Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

CHAPTER 2

TAHIMIK lamang ako buong klase namin maghapon. Wala akong kakibo-kibo, maski ang pagsagot tuwing recitation ay hindi ko nagawa dahil buong afternoon period namin ay tulala lamang ako at okupado ng isip ko ang lalaking nakilala ko kanina.

What is he thinking? Is he on his right mind...o sabog lang siya?

Napangiwi ako. "Is he perhaps...sabog?" I asked myself, using a low tone voice.

People might think I'm crazy. Oh, I'm indeed crazy! Why am I even talking to myself?!

Tumikhim ako bago muling binulungan ang sarili. "I bet he's really out of his mind. Seriously? Asking a person a date you barely know, God, what is happening in this world?"

Hindi ko maiwasang matakot dahil sa pagiging moderno ng mundo. Kahit hindi mo gaano kilala ay yayayain ka na makipag-date or worse...doing some greenery!

Oh my, what if he's a thief? A murderer? or worse, what if he's... a rapist! The horror! If I agreed to him baka...baka he will rape me! Tapos papatayin niya ako-ay hindi muna pala. He will hostage me muna tapos humingi siya ng ransom money sa parents ko then after that he will kill me and my parents!

I gasped, ramdam ko ang paggapang ng kilabot sa buong sistema ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at braso. Marahas akong umiling at mahinang sinampal ang sarili.

Shoot! Stop it, Selenn! You are just being overreacted and overthinking!

I bit my lower lip and played with my fingers, distracting myself to overthink.

Pero what if...gano'n nga ang mangyari sa akin? No! I don't want that to happen!

"Ms. Coftia?"

"I object!"

It was a sudden reaction. Huli ko nang napagtanto ang ginawa ko. My eyes widened and my face heated up when I realized that I stood up and slammed both of my palms on my table then shouted, which was really embarrassing. Sir Tery looked shocked because of what I did.

Oh believe me, Sir, I was shocked too because of my foolish act.

Narinig kong tumikhim si Sir bago muling nagsalita. "Oh...kay? I think, Ms. Coftia was really not in favor of having a remedial class," he said, "So, like what I said awhile ago, kung wala kayong 2 hours remedial class bukas, you'll just have a short quiz consisting of 10 multiple choice, 10 True Or False, 5 Identification, and 5 Enumeration, so bale 30 points lahat 'yon. The passing score is 10. There, happy?"

"Yes, Sir!"

Almost all of my classmates shouted in glee after hearing the announcement.

Sir Teryquin is indeed nice. Madali lang siya magpa-quiz at ang passing score ay mababa kaya lahat kami ay palaging pasado. He's actually an ideal teacher for me, magaling siyang magturo at hindi terror and plus the fact that he's a good looking man and a great teacher.

Lagi siyang nakikipag kulitan sa amin, kulang na lang makipag bardagulan siya sa mga kaklase ko, especially boys. I can still remember na inaya siya ng mga kaklase ko na mag-twerk na kaagad naman niyang sinang-ayunan. They twerked in front of his students!

Even though Sir Tery is already 34 years old, para lamang siyang college student na game sa kalokohan. Kahit na nakikipagsabayan siya sa kakulitan namin, hindi pa rin mawawala ang limitations, of course. We still need to respect him.

After a couple of minutes, Sir Tery dismissed us. Nanghihina akong napaupo habang sapo-sapo ang aking mukha.

I can hear some of my classmates are thanking me for objecting the idea of having a remedial class but they don't know that I was regretting what I've done!

Remedial class is better than quiz! Dagdag knowledge din 'yon!

"Sis!" On my peripheral vision, I saw my friends approaching. "Oh my gee! You're such an angel in disguise!" Matinis na saad ni Diancia at mahigpit akong niyakap.

"Yay! Nakatakas na naman tayo sa nakakaboring na remedial class ni Tandang Vilog!" Kiara shrieked with glee.

What...what?

"Huh? Si Ma'am Vilog ang magiging teacher natin sa remedial class kung nagkataon?" Tanong ko.

Is my mind too occupied awhile ago? Sabagay, ni hindi ko nga narinig na may remedial kami and worst walang pumasok na lessons sa utak ko ngayon!

Nagtataka silang tumingin sa akin sabay tumango.

"Hindi mo ba narinig kanina?" Medyo may pagkamalditang tanong ni Diancia ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Sanay na ako.

Oh my gosh! Buti na lang pala nag-object ako sa remedial class! Ang terror kaya ng teacher na 'yon!

I grimaced. Sa lahat ng subjects namin, ang Filipino ang...well, hindi naman sa ayaw, hindi ko lang talaga gusto 'yung teacher namin ngayon. Konting kamali lang magagalit na o kaya kapag late ka nagpasa ng assignment magagalit muna bago tanggapin. It's scary!

"Hoy, babaita! Mamaya ka na mag-isip d'yan! Uwing-uwi na ako! Nakakapaksyet talaga 'yong teacher natin sa Filipino! Ang daming dada, tatanggapin din naman!" Himumutok ni Kiara, humalukipkip siya bago inayos ang bag na nakasukbit sa kanyang balikat.

"Yep!" Diancia exclaimed, popping the 'p'. "Ang skeri!" Sabi niya, sabay silang tumawa ni Kiara.

Dinampot ko din ang backpack ko. "Hayaan mo na, at least tinanggap 'di ba? Magreklamo ka kung tinapon lang," sabi ko. Nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng classroom.

"By the way, pa-send ng notes mo mamaya ah?" I said to Kiara.

Tumingin siya sa akin. "Hindi ka ba nagsulat?"

"Are you dumb?" Napa-irap si Diancia. "Malamang hindi siya nagsulat! Kaya nga siya nanghihingi ng notes 'di ba?" She said, stating the fact.

Sabagay. May point siya.

Napanguso ako bago sumabat. Mahirap na baka magkaroon pa ng away.

"Nasira kasi ballpen ko, bibili na lang ako ng bago bukas." I said, partly true.

Gulat silang napalingon sa akin. "Ang yaman mo! Shuta ka, ginagawa mong Panda lang ang G-tech ah!" Natatawang ani Diancia.

"Kada mabali o mawala, bibili agad. Syet, baka naman, ehem, kahit isang ballpen lang." Nakangising sabi ni Kiara.

"Hmm, okay!" Tumango-tango ako. Rinig ko silang napasigaw ng 'Yes!', making me giggled.

Malapit na kami sa tapat nang pintuan nang mapansin kong natanggal ang strap ng sapatos ko kaya sinabihan ko muna sila Kiara na mauna na muna.

Yumuko ako at inayos ang strap, nang matapos ay kaagad akong itinaas ang ulo ko.

"Ay, baklang butiki! Waaaah!" Napasigaw ako ng wala sa oras nang biglang may lumitaw sa harapan ko. Dala ng kaba, napahawak ako sa bandang dibdib ko, ramdam ko ang malakas na kabog nito dahil sa gulat at niyerbyos.

"Hi!"

"What the...Xyrex?!" Hindi makapaniwalang saad ko.

How did he found me?

"P-Paano mo ako nahanap? S-Saka, a-anong ginawa mo dito?" Nauutal na tanong ko.

I saw him scratched the back of his head before answering, "Nagkataom lang din na nakita kita. Pauwi na sana ako kaso nakita kitang inaayos 'yang sapatos mo kaya nilapitan na kita. Naalala ko kasi na may utang ka pang date sa akin," he said, smirking a bit.

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano, hindi ako pwede! May...may lakad kami ng mga kaibigan ko! Nandoon sila, oh!" I pointed the bench beside our room and saw it was vacant! "Wait, what?! Nasaan sila?!" Nagpa-panic kong sabi.

He grinned at me, showing his boyish smile. "Well, I sorta told them that I'm the one who will take you home," he retorted. "Kaya ayon, umalis na sila."

Say what?! Bakit sila pumayag?! Ni hindi pa nga nila kilala itong lalaking ito! Unbelievable!

Marahas akong umiling. "Hindi pwede! Anong oras na oh! It's already..." pasimple akong sumulyap sa pambisig kong relo bago tumikhim at muling nagsalita, "...look, it's 5:30 na oh, I can't come with you."

My Dad will kill me!

I was about to walk away from him pero naunahan niya ako. He grabbed my hand, causing me to feel the unfamiliar electricity that I felt a while ago. Akmang babawiin ko ang kamay ko nang bigla siyang tumakbo. At ang masama pa doon ay kasama niya ako!

Hila-hila niya ako habang tumatakbo. Muntik pa akong matapilok at madapa buti na lamang ay naaalalayan niya pa rin ako despite of running.

Oh my God! It's happening! He will kidnap me na! Oh my G!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro