Tito Japs just laughed at her honesty. "Pinapaikot mo pa ako, e. I can see why my son likes you. You feel like a strong character but at the same time, mayro'n kang softness."

        Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi. "Uhm, thank you po."

        "You should help Nowi before Nat wakes up, by the way." Tito Japs stood up and walked towards the door. Tumuro ito sa sariling leeg. "Marunong kang mag-make up, right? We haven't had the talk on hickeys yet. Ayaw din naman naming magsinungaling sa bata."

        "Oh, my God," nakangiwing sabi niya. Ilang segundo siyang natahimik. Tito Japs, on the other hand, looked very amused. "I'm sorry po. Promise po, 'di na mauulit."

        Tito Japs snorted a laugh. "Knowing my son? As if."

        At his father's request, Karson pulled Nowi to the side before breakfast. Siya mismo ang naglagay ng concealer sa boyfriend. Saktong paglabas nila ng CR, dumating na ang nagpupungas pang si Natnat.

        Besides the occasional kicking under the table, breakfast was eventful with Natnat's stories. Ngumunguya nitong inireklamo ang kaklaseng si Elise. Kesyo masyadong harsh daw itong magbigay ng comments.

        "Ate, she's just so mean kasi." Sumubo si Natnat ng kapirasong pancake. "Sometimes, totoo naman po 'yong sinasabi niya like how Nica's bad with grammar pero kasi po. . . super mean niya sa amin."

        "Mage-gets niyo rin naman eventually 'yong sa grammar. If it's any consolation, nagsusulat ako para sa magazine pero kami ng colleagues ko, nagpapa-check pa kami sa boss namin."

        "Really po?"

        "Really." Nagmamadaling kumuha si Karson ng tissue. Carefully, she wiped the corners of Natnat's lips. May kumalat kasing syrup. "Tao lang naman kasi tayo, Nat. Hindi maiiwasan na may 'di tayo napapansing error kaya may tinatawag tayong editors. Sila 'yong parang last line of defense."

        "Ohhh~ okay po. Gano'n din po si Miss Jenny sa 'min, e. Siya po taga-check ng mga exercise namin sa Journ."

        That continued for about 15 minutes. Halos lahat ata ng kaklase ni Natnat ay pinakilala na nito kay Karson. After lunch, they headed for the beach.

        Doon nakaramdam si Karson ng inggit. Wala pa kasing 30 minutes ang layo ng dagat sa bahay nina Nowi. Nasa unahan sina Tito Clark, kasama si Natnat na may kinakaladkad na inflatable unicorn.

        "Babe." Napatunghay si Karson sa kaharap na si Nowi. Panandalian nitong natakpan ang sinag ng araw. "Are you okay ba? If you're tired na, I can carry you naman."

        Marahan siyang umiling. "'Di na, okay lang ako. Medyo mainit pero malapit naman na tayo."

        "Here." Mismong si Nowi ang nagsuot kay Karson ng itim nitong baseball cap. After adjusting the strap for her, he slightly lifted her chin. Natago kasi ng hood ang mukha niya. Pasimple siyang hinalikan ng boyfriend. "Do you need water pa ba?"

        "Bilisan na lang natin. Ang layo na nina Tito."

        Karson heard Nowi trailing after her. Kaagad siya nitong nasabayan. It was just unfair. Parang isang hakbang lang nito iyong tatlo ng mga binti niya.

        Nowi reached for her hand. Sinadya rin nitong bagalan ang paglalakad. "What was that reaction?"

        Tumunghay siya nang may marinig na pag-aalala sa boses nito. "Ang daya mo kasi," bulong niya.

        Saka lang siya naintindihan ni Nowi nang magtagpo ang mga mata nila. A smile slowly spread across his face. Lalo ring lumiwanag ang mukha nito. That wasn't even a proper kiss and yet, her cheeks felt warmer. Sigurado siyang namumula siya hanggang leeg.

        "Don't hide your face, yeah?" Nowi pulled her close and kissed her right temple. "I like your flushed face kaya. I like knowing it's because of me, e."

        Pinaikot lang niya ang mga mata.

        Carelessly, Natnat ran towards the water the second the sea came into view. Saglit na nagpaalam si Nowi kay Karson bago sumunod sa kapatid. Tumulong siya sa paglatag ng kumot sa buhangin. Nowi's dads set up a little picnic for them.

        Laying on the blanket, Karson watched Nowi and Natnat with a smile. Nowi would take pictures of his sister. Game namang nagpo-pose si Natnat habang nagtatampisaw.

        "Gan'yang-gan'yan ngiti niya no'ng araw na inuwi namin si Nat," panimula ng katabi niyang si Tito Clark. "Worried pa nga kami no'n, e. Sabi kasi ni Doc Tara, baka mahirapan si Nowi sa transition. Baka mahirap na biglang hindi na lang siya 'yong baby namin. I assured her na 'di naman gano'n si Nowi. Of course, I was right. Soft-hearted na siya noon pa, e."

        "Tito naman." Napangiti nang maliit si Karson. "Mahal ko na po si Nowi. Matagal na po akong sold."

        "Wala naman kaming duda do'n. Madaling mahalin 'yang anak namin, e. He's always been gentle." Tumungga ito mula sa dalang bote ng tubig. "Sadly, may mga taong minasama 'yon."

        Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. "If okay lang pong itanong, bakit 'di na lang po kayo umalis o lumipat no'ng nagkaproblema si Nowi sa school?"

        "Bukod sa dito kami lumaki saka nagsimula ni Japs, may karapatan kaming tumira dito. Ayaw din naman naming umalis kasi sobrang conservative no'n. For sure, kahit saan kami lumipat, mauulit lang 'yong gano'n. Sorry nga kami nang sorry no'n kay Nowi. Ang hirap din kasing ipaintindi sa bata."

        "Tito." Ngumiti si Karson. "I get that you're worried about him. 'Di ko po alam kung may bilang 'tong sasabihin ko pero sa ilang buwan pa lang na boyfriend ko si Nowi, kitang-kita ko po na maayos 'yong pagpapalaki niyo sa kanya. Ilang beses na nga po akong napapatanong kung anong tama ba 'yong ginawa ko sa past life ko."

        Napahagikhik ang katabi niya. "Bago pa lang kayo, 'no?"

        "Kaka-two months lang po. Bakit po?"

        "Babalik ka dito, 'nak, 'ha?" Tito Clark flashed her a knowing smile.

        Karson felt her eyes well with tears at the question. Gayunpaman ay ngiti lang ang naisagot niya.

        Maya-maya, dumating si Tito Japs. Ilang bote ng soft drinks ang bitbit nito. Bumili rin ito ng iilang beer. Karson waved at Nowi and Natnat. Halos isang oras na rin kasing nakababad sa araw ang magkapatid, katatampisaw.

        Before jogging towards her, Nowi finally removed his shirt. He hung the wet piece of clothing over his shoulder. Gamit naman ang kabilang kamay, inalalayan nito ang nakababatang kapatid.

        Nagmamadaling pinagbuksan ni Karson ng tubig ang magkapatid. She gave one to Natnat first, and then Nowi. "Babe."

        Tumungga si Nowi mula sa bote. "Thanks."

        He leaned forward and planted a kiss on her lips. Palagi na nitong ginagawa iyon kahit maliit na bagay lang naman ang ipinagpapasalamat nito.

        Still, it felt unreal.

        Buong hapong nakadikit si Nowi kay Karson kahit tirik ang araw. Kung hindi ito nakadantay sa kanya, nakahawak naman ito sa kamay niya. He would squeeze her hand in the middle of conversations. Napasisinghap tuloy siya.

        For a moment, it began feeling like it was just them at the beach and no one else.

        For a moment, it seemed like even Nowi was still in disbelief. Tulad niya ay parang hindi pa rin ito makapaniwalang sumama siya sa La Union. Karson decided not to think too much about that anyway. Saka na lang siya mag-aalala tungkol sa bukas.

        Watching the setting sun gently graze Nowi's face was just too beautiful to miss.

###

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro