Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9: Ikaw Lamang

----••••-----•••••-----

"XAVIER? bakit mo ito ginagawa sa akin?" Inulit ni Araceli ang tanong sa binata.

"D-dahil magkaibigan tayo." Iyon nalang ang nasabi ni Xavier kay Araceli.

Hindi niya masabi-sabi ang nararamdaman agad sa dalaga dahil iniisip niya pa rin ang totoong katauhan niya na ang tao ay para lamang sa tao at hindi sa isang nag-aanyong lobo.

"Isa kang mabuting kaibigan, Xavier." Tapos ngumiti si Araceli at palihim na pinagmamasdan ang binata habang dinadampi ang isang halamang gamot sa kaniyang binti.

"Mabuti at tapat na kaibigan, binibini." Sagot ni Xavier.

Dumating naman si Amanda at Kasandra na dala-dala ang isang baso ng tsaa at kakanin.

"Siya nga pala, ginoong Xavier, si Xienna?" Tanong ni Amanda.

"Nasa bahay po, may dalaw."

Napatango-tango naman si Amanda.

"Kumain ka na muna, ginoo."aya ni Amanda.

"Salamat, binibini." Tapos tumayo na si Xavier at kinuha ang isang baso ng tsaa at ininom iyon.

"Kasandra, samahan mo muna ako sa hardin mamimitas lang ako ng mga bulaklak para malagyan natin ang mga paso." Biglang saad ni Amanda.

Pero sa katunayan ay gusto niya talagang mag-usap sina Xavier at Araceli.

Naiwan na naman si Araceli at Xavier.

"Gusto mo ng kakanin, binibini? Ang sarap pala nito." Sabi ni Xavier nang matikman ang kakanin.

"Halos araw-araw akong kumakain niyan, Xavier. Ako ang naghalo ng mga sangkap tapos si Ina ang nagluto."

"Ang sarap naman. Ang galing mo mag tansya ng mga sangkap, binibini."

Napangiti si Araceli sa papuri ni Xavier sa kaniya. Naubos agad ng binata ang kakanin.

"Maraming salamat, ginoo. Gusto mo ba, papadalhan kita niyan ngayon? Tapos bigyan mo ang iyong ate. Hmmmm...baka gusto rin ng iyong ama at ina."

"Wala na akong ina, binibini. Pero sige, salamat sa kakanin."

"Saan pala ang inyong ina?" Hindi mapigilan ni Araceli ang magtanong sa binata dahil parang may anong lungkot ang namumutawi sa mga mata ni Xavier.

"Matagal ng patay ang aking ina." Ikling tugon ng binata.

"Paumanhin." Hiyang sagot ni Araceli.

"Ayos lang iyon, binibini. Lahat naman may hangganan. Walang permanente sa mundo." 

Hindi na makaimik si Araceli sa sagot ni Xavier.

Bumalik na ulit si Xavier sa pwesto upang suriin ulit ang binti ng dalaga. Sa kaniyang nakikita ay marupok na talaga ang buto ng dalaga.

Ngayon pa lang siya makakagamot ng mortal na tao at handa siyang gamutin si Araceli kahit anong mangyari. Gusto rin niyang malaman kung hanggang saan ang kaniyang kakayahan bilang manggagamot.

"Hmmmm...kung matatapos man ang isang linggo at hindi ka pa rin makakalakad ay hindi ako titigil na gagamutin ka. Pangako, makakalakad ka." Sabi ni Xavier.

Kitang-kita naman ni Araceli ang determinadong ugali ng binata.

"Tutulungan ko rin ang aking sarili na gumaling. Susundin ko lahat ng iyong payo, Xavier. Maraming salamat."

"Huwag kang mag-alala, hindi ako mag sasawa na tulungan ka."

Napangiti si Araceli sa narinig.


KINABUKASAN pagkatapos magturo ni Xienna kay Araceli ay naghanda na rin ang pamilya De La Vega para makapunta sa tahanan ng pamilya Torres.

Hindi rin naka punta si Xavier dahil abala ito sa sariling pagamutan sa kanilang nasasakupan.

Kasalukuyang nasa kalesa ang pamilya De La Vega.

Tahimik lamang si Araceli habang minamasdan ang mga tao sa labas na abalang-abala sa kanilang kaniya-kaniyang diskarte sa buhay.

Nang marating nila ang tahanan ng mga Torres ay inalalayan na rin ni Don Felipe si Araceli na makaupo sa silyang de gulong.

Pagkatapos ay si Ariana na ang nag tulak sa silyang de gulong ng kaniyang ate.

Nakasuot ng kulay pulang baro at saya si Araceli. Kitang-kita ang kagandahan ng dalaga. Samantalang si Amanda ay nakasuot ng kulay asul na baro at saya, at si Ariana naman ay nakasuot ng kulay puting baro at saya.

"¡Bienvenido a nuestra casa, amigo mío!" (Welcome to our home, my friend!) Bati ni Señor Renato sa kakarating na pamilya De La Vega.

Maraming bisita ngayon sa bagong tahanan nila. Hindi rin makakapagkailang maganda ang pagkakatayo ng mansion.

"Hindi ko akalain na sa inyo pala itong mansion na ito. Feliz cumpleaños mi amigo." (Happy Birthday, my friend!) Sabay agbay ni Don Felipe sa matalik na kaibigan.

"Hahaha! Surpresa lamang ito, amigo. Pasok kayo sa aming tahanan."

Pumasok naman sila, buti nalang at walang hagdanan sa bungad ng kanilang mansion.

Nahiya naman si Araceli nang makita ang ibang binibini na nagbubulungan.  Nasa tabi lamang niya si Ariana at  Amanda na ngayon ay nakaupo na.

Samantalang ang kanilang mga magulang naman ay abala na sa pagk-kwentuhan sa iba, tapos dumating rin si Don Juan at ang esposa nito kasama ang kanilang anak.

Agad naman sinalubong ni Amanda si Rossana at kinuha ang kaniyang batang pinsan na si Julio at nilaro-laro ito.

"Yan pala yung anak ni don Felipe na lumpo?"

Narinig naman iyon ni Araceli at napayuko siya.

"Hahaha! Paano kung habulin siya ng mga halimaw? Tiyak malalapa siya."

Bulong ng dalawang babae habang nakakalokong tinitingnan si Araceli.

Narinig rin iyon ni Ariana at naningkit ang kaniyang mga mata at malalim na napahinga.

Hinawakan naman ni Araceli ang bisig ni Ariana upang pigilan.

"Tuturuan ko sila ng leksyon ate."

Tumayo na si Ariana at nilapitan ang dalawang binibini. Kalmado lamang siyang napatingin sa dalawa.

"Pakiulit nga ang inyong sinabi?"

"W-wala naman kaming sinabi." Depensa ng isang binibini.

"Talaga ba?" Tapos napahalukipkip ng kamay si Ariana sabay taas ng isang kilay.

"Ate mo 'yan? Buti hindi ka nagaya."
Sabat pa ng isa.

Napairap naman si Ariana sa kanila.

"Oo, hindi ako nagaya... pero kayo ba? Gusto niyo gayahin? Babaliin ko ang inyong mga buto!"

Tapos pinandilatan pa ng mga mata ni Ariana ang dalawa.

"Ariana..." Pigil ni Araceli sa kapatid.

"At anong sinasabi ninyo? Na unang lalapain ang ate ko kapag sinugod ng halimaw? Haha! Nakakatawa naman kayo. Mas halimaw pa nga ang mga ugali ninyo." Giit na sabi ni Ariana at tinarayan ang dalawang binibini. Bumalik na rin siya sa pagkakaupo.

"Sana hindi mo na pinatulan." Sabi ni Araceli.

"Ate, dapat lang na sawayin rin sila upang huminto." Saad ng kaniyang kapatid.

Lumapit naman si Arturo na galing pa sa kusina.

"Mga binibini..." Nagbigay galang si Arturo sa dalawa.

"...anong gusto niyo? Gusto niyong kumain muna ng panghimagas?" Tanong ni Arturo.

"Naku, nakakahiya. Mamaya nalang pagkatapos ng kainan." Sabi ni Araceli.

Tiningnan naman ni Ariana ang dalawang binibini na ngayon ay dismayado dahil hindi sila pinansin ni Arturo.

Inirapan nalang ni Ariana ang dalawang binibini.

NATAPOS na ang kainan sa pagdiriwang ng kaarawan ni Señor Renato. Naisipan naman ni Ariana na ipasyal ang kaniyang ate Araceli sa labas ng hardin ng mga Torres.

"Ate, naiihi ako. Pupunta muna ako sa palikuran ah, at baka pupuntahan ka rin ni Ate Amanda dito."

Napatango naman si Araceli sa kaniyang kapatid. Patakbo na pumunta sa palikuran si Ariana.

Bigla namang lumapit ang dalawang binibini na kanina'y kinukutya siya.

"Binibining lumpo. Kawawa ka naman..." Sabi nung isa.

"...sa tingin mo, may gusto sa'yo si Arturo? Haha! Naku! Ikaw magugustuhan? Ano nalang ang maisisilbi mo sa kaniya?" Dagdag pa niya.

"Kababata ko si Arturo. Kung kaya ay malapit kami. Huwag niyong bigyan ng anong kahulugan." Mahinahon na tugon ni Araceli.

"Hoy hoy! Mga impaktita! Hampas lupa kayo!" Sigaw ni Ariana sa dalawang binibini. Pabalik na siya sa kaniyang ate.

"Pakisabi sa iyong kapatid, hindi ko gusto ang tabas ng dila niya."

Sabay irap ng babae kay Araceli.

"Tayo na nga Prescila, baka kung mahampas pa tayo ng abaniko ng kapatid niya, sayang ang ating ganda."

"Siyang tunay, Ana." Sagot pa ng dalaga.

"Anong ganda ang pinagsasabi niyo? Hoy! Kung hindi mo gusto ang tabas ng dila ko, nakakasuka naman ang mga ugali ninyo." Sigaw ni Ariana sa dalawa.

"Anong kaguluhan 'to?"  Biglang sabi ni Arturo nang makita na parang pinagtatanggol ni Ariana ang kaniyang ate.

"Kanina pa nila pinagsasalitaan ng pangungutya si Ate Ara." Sumbong ni Ariana kay Arturo.

"Binibining Prescila?"

"Hmmm, ginoong Arturo?" Hinhin na sagot ni Prescila sa binata.

Si Prescila Santiago ang nag-iisang anak ng tanyag na Encomendieros sa ibang nayon. Kaalyansa ng Ama ni Arturo ang ama ni Prescila sa negosyo. At gusto rin ng ama ng dalaga na makasal ang kaniyang anak kay Arturo. Pabor naman kay Prescila dahil may gusto siya kay Arturo.

Naninibugho na siya ngayon dahil talagang mas maganda sa kaniya si Araceli at malapit pa ang binata kay Araceli.

"Matalik kong kaibigan si Ara. Kung gusto mo ng respeto galing sa akin, ay respetuhin mo ang aking kababata." Seryosong tugon ni Arturo kay Prescila at Ana.

"Paumanhin." Nakayukong sabi ni Prescila at pumasok ulit sila sa mansion.

"Kapag ginulo ka pa ulit, sabihin mo sa akin." Sabi ni Arturo kay Araceli.

"Naku kuya, nandito naman ako. Tatalakan ko sila habang buhay!"

Tumawa nalang ng mahina si Araceli at si Arturo dahil masyadong palaban si Ariana.

Dumating naman si Amanda na walang kaalam-alam sa nangyari.





ISANG linggo na ang nakaraan simula noong kaarawan ni Señor Renato. Mag-isa ngayon si Araceli sa kaniyang silid at hindi na nagtaka kung bakit parang hindi pa rin umi-epekto ang gamot. Pero, kapag inaalalayan siya ay nakakalakad siya na walang iniindang sakit, hindi tulad ng dati.

Naalala niya naman ang araw noong kinukutya siya ni Prescila at Ana. Napag-alaman niya rin mula kay Arturo na nagpaplano ang pamilya Santiago na ipakasal ang kanilang unica hija sa kaniya. Pero hindi pa tumugon si Arturo dahil hindi niya rin arok ang mga kaganapan. Parang nagmamadali ang lahat.

Nalulungkot siya para sa kaniyang kababata dahil talagang napakasuplada ni Prescila. Sa bawat salita na binitawan sa kaniya ay tagos hanggang sa kailaliman ng kaniyang puso.

"Lumpo!"

"Kawawa ka naman, lumpo."

"Binibining Lumpo."

Mga litanyang bumabalik sa isipan ni Araceli. Napapikit na lang siya at napaluha hindi niya mapigilang hampasin ang kaniyang mga binti.

"Nagiging pabigat ka na Ara! Wala ka ng ibang ginawa kundi ang pahirapan sila ama at ina!" Sabi ni Araceli sa sarili habang hinahampas parin ang mga binti.

Nabigla nalang siya nang may pumigil sa kaniyang mga kamay.

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili kung bakit nasa ganiyan kang kalagayan. Kung sino man ang nagsabi sa iyo ng masasakit na salita ay nararapat lang na malugmok sa lupa. At kung sa tingin mo ay nanliliit ka na sa iyong sarili ay nandito naman ako, handa kang ipagmalaki sa lahat."

"X-Xavier?" Nagtatakang tanong ni Araceli. Nagtataka na rin siya kung bakit nakapasok ang binata sa kaniyang silid.

Lumuhod si Xavier at pinunasan ang mga luha ni Araceli gamit ang kaniyang hinlalaki.

"Sshhh, huwag ka ng maghinagpis sa walang kabuluhan na mga bagay, Ara." Malambing na sabi ni Xavier.

Naunang nakarating si Xavier sa tahanan ng De La Vega dahil bumili pa ng gagansilyuhin si Xienna sa lungsod.

Pagkarating ni Xavier sa tahanan ng De La Vega ay walang tao. Narinig naman niya ang boses ni Araceli na umiiyak at sinisisi ang sarili sa kalagayan.

"Gagaling pa ba ako?" Wala sa sariling tanong ni Araceli.

"Kung hindi na, huwag mo ng sayangin ang oras mo sa akin, Xavier. Naaabala ka pa..."

Napatitig si Xavier sa mga mata ni Araceli.

"Hindi ako susuko, Araceli."

"Huwag mo ng sayangin ang oras sa akin, Xavier! Pinapagod mo lang ang iyong sarili!"  Sigaw ni Araceli sa binata.

Natigilan namam ang dalaga sa sinabi. Hindi na siya ngayon makatingin sa binata.

"Paumanhin." Iyan nalang ang nasabi ni Araceli.

Samantalang si Xavier naman ay pinagmasdan lang ang mukha ni Araceli na nawawalan na ng pag-asa.

"Alam mo ba kung bakit ko ito ginagawa?" Tanong ni Xavier.

"Dahil gusto kong makita ka na makakapagliwaliw sa malawak na lupain kung saan mahahabol mo ang mga inosenteng paru-paro, Makakapagtampisaw ka sa ilog at makakapunta ka sa mga lugar na gusto mo..."

"...kahit habang buhay kitang gagamutin, hindi ako mag-sasawa. Kahit umulan o bumagyo, sisikapin ko  na puntahan ka lamang upang gamutin ka at makita kang gumaling." Mataas na litanya ni Xavier.

"Nagsasayang ka lang ng oras, Xavier. Ano ba ang iyong gusto?" Giit pa ni Araceli.

"Ikaw."

"Ano?"

"Hindi mo ba nahahalata sa una pa lang?"

"Hindi ko maintindihan." Sabi ni Araceli na ngayon ay naguguluhan pa rin.

"Ginagawa ko ito, nagsasakripisyo ako na gagawin ang lahat upang gumaling ka dahil..."

"INIIBIG KITA, Ara!" Diretsong sabi ni Xavier sa dalaga.

Halos walang kurap na napatitig si Araceli sa binata.

Samantalang si Xavier ay hindi na napigilan ang pagsabi ng nararamdaman sa dalaga.

------•••••-----•••••-----•••••----
Featured Song: Ikaw Ang Iibigin ko by Jos Garcia

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro