[Chapter 04] Bahala
Nagdradrive ako ngayon para ihatid si david sa bahay nila. Pano naman kasi si kathy eh sinaktan pa si david mas ayos na yung ako nalang masaktan kaysa pa siya kaya kong magpalaya kung dun naman siya sasaya.
May ganun palang babae akala ko pare parehas lahat ang babae na matitino yun pala yung iba kagaya sa mga lalaki!.
"Kathy" sabi ni david habang natutulog sa passenger seat.
Pati ba naman sa pagtulog niya ginagambala pa rin si david?!.
--
"Oh iha your here! Oh wait, ba't lasing si David?" Tita grace
Tapos tinulungan ako ni tita grace para buhatin si david at inilagay namin siya sa sofa.
"Tita broken hearted eh" sagot ko
"Sayo?" Aniya.
"Hindi tita sa ibang babae eh. Ah sige tita aalis na rin ako babalikan ko pa yung motor ko dun sa bar."
"No. Dito ka muna, ako na bahala sa motor mo ipapahatid ko nalang dito at saka nga pala dito ka nalang mag dinner."
"Ah, wag na po nakakahiya naman po tita"
"Wag ka ng mahiya minsan lang to noh"
Feeling ko talaga si tita teenager dahil sa pananalita niya.
"Ok po"
"Tita papano natin dadalhin niyang si david sa kwarto niya?" Tanong ko.
"Tulungan mo nalang akong dalhin yang batang yan sa kwarto niya."
Sinimulan na namin ni tita grace na buhatin siya.
"Grabe talaga tong anak ko di man lang siya nahiya sayo. I'm sorry ha kung naistorbo ka pa niya."
"It's okay tita, eh di kung wala ako kanina for sure walang magdadala sa kanya na pauwi."
Inakyat na namin si david hanggang sa mapunta kami sa kwarto niya. Binuksan naman ni tita grace at nilagay na namin siya sa higaan niya.
"Uhm althea kukuha lang ako ng bimpo at maligamgam na tubig para sa pampunas sa kanya." Aniya.
"Sige po tita. Uhm.. pati na rin po pulbo."
"Sige. Wait mo na lang ha?"
Tumango tango na lang ako bilang sagot.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.
Ganda ha parang babae! Sobrang ligpit! Eh yung ibang lalaki ang gulo ng mga kwarto tulad nalang ni Andrei na magulo ang kwarto. Na nagkalat ang mga labahan kung saan saan pati brief! Naka lapag pa sa sahig! Pero toh iba ang linis ang ligpit. Tapos blue and white ang theme color niya.
Ang laki pa ng kwarto niya samantala ako simple lang.
~bbrriittzz~brriittzz
Pagtingin ko sa bulsa ni david ay umiilaw ito. Kinuha ko ang cellphone niya at tinignan ko ito kung sino ang tumatawag.
~Charlie calling~
OMG! Sasagutin ko ba ito o hindi wala naman atang masama kung sasagutin ko ito.
[Thank God!... buti sinagot mo! Ilang tawag at text kami sayo di mo lang magawang mag reply! Man lang! Pati sumagot di mo magawa!.. Saang bar ka ba nag punta!? Ha?! David?!]
Uh-oh baka ako pa ata pagtuonan ng galit niya!
[Ano? Na david sagutin mo naman oh!]
"A-ah charlie" panimula ko.
[WTF! Ba't nag boses babae ka? David?! Naging bakla ka?! F**k! Nagsasabay pa naman tayong apat maligo minsan tapos bakla ka pala! Nakakadiri ka! Gina---]
"Hoy anong pinagsasabi mo jan di to si david pinapaunahan mo ko eh di pa naman akong tapos mag salita?. At saka DI. AKO. BAKLA!."
[OK. I'M sorry Who's this nga pala?]
"Althea. Don't worry, David is safe. Andito siya ngayon na natutulog sa---"
[Ok. Anong address niyo? Para mapuntahan ko kaagad siya jan sa bahay niyo?]
"Wala siya sa bahay namin--"
[What the! Asan siya ngayon! Kinidnap mo siya! Asan siya please wag mo siyang sasaktan. Kaya namin ibigay ang lahat ng gusto niyo o mo kahit ilan basta wag mo siyang sasaktan.] Pag mamakaawa nito.
Tanga ba to? Magagawa ko ba iyon?
"Shunga ka ba? Di ko siya kinidnap di mo nanaman kasi ako pinapatapos sa sasabihin ko eh! Andito siya sa bahay niya, dito siya sa kwarto na natutulog dahil sa kalasingan."
[I'm---]
Pinatay ko na ang tawag.
"David ano bang nangyari sayo? Ba't di mo ako maalala dahil ba nawala ako ng ilang years?" Sabi ko sa kanya habang natutulog siya.
"Iha?"
"Yes, tita?"
"Why are you crying?"
Huh? Ako umiiyak?
Hinawakan ko ang mukha ko at basa nga!
"No tita, napuying lang."
Sabay tangad at punas ng luha.
"Ok. Ikaw na muna bahala sa anak ko ha? Ikaw na munang mag punas sa kanya. Ito oh. Baba lang muna ako dahil may bisita ako sa baba." Sabay sara ng pinto.
A-ano daw? Ako daw bahala kay david!. Hala pano na yan eh di huhubaran ko din siya! OMG! Kinakabahan ako, nanginginig tuloy mga binti ko pinagpapawisan ng malamig at nanlalamig kamay ko!. OMG! oa na kung oa first time ko to!.
Nilapag ko ang maliit na palanggana na may laman na bimpo.
Sinimulan ko na ang pagpupunas sa kanya at di ko talaga maiwasan na mapatitig sa mukha niya. Napaka amo! Para siyang anghel na natutulog. Ng mapatingin ako sa ilong niya matangos, ng dumapo ang paningin ko sa labi niya parang nang aakit siya pingkish! Ang ganda! Parang sinasabi niya na halikan mo ako althea, c'mon baby!.
Erase, erase, di tama ang pinagiisip ko.
Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanya.
Kailangan ko talagang tangalin yung polo niya para punasan siya.
Sinimulan ko na ang pagtatanggal ng butones ng kanyang polo.
6....7....8....9...10..
Finaly! I'm done!. Tapos ko na ang pagtanggal ng butones niya. And thank god! Buti naka sando lang siya!.
Dahan-dahan ko tinanggal Ang polo niya at bigla siyang nagsalita at napalingon naman ako dito.
"Kathy?"
------
To be continue...
Instagram: Akhira_juriz
Twitter: Akhira_jurizzzzz
Wattpad: Akhian17
Don't forget to Vote, Comment and Share Thank you!.
Akhian17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro