Kabanata 6: Nakatagong Lihim
-------•••••--------•••••---------••••
PAGKATAPOS ng pagpapahinga ni Xavier ay naisip niyang sunduin nalang ang kaniyang ate. Nag-ayos siya ng sarili upang kahit papaano ay maging presentable siya sa paningin ni Araceli. Binalik na rin niya ang pinintang larawan.
Napansin naman ni Xavier ang binasag niyang salamin sa tabi ng kaniyang bintana. Pinagalaw niya iyon gamit ang kaniyang isipan. Nagsibalik ang basag na salamin sa normal na ayos nito. Ang dating basag-basag ay nabuo at walang bakas ng anumang pagkabasag.
Isa ito sa mga kakayahan ni Xavier na siya lang ang nakakaalam, kahit na kaniyang kapatid at ama ay walang ideya sa kaniyang nakatagong kakayahan.
Lumabas na siya ng kanilang mansiyon at nakita niyang pumipitas ng sariwang bulaklak si Estrella. Hindi niya nalang ito pinansin at nilagpasan niya lamang ang dalaga.
"X-xavier..." Lakad-takbong hinabol ni Estrella si Xavier at nang maabutan ay hinawakan niya ito sa kanang balikat.
Napatigil si Xavier at hindi man lang lumingon kay Estrella.
"Paumanhin sa aking kapahangasang ginawa sa'yo. Ako'y nagbabasakali lamang na kapag nagawa ko iyon ay pwede mo na suklian ang aking nararamdaman para sa'yo."
Paliwanag ni Estrella.
Sa pagkakataong iyon ay nilingon na siya ni Xavier. Kitang-kita ni Estrella ang galit sa mga mata ng binata kahit kalmado lamang ang mukha nito.
"Hindi ganoon 'yon, Estrella..." kalmadong tugon ni Xavier.
Napayuko na lamang si Estrella.
"...kalimutan mo na kung ano man ang nangyari sa atin, huwag mo na akong guluhin pa, kung sakaling may mabuo diyan. Handa kong panagutan, pero ang magkaroon ng pagsukli ng pagmamahal sa'yo ay huwag ka ng aasa pa."
At tinalikuran na niya si Estrella.
Naiwan namang tulala si Estrella at may kung anong naramdamang sakit sa kabituoran ng kaniyang puso.
NASA kaligitnaan ng paglalakad si Xavier sa kagubatan nang may naaninag siyang mga kalalakihan na tila ba nagsisiyasat sa mga naiwang bakas ng napaslang na mga tao.
Napatago si Xavier sa isang malaking kahoy at sinusubukang pakinggan ang mga pag-uusap ng kalalakihan.
"Sa palagay ko, ang nakuha ni Don Juan na isang puting tela ay hindi iyon pag-aari ng mga napaslang."
"Ano ba sa iyong palagay ang nag mamay-ari?"
"Sa tingin ko ay isa sa mga halimaw."
"Eh? Ano naman ang gagawin niya sa puting tela?"
"Malay mo, may sugat na talaga yung halimaw tapos nalimutan niya lang tanggalin. 'di ba?"
Samantalang si Xavier naman ay lumabas na lang sa pinagtataguan at kaswal na naglakad at nilagpasan ang mga kalalakihan. Hindi naman siya napansin kung kaya ay diretso-diretso nalabg siyang naglakad.
"SINO naman ang ginuguhit mo binibini?" Tanong ni Xienna kay Ariana na ngayon ay nakikisali sa klase ng kaniyang ate Araceli.
Kasulukuyan silang nasa sala.
"Hmm...ginuguhit ko po si Ama, binibini." Tugon ni Ariana na seryosong seryoso sa ginagawa.
Natawa na lang din si Araceli. Samantala ang naiguhit naman ni Araceli ay isang bulaklak ng gumamela na kulay puti.
Paboritong bulaklak ni Araceli ang gumamela dahil magaan sa mata kung pagmasdan.
Si Xienna naman ay nasisiyahan sa dalawa dahil ang bilis lamang nila matuto.
"Mga binibini, may bisita po kayo."
Bungad ni Kasandra sa kanila.
Umarkong pabilog naman ang bibig ni Xienna nang makita ang kapatid.
"Akala ko ba hindi mo na ako susunduin dahil malaki na ako?"
Tanong ni Xienna.
Ngumisi naman si Xavier.
"Maari po ba akong pumasok, mga binibini? Magandang umaga pala sa inyo." Tanong at bati ng binata kay Araceli at Ariana na ngayon ay napatigil sa pagpipinta.
Wala sa sariling napatango si Ariana, samantalang si Araceli ay binalik ang sarili sa pag pipinta. Napangiti siya ng palihim kapag naalala niya ang naging itsura ni Xavier noong kinagat ito ng mga langgam.
"Salamat binibini."
Tapos tuluyan na siyang pumasok.
"Akala ko ba hindi mo na ako susunduin?"
Tanong ulit ni Xienna sa kapatid.
"Nagbago na pala ang aking isip."
Sabi ni Xavier.
Napailing nalang si Xienna.
"O siya sige. Kapag natapos na nila ang kanilang ginagawa ay pwede na tayong umuwi."
Napalingon naman si Araceli kay Xavier.
"Pwede kang umupo ginoo, kung gusto mo."
Natauhan naman si Xavier sa sinabi ni Araceli.
"S-salamat, binibini."
"Kumusta ang iyong kamao, ginoo?" Tanong ni Araceli habang abala sa pagtapos ng kaniyang ipinipinta.
Sinagi naman ni Xienna ang kapatid dahil nakatitig lamang ito sa gawi ni Araceli.
"A-ano? Binibini?" Bumalik sa sarili si Xavier.
Napangiti naman si Araceli.
"Ang sabi ko, kumusta na ang iyong kamao?" Sabay lingon niya sa binata.
"Ayos na, binibini. Maraming salamat sa iyong pag gamot---" napatigil si Xavier at napatingin kay Xienna.
"Alam ko na, Xavier. Sinabi sa akin ni Araceli. Hindi ka rin minsan marunong magpaalam."
Tumawa nalang sila tapos si Xavier ay ngumiti nalang dahil kabadong- kabado siya kapag si Araceli ang kaharap. Lalong lalo na kapag naiipit siya sa isang sitwasyon.
Hindi na lang umimik si Araceli dahil napansin niyang wala ng bakas ng anong sugat ang kamay ni Xavier. Nagtataka na siya dahil kahapon ay medyo sariwa pa ang sugat nito.
NATAPOS na ni Araceli at Ariana ang pagpipinta at napagdesisyunan na ni Xienna at Xavier na umuwi na.
"Hindi na ba kayo dito manananghalian?" tanong sa kanila ni Doña Viviana.
"Hindi na po, doña. Baka naghihintay na po si ama sa aming tahanan."
"Sige, kayo ay mag-iingat lamang sa daanan. Baka naroroon lang ang mga halimaw na nagmamasid. Napakadelikado sa panahon ngayon."
Bilin sa kanila ng doña.
"Sige po, doña. Maraming salamat. Araceli, Ariana... Uuwi na po kami."
"Siya nga pala, ginoong Xavier?"
Natigil naman si Xavier.
"Maari mo bang tingnan ang mga paa ni Araceli sa sabado?" Tanong ng doña sa binata.
"Opo, wala iyong problema." Saad ni Xavier sa doña at napatingin na siya ngayon sa gawi ni Araceli. Napaiwas naman ng tingin ang dalaga sa kaniya.
"Maraming salamat, ginoo. Kahit magkano, handa kami magbayad ng salapi basta't mapagaling mo lang aking anak. Hindi na kasi siya natitingnan ng aking kapatid dahil may katandaan na rin."
Sabi doña at napahawak pa sa mga kamay ni Xavier sa sobrang pagpasalamat.
"Hindi na po kailangang magbayad kayo ng malaki, doña. Hindi po ako magpapabayad."
"Naku! Grabe, napakabait mo, ginoo."
Halos mangiyak-ngiyak na ang doña.
Napangiti naman si Xavier at tumingin kay Araceli na bahagyang nagulat nang marinig ang sinabi ni Xavier na hindi siya magpapabayad.
"Wala po iyong problema."
Samantalang si Xienna ay masaya na rin sa kabutihang ginawa ng kaniyang kapatid.
Si Araceli lang pala ang susi upang maging mabait itong kapatid kong ubod ng suplado.
Sabi ni Xienna sa sarili. Hindi naman mababasa ni Xavier ang kaniyang iniisip kapag hindi sila nagpapalit ng anyo.
"Kami po ay aalis na, doña."
Paalam ni Xienna sa kanila.
"Sa sabado, hintayin mo ako binibini. Darating ako muli upang magamot na kita." Taos-pusong sabi ni Xavier kay Aracelli.
"Maraming salamat, ginoo. Hihintayin kita."
Nagkatinginan naman si Xienna at Ariana na parang tinuktukso nila ang dalawa.
"MALIGAYANG pagdating ulit dito sa aming lugar kumpare." Bati ni Don Juan sa kakarating na pamilya mula sa Sugbo.
Bumisita ang dating encomendieros sa pamamahay ni Don Juan na si Señor Renato Torres, kasama ang esposa nitong si Señora Josefa Torres at dalawang anak na sina Arturo Torres at Daniel Torres.
"Ang daming nagbago dito, kumpare. Pero, Ganoon pa rin ba?"
Tukoy ni Señor Renato kay Don Juan sa mga taong lobo na gumambala. Si Señor Renato ay isa sa mga malakas sa larangan ng negosyo, binata pa lang ay nagkaroon na siya ng maraming hektarya ng abaka at tubohan sa San Fernando at sa Sugbo. Nang mag-asawa ay sa Sugbo na tumira si Señor Renato dahil taga doon rin ang kaniyang esposa. Pero may tahanan rin sila dito sa San Fernando sa pangangalaga ng kanilang mayordoma.
"Oo. Hindi ko na alam kung paano puksain sila." Napahinga ng malalim si Don Juan.
"Bakit hindi nalang kayo gumawa ng patibong, kumpare?" Suhestiyon ni Señor Renato.
"Hindi sila basta-basta. Malakas sila at vigilanté."
Napainom nalang ng tsaa si Don Juan.
"Hala, kanindot man diay ari sa San Fernando, kuya no?" (Hala, Napakaganda dito sa San Fernando, kuya.)
Sabi ni Daniel na nakadungaw sa bintana at pinagmasdan ang mga tao sa labas na abala sa kanilang ginagawa.
Si Daniel Torres ang batang kapatid ni Arturo Torres. Nasa labing-pitong gulang na ito. Matangkad ito at kayumanggi ang balat, may kagwapuhang taglay rin ang binata.
"Gani, dugay na kaayo ko wa kabalik diri ba. Bata pa kaayo ko sa una nga naa mi diri." (Oo, matagal na akong hindi nakabalik dito. Bata pa ako noong nandito pa kami.)
Sambit ni Arturo na kalmado lamang na nakaupo sa isang silya. Nasa dalawang 'put tatlo na ang gulang ng binata. Natatangi ang kagwapuhan nito dahil purong kastila ito. Makapal ang kilay, mataas na ilong, mapupulang labi at may magagandang mata. Nakakapagsalita ng tatlong lengwahe at diyalekto ang binata. Mapatagalog, bisaya, at kastila ay kaya niya.
"Kuya Daniel, lantawa ra gud ng mga dibuho." (Kuya Daniel, tingnan mo iyong mga larawan.)
Sabi ni Daniel na ngayon ay nakatitig sa isang pinintang larawan ng buong angkan ng De La Vega.
"Nindot kaayo, kuya." (Ang ganda, kuya.)
Pinagmasdan ni Arturo ang mga larawan. Napadpad ang kaniyang tingin sa larawan ni Araceli na nakaupo sa isang silyang de gulong.
Napagtagbo ang kaniyang kilay sa pag-iisip dahil masyadong pamilyar ang babae para sa kaniya.
"Murag naka duwa naman jud nako na siya sauna ba? Ngano kaha naingana siya?" (Parang nakalaro ko na yan siya dati, ano kaya ang nangyari sa kaniya kung bakit nagkaganiyan siya?)
"Kaila diay mo, kuya?" (Magkakilala pala kayo, kuya?)
Tanong ni Daniel.
"Medyo kaila ko sa iya, pero ambot lang kung kaila pa ba siya nako." (Medyo nakikilala ko naman siya pero hindi ko lang alam kung nakakakilala pa ba siya sa akin.)
Titig na titig si Arturo sa larawan.
"Mga hijo, umakyat na po kayo sa taas dahil manananghalian na."
Sabi ng kasambahay nila Don Juan.
Umakyat naman silang dalawa at naabutan na doon ang kanilang ama at ina na masayang nakikipag kwentuhan sa Alcalde at kay Señora Rossana.
"Upo na kayo, mga hijo, ang lalaki niyo na. Lalo ka na Arturo. Ikaw ba ay may kabiyak na?"
Tanong agad sa kaniya ni Don Juan.
Napangisi naman si Arturo.
"Wala pa po, Alcalde."
"Hindi pa ako binibigyan ng apo, masyadong tutok sa negosyo."
Biglang sabi ni Señor Renato.
Tumawa naman sila.
"Susunod yata sa yapak mo, kumpare." Sabay mahinang tawa ni Don Juan.
"Nga pala, si Felipe?"
Pag-iba ni Señor Renato. Matalik na kaibigan ni Señor Renato ang dalawang mag-kapatid kung kaya ganito na lang kalapit ang loob ni Don Juan sa kaniya.
"Nasa Baler pa." Sabi ni Don Juan at nilagyan ng serbesa ang baso ni Señor Renato.
"Ganoon ba, bibisitahin na lang namin siya sa sabado."
"Pwede rin, katulad din iyon sa'yo, masyadong tutok sa negosyo."
Ngumisi na lang si Señor Renato at napailing.
Samantalang si Arturo naman ay parang nasasabik na makita ang babae sa larawan na minsan ng naging parte sa kaniyang buhay.
-----••••----•••••-----•••••------••••••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro