[Chapter 02]Flashback
ALTHEA POV'S
Nandito kami sa parking lot ngayon at kinakabahan talaga ako kung anong mangyayari. Ang shunga shunga ko naman kasi sana di ko nalang yun ginawa, Teka nga lang kung di ko yun ginawa e di magdedate sila. baka Ngayon, Bukas, Magpakailanman. At di naman ata mangangain ng tao sila David o mamatay tao, kung papatayin niya ako, mumultuhin ko siya at papatayin ko siya sa sobra kong pagmamahal. O kaya kikidnapin tapos gagawin kaming dalawa nilang sexslave Huhuhuhu. Ayoko pang maging isang ina binabawi ko na po ang aking sinabi kanina. O kaya kikidnapin at gagawin kaming pang ransom o kaya ibebenta kami sa sindikato. O kaya naman ibebenta yung laman loob namin AYOKO!, ayokong mangyari yon huhuhuh.. naiiyak na talaga ako please wag kayong papatak mula sa dalawa kong mata WAG!!.. Ayokong ibenta pa yung mga magagandang mata ko, puso ko, kidney, or what na maaaring ibenta please!!
"Please, wag niyo kaming kidnappin para lang ibenta sa sindikato at mga laman loob namin please... *huhuhuhu*"
Nagtawanan silang lahat maliban kay mika na nakakunot ang noo. At saka may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"*huhuhuhu* bakit kayo tumatawa ha Isusumbong ko kayo sa tatay kong pulis!" *singot* at punas ng sipon at luha gamit ang kamay.
"Hahahahaha!" Silang lahat
"Pati ba naman ikaw Mika kasabwat ka rin?"
"Hahahaha. Hindi sadyang nakakatawa yang imagination mo at di naman police tatay mo!. Hahaha" mas lalo lang silang tumawa ng tumawa!.
"Your so funny Althea, your so cute." France.
Tawa pa rin siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan niya.
Medyo tumigil ako sa pag-iyak pero may tumutulo na luha galing sa mata ko teka nga lang, Sinabihan niya ako ng cute? Ni France? OMG! Ibig sabihin cute ako pag umiiyak?. Aha kung lagi nalang kaya ako umiyak at itotodo ko pa para sadyang magugustuhan sa akin si David ko yieehh!.
At sila tumigil na sila sa pagtawa at ako? Pinagpatuloy ko pa rin ang pag iyak ko, cute daw ako eh. Hahahahahaha. Mabibihag na rin kita David gamit ang magaganda kong mga mata. Hahahahaha*Kontrabida laugh*
"Oh, Althea don't cry Please"France
May gusto ata sa akin si France ah.
"Eh sabi mo cute ako pag-umiiyak?"
"Eh?"
"Tama na nga lang yang dramang yan. Ba't mo kami pinasunod ha David?" Mika
"You!" Turo sa akin ni david
"Bat mo ako pinahiya kanina? At ginawa mo pa akong asawa't at tatay sa mga anak mo?!"
Bakit nga ba? Aha! Alam ko na!
"Eh kasi baka pagalitan ka ng mommy at daddy mo, at saka dalaga pa po ako." Pagdadahilan ko.
"Di mo ba alam gustong-gusto nina mommy at daddy na magkagirlfriend ako at saka popormahan ko na sana siya pero ikaw! (Turo sa akin). Sinira mo lahat ang plano ko!. At sino ka ba para pakialaman ang buhay ko?"
Ouch! Nasaktan ako sa sinabi niya sa huli. di ba niya talaga ako makilala o maalala man lang? Nakakasakit sa damdamin yun ah. Kung siya kaya ako at pag salitaan ko siya ng ganyan masasaktan kaya siya?
"Hoy, sagutin mo ang tanong ko sayo!"
"David" Tawag ni France sakanya at hinawakan ito sa balikat.
"Kababata david. Di mo man lang maalala at ang sakit mo mag salita, Tatanungin mo ko kung sino ba ako sa buhay mo?, ang sakit mo magsalita" bulong ko
" Thea" Mika
Tumingin ako sa kanya at di ko namalayan na umiiyak na naman ako.
"Sorry, sorry david" sabi ko na habang nakayuko
"Sorry sa nagawa kong mali kanina sana mapatawad mo ako" dagdag ko pa.
"No!, Hindi ko matatanggap yang sorry mo!" David said
"Nagsosorry na nga lang yung tao tapos ayaw mo pa!"
DAVID POV'S
"Nagsosorry na nga lang yung tao tapos ayaw mo pa!." She said.
Because of you, di na ako gusto ng babaeng mahal ko na popormahan ko sana pero sinira mo! Kaya di kita mapapatawad kailangan mong pagbayaran lahat ng ginawa mo!
"Bro, Tara na anong oras na baka malate tayo kay Mr. Domingo." France
"Anong oras na ba?" Mika
"It's already 9:00 o'clock A.M." Charlie
"Tandaan mo althea di pa tayo tapos." I said.
********
*ROOM*
"OK, class i lecture niyo muna tong Types of poultry breed and Kinds of poultry feeds." Mr. Domingo
"Ms. Salvador" Mr. Domingo
"Yes, sir?"
"Pakisulat sa board tong Page 47 to 48" sir
"Ok sir." Althea
"May meeting kaming lahat na teachers sa Principal Office. And please be quiet class, Understand?"
"Yes Sir!" Kaming lahat
Nagsimula na silang lahat pero kaming tatlo nina Charlie at Silver ay di pa nagsusulat. Tinatamad talaga ako.
"France" tawag ko
"Oh"
"Pipicturan ko nalang yang lecture mo."
Tumingin lang siya sa akin at di na pinansin. Nilabas ko nalang ang cellphone and headset para magsoundtrip ako. Boring…
“Do you remember when i said I'd always be there? Ever since we were ten, baby. When we were out on the playground playing pretend.”
Naalala ko tuloy sila charlie, silver, at France na naglalaro kami ng basketball sa subdivision namin. HAHAHAHA. Tapos epic fail yung aso ng kapitbahay namin ay nakawala sa amo kaya hinabol kami. Hahahaha tapos yung itsura ni France ay parang tsokolate na hinulma lang na hugis tao dahil nadapa siya sa putikan! Eh siya pa naman ang tipo na lalaki na ayaw madaplisan ang mukha at katawan niya ng kung ano ano.
Napapangiti nalang ako na maalala ko ang mga iyon.
“I didn't know it back then. Now i realize you are the only one It's never too late to show it. Grow old together, Have feeling we had before.”
Parang natatamaan ako sa kantang to, Ewan ko ba kung bakit at saka baka dahil narin sa pahiwatig ng kanta at tono nito/niya.
“ Back when we were so innocent I pray for all your love girl, is so unreal Ijust wanna reach and touch you, squeeze you somebody pinch me.”
May nag flashback sa aking isipan ko at sumakit ang ulo ko ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin nung narinig ko yung linyang yon. Kaya pinatay ko na yung music at nilagay ko na sa bag ang phone and headset ko.
"Bro, okay ka lang?" -Silver
"Yes, Im okay" I said
"France tapos mo na?" Tanong ko.
"Yes" Binigay niya sa amin ang lecture niya at pinicturan na naming tatlo.
-----------------------------------------------------------
*LUNCHED BREAK*
Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kaming apat at dumiretso kami sa locker.
"Pre, anong balak mo?" Silver
"Na ano?" Ako
"I mean. Anong ang balak mong gawin kay Althea?" Silver.
"I don't know"
Nilagay ko sa locker ko ang mga gamit kong pang umaga at kinuha ko naman ang pang hapon. Sinarado ko na ang locker ko at umalis.
"David!" Si charlie
Lumingon ako sa kanya. At huminto sa paglalakad.
"Why?"
"Di mo man lang kami hinintay. Sabik na sabik ka talagang makita si kathy noh?" Silver.
"Of course! Para makapag explain ako sa ginawa ni... What's her name again?"
"Althea?" France
"Yeah! Althea" I said.
--
*CANTEEN*
"Uy pre, Mukhang si kathy yun oh mukhang mag-isa. Tara dun tayo!"Charlie.
"Tara!" -Silver, Ako, At France.
Himala iisa lang ang iniisip namin!.
Nung papunta kami may dumating na pitong lalaki at lahat sila ay pawisan, Galing sa practice ng basketball at umupo naman yung pito sa harap ni kathy at yung isa katabi niya. Saktong dumating naman ang dalawa niyang bestfriend na may hawak na tig isang trey ng pagkain.
And I think yung katabi ni kathy ay si Arellano based on his shirt. At ang di ko inaasahang eksena ay ang pag punas ni kathy sa pawisang mukha nito.
"Thank you Baby." With matching smile then he kiss her!.
"Your welcome"
I walked out. And I saw Althea and with her bestfriend.
"Hey, wait, David where are you going?" Silver.
"Parking lot"
"What!, Di muna tayo kakain?" France
"Wala akong gana, At kayo nalang kumain"
At nag patuloy pa rin ako sa paglalakad at hanggang mapunta ako sa parking lot. Pinuntahan ko ang kotse at sumakay.
"AHHHH! Why?, Why kathy. Ganun kabilis ka nakahanap ng Iba?!"
Inuuntog -untog ko ang aking ulo sa at nakita ko Silang tatlo na lumabas at hinahanap ako. I open the engine at umalis dito sa paaralang ito. Pumunta ako sa bar para magpalamig at Uminom.
Umupo ako at nagtawag ng waiter.
"Yes, sir?, What is your order?"
"3 Bottle of hard drinks and 1 bucket of ice."
"Ok sir, in 5 minutes."
~brriittzz~brriittzz
France calling
[Hello pre, asan ka?] France
"Bar"
"Sir, here your order" Waiter
"Here's my payment"
"Thank you sir"
"OK, go ahead"
[Hoy, david kausapin mo nga kami. Saang Bar----] Charlie.
I hang up the phone, at gusto kong lang munang mapag-isa.
ALTHEA POV'S
Hayy ako na naman ang pasusulatin sa board kakasawang maging Secretary. Ay hindi pala SEXYTARY.. charot!!.
Ganda kasi sulat ko kaya ganun ako ang pinili o ginawang secretary at alam niyo ba kung sino nag nominate sa akin? Eh di si Mika!
*after 25 minutes*
Yes! Tapos! At lunched break na! Saktong gutom na ako.
Kinuha ko na ang Bag, Libro, at chalk. At lumabas na kami ni Mika.
"Mika" tawag ko
"Oh"
"Sa tingin mo ba tapos na sila sa meeting?"
"I don't know."
Pumunta kami sa locker para magpalit ng gamit at iniligay ko na rin ang gamit ni sir sa locker ko.
"Sa tingin mo Althea, anong maaring gawin ni David sayo?"
"Di ko alam kung ano mang gagawin niya."
Sinarado ko ang locker ko at tumingin sa kanya.
"Althea."
"Hmm?"
"Sabi mo kababata ka niya at kaklase na nga natin siya ba't di ka niya kilala o maalala man lang?"
"Di ko nga din alam nagtataka nga ako kung bakit di niya ako maalala."
Sinarado niya ang kanyang locker at humarap sa akin.
"Ano sa tingin mo? Bakit? Di ka niya maalala?"
"Amnesia?, yun Amnesia nga!"
Bakit kaya siya nagka amnesia?. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen at saktong may nakita akong bakanteng upuan at lamesa. Pumunta naman ako
At umupo
"Thea, what do you want?"
"Same to your order"
Pumila siya at ako naman ay nakita ko sila charlie na naghahanapng mauupuan. At himala di tumili ang mga fangirls nila. Nakita ako ni france at parang sasabihin ni france na dito nalang pero naunahan na ito ni charlie.
"Uy pre mukhang si kathy yun oh mukhang mag-isa. Tara dun tayo!" Charlie.
Tumingin ako kung san sila nakatingin at nakita ko nga si kathy na mag- isa lang naka-upo sa inuupuan niya.
"TARA!" Silang tatlo
"Oh Thea. Wala ka na naman sa sarili mo anong problema?"
"Mika. Tignan mo yun."
"Aww, sakit niyan pag nakita mo yung taong mahal mo na may kahalikan."
"Brokenhearted. Ang sakit para sa akin, na makikitang nasasaktan siya."
Umalis na siya dun at nakita niya ako at nagkatitigan. Makikita mo palang sa mata niya ay ang lungkot, galit, at nasasaktan.
"Hey, where are you going?" Silver.
"Parking lot"
"What!, di man lang tayo kakain?" France.
"Wala akong gana, at kayo nalang ang kumain." David.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at ako tumayo para sundan siya. Tinawag ako ni Mika ng paulit-ulit pero di ko na pinansin pa. At nakita ko si David na patuloy pa rin sa paglalakad. Natunton naming dalawa ang parking lot. Nagtago ako sa may poste para di niya ako makita. At sakto ring katapat ko lang ang motor ko.
Nakita ko siyang inuuntog-untog ang ulo niya at para bang nag sisigaw sigaw siya.
"Oh Althea anjan ka pala" France
"Ayun oh si David!"Silver.
Huli na silang apat para mapuntahan siya pero ako susundan ko pa din siya baka kung anong gawin. Kinuha ko ang susi ng motor ko at inopen ang makina.
"Hoo~astig!" Charlie said.
"Be careful Althea" ani france.
"Hey! Althea!, Where are you going?!" Mika said.
"Susundan ko siya Mika." Mahinahon kong sabi. At sinuot ko ang aking helmet at sabay sabing "Bye."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro