Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CNA

Napakainit ngayong araw. Tila nagbabadya na ang panahon ng tag-init. Ang masaklap nito sobarang init sa labas tapos papasok ka sa opisina na sagad ang aircon, nakakasakit ng ulo. Pag mahina-hina katawan mo, tiyak na dadapuan ka ng sakit. Buti na lang at medyo nakakasanayan na ng aking katawan subalit tila iba yung napapakiramdaman kong init ngayon.

"sir tara sa baba" yaya ko sa aking kasamahan na itatago ko sa pangalang Bong

"sige tara yosi din ako" tugon nito. Pero di ako nagyoyosi ha.may bibilhin lang ako. Pantanggal init ng katawan para mapreskuhan naman.

"Teka lang. Saglit lang" tugon nito nung pupunta na ako pababa. Nasa ikatlong palapag kasi kami ng gusali eh. bumalik ako at tiningnan ko ginagawa nya

"Aatake lang ako" sabi nito ng sumilip ako sa cellphone niya. Hindi ko na sasabihing Cherry mobile Flare S3 yung cellphone nya.

"sige lang sir" tugon ko. Alam ko kasing may clan war ito. Clash of clan nilalaro nito. Niyakag ko lang ito maglaro pero parang aabutan pa ako nito eh.

Matapos umatake bumaba na kami.

"sayang yung attack ko two star lang, kinapos sa oras" sabi nito

"Oo nga sir eh. dapat kasi may wizard ka" tugon ko naman. Iisa kasi clan namin kaya napanood ko ginawa niyang atake.

"oo nga..saka mali yung drop ko." dagdag pa nito."saka pangit laman ng cc (clan castle) ko"

tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa nakababa na kami. Nakita namin si lotlot na bantay sa tindahan. Hindi ko alam nung una  pangalan nito kaya lotlot tawag namin. Short for kulot. Kulot kasi buhok nito.

"ano softdrinks ninyo?" tanong ko agad

"coke po saka pepsi" tugon ni lotlot.

"wala ng iba?" tanong ko

"royal po saka sprite"

"walang minute made?"

"wala sir eh. mountain dew meron pa"

"tropicana na lang" sabi ko

"Wala din sir eh" tugon niya

"ano ba naman tindahan ito, lahat na lang wala" biro ko.

"sir naman, kung ano yung wala yun hinahanap nyo" sagot nito. Kabiruan na kasi namin ito. itatago ko nlng sa Rosanna ang pangalan pero nasanay na akong tawagin lotlot.

"Alangan naman hanapin ko kung nandyan.syempre yung wala ang hahanapin ko." bira ko naman

"magsara na kayo bukas pag wala pa din yung hinahanap ko" patuloy ko. tumawa lang siya.

"Magkano na lang dito sa oishi?" tanong ko

"syete sir" tugon niya

"ang mahal naman. eh dito sa craklings?" tanong ko

"ganun din sir. pare-parehas presyo nyan" tugon nito

"sige dos ngang maxx yung orange" sabi ko

"wala sir red at violet yan" tugon nito

"ano ba yan wala pa din?" sabi at natawa ito.

"sige piso nlng monami" sabi ko at pinagbentahan na ako. Pumunta kami dun sa karinderya cum sari-sari store. Parang annex lang yung kay lotlot at ito yung main

.iisa lang may ari nito eh. Hindi ko na papangalanang ate Amy.

dito kami bumili ng meryenda. Tropicana ang inumin saka pansit at puto.Habang nakain, napakaseryoso ng aming pinag-uusapan. Ang walang kasawaang COC. matapos kumain umatake pa kami bago umakyat pabalik sa ikatlong palapag ng gusali.

Nakasalubong namin si sir aleck.

"oh sir, kamusta na CNA ninyo?" tanong ko

"p***ng-***, pinaalala mo pa yang hayop na CNA na yan." sabi nito. Natawa na lang kami sa naging reaksyon nito at nakipagbiruan pa kami ni bong dito. Nakita nito yung tindera at sinabihan kami.

"Uy ipapakilala ko sa iyo tong tindera oh" sabi ni sir.

"sige sir kilala na namin yan" sagot ni bong

"pumarine kayo at ipakikilala ko kayo." tugon ni sir.

Lumapit kami dahil alam kong nagbibiro lng ito.

"Miss anong pangalan mo." tanong ni sir kay lotlot/rosanna/osang.

napatawa kami sa tanong niya.

"ipakikilala mo kami sir, di mo pa pala kilala" sabi ko habang natawa.

tumawa din ito "hahaha ako naman makikipagkilala. " bunyag nito at nagtawanan pa kami.

pag akyat namin nakasalubong namin si kuya nato. Driver ito.

"kuya nato, kamusta CNA nyo?" tanong ko

"hayop na CNA na yan. di pa nabibigay sa pabawas na" sabi nito sa paraang mura. Nagkwento pa ito tungkol dun sa CNA na iyon at napahaba pa kwentuhan namin.

Nakabalik na kami sa opisina pero napakinggan ko pa din ang talakayan ng iba tungkol dito.. Syempre dahil friendly nakipagkwentuhan sa kanila. Pagbalik sa aming pwesto.Alas- singko na. Sakto uwian na.

Isa lang nalaman ko.Tsismoso pala ako..hahaha..:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #yohoho