Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8: Ikaw, Ako, at Siya

----••••-----•••••----

KASALUKUYANG nakikinig sa pagpupulong si Xavier. Nasa harapan ngayon si Don Romualdez.

Si Don Romualdez ay ang ika-pitong namuno sa kanilang nasasakupan. Sumunod siya sa pamumuno ni Don Quasimodo Sarmiento, ang ama ni Xavier. Samantalang ang ama ni Xavier ay namuno na ngayon sa larangan ng pangangasiwa ng batas.

"Sa ngayon na naging mas mapagmatyag na ang mga tao sa bayan ng San Fernando ay mahihirapan na tayong makakuha ng hayop..."

"...alam ko na lumabag na naman tayo noong nakaraang gabi." Sabi ni Don Romualdez na nakatayo sa kanilang harapan.

Naramdaman ni Xavier na may umupo sa kaniyang tabi. Hindi niya nalang pinagbalingan ng pansin.

"Kumusta ka, Xavier?" Pabulong na sabi ni Estrella sa binata.

"Mabuti ang aking kalagayan." ikling sagot ni Xavier na nakatingin lamang sa harapan. Wala siyang balak humarap kay Estrella.

"Maari ba naming marinig ang suhestiyon mo, Don Sarmiento?" Tanong ng don sa ama ni Xavier.

Tumayo naman si Don Quasimodo at napatingin sa mga tao sa kanilang harapan.

"Isa sa mga batas ko ay ang pag ba-bawal kumain ng laman ng tao." Panimula ng don.

"Ngunit, noong nakaraan ay ating nilabag ito pero naiintindihan ko rin naman dahil kinakailangang mapuna ang pangangailangan ng bawat taong lobo..."

"...sa katunayan ay nag-usap na kami ng tagapangasiwa ng salapi na si Don Vargas, patungkol dito."

Nagsimula ng magbulong-bulungan ang kanilang mga mamamayan.

"Bilang isang tagapangasiwa ng batas naisipan kong kumbinsihin ang aking mga kapanig na gagamitin natin ang  naipong salapi sa pagbili ng mga hayop." Sabi ni don Quasimodo.

Napatango-tango naman ang iba. Ang iba naman ay naguguluhan.

"At isa sa mga batas na pwede ko ng bitawan ay, makikipag-alyansa tayo sa mga tao. Ang sinumang mahuli na mag sabi sa totoong katauhan sa mga mortal na tao ay makakaranas ng parusa." Dagdag pa ng don.

Tumango naman si Don Romualdez. Noong nakaraang araw pa nag sabi sa kaniya si Don Quasimodo tungkol sa mga pagbabago ng batas na kaniyang maiimplementa. Napangiti na rin si Don Vargas sa mga bagong plano.

Samantalang si Estrella naman ay hindi makapaniwala na sinang-ayunan ng kaniyang ama ang mga bagong plano. Hindi niya iyon matatanggap dahil siya ang unang manghihina kapag hindi nakakatikim ng laman ng tao.

Napataas ng kamay si Estrella bagay na napansin ni Don Sarmiento, Don Romualdez, Don Cabrera at ng kaniyang ama.

"May suhestiyon ka ba, hija?" Tanong ni Don Quasimodo.

Tumayo naman si Estrella at nagsalita.

"Lumalaki na po ang ating populasyon, may posibilidad po na maubos ang ating salapi na hawak ng aking ama."

"Ano ba ang ibig mong iparating hija?" Tanong ulit ni Don Quasimodo.

Nakita naman niya ang kaniyang ama na napailing nalang at tiningnan siya ng seryoso. Nakatingin na rin sa kaniya ang mga tao maliban kay Xavier na nakatingin sa harapan at nakikinig lamang.

"Baka maubos ang mga salapi para sa mga manggagawa." Rason ni Estrella.

"Kaya nga plano namin ay pwede ng maki-alyansa ang mga katulad natin sa mga mortal na tao, pwede sila mag trabaho sa bayan kung gugustuhin nila. Ang mga salapi ay ipangbibili natin ng mga hayop at paramihin. Nang sa gayon hindi na tayo makagambala sa mga taong bayan..."

"...ngunit sa isang kondisyon, kung sino man ang kumalas sa samahan at magsabi ng ating sekreto ay may parusa, bahala na si Don Cabrera kung ano ang parusang ipapataw niya..."

"...taga gawa lamang ako ng batas. At isa pa sa mga batas ko ay huwag kayong maging alipin ng mga mortal na tao. Kung gusto ninyong mag tinda sa bayan o mag negosyo ay ganoon lang. Dahil sa oras na naging alipin kayo ng mga mortal, mabubuking ang ating sekreto." Mahabang paliwanag ni Don Quasimodo.

Napahinga ng malalim si Xavier dahil naiisip niyang may masamang epekto pa rin ang hindi paghihigpit ng kaniyang ama sa kanilang nasasakupan.

Umupo ulit si Don Quasimodo at tumayo na naman si Don Romualdez.

"Maraming salamat, amigo. Magiging mahigpit parin ako sa lahat at nakabantay rin ang mga hukbo ng mababangis ni Don Cabrera. Sa lahat ng doktor, guro, at mga manggagawa ng ating nasasakupan, sana ay huwag ninyong kaligtaan ang ating samahan kung sakaling magtatrabaho kayo sa bayan. May responsable at aktibo parin dapat kayo sa ating nasasakupan. Gracias. La reunión está cerrada." (Thank you, the meeting is now close.) At nag bigay galang na si Don Romualdez.

Tumayo na rin si Xavier upang lapitan ang ama. Samantalang si Estrella naman ay hindi na nagtaka kung bakit palagi nalang siyang tinatalikuran ni Xavier.

"AMA, malapit na talagang makalakad si Ara." Masayang sabi ni Amanda sa ama na ngayon ay inalalayan  si Araceli na makatayo at pinahakbang-hakbang ang pag lakad.

"Talagang magaling na manggagamot si Xavier, tatlong araw pa lamang ang nakaraan pero kita na natin ang pagbabago." Manghang litanya ni Don Felipe.

Napangiti nalang si Araceli habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ng kaniyang ama.

Si Ariana naman ay maaga pang pumasok sa skwelahan.

"Don Felipe, nandito po si Ginoong Arturo." Sabi ni Kasandra na kararating lamang galing sa palengke.

"Papasukin mo hija."

"Sige po."

Tinanguan naman ni Kasandra sabay ngiti si Arturo.

"Salamat, binibini."

Pumasok na si Arturo at napangiti nang makita ang mag-ama na ngayon ay masayang nagk-kwentuhan habang inalalayan parin ng don ang anak.

"Magandang umaga mga binibini, magandang umaga rin po, Don Felipe."  Bati ni Arturo sa kanila.

"Magandang umaga, hijo. Umupo ka. Tamang-tama, dito kana rin kumain ng agahan, nagluluto pa ang ina nila."

"Salamat po, pero tapos na po akong nag-agahan."

"Ganoon ba, siya nga pala bakit ka naparito hijo?" Tanong ni Don Felipe na ngayon ay pinapaupo na si Araceli sa kaniyang silyang de gulong.

"Ah--naisip ko lang po na bisitahin kayo dito at ipaalam sa inyo na kaarawan na ng aking ama bukas. Isasabay po sa pagbasbas sa aming bagong tahanan." Nahihiyang sagot ni Arturo.

"Bukas ba ang kaarawan ng iyong ama? Ang tanda ko na at nagiging makakalimutin na ako. Sige, pupunta kami."

Napunta ang mga paningin ni Arturo kay Araceli at nagkangitian silang dalawa.

PAGKATAPOS mag-agahan ay naisipan ni Araceli na magliwaliw sa kanilang hardin kasama si Arturo.

"Naalala mo pa ba dati binibini, hindi pa ganito karami ang mga halaman sa inyong hardin, malawak pa na lupain ito tapos naglalaro tayong dalawa ng habulan o di kaya, sinasali natin ang iyong ate." Pag-alaala ni Arturo sa naging kabataan nila ni Araceli.

Hinawi naman ni Araceli ang kaniyang buhok ay marahang napangiti.

"Oo, palagi mo pa akong binibigyan ng matamis na aratilis." Sabi pa ni Araceli.

"Naaabot ko lang naman kasi." Sabay ngisi ni Arturo.

Biglang nalungkot si Araceli dahil sa mga panahong iyon ay nakakalakad at nakakatakbo pa siya.

"Bakit binibini?" Napansin ni Arturo ang pag-iba ng emosyon ng dalaga.

"Naalala ko lang pa noong nakakalakad pa ako at nakakatakbo, may kalayaan na mag liwaliw sa malawak na kalupaan. Makipaghabulan sa mga ligaw na paruparo." Sabay hinga ng malalim ni Araceli.

"Darating rin ang araw binibini na makakalakad ka." Pagpapagaan ng loob ni Arturo kay Araceli.

"Arturo...pwede mo ba ako turuan mag bisaya?" Tanong ni Araceli.
Iniba na lang niya ang pag-uusapan. Dahil ayaw na ayaw niyang kaawaan.

"Hmmm. Ano ba ang gusto mong salita na isasalin natin?"

Napaisip naman si Araceli.

"Sana dumating na ang lalaking pinapangarap ko at tanggap ako kung sino ako."

"Haha, ang haba naman. Sige."

"Hinaot..." Panimula ni Arturo.

"...gayahin mo ako." Sabi ni Arturo.

Tumango naman si Araceli.

"Hinaot..."

"Hinaot..."

"Mo abot na ang akong..."

"Mo abot na ang akong..."

"Ginapangandoy na lalaki og andam na mudawat siya sa akoa."

"Ginapangandoy na...lalaki... Og adam..andam... na mu dawat siya sa akoa." Nauutal na ginagaya ni Araceli ang bawat litanya ni Arturo.

"Hahaha! Ang galing, binibini. Itutuwid natin..."

"...hinaot na mo abot na ang akong ginapangandoy na lalaki og andam na mo dawat siya sa akoa."

Namangha naman si Araceli sa pagiging tuwid magsalita ni Arturo ng bisaya.

"Napakaganda pakinggan ang salita na pangandoy." Manghang sabi ni Araceli.

"Oo, pangandoy ay pangarap kung isasalin sa salitang tagalog."

Napatango naman si Araceli at malapad na ngumiti sa binata.

"Ehem!"

Sabay na napalingon si Araceli at Arturo sa lalaking tumikhim.

Seryoso ang mukha nito habang nakahawak sa isang sisidlan na parisukat.

"G-ginoong Xavier, nanjan ka pala." Mahinhin na sabi ni Araceli.

"Magandang umaga sa inyo, ako ba ay naka disturbo?" Tanong ni Xavier na walang emosyon ang mukha.

"Hindi naman, ginoo." Tugon ni Arturo.

Kanina pa nanginginit ang mga mata ni Xavier mula sa kalayuan at pinagmamasdan silang dalawa na masayang nag-uusap.

Pagkatapos ng pagpupulong ay nag-usap muna sila ng kaniyang ama at pagkatapos ay dumiretso na agad si Xavier sa mansion ng De La Vega, upang tingnan at gamutin si Araceli.

"Pumasok na tayo, naroroon din ang aking ama." Sabi ni Araceli.

"Ah, binibini... Ako'y uuwi na sa aming tahanan, may aasikasuhin kasi ako."

"Sige, ginoong Arturo. Mag-iingat ka."

Bilin ni Araceli.

"Pakisabi nalang sa iyong ama at ina ha..." Sabay tingin ni Arturo sa kaniyang orasan na galing sa kaniyang bulsa.

"Sige, ginoong Arturo."

"Magkikita tayo sa aming tahanan bukas." At lakad takbong lumayo si Arturo sa kanila.

"Anong mayroon sa kanilang tahanan bukas?" Seryosong tanong ni Xavier.

"Kaarawan ng kaniyang Ama, ginoo."

Napatango naman si Xavier.

"Tayo na. Tatawagin ko lang si ama para buhatin ako paakyat ng hagdan."

May dalawang baitang ng hagdan ang tahanan nila Araceli bago makarating sa mismong pintuan ng kanilang tahanan.

"Ako nag ang magbubuhat sa'yo, huwag mo ng sayangin ang iyong boses. Walang malisya ito dahil mag kaibigan na tayo, hindi ba?" Mariin na sabi ni Xavier sa dalaga.

Naalala naman ni Araceli na nasabi na rin niya ang huling litanya kay Xavier noong hinawakan niya ang kamay ng binata at ginamot ito.

"Nakakahiya sa'yo, ginoo."

"Sshhh"

Wala ng magawa si Araceli at hinayaan nalang ang sarili na buhatin siya ni Xavier. Sa isip niya ay para silang bagong kasal.

"Hala..." Umarkong pabilog ang bibig ni Amanda nang makita si Xavier na buhat niya si Araceli.

"...Kasandra, pakisuyo naman. Kunin mo muna ang silyang de gulong ni Ara sa labas." Sabi ni Amanda kay Kasandra na ngayon ay natulala na rin sa nakita.

Agad naman sinunod ni Kasandra ang utos ni Amanda.

Samantalang si Araceli naman ay hindi na mapigilan ang hiya. Naamoy niya ang mabangong amoy ni Xavier at nakikita niya ang pag galaw ng adam's apple ng binata. Nakapulupot rin ang kaniyang mga bisig sa leeg ni Xavier.

"Heto na po." Sabi ni Kasandra na ngayon ay pinagpagan ang silyang de gulong.

Pinaupo naman ni Xavier ng dahan-dahan ang dalaga.

"Naabala ka pa, ginoo." Hiyang sabi ni Araceli.

"Walang problema iyon, binibini." Tugon ni Xavier. Pinigilan lamang ng binata na lamunin siya ng kilig kung kaya ay sineryoso niya ang kaniyang mukha.

Dumating naman sila Don Felipe at Doña Viviana. Nakahinga ng malalim si Amanda dahil hindi naabutan ng kaniyang mga magulang ang pagbuhat sa binata sa kaniyang kapatid.

"Magandang Umaga po don at doña." Bati ni Xavier.

"Nandito ka na pala hijo, Ara, nasaan si Arturo?" Tanong ni Doña Viviana.

"Nagmamadaling umuwi po." Tugon ni Araceli.

"Hijo, nakikita ko na isa kang magaling na manggagamot, hindi na nasasaktan si Ara kapag tumatayo siya." Pagmamalaki ni Don Felipe kay Xavier.

"Talaga, Binibini?" Tanong ni Xavier sa dalaga sabay ngiti dito.

Tumango naman si Araceli at napangiti na rin.

"Salamat, hijo..." Sabay agbay ni Don Felipe sa binata.

"Siya nga pala, may lakad kami ngayon. Pupunta muna kami sa kabilang baranggay." Paalam ng don.

"Ikaw muna dito, anak. Kung dadating man si Ariana ay sabihan mo nalang." Sabi pa ni Doña Viviana na ngayon ay inaayos ang saya at balabal.

"Sige po, ina. Mag-iingat po kayo ni ama." Bilin rin ni Amanda sa kanila.

"O hijo, gamutin mo lamang si Araceli ha. Bantayan mo rin Amanda at baka sa kasalan ito mauwi. Hahahaha!" Biro pa ng don sa kanila.

Tumawa naman sila maliban kay Xavier at Araceli.

"Ama naman." Suway pa ni Araceli.

"Biro lang anak. O sya, sige, aalis na kami."

"Huwag magpapasok ng kahit sino." Bilin pa ng Doña.

Sabay na lumabas ang dalawa at pakanta-kanta pa si Don Felipe habang inagbayan ang asawa.

Napangiti nalang si Araceli dahil talagang itinalaga ang kanilang magulang para sa isa't-isa upang magmahalan.

"Pwede na kitang gamutin."

"Ah-sige, ginoo."

"Tawagin mo na lamang akong Xavier."

Hinanda na ni Xavier ang mga kagamitan.

"Ipagtitimpla ko lang ng maiinom si Ginoong Xavier." Sabi ni Kasandra.

"Isama mo na ako." Habol ni Amanda sabay kapit niya sa braso ni Kasandra.

"Kumusta ka naman, binibini?" Tanong niya sa dalaga.

Inoobserbahan ni Xavier ngayon ang mga halamang gamot sa bote.

"Ayos lang naman ako. Kumusta si Binibining Xienna."

Tatlong araw na ring hindi nakakapagturo si Xienna sa kadahilanang dinadalaw ito ng regla.

"Hindi ko pala nasabi, bukas pa makakaturo ang aking kapatid. May iniinda lamang siya ngayon."

"Ano ba ang nangyari sa kaniya, Ginoo?---ah, Xavier." Biglang nag-alala si Araceli sa kaniyang guro.

"Yun bang buwan-buwan na dumadalaw sa inyo."

"Ano?---ahhh..." Naintindihan na agad ni Araceli ang pinaparating ng Xavier.

"Kakaiba talaga kayong mga babae, kung kaya ay saludo ako sa inyo." Sabi ni Xavier at napangiti sa dalaga.

"Salamat, Xavier."

"Kung mag-aasawa man ako ay hindi ko pababayaan dahil siya ang magdadala ng aming magiging supling." Sabi ni Xavier.

Kinuha na rin ni Xavier ang isang libro na nakasulat sa baybayin. Naglalaman doon ang pangalan ng mga halamang gamot na hindi nakikita sa lupain ng San fernando.

"M-matanong ko lang, Xavier... Ikaw ba ay mayroon ng nililigawan?" Tanong ni Araceli sa binata.

"Wala pa naman, binibini. Ikaw ba? May nanliligaw ba sa'yo?"

Tinitigan ni Xavier ang mga mata ni Araceli. Iniwas naman ng dalaga ang kaniyang paningin sa binata sabay iling.

"Bakit wala pa? Akala ko ba ay manliligaw mo iyon si Arturo?"

"Ha? H-Hindi. Kababata ko si Arturo." Depensa ni Araceli.

"Ganoon ba, paano kung manligaw sa'yo?" Sabi ni Xavier, abala na siya ngayon sa pagtingin sa bawat pahina ng libro at sinusuri ang mga halamang gamot na kaniyang nadala.

"W-wala naman sigurong masama." Sagot ni Araceli.

Parang tinusok naman ang puso ni Xavier.

"Paano kung may lalaking lihim na inaasam ka sa malayo?"

"Sana naman ay magpakilala. Ang gusto ko lang ay tanggap ako, Xavier. Hindi magdadalawang isip na mahalin ako kahit ganito ang aking kalagayan..."

"...lagi ko naman hinihiling na sana ay may tatanggap sa akin kahit hindi ako nakakalakad." Napayuko si Araceli at nahihiya sa binata na nagsabi siya ng kaniyang saloobin.

"Gagaling ka naman, binibini. Hindi rin ako susuko sa pag gamot sa iyo hanggang hindi kita mapapagaling."

"Baka naabala na kita, Xavier. At isa pa, hindi ka pa nagpapabayad."

Ngumiti ng marahan si Xavier at sinimulan ng sinuri ng binata ang binti ni Araceli.

"Wala iyon. Hindi mo naman ako naabala, binibini."

"Bakit mo ito ginagawa, Xavier? Hindi pa tayo magkakilala ng lubos pero ang iyong kabutihan sa akin ay sobra sobra."

Hindi naman nakaimik si Xavier.

Isa lang naman ang rason kung bakit niya ginagawa ang lahat para kay Araceli.


Dahil mahal kita, Araceli. Mahal na mahal.

Sagot ni Xavier sa isipan niya.
------••••-----••••-----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro