Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7: Paninibugho

------•••••------•••••------•••••
ARAW na ng sabado at hinahanda na ni Xavier ang kaniyang kagamitan panggamot.

Nagsuot siya ng puting polo at nagpabango upang maging kaaya-aya siyang tingnan ni Araceli.

"Himala at nagsuot ka na ng kulay puting damit."

Bungad ng kaniyang ate nang makalabas siya ng kaniyang silid.

"At dapat ngumiti ka, mukha kang nagluluksa parati." Dugtong pa ni Xienna.

Ngumiti naman ng matipid si Xavier.

"Oo na ate."

Naabutan naman ng binata ang kaniyang ama sa sala na kausap ang ama ni Estrella na si Don Diego Vargas.

"Anak..." Tawag ng ama kay Xavier.

"Po? Ah--magandang umaga, Don Diego." Bati ni Xavier.

"Saan ka tutungo hijo tila bihis na bihis ka?"
Usisa sa kaniya ni Don Vargas at napatingin pa sa dala ni Xavier.

"Sa bayan po, may aasikasuhin lamang na importante."

"Ganoon ba, pwede bang pakiabot nalang ang salapi na ito kay Sebastian?" Sabay kuha ni Don Diego ng salapi sa kaniyang bulsa.

"S-sige po, Don Diego."

"Maraming salamat, hijo."

Napatango naman si Xavier at nagpaalam na sa dalawa.

"Ama, aalis na po ako."

At tumalikod na siya. Napahinga na lang siya ng malalim dahil bibisitahin niya ngayon ang pinaka matalik na kaibigan na si Sebastian Vargas na isang pari sa pinakamalaking simbahan ng San Fernando.

Si Sebastian Vargas ang panganay na kapatid ni Estrella at Ramon. Hindi niya matanggap ang pagkalat ng sumpa sa kaniyang pagkatao kung kaya ay mas minabuti nalang niya na kontrolin ang sarili sa pagpatay ng mga tao o hayop at ibinaling ang sarili sa pagse-serbisyo sa simbahan at pinutol ang ugnayan sa kanilang nasasakupan.




NARATING na ni Xavier ang simbahan at napatitig siya sa mga santo. Ngumisi na lamang siya sa mga ito.

"Sila ba talaga ang gumawa sa atin? O tayo ang gumagawa sa kanila?"

Natigilan si Xavier nang may pamilyar na boses ng lalaki ang nagsalita sa likuran niya. Napalingon siya at nakita niya si Sebastian na nakasuot ng puting sutana habang nakatingin sa mga rebulto.

"Linya ko 'yan dati." Ikling tugon ni Xavier kay Sebastian.

Napatawa naman ng mahina si Sebastian sa sinabi ni Xavier

"Alam ko, matalik kong kaibigan. Hindi ko malilimutan nang ako'y iyong tinulungan noon na umukit ng mukha ni Birheng Maria sa kahoy."

At inagbayan agad ni Sebastian si Xavier.

"Pilyo ka pa rin, Xavier."

Napatawa nalang din si Xavier.

"Naparito ka? Mangungumpisal ka na ba sa iyong mga kasalanan? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita."  Sabi ni Sebastian na ngayon ay binigyan niya si Xavier ng upuan.

Napatingin si Xavier sa kabuuan ng simbahan. Ngayon pa lamang siya nakapasok dito.

"Nagpaabot ang iyong ama ng salapi."

Sabi ni Xavier at kinuha ang pera sa kaniyang bulsa.

"Si ama talaga, ano ba ang gusto niya iparating? Hindi ko tatanggapin iyan."

Pinigilan ni Sebastian ang kamay ni Xavier.

"Bakit naman? Ayaw mo ng salapi?"

"Iba si ama, Xavier. Alam mo iyan..."

Napakunot ang noo ni Xavier.

"...kapag may ibinigay kailangan may kapalit. Ayaw ko ng ganoon. Isauli mo iyan. Kung gusto niyang bumalik ako sa puder niya, malabo na." Sabi ni Sebastian.

"Sige, ako na bahala." Sagot ni Xavier.

Napahinga ng malalim si Sebastian.

"Mag merienda nalang tayo, Xavier. Nga pala, ikamusta mo nalang ako kay Estrella at kay Ramon."

Natigilan si Xavier nang marinig ang pangalan ni Estrella. Naalala niya ang pag kompronta niya sa dalaga.

"Bakit? Halika na. Ipapakilala kita sa aking mga sakristan dito, baka maisipan mo rin na---"

Napatigil na lang si Sebastian at natawa sa reaksyon ng kaniyang kaibigan. Dahil kumunot-noo  na naman ito.

"AMIGO!" masayang sinalubong ni Don Felipe at Doña Viviana si Don Renato Torres at ang pamilya nito sa bungad ng kanilang mansiyon.

Nakiusisa rin si Ariana at Amanda kung sino-sino ang dumating.

"Ara! nandiyan si Arturo. Iyong kalaro mo dati!" Sabi ni Amanda kay Araceli na kalalabas lamang ng kaniyang silid.

"S-si Arturo?"

"Oo, Ara. Hahaha! Naalala ko pa noon na halos magkadikit na kayo palagi dahil si Arturo lamang ang gusto mong makalaro."

Napangiti naman si Araceli pero may halong lungkot dahil baka magtaka ang kaniyang dating kaibigan na ganito na ang kaniyang sitwasyon.

"Pasok kayo, grabe, binata ka na talaga Arturo. Naalala mo pa si Araceli?" Tanong ni Doña Viviana sa binata.

Yun, pumasok na sa isipan ni Arturo na Araceli pala ang pangalan ng dati niyang kalaro.

"O-opo." Sagot ni Arturo.

Tapos napunta ang kaniyang paningin sa dalaga na nakaupo sa silyang de gulong. Ngumiti si Araceli sa kaniya.

Wala pa ring kupas ang ganda ng dalaga sa paningin ni Arturo.

"Binibining Araceli...naalala mo pa ako?"

"Syempre naman...Ginoong Arturo."

Napatingin naman si Arturo sa mga paa ni Araceli. Iniluhod ni Arturo ang isa niyang paa at inabot ang kamay ni Araceli at hinalikan iyon.

"Ako'y nagagalak na makita kang muli, binibini."

Samantalang ang kanilang mga magulang naman ay nasa sala at masayang nagk-kwentuhan.

 Samantalang si Daniel naman ay nakatingin lamang sa kaniyang kuya na ngayon ay masayang nakikipag kwentuhan sa tatlong dalaga.

"Pwede kang maupo, ginoo."

Aya sa kaniya ni Kasandra.

"Salamat, binibini." Sagot ni Daniel sa dalaga.

Pakiramdam ni Daniel ay parang hindi siya kasali dahil may edad na sila, samantalang siya ay ang pinakabata.

NAGLAKAD nalang si Xavier papunta sa tahanan ng mga De La Vega. Dala-dala ang isang gumamelang payneta na kaniyang nabili sa tindahan ng mga palamuti. Nagtaka siya nang may isang magarbong kalesa ang nakaparada. Tiningnan niya ang gate at naabutan niya doon si Kasandra na nagdidilig ng mga halaman sa hardin.

"Binibini?" Tawag ni Xavier sa dalaga.

"G-ginoong Xavier, pasok ho kayo." hindi mapakali si Kasandra na nakita niya ulit si Xavier dahil humahanga siya dito at talagang may dating sakanya ang binata.

Sinabayan naman ni Xavier si Kasandra papasok sa mansiyon pero huminto lamang si Xavier sa pintuan.  Samantalang si Kasandra ay pumasok at dumiretso sa sala.

"Don Felipe, Doña Viviana...narito na po si ginoong Xavier."

"Papasukin mo, hija. Tamang tama at dito na rin siya manananghalian mamaya." Tugon ni Don Felipe.

"Opo." At bumalik si Kasandra sa bungad ng pintuan ng mansion.

"Halika na po, ginoo."

Pumasok si Xavier sa mansion. Naabutan niya doon na may kausap na isang lalaki si Araceli. Makikita niya sa mukha ng dalaga na masaya ito sa lalaking kausap.

Napatigil naman si Amanda at Ariana nang makita si Xavier sa bungad ng pintuan.

"Magandang umaga mga binibini." Bigay galang ni Xavier.

Natigil rin si Araceli at napangiti nang makita si Xavier.

"G-ginoong Xavier..." Sambit ni Araceli sa pangalan ng binata.

kinontrol ni Araceli ang kaniyang silyang de gulong upang makalapit sa binata.

"...salamat at dumating ka."

"Dadating ako, kahit anong mangyari...regalo ko nga pala sa'yo."

At ibinigay ni Xavier ang paynetang may disenyong gumamela.

Napangiti si Araceli dahil paborito niya ang bulaklak na gumamela.

"Salamat, p-paano mo nalaman ang aking paboritong bulaklak, ginoo?"

"Uhh...sinabi ng aking kapatid." Pagsisinungaling ni Xavier.  Kahit wala namang sinabi ang kaniyang ate sa kaniya.

"Sino siya, binibini?" Tanong ni Arturo.

"Ah--siya nga pala, si Arturo...Arturo, si Xavier...siya ang gagamot sa aking mga paa, ngayon--"

"Simula ngayon. Hindi ako titigil hangga't hindi kita mapapagaling."  Singit ni Xavier kay Araceli. Seryoso ang mukha ni Xavier na napatingin kay Arturo.

"Ginoong Xavier, ako'y nagpapasalamat dahil sa iyong kabutihan para sa aking kaibigan." Sabi ni Arturo at napangiti.

Ngumiti rin pabalik si Xavier sa binata.

"Hijo, matitingnan mo na ba ang mga paa ng aking anak ngayon?"

Biglang agbay ni Don Felipe kay Xavier.

"Ah--opo, Don Felipe." Sagot ni Xavier.

"Umupo ka dito, hijo."

Aya ni Don Felipe kay Xavier na umupo sa upuan. Tinulak rin ni Ariana ang silyang de gulong ni Araceli at pinaharap kay Xavier.

Nakatingin si Don Felipe at Arturo sa gawi ng dalawa.

"Maari mo bang itaas ng kaunti ang iyong saya, binibini?" Tanong ni Xavier.

"Ginoo?"

Ngumisi naman si Xavier.

"Para makita ko ang iyong mga paa, binibini."

Napatingin naman si Araceli sa ama na tila ba nanghihingi ito ng pahintulot. Tumango naman si Don Felipe.

"Babalik na muna ako sa sala mga hija at hijo." Sabi ni Don Felipe at bumalik sa sala.

Itinaas naman ni Araceli ang kaniyang saya. Tumambad ang makinis na binti at tuhod ng dalaga.

Nagdadalawang isip si Xavier kung idadampi ba niya doon ang kaniyang mga palad. Nagtama naman ang kanilang pangingin ni Araceli.

"Sana ay gumaling kana, Binibini. Para makapagliwaliw tayo sa bayan." Biglang sambit ni Arturo.

"Sige, Ginoong Arturo."

"Masyado pang delikado ang panahon ngayon para mag liwaliw." Seryosong tugon ni Xavier habang hinahanda ang mga maliliit na bote na may likido.

"Umaga kami mamasyal."

"Kahit na, nasa paligid lamang ang mga masasamang tao."

Nakapansin na rin si Amanda sa kilos at pananalita ni Xavier.

"Mga ginoo, gusto niyo ba ng tsaa? Ipagtitimpla ko kayo."

Basag ni Amanda sa nakakailang na pagtatagpo ni Arturo at Xavier.

"Samahan mo ako, Ariana."

Napatango naman si Ariana at sumabay sa kaniyang ate Amanda.

Habang nakatakip ang abaniko ay bumulong si Amanda kay Ariana.

"Napapansin mo ba?"

"Oo ate, parang naninibugho si Kuya Xavier. Parati niyang binabara si Kuya Arturo."

Bulong rin na tugon ni Ariana.

"Naku naku! Ako yung naiilang kanina. Haha!" Sabi pa ni Amanda.

Dinampi na ni Xavier ang kaniyang palad sa mga binti ni Araceli. Ramdam na ramdam ni Araceli ang lamig ng kamay ng binata na tila ba nanunuot sa kaniyang laman at buto.
Napapikit na lamang si Araceli.

"A-ayos ka lang ba, binibini?" Nag-aalalang tanong ni Arturo.

"Oo, nararamdaman ko lang ang lamig na nanunuot sa aking binti."

Sabi ni Araceli.

Naririnig ni Xavier ang bulungan ng dalawang magkapatid pero hindi na lang niya iyon pinansin.

"Pagkalipas ng isang linggo, gagaling ka na, binibini. At kung hindi pa rin ay maghahanap ako ng ibang paraan...inumin mo iyan tuwing gabi."

Sabay abot ni Xavier sa isang maliit na bote na naglalaman ng likido.

"Maraming salamat, ginoo."

"Sana ay gagaling ka, binibini." Sambit ni Arturo.

"Heto na ang mga tsaa, mga ginoo."

Sabi ni Amanda. Dala niya ang para kay Arturo at dala ni Ariana ang kay Xavier.

"Salamat, binibini." Sabi ni Xavier nang matanggap ang tsaa.


PAGKATAPOS mananghalian ay nag-usap pa si Xavier at ang mga magulang ni Araceli.

"Maraming salamat, talaga sa iyong pag-gamot sa aking anak. Sana ay tuluyan na siyang gumaling."

Taos-pusong sabi ni Don Felipe kay Xavier.

Napansin naman ni Xavier na tumatawa si Araceli habang kausap si Arturo. Nanginginit ang kaniyang mga mata na makita na kinakausap ng dalaga si Arturo.

"Walang anuman po. Ako'y tutuloy na po."

"Araceli, halika na muna. Uuwi na si Xavier."

Tinulungan naman ni Arturo si Araceli na kontrolin ang kaniyang silyang de gulong.

Nakiusyoso na rin ang mga magulang ni Arturo kay Xavier.

"Pupunta ka ba sa lunes, ginoo?" Tanong ni Araceli kay Xavier.

Tango na lang ang naging sagot ni Xavier. Nagtaka na man si Araceli dahil naging seryoso ito.

"Ako'y aalis na po."

At tsaka tumalikod na sa kanila.

Ano ba ang magiging laban ko kung iibig si Araceli kay Arturo? Parehas naman sila mga normal na tao.

Bahala na.

Sambit na lang ni Xavier sa sarili at nilisan ang tahanan ng De La Vega.

------•••••-----••••-----•••••----

Featured Song:

Pieces by Sum 41

A/N: para makompleto ang inyong imagination.

(yan po si Xavier Sarmiento)

(Yan po si Arturo Torres)

Ps: Si James Dean po ang nasa taas at sa ibaba ay si Charlie Sheen. (In real life. Sila po yung mga heartthrob noong dekada 80's).

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro