Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Ketsup

tila pareparehas na lang nangyayari sa araw- araw..paulit-ulit na lamang. Tila walang katapusan. Tulad ngayon tanghali na naman. Time na para kumain..Pumunta ako sa isang karinderya.gutom na gutom na ako eh. Kanina pang umaga walang kain kaya alam ko mapapdami kain ko ngayon.

"Ate isang kanin nga balot" sabi ng isang kustomer.

"anong ulam mo?" tanong ni ate

"isang hotdog at itlog lang po"

"pagsasamahin ko na ba?"

"opo pagsamahin mo na, lagi naman magkasama yan" biro nya.

Matapos umorder, umalis na sya kaya ako naman yung oorder at talagang gutom na ako.."ate dalawang..."

"ate lumpia pa pala" sigaw nung umurder nung hotdog. Tiningnan ako ni ate at tumango na lang ako..Ibig sabihin unahin ko na yun. Agad naman binigyan ni ate ng order.

"ate wala bang suka?" binigyan ni ate ng plastik na maliit.

"kuha ka na lang dun" sabi naman ni ate..umalis si kuya este ate bakla kasi yung nabili eh. Maya-maya bumalik ulit..

"Wala na pong suka doon" sabi niya..Saglit kong tiningnan subalit meron naman..Binawi ni ate ang plastik at binigay sa isang kasamahan.

"lagyan mo nga ito ng suka" utos niya

Matapos ibigay ang suka aalis na sana si kute (short for kuya na ate) ngunit bumalik ulit ito.

"ate wala bang ketsup?" tila nangunot na ang noo ni ate sa kakulitan ni kute.kumuha si ate ng nakabalot ng ketsup. ito yung para sa mga magtetake-out tlga.

"ang unti naman. eh hotdog itlog at lumpia keketsupan ko" reklamo ni kute

hindi nakaimik si ate na kita ko na nagtitimpi na yata o nayayamot na tlaga. lumapit yung isang crew at dinagdagan ng ketsup.

"Ayan okay na ha" tugon nito..

"Okay" sabi nito at umalis na

"Sensya pogi ang kulit nun eh" sabi ni ate sa akin."ano ngang order mo..Sinabi ko order ko at kumain na ako.

Akalain mo yun pogi daw ako..Bow..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #yohoho