✦ author's note ✦
Sa totoo lang, parang dito ako pinakanahirapan sa loob ng mahigit eight (8) months kong pagsusulat nitong YAOB.
'Di ko talaga alam kung pa'no 'to sisimulan. For 8 months kasi, naging takbuhan ko 'tong YAOB. Naging anchor ko sina Karson and Nowi. No'ng na-drain ako after no'ng 1-month stay ko sa corporate work ko sa Ortigas, itong YAOB ang yumakap sa 'kin hehe. Itong YAOB 'yong unang nag-welcome sa akin pabalik sa mundo ng pagsusulat.
Ang OA or weird mang pakinggan pero sa 1-month kong stay doon sa corporate job ko sa Ortigas, nagsimula na akong maramdaman 'yong hingal? Para kasing hinahabol ko 'yong pagsusulat na dati naman, sobrang dali lang sa 'kin na parang humihinga lang ako.
Thankfully, the universe offered me an out from that draining corporate job. Thankfully rin, nakita at nakuha ko agad na hindi ako pang-gano'ng klase ng trabaho. Na-gets ko agad na habang matagal ko nang tanggap na hindi ~ itong ~ pagsusulat 'yong magiging main source of income ko, gusto ko siyang gawin just for the fun of it.
And writing Karson and Nowi's story was so much fun.
Alam niyo, 'di ko alam kung nasabi ko na 'to HAHA. But one of the things that I love whenever I write is that I feel what my characters feel. Sinisikap kong makiramdam sa nararamdaman nila. Impossible kasi sa 'kin na makapagsulat nang maayos kung hindi ko sila nararamdaman.
That's exactly what I love while writing YAOB. While writing this, I can really tell when my characters are smiling or kicking their feet while typing a particular message. Nai-imagine ko silang sinusubsob nila 'yong mukha nila sa unan sa sobrang inis o kilig. Nakikita ko silang nag-iinteract.
I know when they're smiling, kaya pati ako, napapangiti. I know I said this countless times before but my sincere wish to everyone or whoever spends time sa mga gawa ko ay sana gano'n din kayo.
Sana nararamdaman niyo sina Karson, Nowi, Mon, Warren, Lilith, Jai, Je, Ma'am Nina, Sir Tim, Vee, Sir Kolay, Gen, Gar, and Ysa.
I truly truly hope na ganun din kayo while reading this. I hope you can also tell when and which part the characters (and me!) were smiling and/ or giggling HAHA. Sana nakikita niyo sila sa friends niyo sa labas ng app na 'to. If you (already) do, then I guess I did my job?
Affirmation 'yon for me na effective ako as a writer. Affirmation din 'yon sa inyo as readers for paying attention; and for feeling alongside the characters you spent a few hours, days, or months of your lives.
I've said this time and time again: I love how I see my characters live through my (IRL) friends or colleagues. Nakakatuwa lang na natututo na akong humugot ng inspiration sa mga ordinaryong bagay at sa mga ordinaryong tao na nakakasalamuha ko. I love how that makes YAOB feel so normal?
Sa sobrang normal, nakikita ko 'yong possibility na nangyayari siya somewhere out there HAHA. If we think about it, simple lang naman ang takbo ng kuwento ng YAOB. Boy meets girl and they fall in love.
But I guess that's the beauty of it? Nando'n sa pagiging simple 'yong pagiging maganda niya.
Ayokong nagsusulat ng tunog preachy na parang pagdating sa dulo, e, may magtatanong tungkol sa lesson/ moral of the story pero. . . kung ako tatanungin, marami naman akong napulot dito sa YAOB.
Hmm. YAOB made me see that love doesn't need grand gestures. We can be like Mon who confessed her love for Jai in the middle of having lunch; Lilith and Warren who just naturally fell into each other's lives; Je and Vee who realized their feelings because of their daily mundane interactions in the office; and Nowi and Karson whose affection blossomed in their work trips.
YAOB made me realize that falling in love can be as easy as that. Love can be soft or loud. It can feel anti-climactic and that's okay.
Needless to say, I grew alongside YAOB. Naranasan ko na 'yong isang resignation, isang Halloween, isang Pasko, isang New Year, isang Valentine's Day, at bagong work pero. . . nandito pa rin ako sa YAOB HAHAHA. Ang dami kong pinagdaanan habang sinusulat ko 'to.
Alam kong pati kayo, naging part na 'yong YAOB sa routines niyo so I'm deeply sorry if all I can offer is a thank you.
Thank you so much especially to:
@sunlighthues (Shey) : halos everytime, the same day pagka-post ko ng update, nakaabang ka na huhu. May comments and thoughts ka na agad. In your Telegram channel, ilang beses mo nang sinabi na nako-conscious ka sa pagiging "loud" supporter mo. I'm beyond grateful na 'di ka tumigil sa pagbabasa ng YAOB at sa pag-iingay. Thank you.
@MargarineStories : wala ka na sa GR so 'di ka na obligated na suportahan ako jk HAHAHA. But you're still here anyway? You're one of the people na nakaabang every weekend, every update. Madalas mo rin akong tinatawag sa name ko sa comments which I love huhu. That just goes to show na dahil sa YAOB, parang mas lumalim connection natin.
@jkthedreamer : I know you have a lot going on sa labas ng Wattpad. Honestly, 'di ko gets kung papaano mo napapagsabay pero good for you. Sobrang commendable 'yong 'di nawawalan ng oras sa hobbies sa kabila ng adult responsibilies. Thank you so much sa suporta. 💕
Kina @MiyazuHimeee, @restlessanna, @yeppiyeppu7778, @magpatuloy, @hirayeeth, @see-rye-hues, @ey_priiillll, @sandieyego, @0327asdfg_, @nilagangtinola, @yuchengcosgf, @deunusual1, @arisalwayslay, @dyenaliii, @kattheleader, @FR0Y0U, @Lexgoandsee, @eyerisicec, and @stressedwhale :
I really have nothing to say anymore but thanks. Time and time again, sinasabi ko nang malaking bagay for me na offline muna nagsusulat 'yong reactions niyo huhu. Kahit simpleng emojis or tawa lang, sobrang laking bagay na sa 'kin. There's always that little smidge of fear and doubt sa loob ko dahil nga ako lang ang prior audience. Maraming salamat sa pag-welcome ng stories ko with your comments.
Special mention din kay @jassadreamer_ na humabol and kay @realellyr na nagsimula sa YAOC at nandito na ngayon sa YAOB. Sa new readers, welcome sa inyo and I hope you enjoy your stay HAHA.
Sa mga silent readers naman at sa mga panay ang vote (xD), ang dami niyo sobra kaya 'di ko na kayo malilista pa pero!! Just know that thankful ako sa attention and sa minutes or hours na pinahiram niyo sa pagbabasa nitong YAOB huhu. 🥺
Lastly, kay Alexandra na nabi-busy na rin sa buhay HAHAHA. In case may 'di pa rin nakakakilala sa kanya, si Alex po ay IRL friend ko. Siya muna nakakabasa ng lahat bago kayo (xD). Ever since I started writing offline, kay Alex ako nakaangkla. Lagi niya kasi akong binobola HAHA.
Nagiging busy na kami sa kanya-kanya naming work. I'm so glad that because of YAOB (and other stories), nagagawan namin ng paraan na nandito pa rin kami sa buhay ng isa't isa.
I (also) had a hard time writing 129.01 — 'yong last narration ng YAOB. I don't know why. P'wedeng dahil sa ngayon lang ako naghahabol ng pahinga. P'wedeng inaatake lang ako ng sepanx HAHA.
Anyway, sobrang naibsan 'yong doubts ko dahil kay Alex:
Look. I know I'm not a perfect writer HAHA. Hindi rin naman 'yon ang goal ko kaya okay lang. With each work (I share), my goal is to always connect and make people feel.
I'm really glad na naabot ko 'yong goal na 'yon with Karson, Nowi, and the rest of the gang.
Onto the next one hehe.
– floe
[PS: Merch release of photocards will be on September hehe. Kasabay po nito ang reprint ng DF (LaurieLee) photocards hehe. Anywaaaay, magpapahinga lang me nang v light peroooo ito po ang designs natin:
(Art by fransaorsa on Twitter)
Sa mga interested bumili, you may fill in the interest check GForm via https://forms.gle/nFPWmMZdJcHtvEiv9 or you may scan the QR code:
P'wede niyo akong i-follow sa @floeful sa Twitter hehe. Kung may tweet man kayo, pwede niyong gamitin ang #yaobWP para madali kong makita. You may also join my Telegram channel for more writer updates. I-scan niyo lang 'yong QR code below:
Lastly, kung may tanong kayo about #yaobWP, comment lang kayo here and I will try to answer them as best as I can.]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro