Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

[Chapter 06] Partner

Yung nasa itaas☝👆 po ay si Princess Althea Faye Salvador Bilang si IU.☺

****************

ALTHEA POV'S

"O siya, antok na ako saka ko nalang sayo ikwento." Sabi ko kay Mika.

Pumasok na ako sa kwarto. Ngumiti ako ng mapait dahil sa kinwento ko kay mika sana tulad pa rin ng dati. Pero di ko alam kung bakit niya ko iniwan at di na maalala. Aamin na sana ako sa kanya nung mga bata palang kami na crush ko siya.

Hayss.

Pumunta na ako sa CR upang mag hugas ng katawan.

Pagkatapos kong maghugas nag bihis na akon ng pantulog.

Hayysss...

Humiga na ako sa kama upang matulog. Anong oras na pero di pa ako dinadalaw ng antok. Kasalanan naman kasi ni David A.K.A Kingkong.

Kung di lang niya kasi ninakaw o sabihin nalang natin na hinalikan niya ko.

"Iiiiiiiihhhhhhhhhh!" Impit kong sigaw.

"HOY ALTHEA! KUNG AYAW MO MATULOG PWES! MAG PATULOG KA!"

Tinignan ko yung orasan 11:00 na pala ng gabi.

"SORRY!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Umayos na ako sa pagkakahiga baka sakaling dalawin ako ng antok.

---

"Tilililing tilililingggg"

Kinusot kusot ko ang mata ko at saka ko iminulat. At pinatay ang ang alarm clock ko.

"Good morning world!" Sabay hikab.

Bumangon ako at pumunta sa CR upang gawin ang morning routines ko.

Naghilamos ako ng mukha tapos kinuha ko ang toothbrush at nilagyan ng colgate. Nagmumog ako at sinimulan ko na.

🎶"Brush brush brush 3X a day brush with colgate. Shi shi shi shi"🎶 kanta ko habang nag tutoothbrush.

Dinura ko ang bula sa bibig ko at brinush ko na din ang dila ko. Pagkatapos nun nag mumog na ako.

"I'm done!"

Lumabas na ko sa banyo. At bumaba para kumain na ng breakfast.

Nakita ko si Mika na nag kakape sa kusina. Binilisan ko ang pagbaba sa hagdan.

"Good morning Mika!" Sabi ko at nakipagbeso beso na rin.

"Good morning din. Ganda ng gising ah"

"Syempre naman!" Sabi ko.

Kumuha ako ng baso sa lalagyanan at pati narin ang kutsara.

Tumabi ako kay mika sa upuan. Kinuha ko ang thermos para lagyan ng mainit na tubig ang tasa ko. Tapos kinuha ko na din ang gatas na bear brand. At sinimulan ko ng magtempla.

"Oh yung asukal." Sabi niya

"Ayaw ko." Ako

"Ay oo nga pala ayaw mo pala lagyan ng asukal yang gatas mo." Mika

"Mika asan yung sky flakes?"

"Wala na ubos na."

"Oo nga pala maya mag grocery tayo. Malapit ng maubos yung stock natin jan." Sabi ko.

"Oo"

"Mika nag pray ka na?"

"Oo"

Ama maraming salamat po sa almusal ko pong ito. Maraming maraming salamat po sa blessings na binibigay niyo po sa amin. Amen.

Sinimulan ko ng higupin ko ang gatas ko.

Pagkaubos nun umakyat ako sa kwarto ko para naman maligo.

Pagkatapos kong maligo naghanap ako ng damit.

Bumaba ako at nag antay sa sala. Ng matanaw ko si Mika sa hagdan tumayo ako at kinuha ko ang bag ko.

"Tara na?" Tanong ko.

Tumango lang siya bilang sagot.

Kinuha ko yung susi ng motor ko sa bulsa ng bag ko.

"Uhm Thea makikiangkas ako sayo ah."

"Bakit? Naman?"

"Di ba mag grogrocery tayo."

Ayy nakalimutan ko. Hehehehe

Tumango na lang ako bilang sagot.

Lumabas na ako sa bahay at pinuntahan ko ang motor ko. Umangkas na ako at binuksan ko ang makina.

Hinintay ko muna si Mika dahil dinodouble lock niya muna ang apartment.

Umangkas na siya tapos sabay sabing tara na.

Pagdating namin sa school pinark ko muna yung motor ko.

Pinatay ko na yung makina at hinugot ang susi ng motor tinanggal ko ang helmet ko at sinabit ito sa may side mirror. Bumaba na ako sa motor at sabay kami ni mika na pumasok sa loob.

Habang nag lalakad kami tinawag ko siya.

"Mika" tawag ko.

"Oh" siya

"Wala lang" Ako.

"Mika" Ako

"Bakit?" Siya

"Wala lang" Ako

"Mika" tawag ko gusto ko lang pagtripan.

"Bakit nga!" Sigaw niya.

Beast mode.

"Nakatingin sayo yun oh!" Turo ko dun sa mga babaeng makakapal ang mga kolorete nila sa mukha.

Tinignan naman nito ni Mika.

"Sorry. Hehehe" aniya.

Binulungan niya ako.

"Kung wala kang sasabihin please tumahimik ka." Bulong niya.

"Eh may sinabi naman ako ah" sabi ko.

"Wala kang sinabi" sabi niya.

"Meron"

"Wala"

"Meron nga sabi ang kulit!"

"Wala nga! Kasi Althea!"

Nauna na siyang naglakad. Binilisan ko ang lakad ko at pinantayan siya.

"Meron kaya"

Di niya ako pinansin hanggang sa pagtapat ng pinto ng classroom.

"Bahala ka jan." Sabi niya.

Pumasok na siya. Sinundan ko siya nakita ko pang umupo siya sa silya niya.

Nilapag ko na ang bag ko sa upuan at umupo.

Nilabas ko muna yung cellphone. Para mag games. Alam ko namang ayaw akong kausapin ni Mika dahil sa ginawa kong pag jojoke time sa kanya.

Hayyysss...

Nasa kalagitnaan na akong ng pag lalaro ng candy crush ng na naubusan ng oras.

"Kainis naman uyy." Sabi ko.

"Tss"

Lumingon ako sa may bandang likod parang nakakita na naman ako ng anghel sa aking harapan at saka parang may butterfly in my stomach tapos parang may tugtugin sa aking paligid parang kaming dalawa lang sa paligid. Agad nasira yun dahil biglang may sumabat sa gilid ko.

"Althea yung bibig mo uy may langaw at saka tumutulo laway mo!" Si silver.

Agad kong sinara ang bibig at pinunasan.

Tinignan ko lang siya ng masama.

Maya maya dumating narin ang adviser namin.

"Good morning class I'm sorry I'm late. May bilaang meeting kasi lahat ng teacher sa faculty." Ms. Sanchez

Bahagya niyang inayos ang salamin niya.

"Good morning class" Ulit niya.

"Good morning maam" chorus naming sabi.

Tinignan niya yung relo niya.

"By the way class may 5 minutes pa tayo at alam kong kukulangin tayo sa oras pag nag quiz kayo ngayon." Ms. Sanchez

"Yun! Oh!"

"Thank you maam!"

"Yess!"

"Wag muna kayong mag saya dahil lang jan may ipapagawa ako sa inyo." Ms. Sanchez

Ba'yan! Pa bitin naman si maam.

"Maam naman!"

"Grabe si maam uy!"

"Ayytt!"

"Mag sitigil!" Ms. Sanchez

Yan na sasabog na ang bulkan!. Joke!

"Di niyo pa naman kasi ako pinapatapos!. Ipapartner ko kayo sa dalawa dahil ang hindi natin naidiscuss ngayong araw na ito Irereport niyo dito sa harapan sa Huwebes." Ms. Sanchez

Kinuha niya yung Attendance namin at nag simula na siyang mag tawag ng pangalan.

"Mika Santiago and Silver Silverio"

"Janina Fiesta and Blythe Ocampo"

"Charlie De guzman and Pearl Dela cruz"

"Jamaica Corpuz and Jhon patricio"

Tuloy tuloy lang siya sa pag sasalita. At ako naman nag leletering ng pangalan ko sa likod ng notebook ko.

Hanggang sa...

"Althea Salvador and David Velasco"

Huh? Ano daw?

Tinignan ko si Mika nakatingin na pala sa akin at ako naman nagtataka. Tapos may pangiti ngiti pa.

Nginuso naman niya sa may bandang likod ko. Tinignan ko naman.

Nakita ko si david na nakakunot ang noo tapos yung itsura niya na parang nag pipigil ng utot ay. Basta di maipinta.

Tinignan ko naman yung mga bestfriends niya nakangiti ng nakakaloko. Habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa. Nakakapagtaka sa mga kinikilos nila.

"So may partner naman na kayong lahat. At lapitan niyo yung mga ka partner niyo. Habang wala pang teacher at pagusapan niyo na. Binigay ko na din ang mga irereport niyo. Kaya paghandaan niyo nalang yan hanggang huwebes lang yan. Ok magkita kita nalang tayo bukas."  Ms. Sancez.

Kinuha niya yung gamit niya at umalis.

Di ko alam kung sino partner ko. Ito kasi nadadala ko na hindi nakikinig eh. Basta ang alam ko meron dahil narinig ko ang pangalan ko.

Bahala na nga lang siya kung sino man ang kapartner ko siya nalang lumapit.

"Hi" sabi ng kung sino.

Eh di lumingon naman ako.

Pag kalingon ko di talaga ako makapaniwala! Na nag hi siya sa akin!. Hihihihi.

"Wag ka ngang tumunganga jan." Aniya.

"Sorry" yumuko ako

Tumabi siya sa tabi ko.

"Hey pakner daw tayo" bulong niya.

Kumunot naman noo ko.

Partner daw kami pero yung sinabi niya na pakner?

"Anong sabi mo?" Tanong ko.

"Haysht. Di ka ba nakakaintindi basta isang beses ko lang sasabihin yun na!" Sagot niya

"Di ko kasi narinig" mahinahon kong sabi.

"Ano ba yung sinabi mo?" Tanong ko ulit.  Gusto ko siyang asarin.

Medyo naiinis na siya.

"Ang sabi ko pakner tayo!" Sabi niya sa medyo malakas na boses.

"HAHAHAHAHA!" tawa ko

"Anong nakakatawa?!" Sabi niya.

"Mali kasi sinabi mo di pakner kundi partner. HAHAHAHA" Tawa ko pa dito.

"Happy happy?" Sarcastic tone.

"Yeah" sagot ko.

"Haysht."

Tapos nag walk out.

~~~~

To be continued...

Instagram: Akhira_juriz

Twitter: @Aaaakkkhhhiii

Wattpad: Akhian17

Tiktok: Akhira_juriz

Don't forget to vote, comment and share!  Thank you! 😘


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro