Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

(Still Ray Ann's POV)

Dinala ako ng aking paa sa pinakadulo ng beach, umupo ako sa white sand nito. Kinuha ko naman ang phone ko at pinindot ang Gallery, puro picture namin ni Blake at mga video habang naglalaro kami, ang laman ng Gallery ko. Habang pinapanood ko ang mga video namin ay pumapatak naman ang aking luha. Kumuha ako ng mga maliliit na bato at tinatapon sa dagat.

"I hate you Blake!!" sigaw ko

Wala namang masyadong tao dito kasi medyo malayo na 'to sa may mismong resort.

"I hate you kasi 'di ko magawang kalimutan ka!" sigaw ko uli

Umiiyak ako habang sumisigaw. Baliw na kung baliw.

"Sana maintindihan mo'ko," pabulong kong sabi

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ng dahil sa isang lalaki, pero para sa'kin hindi basta bastang lalaki lang si Blake. Mahal ko siya higit pa sa buhay ko...

"MAHAL NA MAHAL KITA BLAKE!!" sigaw ko

Umupo ako at nilagay ang ulo ko sa'king tuhod at doon umiyak ng umiyak. Naramdaman kung may umupo sa tabi ko.

"MAHAL DIN KITA RAY ANN!!" sigaw nito

Naiyak ako dahil naiimagine ko ang boses ni Blake pero malabo namang mangyari kasi nasa Hongkong siya. Nagulat ako 'nong may yumakap sa'kin. I can feel his warm body, kilalang kilala ko kung kaninong yakap 'to. MALABO pero sa tingin ko sa kanya ko lang naramdaman 'to.

"B-blake?" naiiyak kong sabi
"I miss you babe," sabi nya

Dahil sa katagang kanya binitawan 'di ko na napigilan pang tumulo ang aking luha. Niyakap nya ako.

"Shh, tahan na," sabi nya
"I hate you Blake!!"
"Bakit?" tanong nya
"Kahit anong gawin ko mahal pa'rin kita," sabi ko
"Bakit ba kasi nakikipagbreak ka? Kung mahal mo naman ako?" tanong nya
"Natatakot ako Blake na baka pagbalik mo dito hindi na'ko ang mahal nyan," sabi ko sabay turo sa dibdib nya

Niyakap nya uli ako.

"Hindi 'yon mangyayari, kahit sino pang mga babae dyan 'di ko papatulan, 'di kita ipagpapalit ikaw pa rin ang mahal ko," sabi nya

DAMN! I really miss this guy.

"Wala namang masama kung susubukan natin ang LDR," sabi nya
"Subukan natin, kung tayo talaga makakaya natin," sabi ko
"I love you Ray Ann Hwang," sabi nya
"I love you too Blake Crest."

Then, we both kiss passionately.

Xyrel's POV

Kanina ko pa sinusundan si Ray Ann. Nakita ko pa nga siyang umiiyak habang sumisigaw hanggang sa may yumakap sa kanyang lalaki. Nakita ko pa nga silang naghalikan, hindi ko alam pero nasasaktan ako kaya mabilis kong nilisan ang lugar na iyon at dinala ako ng paa ko sa bar.

"Isang bote ng Tequila," sabi ko

Binigyan naman ako ng isang bote ng alak. Tinungga ko lang ito hanggang sa naubos ko na. May tumabi sa'king babae 'di ko masyadong makita ang mukha nito dahil bukod sa hindi maliwanag ang paligid medyo umiikot ang aking paningin.

"Hi babe! Nag-iisa ka lang ba?" tanong niya
"Obvious ba miss."

Napairap naman ito dahil dahil sa inasta ko. Nagulat ako ng halikan ako nito pero agad ko siyang itinulak at lumabas na sa lugar na 'yon.

Ray Ann's POV

Naglalakad-lakad lang kami ni Blake, malapit nading gumabi.

"Alam mo bang sinusubukan kong kalimutan ka," sabi ko
"Wala ka namang napala," sabi nya
"Kaya nga, kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita," sabi ko
"Namiss ko 'yung pagiging sweet mo sa'kin," sabi nya
"Ako din, namiss kita."

Binackhug niya naman ako.

"Babe wag mo nang uulitin 'yun ah" sabi nya
"Oo babe, sorry uli" sabi ko

Hinarap niya ako at kiniss-an sa noo ko.

"Tara," sabi niya
"Saan tayo?" tanong ko
"Basta."

Naglakad kami papunta sa kung saan pumasok kami sa isang napakalaking masyon. Nakita ko naman sila Tita Britney at Tito Brage agad namang binati ko sila.

"Magandang hapon po Tita Britney and Tito Brage" bati ko
"Oh, nandito ka pala Ray Ann, bakit 'di mo manlang ipinaalam" -tita
"Di ko po kasi alam na dito pala kami sa Crest Resort, 'di na po ako magtatagal tita and tito kasi po baka hinahanap na'ko nila Prof. Javier"-ako
"Mag-ingat ka Ray Ann" sabay na sabi ni tito at tita
"Dad, mom hatid ko na po muna si Ray Ann" sabi niya

Naglakad na kami papunta sa room namin ni Xyrel.

"Pasok na'ko babe" sabi ko

Nang aktong papasok na'ko ay bigla akong hinalikan ni Blake sa labi.

"Namumula ka babe" natatawang sabi nya
"Ah, hindi wala 'yan" sabi ko
"I love you babe" sabi nya
"I love you too" sabi ko

Then, pumasok na'ko sa loob. Nadatnan kong wala si Xyrel, saan kaya siya nagpunta? Makaligo na nga lang. Lumabas ako at nag-ayos na. Biglang bumukas ang pinto nakita ko si Xyrel na pagewang-gewang. Inaalalayan ko siya agad at inihiga sa kama.

"Bakit ka nagpakalasing?" tanong ko
"May problema lang" cold nyang sabi
"Ano?" tanong ko
"Wag mo nang tanungin" sabi nya

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro